35

Jema




Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung huling beses ko nakita si Deanna... ng personal. Pero kapag hindi naman kami sobrang busy sa mga ginagawa namin, nag-vivideo call kami. Keep updating sa mga ginagawa at nakakatuwa rin na tuloy tuloy na rin  ang therapy niya. Mas nagiging stable ang business niya doon at nakakatuwang malaman na marami na rin siyang gustong pasukin na business pagbalik niya dito. May pagkakataon na hindi kami nagkakaintindihan. Papalipasin muna namin hanggang sa okay na kami. Hindi kami nag-uusap kung medyo alanganin ang mood namin. 6 na buwang cycle. Kailan ba ulit kami magkikita.




Kailan nga ba?




Habang patagal na wala siya. Habang tumatagal na hindi ko siya nakikita, nasasanay ako.




"Lalim naman niyan bessy" mahinang sabi ni Kyla sa akin. Tinignan ko lang siya ng masama. Ngumiti lang ito


"Ano ba kasi 'yang iniisip mo ha? Share mo naman baka sakaling may mapulot ako" natatawang sabi pa niya.


"Wala. Hayaan mo na lang. Okay na ba mga gamit mo?" tanong ko sa kanya habang nagsisintas ako ng sapatos para sa training namin.


"Konti pa lang e. Ikaw?"


"Wala pa ako naeempake, ikaw na lang mag-empake para sa akin please." mahinang sabi ko sa kanya. Hinampas naman ako nito, "Ikaw na. Kaya mo na 'yan" inirapan ko lang ulit siya at bumalik sa pagsisintas ng sapatos.


Dalawang araw mula ngayon, lilipad kami sa Japan para magtraining. Mas nagiging okay din para sa aming players na may exposure sa labas ng bansa. Aminin man natin o hindi, kulang pa sa exposure ang Pilipinas lalo pa sa Volleyball. Magagaling naman lahat pero kailangan talaga ng tutok na training at nakita nila 'yon sa Japan.




May kumatok sa dug out namin. Nagkatinginan kami ni Kyla. Bigla ako kinabahan. Pinagbuksan naman ni Kyla at hinihintay ko kung sino ba 'yon.




"Ano ba 'yan Kyle ikaw lang pala." mahinang sabi ni Kyla. Nakahinga na rin ako ng maluwang matapos kong makita kung sino ba 'yon.


"Ang ganda ko kasi kaya ganon. Hahahaha" natatawang sabi pa ni Kyle. Nakipag-apir lang ako sa kanya pero hinawakan niya braso ko para may ibulong.




"May naghihintay sayo sa labas" hindi ko alam pero muli na naman akong kinabahan. Ngumiti lang sila sa akin. Bigla akong kinabahan sa mga ngiting ganon.


"Sino ba 'yon?" tanong ko sa kanya.


"Sus. Nagtanong pa. Kilala mo naman kung sino. hahaha" natatawang sabi ni Kyle.


"Baliw. Wala ako idea."


"Wag ako Jemalyn. Hahaha. Dali na. Go na. Shuu. Kanina pa naghihintay 'yon sa labas."


"Okay okay. Labas lang ako saglit. Nako ha. Kinakabahan ako."


"Sus. Di uso 'yon sayo kapag siya kasama mo. Kalmahan mo lang ha." pabiro pa niyang sabi. pero lalabas na lang ako para malaman ko kung sino ba.




Siya kaya 'yon?




--


Deanna




Mga 20 mins na rin ako naghihintay dito sa labas may hawak na isang bouquet ng bulaklak. Kinakabahan ako pero wala namang magagawa kung puro kaba lang di ba?




Ilang buwan na rin simula nung huli kong nakita si Jema. Nakakamiss kahit makita lang ng personal ang magandang mukha kasama ng mga ngiti niya. Nakakamiss hawakan ang kamay niya o kahit pa mayakap siya. Sobrang nakakamiss lahat. Sa pagkakataong 'to, alam ko gusto ko na siya makita.






