Chapter 1: Saving a Celebrity


*****

My gosh. My gosh. MY GOSH!!!

"My god, Miss! I'm peacefully enjoying the view then you showed up and got me in this mess!!" sigaw ko kay Ateng celebrity na hindi ko kilala pero sikat.

Hindi naman ako pwedeng huminto kasi baka dudumugin ako ng mga fans nitong si Ateng dahil nakita nila akong hinatak ng idol nila. Baka akala nila magkakilala kami. Jusko di ko nga kilala yan! Sino ba yan?!

"Ileon nanjangpan-e kkieodeulyeo joesonghabnidaman," sigaw pabalik ni Ateng. "Jega i salamdeul-egeseo beos-eonal su issdolog dowajuseyo!"

Nag loading ang utak ko nung nagsalita si Ateng.

Ano raw?

"Hutek na buhay na ito!!" sigaw ko nalang sa langit dahil sa inis, "Please lang, kailangan ko ng subtitle!!"

Parang nagulat naman si Ateng sa pag-sigaw ko at kahit tumatakbo kami ay napansin kong nanlaki rin ang mga mata niya na parang hindi siya makapaniwala.

"You're a Filipino?" hindi ko makapaniwalang tanong ni Ateng samantalang ako ay napalingon sa kaniya.

"Teka, paano mo nalaman?"

"Naiintindihan kita."

Ako naman ngayon ang nanlaki ang mga mata, "Omg, nagtatagalog ka?"

Narinig ko namang tumawa ng bahagya si Ate, "Yes, marunong akong magtagalog."

Mababakas sa mukha ko ang pagkamakha habang nakatingin sa kaniya. Aba't sinuswerte nga naman. Hindi ko na kailangan pang humanap ng subtitle, yung mismong dub version na ang lumapit sa akin.

Pero ang ikinamangha ko talaga, pulido ang pag-tatagalog niya, okay hindi ganon kapulido dahil may kunting accent kang maririnig pero close na yun. Yung tagalog niya eh parang katulad nung mga influencers and celebrities na kilala kong Korean na sa Pilipinas na naninirahan.

"But anyways, what I said earlier is, I'm sorry at nadamay ka pa, pero please tulungan mo akong makalayo sa kanila," tumango siya sa likod para ipunto yung mga humahabol sa amin.

Ako naman ang tumawa ngayon dahilan para mapatingin siya akin ng nagtataka, "Sorry, ate, pero I don't know kung matutulungan po kita. Kailangan ko po bang sumigaw na 'Ako ang habulin niyo' ? Kasi hindi ko po talaga alam ang gagawin ko para tulungan po kita."

Nakita kong napa-irap sa Ate, "Please, don't. You'll look ridiculous if you do that. Ang ibig kong sabihin sa pagtulong is i-guide mo ako sa mga pasikot-sikot dito."

"Nagpapatawa ka po ba, miss?" naguguluhan kong tanong kay Ate, "Ate, di po ako taga rito. Filipino, remember?"

Parang napa-facepalm mentally naman si Ate sa pagpikit ng mga mata niya, "Right. I'm sorry, I forgot," at tumingin siya sa akin na may pagpaumanhin, "I'm really sorry for dragging you into this mess. Is just that I thought you're also a Korean because you look like one and you're the one I only saw who's not looking interested and thought maybe you can help me."

Napatingin ako sa kaniya tsaka ako lumingon sa likod para tignan ang mga humahabol sa amin. Ngayon na medyo napagmasdan ko sila, kakaunti lang pala ang mga fans na humahabol sa amin, siguro yung iba kanina pinili nalang na wag makihabol kasi parang ewan naman kung gagawin pa nila yun kung ganoong mayroong silang mga kaniya kaniyang buhay. Pero nakita kong mas marami ang sumusunod sa aming mga may hawak na camera.

Ahh... Media...

Naranasan ko na ang minsan madumog ng media. One time kasi na-link ako sa isang Filipino actor, na hindi ko na papangalanan, eh hindi naman kami nun. Bakla nga yun eh, paano kami magiging talo nun?

Napamura ako sa isip ko dahil kahit alam kong hindi ko obligasyong tulungan siya ay kaylangan ko paring tulungan si Ate kahit hindi ko siya kilala dahil hindi kakayanin ng konsensiya ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniya at meron din itong feeling na maging protective sa kaniya.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid kung nasaan na ba kami ngayon. Pero napakunot nalang ako ng noo nang makitang hindi ito pamilyar sa akin.

"Ate dala niyo po ba yung phone niyo?" tanong ko kay Ate.

Kahit hindi masyadong halata, alam kong napakunot ang noo ni Ate sa sinabi ko na para bang nagtataka siya kung bakit tinatanong ko ang phone niya, "Bakit?"

