Prologue


*****

Chantelle's POV

"Girls, punta naman tayo doon, dali!"

"Hindi ba nakapunta na tayo doon?"

"Ano ka ba! Hindi pa!"

"Pagod na ako. Pahinga muna tayo!"

Napa-upo nalang ako sa isang bench habang si Clara ay napa-irap nalang.

"Girl, pangalawang destination palang natin ito pagod ka na?" taas kilay na tanong ni Kyla.

Inilagay ni Allysa ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang bewang, "Oo nga, tas' ang dami pa natin kaylangang mapuntahan. Last day na natin dito sa Korea, babalik na tayo bukas kaya kaylangan natin sulitin ito."

"Oo nga, pangalawa palang at marami pa kayong gustong puntahan. Pero mas pinili niyong mag lakad kaysa mag taxi! Ang layo ng nilakad natin oh!" angal ko habang inikot ikot ko ang paa ko para kahit papaano ay ma-stretch at maibsnan ang ngalay sa paa ko, "Balik nalang kayo next year pag nabitin kayo."

"Eh! Libre ito, girl. Wala kaming pera pang gastos sa mga expense," napairap nalang ako sa parang batang pagdadabog ni Clara.

"Mag-ipon kayo," inangat ko ang dalawa kong braso tsaka nag-bend patalikod "Kung gusto niyong makabalik ulit dito, mag-ipon kayo," narinig ko ang paglagatok ng buto ko, "Ohh!! Ang sarap nun!"

Nag-protesta naman yung tatlo. Napa buntong hininga nalang ako at muling umayos ng upo, "Sige ganito nalang, magpapahinga nalang muna ako rito habang kayo naman ay namamasyal. Kita nalang tayo sa hotel maya."

"Paano ka? Hindi ka namin iiwan dito ng mag-isa 'no!" umiiling na sabi ni Kyla.

"Tama si Kai. Where best friends hindi ka naman hahayaan na maiwang mag-isa dito, girl! Paano kung may mangyaring masama sa iyo? Paano kung makita ka nalang namin sa TV na walang buhay? Paano kung— aray!" napahimas nalang si Clara sa kaniyang binti pagkatapos ko siyang sipain.

"Ang OA mo," napanguso nalang si Clara, "Wag na garod kayong mamasyal at samahan niyo nalang ko rito."

"Pero gusto naming mamasyal," naka simangot na sabi ni Allysa.

Napa-hilot nalang ako sa aking sintido, "Alam niyo? Ang gulo niyo."

Magsasalita pa sana silang tatlo nang sumingit si Addison.

"Um-agree nalang kayo," tinanggal niya ang salamin niya tsaka ito pinunasan, "Alas tres na, malapit ng mag gabi," saka niya sinuot ulit yung salamin niya.

Tumango ako sa sinabi ni Addison bilang pagsang-ayon habang ang tatlo ay napa bugtong hininga nalang.

"Sige, sige na nga!" naiinis na kinamot ni Alyssa ang batok niya.

"Ingat ka ah," ma-dramang sabi naman ni Clara na parang ito na ang huling pagkikita namin.

OA talaga.

"Baka naman mamaya may Koreano na palang jowa itong si Cha-cha," naka-taas na kilay na komento ni Kyla habang nakahalukipkip.

"Psh! As if naman! Ayaw nga niyan sa mga Korean," natatawang anya ni Allysa.

"Oo nga. Di ko ba alam kung bakit, eh siya itong mukhang Korean," gatong naman ni Clara habang tinitignan ako mula paa hanggang ulo.

"Meron pa nga siyang kahawig na artista," anya ni Allysa.

"Ay oo," tinuro ni Kyla si Allysa, "Si Yeon Ji-hyun."

Napa irap nalang ako, "Hindi naman sa ayaw, hindi ko lang talaga type. At tsaka di ko kilala yung sinasabi niyo."

"Parang ganon na rin yun. At tsaka anong hindi mo kilala? Girl, kilala na actress yun! Gumanap siya sa mga sikat na K-drama tulad ng A Path, All Too Well, Clandestine, at The World Standstill! Singer din yun bhie! Legend yun dito sa Korea!" di makapaniwalang sabi ni Allysa.

"Eh, sa hindi ko nga kilala yun. Sikat nga siya at legend pero hindi ko talaga kilala yun. Though naririnig rinig ko yung Clandestine ta's A Path, pero wala talaga akong alam kung sino yung— anong pangalan nun?"

"Yeon Ji-hyun."

"Oo, yun."

"Mamaya na yan, tara na," singit ni Addison.

"Yes, Madam Addy," lumingon yung tatlo sa kaniya sabay yuko dahilan para mapailing si Addison. Ibinaling naman ni Addison ang tingin niya sa akin.

