Chapter 2: Introduction

*****

"Really? Yan lang yung reaksyon mo?" taas kilay na tanong ni Addison, na para bang hindi siya makapaniwala, "Pagkatapos kong sabihin kung sino siya at kung ano siya dito sa Korea, yan lang?"

Nagkibit-balikat ako, "Anong gusto mo? Mag-fangirling din ako katulad ng tatlong yun?" turo ko sa mga loka-loka na hanggang ngayon ay parang bubuyog na umiikot sa isang bulaklak, "Eh hindi ko nga siya kilala. Ngayon ko lang siya nakita— welp, parang nakita ko na siya sa FB..." I drawled then shook my head, "But still, hindi ko pa rin siya kilala."

Tinuon ko naman ang pansin ko sa tatlo. Iniangat ko ang kamay ko sa aking bibig para pumito. Sabay-sabay naman silang tumigil at lumingon sa direksyon ko, ganon na rin si Ms. Korea's National Gem.

Inabot ko yung magazine sa kama na binasa ko kanina para sana pampalipas ng oras habang naghihintay kay Ate matapos maligo. Pero binaba ko rin agad kasi Korean yung language. Ni-rolyo ko ang magazin na hawak ko.

"Kayong tatlo," tinuro ko sila gamit yung magazin na parang teacher na naninita ng mga siraulong estudyante, "Umayos kayo diyan, kundi matitikman niyo ito.

Nanlaki naman ang mga mata nila at kabado silang tumawa habang unti-unting lumalayo kay Ms. Legend.

"We just got excited, Cha. No need to do that," nakangiti na papunta na sa ngiwi na tuwiran ni Clara.

"Oo nga, wala na ba kaming karapatan na ma-excite? Hindi kami robot, Cha. At tsaka si Yeon Ji-hyun yan, sino ang hindi magiging ganun ang reaction kung nasa hotel room mo siya?" angal naman ni Kyla habang nakalahad ang mga kamay niya sa direksyon ni Ate.

"Si Cha-cha," sagot ni Allysa na ngayo'y may hawak ng malaking bag ng chips, "Baka nga pag nakita niya si Ms. Yeon Ji-hyun mapagkamalan pa niyang magnanakaw siya."

Confused akong nakatingin sa hawak-hawak ni Allysa. Saan nanggaling yung chips?

I mentally shook my head. Foods nanaman nasa utak ko.

"Syempre, alangan naman lumundag pa ako sa saya at magpa-party pag nalaman kong may nakapasok sa bahay ko na hindi ko kilala?"

Magsasalita pa sana si Kyla nang sumingit si Addison.

"Tama na yan, nakakahiya sa bisita. Baka anong isipin ni Ms. Yeon Ji-hyun pagnakita niya kayong ganyan without knowing anything you're saying," tumingin siya kay Ateng Multitalented Queen at ngumiti bilang paumanhin, "I'm sorry, Ms. Yeon Ji-hyun, is it okay if we speak in English? We don't know how to speak Korean very well."

Nagulat ang mga kasama ko nang biglang tumawa ng bahagya si Ateng— ano na pangalan? Jeon? Ay, Ateng Korean Celebrity nalang! Habang ako naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kanilang apat.

"Anong pinagsasabi niyo diyan? Akala ko ba fan kayo?" confuse na tanong ko, "Hindi niyo alam na marunong siyang magtagalog?"

Nanlaki naman ang mga mata ng apat na kaibigan ko na para bang hindi sila makapaniwala.

"Totoo?" gulat na tanong ni Allysa tsaka ibinaling ang tuon niya kay The World Standstill actress, "Ibig sabihin niyo ba naiintindihan niyo po yung pinaguusapan namin ngayon?"

"Pati yung kanina," ngumisi si Ms. Legendary, "Lahat ng pinag-usapan niyo naiintindihan ko."

Mas lalong nanlaki ang mga mata nila nang magsalita si Ms. Famous Celebrity nang Filipino nang straight. Pero ang gulat na expression nila ay naging pagkamangha.

"Ang galing niyang magtagalog," manghang tumingin si Kyla, kulang nalang maging heart yung mga mata niya.

"Teka, hindi niyo talaga alam na marunong siyang magtagalog?" tumingin ako sa kanila nang hindi makapaniwala, "Anong klaseng fan kayo?"

"Woiii, wag mong question-in ang pagiging fan namin, Cha-cha," dinuro ako ni Kyla habang naniningkit ang mga mata, "Alam naming nanirahan si Ms. Yeon Ji-hyun sa Pilipinas ng isa't kalahating taon at alam din namin na nakakaintindi siya at nakakapagsalita ng Tagalog pero hindi namin alam na ganiyan pala siya kabihasa!"