"Basta," sabi ko nalang sa kaniya, "Ano, dala niyo po ba?"

"Oo."

"Good," tumango tango ako, "Pwede pa-search po sa map yung Chija Hotel and pag na search niyo na po pakibigay po sa akin yung phone."

Kahit nagtataka parin siya, ay sinunod ni Ate ang pinapagawa ko. Mga ilang segundo ang lumipas at ibinigay niya din sa akin yung phone niya.

Napa 'Thank you, Lord' ako nang makitang ilang kanto lang ang layo namin sa hotel kung saan pansamantalang nag-i-stay kaming buong production team.

"Come on, vámonos. Let's go this way, madam," sabi ko sabay turo sa kanto gawing kanan. Agad naman siyang tumango at sumunod sa akin.

Nagpatuloy kami sa pagliko sa mga street at nang natatanaw ko na yung hotel, nag-isip naman ako nang paraan para hindi kami masundan ng kahit sino sa mga media. Honestly, nagpapasalamat ako at umunti na sila pero may mga tao talagang ayaw magpatinag.

Siguro ang isang coverage nitong si Ateng ay malaki ang halaga para hindi palagpasin ng mga mokong na mga ito.

Parang may bumbilya naman na nag-ting sa ulo ko nang makakita ako ng masikip na eskinita. At dahil galing ako sa production company, naka-isip ako ng absurd pero pwedeng gumana na plano, na pwedeng ikagalit nitong si Ateng pero sure naman na mabubuhay pa siya.

Lumingon ako at nakitang medyo malayo layo ang pagitan namin ng mga media, which is makaka-buy ng time sa amin. Hinatak ko si Ateng sa braso niya dahilan para mapasigaw siya ng bahagya. Tsaka kami tumakbo nang mabilis papunta sa eskinita.

Nang makarating kami doon ay medyo hinihingal kami dahil sa layo ng tinakbo namin. Pero wala kaming panahon para magpahinga kaya hinanap ko agad ang kaylangan ko at nag-celebrate ako internally nang makitang may dumpster.

Hinarap ko si Ateng at hinawakan siya dalawa niyang balikat habang seryoso akong tumingin sa mga mata niya, "Miss, determinado ka bang matakasan ang mga taong ito?"

Kahit hinihingal pa rin ay sumagot si Ate, "Yes."

"Gagawin mo ang lahat?" tanong ko ulit.

"Oo," tumango siya.

"Talaga?" tumango ulit siya, "Buti sexy ka, ate. Hold your breath!"

Bigla ko siyang binuhat at inihagis sa may basurahan. Agad ko namang hinubad yung jacket ko.

"What the he—" inihagis ko sa mukha niya yung jacket ko dahilan para maputol ang sinasabi niya.

"Just trust me," hinubad ko rin ang jogging pants ko, naka-shorts naman ako kaya okay lang, at hinagis ko rin iyon sa direksyon niya. "Takman niyo po yung mukha niyo gamit yang jacket."

Kahit nag-aalangan ay ginawa naman niya ang sinabi ko. Tinakman ko siya ng ilang garbage bag, yung magaan lang. Mahirap na baka mademanda ako pag may nangyari rito.

Ginulo-gulo ko yung buhok ko at kumuha pa ako ng isang plastic para itali sa buhok ko.

Yumuko ako at tumingin sa paborito kong t-shirt. It breaks my heart but desperate times call for desperate measures.

Inabot ko ang manggas ng t-shirt ko tsaka ito pinunit. Pinunit ko rin ang isang parte ng t-shirt sa may bandang bewang ko.

Pagkatapos nun ay kumuha ako ng isang garbage bag, nag-squat sa harap nun at binuksan iyon tsaka ako umaktong na parang nagkakalkal na sakto naman sa pagdating nang mga media. Narinig ko silang huminto sa may tapat ng eskinita kung nasaan kami.

" Geudeul-eun eodilo gasssneunga? " (Where did they go?) dinig kong sabi ng isa.

" Moleugessseubnida, " (I don't know.) sabi naman ng isa

" Geogie galyeogo haja, " (Let's try to go there.) sabi ulit nung nauna.

Naramdaman ko naman umalis din sila but not before marinig ko yung isa sa mga media na magsalita.

" Isanghan geoji, naiki sinbal-eul sinda." (Weird beggar, wearing a nike shoes.)

Bahagyang na-istatwa ako nang marinig ko yun. Hindi ako masyadong nakakaintindi ng Korean pero alam kong sinabi nung media na 'Beggar' at 'Nike'.