"Mag-ingat ka, Cha, lalo na't wala tayo sa Pilipinas. Malalagot ako kay Tito Anton pag may nangyari sayo."

"Sige, sige, insan," tango ko.

Napabuntong hininga si Addison sa tinawag ko sa kaniya, "Sinabing wag mo akong tawaging insan, nakaka-cringe."

"Couz nalang garod," ngumiti ako ng nang-aasar sa kaniya.

Napailing nalang siya sa akin at nagsimula ng maglakad.

"Mama nalang garod!"

Pero hindi niya parin ako pinansin. Tumatawa namang sumunod sila Allysa, Kyla, at Clara.

"Mommy! Madam! Boss! Inang!" patuloy na sigaw ko hanggang sa hindi ko na sila makita.

Pailing iling nalang ako habang tumatawa pero agad din akong tumigil ng makitang pinagtitinginan na pala ako ng mga tao.

'Shems, wala pala ako sa Pilipinas.'

Ngumiti at yumuko bilang paumanhin sa abala. Unti-unti naman silang bumalik sa kanilang mga buhay.

Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa ko para sana libangin ko ang sarili ko habang nagpapahinga pero hindi ko ito makapa. Magpa-panic na sana ako nang maalala kong nilagay ko pala muna sa bag ni Addison yung cellphone ko.

Napa-pikit nalang ako ng mariin, "Ang tanga mo, Chantelle!" singhal ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at napa-dilat, "Oh, anong gagawin ko ngayon?" iginala ko ang paningin ko, "Panoorin ko nalang itong mga Korean na ito."

Nilibang ko ang sarili ko habang pinapanood ang bawat taong nasa paligid. May mga naglalarong mga bata, nagbibiruan na magkakaibigan, nag-ti-tsimisan na mga babae, mag-jowa na naglalandi— retreat, retreat. Ayaw ko silang tignan, sakit nila sa mata.

Napadako naman ang tingin ko sa mag-ama na kumakain ng ice cream. At unti-unting umangat ang mga sulok ng mga labi ko habang pinagmamasdan ko sila.

"Miss ko na si Papa."

Isang buwan na kaming nandito sa South Korea para mag-shoot ng movie kaya homesick na homesick na ako. Miss ko na si Papa. Sa totoo niyan naaawa ako sa kaniya, kasi alam kong hindi kumpleto ang araw niya tuwing hindi niya nakikita ang mala-dyosang kong mukha, paano pa kaya kung isang buwan? Buti nalang uuwi na kami bukas baka pag-uwi ko punong-puno na ng ice cream gallon ang sahig ng bahay namin.

Bukod sa masaya akong makakauwi na ako sa Pilipinas, masaya rin akong aalis na ako rito sa Korea. Don't get me wrong ah. Hindi ako racist or judger or whatsoever. Medyo naiilang lang talaga ako sa mga Korean. Hindi ko kasi sila maintindihan, walang subtitle. Joke lang. Nakakaintindi naman ako ng Korean pero slight lang. Yung trabaho kasi ni Papa ko dati ay interpreter, pero writer producer na siya ngayon. At ako, bilang Daddy's girl, sumunod ako sa yapak niya. Kasalukuyan akong nagta-trabaho bilang production assistant sa isa sa mga pinakamalaking production company sa Pilipinas, ang Likha Pictures.

Pero mabalik tayo sa mga Korean. Wala naman akong problema sa kanila. Hindi lang ako komportable sa paligid nila. At iba talaga pag nasa sarili mong bansa ka, mas komportable ka. Alam mo yung pwedeng gawin, alam mo ang mga pwedeng sabihin.

Natawa nalang ako nang biglang pumasok sa isip ko yung mga kaibagan/co-workers ko. Dahil sa aming mag-kakaibigan ako lang ang hindi fan ng kahit anong K-pop o K-drama. Sinubukan pa nga nila akong hawaan pero hindi ko talaga sila type. Hindi sa hindi maganda yung mga kanta ng mga K-pop o dahil pangit yung mga K-drama. Sisikat ba sila kung hindi maganda yung mga kanta at drama nila? Syempre hindi.

Iba lang talaga kasi yung taste ko sa music and it may be sounds funny, pero sa kabila ng pagta-trabaho ko sa isang production company bilang production assistant, hindi ako ganon kahilig sa mga movies and dramas. I don't know why pero ganun. Mas prefer ko ang magbasa ng mga books at manood ng mga anime.

At tsaka nag-promise rin ako sa sarili ko na never ako magiging Korean stan katulad ng ibang kabataan ngayon o di kaya ng mga kaibigan ko. Gusto kong panindigan ang bawat salita sa Panatang Makabayan. Ganon ako ka-loyal!

