Chapter 3: The Manager

*****

"... Oo, Pa. At saka makikita mo naman na ulit yung maganda mong anak."

"Ha? Sino? May iba pa ba akong anak?"

Napa-irap nalang ako sa sinabi ni Papa, "Sakyan mo nalang kasi ako, Pa."

Narinig ko ang pagtawa ni Papa mula sa kabilang linya, "Okay po. Teka lang," tumikhim siya ng ilang beses, "Yes! Sa wakas! Sa napakatagal na panahon makikita ko na ang pinaka maganda kong anak. Yahoo!!"

Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi ng Papa ko. Narinig ko ang pagbukas ng sliding door mula sa likod ko. Lumingon ako at nakita kong si Addison pala ang lumabas sa balcony. Inunat ko ang leeg ko para sumilip mula sa likod niya kung saan nagtatawanan habang nagku-kwentuhan sa loob ang tatlo ko pang mga kaibigan at ang bigtime naming guest. 

Muli kong binalik ang tuon ko sa pinsan ko na ngayo'y nakatingin sa akin na para bang may hinihintay siya na sabihin ko.

"Sige, Pa. May gagawin pa ako."

"Ganon ba? Sige. Ingat ka diyan anak."

"Kayo rin. Bye. Love you, Pa."

"Love you rin, anak."

Pagkatapos ay ibinaba ko na ang tawag at ibinulsa ko ang phone ko. Tumalikod ako kay Addie at humarap sa magandang view ng mga gusali ng Seoul. Ipinatong ko ang aking dalawang braso sa railing ng balcony habang ang pinsan ko naman ay ginaya ako. Parehas kaming nakatingin sa baba at pinapanood ang mga sasakyan na tumatakbo sa kalsada. Ang malamig na hangin ay dumadampi sa aming mga balat at humahawi sa aming mga buhok.

Makalapas ang ilang segundo ay binasag ko rin ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa, "Kanina habang nakatingin sa akin si Tita Jiji, bigla siyang pumasok sa isipan ko."

"Ang tinutukoy mo ba ay si Ti—"

I side glared, "Wag mong babangitin ang pangalan niya sa presensiya ko, Addie."

"Chantelle, it's been years since that happened."

"And so what kung maraming taon na ang lumipas? Kailangan kalimutan ko nalang lahat yun?" tumawa ako ng payak, "Bakit may deadline ba ang pag-mo-move on? May time limit ba ang healing?"

I heard Addison sighed, "There's no deadline and there's no time limit, Jiah," umiwas ako ng tingin at napasinghal sa pagtawag niya sa akin sa second name ko, "Pero paano ka makaka-move on kung hindi mo naman hinahayaan yung sarili mong mag-move on? How will you heal if you don't allow yourself to heal?"

"Dahil yun lang ang magiging panangga ko para hindi na ako masaktan pa ulit," mahinang bigkas ko ngunit alam kong dinig ni Addison ang mga sinabi ko habang naka-kuyom ang aking mga kamay, "Dahil kung hahayaan ko ang sarili kong kalimutan ang lahat at bumalik siya muli sa buhay ko, siguradong madudurog na ang buong pagkatao ko ng tuluyan."


***

"Maraming salamat talaga sa inyo sa pagpapatuloy sa akin dito," Tita Jiji said with a grateful smile, then she bow down, "And it's a pleasure to meet you at all."

"No, it is a pleasure for us to meet you, Ms. Yeon Ji-hyun," reply ni Addison at silang apat ay yumuko rin. Confused akong nakatingin sa kanila pero sumunod na lang din ako sa kanila at yumuko rin.

Nang tumayo ulit kaming lahat ng tuwid ay nagtaas ng kamay si Allysa, "Bago po kayo umalis pwede pong magpa-picture po muna kami sa inyo?"

Agad namang tumango si Tita Jiji, "Sure, sure."

Nagpigil naman ng tili ang tatlong baliw habang si Allysa ay nilahad ang kamay sa akin, "Pahiram cellphone mo, maganda yung camera mo eh."

Napabuntong hininga nalang ako at nilabas ang iPhone ko mula sa aking bulsa pagkatapos ay binigay ko ito kay Allysa. Kinuha naman niya ito at agad ipinunta sa camera. Lumapit kami sa isa't isa at ngumiti sa camera. Naka-ilang take pa si Allysa at nagwacky pa kami, hindi talaga ako mahilig sa pictures pero nakisabay na rin ako sa kanila. 