Tumingin ako sa baba at totoo nga na nakasuot ako ng Nike shoes. Napamura ako ng mahina nang ma-realize kong muntikan na kaming mabuking dahil sa nakalimutan ko lang tanggalin yung sapatos ko.

Narinig ko ang paggalaw ng mga garbage bag at nakita kong sumilip si Ateng, "Wala na ba sila?"

Tumayo ako tsaka sumilip sa kanan ay kaliwa. Dinouble check ko pa bago ako nag senyas kay Ate ng 'clear'.

Agad namang itinulak ni Ateng yung mga garbage bag na nakadagan sa kaniya at inalayan ko siya sa pagbaba ng dumpster.

Pero agad akong napahimas sa batok ko nang bigla niya akong batukan, "Aray naman, Ate! Tinulungan kita pero di tayo close kaya wag niyo po akong batukan!"

Pero walang talab yung sinabi ko kay Ateng dahil kinurot pa niya ako sa bewang.

"Wala akong pakealam kung close tayo o hindi," pinanliitan niya ako ng mata, "Sana man lang binigyan mo ako ng warning bago mo ako itapon sa dumpster!"

"Aray, aray," daing ko sa pag kurot niya. Agad din namang tumigil si Ateng habang ako naman ay napapahimas sa bewang ko, "Sorry, sorry. Wala na kasing time para warningan ka, Ate."

Napabuntong hininga siya, "But thank you dahil tinulungan mo ako."

Nag-thumbs up ako sabay ngiti, pero agad din yun nawala nang maamoy ko siya, "Ate, may amoy ka na."

Muli na naman niya akong binatukan dahilan para mapa-aray ulit ako, "At sinong may kasalanan?"

"Nag-sorry na nga eh," nakanguso kong sabi habang hinihimas yung batok ko ulit.

Yumuko si Ate parang tignan ang sarili niya. Nakita kong may mantsa-mantsa na yung damit niya, "How will I go home now?"

Pumunta ako sa dumpster kung nasaan parin yung jacket at jogging pants para i-retrieve ang mga gamit ko. Tsaka ako muling bumalik sa harap niya.

"Sama ka muna sa akin, Ate. Maligo ka muna sa hotel namin tas hiramin niyo nalang po muna yung damit ko total parang parehas lang po tayo ng katawan. Then stay there 'till someone fetch you up."

"Hindi ba risky yan? Baka makita ulit ako ng mga tao kanina," nag-aalala niyang sabi, "And am I not intriguing you?"

"Wag kang mag-alala, Ate. 'Yan lang naman yung hotel oh," tinuuro ko yung hotel kung saan kami nag-i-stay na nasa kabilang kalsada lang, "And wag kang mag-alala kung maabala niyo po ako o hindi, dahil talagang naabala niyo na ako, kaya mas mabuting lubusin niyo na."

Medyo nag-aalanganan pa siya pero tumango rin siya sa huli, "Okay."

"Let's go na garod, Ate," at hinatak ko siya sa kamay.

***

Nakaupo ako sa kama habang hinihintay ko si Ateng celebrity matapos maligo, nang bigla nalang bumukas yung pintuan ng hotel room.

"Ma-mi-miss ko ang Korea!" rinig kong iyak ni Kyla.

"Nabitin ako," rinig ko namang sabi ni Allysa.

And Kyla, Allysa at Clara came in from my sight habang may bitbit na mga plastic bag and paper bags.

"Ano yang dala niyo?" ngumuso ako sa mga dala nila.

"Pagkain, souvenir, damit," iniangat ni Clara ang mga dala niya.

Parang nabuhayan naman ang dugo ko nang marinig ko yung unang sinabi ni Clara, "Pagkain?"

"Tignan mo ito. Pagdating talaga sa pagkain nabubuhay ang dugo nito eh," pumunta si Allysa sa may sofa tsaka ibinaba ang mga dala niya doon at pabagsak umupo katabi ang mga yun.

"Pero hindi pumapayat," umirap si Kyla tsaka niya ibinaba ang mga dala niya sa sahig at humiga sa tabi ko, "Nakakagigil din itong babaeng ito eh, minsan nakaka-tempt pektusan."

Biglang pumasok si Addison, "Maya na yan," dumiretso siya sa coffee table at inilapag doon ang plastic bag niyang dala, "Gutom na ako, kumain muna tayo."

Iniangat ni Kyla ang katawan niya ng bahagya habang ang mga braso niya naman ay nakasuporta, "Isa rin itong babaeng ito eh. Matakaw pero di rin tumataba. Seryoso, anong sekreto niyo?"

"Sekreto nga bakit namin sasabihin sa'yo?" anya ko dahilan para bigyan ako ng matalim na tingin ni Kyla. Tumawa na lang ako.