Nabalik ako sa reyalidad nang may narinig ako na parang may nagkakagulo. Parang sigawan at tilian ng mga tao kaya napalingon ako kung saan yun nanggagaling. Nakita kong may mga nagkukumpulan na mga tao habang may hawak-hawak silang mga cellphone na parang may kinukuhanan silang picture o video. May mga nakikita pa akong naghahampsan na dalawang babae habang nakatingin doon sa sentro ng pinagkakaguluhan.

May sinisigaw din silang pangalan pero dahil medyo malayo ako sa kanila ay hindi ko masyadong naiintindihan. Yung mga taong nasa paligid ko ay nakatingin na rin sa kung saan may mga nagkakagulong tao na parang inaabangan nila yung tao na yun. Ini-stretch pa nga nung iba yung mga leeg nila para makasilip.

Ah... alam ko na kung ano yung pinagkakaguluhan nila. Celebrity.

Halata naman sa mga kilos ng mga tao na artista yung pinagkakaguluhan nila. At tsaka yung expression ng mga tao, ganyan na ganyan ang expression ng mga kaibigan ko nung namataan namin nung isang araw si— anong pangalan nun? Desung? Gaysung? Ba't ba kasi ang hirap-hirap banggitin ng pangalan ng mga Korean?!! Basta ang alam ko nasa A World Stand Still yun, ka-loveteam pa nga nun yung binangit nila Clara kanina na actress na si— sino na yun? Deh-eon? Ki-yeon? Ay, basta yun!

Napabugtong hininga nalang ako. Gusto ko ng makauwi sa Pilipinas kung saan pwede kong banggitin ang mga pangalang madaling bigkasin at matandaan.

Napangiwi ako at itinakip ang hintuturo ko sa isa kong tenga, nang may mga nagtitiliang taong nagsitakbuhan doon sa direksyon ng mga nagkakagulo.

Haist, naiinis ako sa mga taong ito ah. Istorbo sila sa payapa kong pagpapahinga. Psh, nagreklamo ang dayo. Pero gigil talaga ako.

Nakakagigil din na pinagkakaguluhan nila kung sino man yung artista na yun. Kasi for sure, gusto lang nun mamasyal ng payapa, siguro tumakas pa nga yun sa mga managers nun, then sisirain lang ng isang tao ang lahat after niyang ipangalandakan yung tao pagkatapos niyang ma-recognize kung sino yun. Like, gurl, hindi ba uso sa iyo ang word na privacy.

Pero siguro, dala na rin ng saya at excitement, hindi na niya naisip yung consequence na maaring gawin ng action niya doon sa artista. And maybe because it's their first time to see a celebrity.

Sa akin kasi, normal nalang sa akin yan. As a production asistant, marami na akong na-meet na artista, may ilan pa nga akong mga close. And isa pa tao lang din naman sila katulad natin, tumatae, umiihi, kumakain, natutulog. Kaya para sa akin wala kung artista ka o ano, kasi at the end of the day, tao parin sila. Ang naiba lang eh mas sikat at mas may impluwensya sila kaysa sa mga pangkaraniwang tao.

Medyo sumakit ang ulo ko sa mga iniisip ko at nangyayari sa paligid kaya pinili ko nalang na hindi sila pansinin at itigil ang anumang iniisip ko. Tumingin nalang ako sa mga cherry blossoms upang tulungan ang sarili kong kumalma. At nagawa ko naman yun.

Nasira nga lang ulit dahil biglang lumakas yung sigaw ng mga tao.

Napa-lingon ulit ako at may nakita akong babaeng tumatakbo habang may iba pang mga taong nakasunod sa kaniya sa kaniyang likod. Naka-suot siya ng pink sweatshirt, black jeans, at white cap. Hindi ko kita ang buong mukha niya dahil natatakpan nito ng subrero at black mask, pero masasabi kong maganda yung babae. Ang mata lang din ang visible sa kaniya.

At ng nagtama ang paningin naming dalawa napa-kurap ako.

Parehas kami ng mga mata.

At... Ano itong nararamdaman ko? Bakit parang may kung ano sa akin na gusto siyang makilala?

Napailing nalang ako dahil sa mga pinag-iisip ko. At titingin na muli sana sa ibang bagay ng sumingkit ang mga mata ko at confuse na tumintingin sa kaniya.

Ako lang ba o parang tumatakbo siya papunta rito?

Napakurap ako.

Maya-maya pa ay tumatakbo na rin ako kasabay nung babae.

What happened?

"Ate! Ba't mo ako biglang hinatak?!" sigaw ko habang parehas kaming kumakaripas ng takbo.

My gosh, anong nangyayari sa buhay ko? Kanina ang payapa kong nagpapahinga tas ngayon kasali na ako sa fun run?

Gusto ko ng umuwi sa Pinas.

*****

Comment