Nang matapos kami ay nagsalita si TIta Jiji at binigay niya ang sarili niyang phone kay Allysa, "Pwedeng cellphone ko rin?"

Impit namang napatili ang tatlong mga loka-loka. Naghampasan pa sila, "Mga bhie, magkakaroon tayo ng pictures sa cellphone ni Ms. Ji-hyun!"

Napa-ngiwi nalang ako sa mga pinaggagawa nila habang binubulsa ko ulit ang phone ko. Habang si Allysa naman ay kinuha ang cellphone ni Tita Jiji, "Of course, Tita Ji-hyun! Pwedeng, pwede!"

At sa pangalawang pagkakataon ay nag-picture ulit kaming lahat. Nagkatinginan kaming dalawa ni Addison at  napa-irap nalang kami sabay na napabuga ng hininga saka tumingin sa camera para ngumiti.

Nang maibulsa na ni Tita Jiji ang cellphone niya ay siya namang pagtunog ng doorbell. Napa-tigil kaming lahat at nagkatinginan. Posibleng dumating na yung manager ni Tita Jiji, pero  pwedeng hindi rin at may mga nakaalam na mga media at fans nandita siya sa hotel namin ngayon. Kaya para makasigurado ay sumilip si Kyla sa peephole nag-volunteer ako nung una pero tumangi yung mga kaibigan ko at isa nalang daw sa kanila dahil as a fan kilala raw nila yung manager ni Tita Jiji.

Tumango si Kyla upang iparating sa amin na manager nga yun ni Tita Jiji saka niya binuksan ang pintuan.

"Hello po, Tita Ji-hyun" hindi natapos ni Kyla ang sasabihin niya dahil bigla pumasok yung babae at hinawi siya.

Sa isang segundo ay may babaeng nakatayo na sa harapan ni Tita Jiji at hawak-hawak ang balikat nito habang ini-inspeksyon siya na para bang nag-aalalang ina sa anak niya.

"Gwaenchanh-a, Ji-hyun-a?" (Are you okay, Ji-hyun?)

"Nan gwaenchanh-a, Yumi," Tita Jiji glanced at us and smile apologetically, "Geuligo jebal, solan-eul piuji maseyo. I bang-eneun uliman issneun ge aniya." (I'm okay, Yumi. And please, stop fussing. We're not the only one in this room.)  

Di ko alam kung anong sinabi ni Tita Jiji doon sa babae pero tumingin siya sa amin. Ngayon ko mas napagmasdan ng maayos yung Manager ni Tita Jiji. Sa tingin ko ay, katulad ni Tita Jiji, ay mas matanda lang siya sa aming nilang taon. Maganda rin siya at para siyang model. Mula sa magandang mukha, sa balingkinitan na katawan at matangkad na height, model na model ang dating. At bumagay din sa kaniya ang gupit niya na boy cut, minsan mo lang makikita sa babae ang ganyan ang gupit pero maganda pa rin. 

Iginala ng Manager ni Tita JIji ang mata niya, "Geu jung eoneu geosdo dangsin-i seolmyeonghan geosgwa gatji anhseubnida—" at nanlaki ang mata niya nang tumigil siya sa akin pero agad din siyang ngumiti, "I wangohan ajummaeul guhago dowajuneun salam-eun dangsin-ieoya habnida," umirap si Tita Jiji sa kung ano ang sinabi ng Manager niya. Pagkatapos ay yumuko yung Manager, "Chimjeolhage daehaejusyeoseo jeongmal gamsahabnida, agassi." (None of them are like what you described—  You must be the one who save and help this stubborn old lady. Thank you very much for your kindness, young lady.)

Tumingin ako ng direstso sa kaniya at nagsalita sa neutral na tono, "No Korean, only English and Tagalog."

Muling nanlaki ang mga mata ng Manager at ilang beses bumukas at sara ang bibig niya habang nakaturo sa akin, "Na—" umiling siya, "I thought you're a Korean—" ta's humarap siya kay Tita Jiji at hinampas siya sa braso, "Putek ka! Sabi mo Korean ang tumulong sa'yo hindi Filipino!"

"Aya, aya! Apeuda!"  hinahawi ni Tita Jiji ang kamay ng Manager na hinahampas pa rin siya, "If you don't stop I'll fire you!"