"Ate," lumingon sa akin habang nakataas ang dalawa niyang kilay na para bang nagtatanong kung bakit, "Never mo bang binanggit sa mga interview mo o kahit saan na marunong kang magtagalog?"

"I did, but you can count on your fingers how many times," naghalukipkip siya at tumingin sa taas na para bang nag-iisip, "I think na-mention ko lang siya sa Radio Star, Running Man, Knowing Bros and recently sa Salon Drip."

"Ah..." tumango-tango ako na para bang alam ko yung mga shows na pinagsasabi niya kahit hindi naman. Yung Running Man lang ang pamilyar ako kasi may franchise ang Philippines nun.

"Gosh, I can't believe my common ground na kaming dalawa ng idol ko," mangiyak-ngiyak na sabi ni Clara habang may padampi-dampi pa ng towel sa mata niya.

"Diba?" sumisinghot pang tumango si Kyla.

Nakangiwi lang akong pinapanood sila. Gosh, paano ko ba naging kaibigan itong mga ito? I look at our guest and saw her gazing at them amusedly.

"Ateng Korea's National Gem," tawag ko. Natigilan naman silang lahat sa ginagawa nila at lumingon sa akin. Lahat sila ay naglalakihan ang mga mata at nakabuka ang bunganga ng kaunti. Maya-maya pa ay tumawa ang tatlong siraulo.

"Ba't ganyan tawag mo sa kaniya?" hinawakan ni Allysa ang tiyan niya habang pinapakalma ang sarili.

"Di ko kasi alam pangalan niya," pag-e-explain ko.

"Jusko, gurl!" esklamadorang sabi ni Clara, "Ilang beses ng nabanggit ang pangalan ni Ms. Yeon Ji-hyun, hindi mo pa rin makuha? Oh, nasabi ulit yung pangalan niya."

"Dion?"

"No, no. Ji-hyun."

"Jeon?"

"Hindiiii... Dapat may h, Ji... Hyun..."

"Jiheon?"

Napatakip ng bibig si Ateng Koreana para pigilan ang sarili niyang tumawa, "You know what? Para hindi ka mahirapan, tawagin mo nalang akong Tita Jiji."

"Ay, ayan kaya kong banggitin!" turo ko sa kaniya habang napanganga naman sa sinabi ni Ateng Lege— Tita Jiji.

Wait. "Tita Jiji? Bakit Tita? Ang bata mong tingnan tapos tita?"

Napangiti naman si Tita Jiji at kinaway niya ang kaniyang kamay niya ng pahampas. Confirm. Filipino coded.

"Do I really look that young?" she gigled, "I'm so fluttered."

Tumango-tango silang lahat, nag-thumbs up pa yung iba. Habang confused lang akong nakatingin dahil ang weird ng tanong ni Ate— Tita Jiji. Ilang taon ba siya? Wag mong sabihing sampung taon ang agwat niya sa amin? Ha! Wag ako! Hindi naman siya mukhang matanda. Like... ang fresh niyang tingnan. Mas fresh pa sa amin.

Binuksan ko ang labi ko para magtanong pa sana pero naudlot yun nang magsalita si Addison, "Maya na yan at kumain muna tayo," tumingin siya kay Tita Jiji... ang weird talaga pakinggan, "Ms. Yeon—"

"Ganon na rin kayo, Tita Ji-hyun na lang ang itawag niyo sa akin," nakangiting sabi ni Tita Jiji.

Eksaheradang nagtakip ng bibig ang tatlo habang si Allysa ay kunwari pang mahihimatay, ngunit dahil naramdaman niyang walang sasalo sa kaniya ay agad din niyang pinigilan iyon. 

"Oh my gosh, it's such an honor for us to have the privilege to call you Tita, Tita Ji-hyun," pinapaypay pa ni Clara ang mata niya.

"Kung yan po ang inyong gusto," yumuko si Addison habang nakangiti, "Tita Ji-hyun, sumabay ka na rin po sa amin na kumain habang kinukwento niyo po ni Kinah kung papaano po kayo napunta rito sa hotel namin."

Tita Jiji chuckled while looking at us shyly, "Oh no, I don't want to cause further inconvenience to you all. Besides, lima na kayo baka hindi na kumasya yung binili niyo para sa anim."

"Ay Tita Ji-hyun, kahit kulang sa amin yung pagkain okay lang," pag-re-reassure ni Allysa habang naka-thumbs up, "Basta makakain ka, ayos lang kahit hindi kami—"

Siniko ni Clara si Allysa dahilan para maputol ang sinasabi ng huli, at nag-lean forward si Klang para bumulong, "Gurl, don't be like that. She's my idol pero gutom din ako bhie."