Humarap sa akin si Addison at naka-angat ang kilay habang nakatingin sa suot ko, "Why are you wearing robe?"

"Bakit? Anong masama sa pagsusuot ng robe?" tanong ko pabalik habang nakatingin sa kulay pink na satin robe na suot ko, which is not mine, it's comes with the hotel room.

"Cha, you don't wear robes," hindi konbinsidong anya ni Addison.

"Bakit, sa gusto ko ngang i-try. Nakak-sosyal pala ang magsuot ng robe," sabi ko habang inaayos ang lower part ng suot ko para matakpan ng maayos ang mga binti ko habang ang tatlo ay inilalabas na ang mga binili nilang pagkain, "And besides, pansamantala lang naman, hinihintay ko lang na matapos maligo yung guest natin."

Sabay-sabay naman silang napalingon sa akin nang lumabas sa labi ko ang salitang 'guest'.

"Guest? Sinong guest?" nakakunot ang noong tanong ni Addison habang nakahalukipkip.

Uh-oh.

Inihagis ni Allysa ang hawak niyang walang laman na paper bag sa sahig, "Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! May nakilala siyang Koreano!"

"Guys—"

Naglean forward si Kyla na para bang nakasagap siya ng mainit na tsimis, "Is he a hottie or cute?"

"What the— hindi ako tib—"

Naputol ako sa sinasabi ko nang maramdaman kong may humawak sa dalawa kong balikat at nakaharap na ako kay Kyla na medyo naluluha, "Bebs, I'm so proud of you. Dalaga na ang Chantelle namin."

"Listen, na-mi-misunder—"

"Cha," napalingon ako kay Addison na ngayo'y pinupunasan ng dahan dahan ang salamin niya. Then nang isinuot niya ito ay tumingin siya ng diretso sa aking mga mata, "What's the name of the bastard who took your innocent away?"

"Oh my gosh!" hinawi ko ang mga kamay ni Kyla na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa akin, "Pwede ba tumigil muna kayo at makinig? You guys are quick to make an assumption! Walang Koreano okay at hindi ko pa nawawala yung V-card ko!"

Kumalma naman yung tatlo habang si Addison naman ay animong nakahinga ng maluwag.

"Then who's the guest you're —"

"You're right. Your clothes fits me just right. Thank you again."

Sabay-sabay kaming napatingin sa may banyo kung saan nakatayo ang bagong ligo na si Ate. Ngayon na wala na siyang suot na mask at sumbrero, nakita ko ng maayos ang itsura ni Ateng. And what I can only think is how gorgeous she is. Seryoso ang ganda niya. At sa tingin ko mas matanda lang siya sa amin ng ilang taon, we're twenty-five by the way, then she's around twenty-six to thirty.

Ngumiti ako sa kaniya as I wave my hand dismissively, "Wala yun, Ate. Masaya akong makatulong," lumingon ako sa mga kaibigan ko, "Guys, siya yung sinasabi kong—" natigilan ako nang makita kong hindi sila gumagalaw na parang estatwa at nakatingin lang sa guest namin habang may gulat na ekspresyon, "Ah... guys...? Okay lang kayo?"

"Oh my gosh..." kumurap-kurap si Clara na para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.

"Lai, pakisampal nga ako," wala sa sariling sabi ni Kyla na agad namang sinunod ni Allysa. Nanlaki lang ang mga mata ni Kyla habang nakahawak sa namumula niyang pisngi, "Hindi nga ako nananaginip."

Medyo naiinis na ako sa ugali ng mga kasamahan ko dahil napapansin kong medyo nagiging uncomfortable si Ateng, "Guys, please, nagiging uncom—"

Pero naputol din iyon nang tumili yung tatlo.

"YEON JI-HYUN!!!"

Then sabay-sabay silang tumakbo kay Ate na ngayo'y tumatawa ng bahagya.

"Sino?" naguguluhang tanong ko. Agad naman akong nabalik sa reyalidad nang makitang dinumog na nila si Ate, "Woi!! Magsi-tigil kayong tatlo!"

"Cha," lumingon ako nang tawagin ako ni Addison, "Kilala mo ba kung sino siya?"

Umiling ako, "Hindi. Pero alam kong artista siya. Bakit sino ba siya?"

Napailing nalang si Addison, "Chantelle, siya yung sinasabi nila Allysa kanina na kahawig mo. She's one of the legends here in Korea. The Multitalented Queen. Korea's National Gem. Yeon Ji-Hyun."

Napalingon ulit ako kay Ate na ngayo'y nakikipag-shakehands kila Allysa habang nakangiti.

"Oh... Siya pala yun?"

*****

Comment