"As if you can do that," the Manager rolled her eyes. At muling tumingin sa akin at pumunta ulit kay Tita Jiji at bumalik muli sa akin. May gusto yata siyang sabihin pero mas pinili na lang niyang wag sabihin kung ano mang nasa isip niya, "Anyways, pakilala mo naman ako sa kanila, Ji!"

"Kaya mo na yan, malaki ka na," iniangat ni Tita Jiji ang kaniyang braso ng nag-amba yung Manager niya na hahampasin ulit siya, "Al-ass-eo, al-ass-eo!" (Okay, okay!)  humarap siya sa amin at inilahad ang kamay niya sa direksyon ng Manager niya, "Everybody, my Manager, Yumi."

Her Manager groaned while rolling her eyes, "Ang dull naman ng pagkakakilala mo sa akin! Ako na nga," tumikhim muna siya bago magsalita muli, "Mabuhay, aking mga kababayang, Filipino! Ako si Yumi Galvez, panganay sa tatlong magkakapatid at nag iisang prinsesa ng pamilyang Galvez, born and raised in the Philippines hanggang sa mag sixteen ako at nang mag seventeen ako ay nagdecide ang aking pamilya na rito na manirahan. Habang namamasyal ako one time sa isang park, I noticed this person wearing sweater at nakayuko siya, ako na naawa sa kalagayan niya dahil baka outcast siya ay nilapitan siya at kinaibigan. Di ko naman alam na artista pala yun at nakayuko lang kasi nawala yung mask na suot-suot niya kaya naka-yuko siya para hindi siya mapansin ng ibang tao habang hinihintay niya ang sundo niya. And that's how Ji-hyun ang I became friends! Matagal na kaming magkaibigan, alam namin ang baho ng isa't isa. Alam ko yung mga nagligaw sa kaniya at mga ex kohmmm!"

"Masyado ka ng maraming sinasabi , magpapakilala ka lang naman! Your name will suffice. No need to tell them your whole life!" singhal ni Tita Jiji habang nakatakip ang kamay niya sa bibig ni Ms. Yumi while the latter tried to pry the hand covering her mouth.

Napakurap nalang ako, I mean a while ago ang graceful niya, ang bait niya. Dumating yung Manager niya and her attitude had suddenly turn 360 degree, not in a bad way but I find it amusing. Like, hindi mo aakalain yung babae kanina kayang makipagbardagulan. Well, sabi nga nila don't judge the book by its cover. Si Addison nga seryosong tignan pero may video siya sa cellphone ko na nagbubudots sa kantang Touch by Touch.

Successful namang natangal ni Ms. Yumi ang kamay ni Tita Jiji sa bibig niya at gaganti na sana when I decided to speak, "It's nice to meet you, Ms. Yumi," nakangiting sabi ko, "I'm Chantelle, and they are Addison, Kyla, Clara and Allysa."

Isa-isa kong tinuro ang mga kaibigan ko habang sila naman ay yumuyuko pag tinatag ko ang pangalan nila.

"Oh, and nice to meet you too, everyone. And please, wag niyo akong tawaging Ms. Yumi, nakakatanda."

"Matanda ka naman talaga ah," pabulong na komento ni Tita Jiji.

"Shhh! Keep quite," itinaas ni Ms. Yumi kaniyang kamay habang nakaangat ang hintuturo niya sa direksyon ni Tita Jiji bilang senyales na tumahimik siya, "Anyways, tawagin niyo nalang akong Yumi-unnie or Ate Yumi."

Tumango kaming lahat habang ang kaibigan naman niya ay umirap.

"Gusto ko pa sanang mag stay at maka-kwentuhan kayo but we still have things to do," Ate Yumi smiled.

"Okay lang po, we understand," tumango kami sa sinabi ni Addison bilang pag sang-ayon.

Tita Jiji sighed sadly, "I guess this is the last time we will meet?"

Tumawa ako ng marahan, "Hindi niyo po sure, Tita Jiji."

"Tita?" natatawang tanong ni Ate Yumi ngunit sinaway lang siya ni Tita Jiji.

Tumango ang mga kaibigan ko, "Kung pupunta po kayong, Pilipinas, sabihan niyo lang po ako," naglabas si Clara ng calling card at inilahad ito kay Tita Jiji, "At iinform ko po silang lahat."