Napailing nalang si Kyla sa dalawa habang tumatawa, "TIta Ji-hyun wag kang mag-alala na hindi magkasiya sa atin yung binili naming mga pagkain. Dahil lagi naming tinitiyak na pang-dose ang binibili namin para sakto sa kanila."

Sabay na tumaas ang kilay namin ni Ads nang tinuro kami ni Kyla. Suminghal nalang ako habang umiiling, "Gusto kong itanggi pero tama si Kai, Tita Jiji. At uulitin ko ulit," nagtungo ako sa likod ni Tita Jiji at itinulak siya patungong lamesa, "Wag kang mag-alala kung makaka-abala po kayo sa amin o hindi, dahil talagang nakaabala na kayo, kaya lubusin niyo na," pinress ko ang mga kamay ko sa dalawa niyang balikat para umupo siya sa tapat ng lamesa, "Now sit down and eat."

Umupo ako sa tabi niya at sumunod naman ang apat ko pang kaibagan. Si Clara at Allysa ay naka-upo sa tapat namin ni Tita Jiji, si Addison sa dulo ng table sa tabi ko habang si Kyla naman ay sa kabilang dulo dahil gusto niyang makatabi si Tita Jiji.

"I— I really don't know how to say," anya ni Tita Jiji habang pinapanood kaming lima na ilabas isa-isa ang mga pagkain sa plastic bag , "I'm really thankful for your kindness," at tumingin siya sa akin, "Lalo na sa'yo, from what I heard you really don't have any idea who am I, but despite of that you still helped me. Thank you."

I waved my hand dismissively, "Wala yun, Tita. At tsaka no choice ako, kasi pagni-refuse kita at tumigil ako sa pagtakbo, dudumugin ako ng mga media at fans mo," nagkibit-balikat ako at binigay kay Tita Jiji ang isang container ng noodles— di ko alam kung anong tawag basta noodles— at chopstick.

Tita Jiji smiled softly to me, "Masyado kang humble," na-estatwa ako sa kinauupuan ko ng maramdaman kong ipatong ni Tita Jiji ang kamay niya sa kamay ko, "Napakabait mong bata ka, I'm sure your proud ang mga magulang mo sa iyo."

Tumango lang ako habang pilit na nakangiti. Tinapik niya ang kamay ko at inilabas niya ang chopstick niya mula sa plastic nito and snap it into two. Susubo na siya nang pigilan siya nila Kyla dahil kaylangan pa raw munang mag-pray bago kumain. Nag-pray naman sila at pagkatapos nun ay kumain na sila at masayang nakipag-kwentuhan kay Tita Jiji.

Alam kong sa oras na ito ay dapat pinagbabawalan at sinesermonan ko na sila pero hindi ko makuhang gawin iyon. Ni-hindi ko nga alam ang pinag-uusapan nila. Hindi sila marinig dahil sa ingay ng mga iniisip ko at sa nararamdaman ko ngayon.

I took a glanced at the celebrity besides me and wondered. 

Ano itong nararamdaman ko? Bakit parang may kung ano sa puso ko ang lumundag sa tuwa dahil sa mga sinabi ni Tita Jiji kanina sa akin. It felt like a hole in my heart has been filled. And the way she looked at me earlier, it reminded me of someone I don't one to remember anymore.

I look away and closed my eyes. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. I'm being overwhelm by my thoughts and feelings at ayaw kong malunod.

"Cha?" 

Idinilat ko ang mga mata ko at nakita kong nakatingin na silang lahat sa akin. Bakas sa kanilang lahat mga mukha ang pag-aalala, lalo na kay Addison at Tita Jiji. But there's also something else in Tita Jiji's gaze and a memory from years ago resurfaces from the back of my head.

"Aray!"

"Masyado bang masakit?"

Tumango ako habang pinapanood siyang dampiin ang mga sugat ko gamit ang bulak na may alcohol.

"Sino ba kasing nag-sabi na makipag-away ka?"

"Kasalanan nila yun!" naka-simangot kong sabi, "Sila ang nanguna."

Nagbugtong hininga siya, "Sa susunod mag-iingat ka. Wag mo silang pansinin sa mga sinasabi nila sa iyo, dahil hindi ka nila kilala," hinawi niya ang buhok ko, "Naiintindihan mo ba ako—"

"—Cha-cha!"

Napatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa pag-sigaw ni Addison. Kumurap ako at iginala ang mga mata ko sa mga nakaupo sa paligid ng lamesa. Nakatingin  sila sa akin na para bang nag-aabang.

"Ha? Ano yun?"

Ipinarating sa akin ni Addison sa pamamagitan ng tingin na pag-uusapan namin mamaya kung anong bumabagabag sa isip ko. I sighed and nodded. Pinagmasdan muna ako ni Ads ng ilan pang sandali bago niya ako sagutin sa katanungan ko kanina, "Magpapakilala tayo isa-isa kay Tita Ji-hyun, turn mo na."

Tumango ako. Humarap ako kay Tita Jiji at inilahad ang kamay ko, "Hello, ako po si Chantelle, pwede niyo akong tawaging Cha-cha or Cha nalang in short."

Yumuko naman si Tita Jiji habang nakangiti at kinakamayan ako. Nagulat kami nang biglang pumalpak ng malakas si Clara.

"Okay! Ngayon na nakapag-introduce na ang lahat," nag leaned forward siya habang tumitingin sa aming dalawa back and forth, "So... anong kwento?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Tita Jiji at nagkibit balikat lang ako. Ni-leaned backward ako at ang dalawa kong braso ay nagsilbing suporta sa katawan ko. Tumango ako sa direction ng katabi ko, "Kinidnap niya ako."

Sabay-sabay na nagtaas ng kilay ang apat kong kasama. Nagsalita si Allysa, "Hindi ba baliktad? Siya yung nasa hotel mo— hotel natin, ba't siya ang nangidnap sa'yo."

"Well, technically she's right," pag-singit ni Tita Jiji habang nakaturo sa akin ang hinlalaki niya.

Naguguluhang nakatingin pa rin sa amin silang lahat kaya napa-irap nalang ako at nag-explain, "Nakaupo ako sa bench para magpahinga. And then suddenly bigla nalang may mga taong nagkakagulo. Sa una, curious ako pero nawalan din ako ng ganang alamin kung ano yung pinagkakaguluhan. Ta's nakita ko nalang siyang tumatakbo palayo doon sa mga tao. Nagkatinginan kami then suddenly tumatakbo na ako kasabay niya."

Tumingin lang sila sa akin, "Huh?"

Inilahad ko ang dalawa kong kamay kay Tita Jiji para siya ang sunod na mag-explain. 

"I pulled her with me," she chuckled sheepishly.

"Ba't niyo po siya hinila?" takang tanong ni Allysa.

"I thought she's a Korean because she looks like one, at sa lahat ng tao na naroon that time, siya lang ang hindi interested tumingin sa akin. So I thought she could help me," she laughed, "Turns out Filipino pala siya pero natulungan niya pa rin ako."

Tumango ako, "And that's why nandito siya ngayon. Nag-offer ako sa kaniya na mag stay muna siya rito habang hinihintay niya ang manager niya. Speaking of manager," tumingin ako kay Tita Jiji, "Na-contact niyo na ba yung manager niyo?"

"Yes. Na-contact ko na siya habang nasa bathroom ako kanina. She said na in twenty minutes ay nandidito na raw siya."

Tumango naman ako. There were silence in the room for a moment hanggang sa magsalita ulit ako, "Curious lang po ako and I have a question. Kung pwede pong magtanong?"

Nag-gesture si Tita Jiji, "Go ahead."

"Paano ka po natutong mag tagalog?" tanong ko, "Because I don't believe na magiging ganyan ang tagalog niyo in just for one and a half year na pag-stay niyo sa Pilipinas."

Ngumiti si Tita Jiji na para bang may inaalala siya, "When I was fifteen years old, I went to Philippines to promote. Habang nandoon ako ay may nakilala ako na marunong magsalita ng iba pang mga language katulad ng Korean at naging magkaibigan kami. Nang makabalik ako rito sa Korea, nagsusulatan kami. Yung sulat niya ay tagalog pero may Korean translation," tumawa si Tita Jiji dahil sa ala-ala, "Dahil doon natuto akong mag Tagalog. Not verbally but still..."

Huminto si Tita Jiji at nakatingin lang kami sa kaniya as she got lost in the memories of the past. Then she blinked and went back in reality, "At may naging kaibigan akong half-Filipino, half-Korean. Siya ang manager ko ngayon actually. Sa kaniya ako natutong magsalita ng Tagalog."

After she finished answering, the other also take a chance to question the Korean actress. Nagbibiro rin ang mga kaibigan ko, na siya namang nagiging sanhi ng pagtawa ni Tita Jiji.

But me on other hand, pinagmamasdan ko lang ang way ng pagtawa at ngiti ni Tita Jiji. 

Because somehow, even though she wore them on her face, I could still see through it. 

The anger, sadness, guilt and pain. I could see all of them.

*****

Comment