"Will do," at kinuha ni Tita Jiji ang calling card " At kung kayo naman ang mapunta ulit rito sa Korea, you can inform me through DM."

Inihatid namin sila hanggang sa pintuan ng hotel room namin. Yumuko si Tita Jiji at ganon din si Ate Yumi, "Maraming salamat muli," tumayo sila ng tuwid at ngumiti, "See you when I'll see you."

Tumango kami habang nakangiti. Yumuko muli sila at nag-start ng maglakad papuntang elevator. Nakita kong binigyan ni Ate Yumi si Tita Jiji ng sumbrero at face mask na siya namang sinuot nito pagpasok ng elevator. Nang pasara na ang pintuan ng elevator ay nagtama ang aming mga mata at nanatili ito hanggang sa tuluyang hindi ko na makita si Tita Jiji.

Nakatayo pa kami sa labas ng hotel room ng ilang mga segundo hanggang sa magsalita si Allysa.

"This is my most memorable day in my entire life."

Tumango naman ang iba, "Agree."

Nag stay pa kami ng ilan pang segundo hanggang sa naglakad na papasok si Addison, "Let's go na, at mag iimpake pa tayo. Maaga rin ang flight natin bukas."

The four us slumped our shoulder, "Back to normal again."

"Pero at least makakauwi na tayo sa Pinas pagkatapos ng isang buwan," anya ko habang naglalakad papasok.

Sumunod naman sila sa akin, "And agree."

***

Kakarating lang namin dito sa Pilipinas. Kasalakuyang nakasakay kaming dalawa ni Addie sa taxi pauwi ng bahay. Kaming dalawa na lang ang magkasama dahil ang tatlo pa naming kasama ay ibang direksyon ang mga tirahan nila.

Habang nakasakay kami ay nakatingin lang ako sa labas hanggang sa may nakita akong malaking billboard ng advertisement ng sabon na ang advertiser ay si Tita Jiji. Tinignan ko ang pangalan niya sa baba ng picture niya.

Yeon Ji-Hyun

Ahh, so yun pala spelling ng pangalan niya?

May naisip naman ako at nilabas ko ang cellphone ko. Pumunta ako sa online site at sinearch ko ang pangalan niya.

Agad din naman siyang lumabas at bumungad sa akin ang mukha ni Tita Jiji. May mga pictures siya sa award ceremony, habang naglalakad sa red carpet, habang nag mo-model at iba pa. Nag-scroll down pa ako para basahin ang profile niya.

Yeon Ji-hyun is a South Korean singer, actress, model and television personality. She debuted as a singer in the year 1993 and become widely known in Asia for her music. In the year 2000 she came back in television after a few years break and took the role of Jang So-yeon in the hit drama Break of the Dawn.

Born: August 27, 1979 (age 45 years), Seoul, South Korea
Height: 1.65 m
Parents: Yeon Seo-yun
Hangul: 연지현

"Ohh..." napatango-tango nalang ako habang binabasa yung profile niya pero napa-second take ako kung kailan siya pinanganak at age niya, "What the— Hindi siya mukhang 45!"

"Sino?" 

Lumingon ako kay Addie at tinapat sa kaniya ang cellphone ko, "Si Tita Jiji!"

Nag-angat ng kilay si Addison habang nakatingin sa cellphone ko at bumalik ang mata niya sa akin, "Ngayon mo lang alam?" magsasalita na sana ako pero iniangat ni Addie ang kamay niya, "Right, 'di mo pala siya kilala."

"Pero akala ko mas matanda lang siya sa atin ng ilang taon! Like 28 or 29!" hindi pa rin makapaniwalang sabi ko.

Tumawa ng mahina si Addison at ipinikat ang mga mata niya, "Get use to it."

Napapailing nalang ako as I retracted my hand and browse Tita Jiji's photos. Nothing on her really says she's in mid-40s. Is she a vampire?

Habang nag-i-scroll ako sa image section, ay may dumaan na photo niya during 90s. Parang hindi talaga siya tumanda. Kung ipagkukumpara mo yung pictures niya ngayon sa picture niya noon, parang walang pinagbago.

Muli akong nagpatuloy sa pag-i-scroll pero napatigil ako at muling bumalik doon sa larawan niya noong 90s. I narrowed my eyes as I eyed her face.

Bakit parang nakita ko na yung mukha niya noong kabataan niya sa kung saan?

*****

Comment