"May gusto ba si Liya sayo?"






Bigla kong naalala yung text sa akin Ponggay bago sila umalis nun.




"Ha? Saan galing 'yan Pongs?"


"Hmmm. May napansin lang ako"


"Gaya ng?"


"The way na tumingin siya sayo."


"Hindi ko naman napapansin e"


"Syempre hindi mo naman kasi tinitignan. Parati ka kay Jema nakatingin kaya hindi mo alam"




Hindi ko nakita kasi hindi ko naman tinitignan..






"Wala lang 'yon Pongs. Ganon lang talaga si Liya. How's Jema?'"


"No. I don't buy it Deanns. Jema's fine. Kausap niya sila Ate Bei."


"Wag ka na magoverthink Pongs. Hahaha. May hangover ka pa ba sa Celebration?"


"Nope pero may something talaga e. I remember when she pushed you kay Jema, lumabas siya non after. Oo, nakainom ako pero hindi naman ako manhid."


"Hayaan mo na."


"Ano ba plano niyo ni Jema?"


"Marami pero for now ganito muna, space. We can talk naman pero i really don't know how space works. I don't know the standards."


"Nako. Mahirap 'yan Deanns pero sige go kung 'yan at diyan ka masaya. Pero I don't buy pa rin na wala lang 'yon. Boarding na namin. Message you later. Love you"




Ayoko isipin na may something. Ayoko maging komplikado lalo pa na magkaibigan kaming dalawa. Ayoko maging komplikado sa aming dalawa ni Jema. Pero paano nga kung totoo? Kahit pa iwasan ko sa anong anggulo magiging magulo at komplikado pa rin.




"Omygosh. Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong niya at tila ba hindi makapaniwala. Tumayo ako at inabot sa kanya ang hawak na bouquet at niyakap siya nang mahigpit.


"Medyo? Hahaha. Okay lang naman. Ikaw? Busy ka pa ba?" ngumiti lang siya.


"Tapos na rin. Hahaha. So, what's up? Biglaan pagpunta mo rito ha" nangingiting sabi ni Cheska. 




She's 6 months pregnant now. After 1 month ng kasal nila Ate Bea, sumunod na rin sila. Wala naman ako ibang makausap o matanungan kundi siya lang kaya na rin ako pumunta sa kanya.




"Pero alam ko may itatanong ka kaya ka nagpunta dito" nakangiting sabi niya


"Hindi ba pwedeng dalawin ko kayo ni baby?" pabiro ko


"Sus. Kilala kita. Wag ako ha. Hahaha. So, spill." ngumiti lang ako sa kanya. Kahit ganon ang nangyari noon, nakilala niya pa rin ako. Alam niya kapag personal na pumunta ako. Alam niya na magiging takbuhan ko siya sa tuwing nalilito o naguguluhan ako. 




"May itatanong lang ako kung okay ba sayo or kung ano masasabi mo."


"Go"




Bumuntong hininga ako. Nakakakaba pero maganda rin na may second opinion.






--


Jema




"Hi, Jema!" masayang bati niya na may pagkaway din. Napangiti ako.


"Kanina ka pa?" nakangiting tanong ko


"Medyo? Hahaha. Pero okay lang. May ibibigay lang ako sayo." may kinuha siya sa bag niya.


"Lunch mo. Hahaha" nakangiting sabi niya at inabot sa akin ang isang box


"Ano 'to?" kinuha ko naman ito at aakmang bubuksan pero pinigilan niya ako


"Mamaya na basta lunch mo 'yan. Ano oras flight niyo sa Japan?" umupo muna kami sa gilid


"Hindi ko rin alam. Hahaha. Basta alam ko pupunta kami Japan. Hindi ganon kaexcited noh." natatawang biro ko sa kanya.


"Galing galing mo. Hahaha" tapik niya sa balikat ko. Ngumiti lang ako


"So, ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito


"Gusto lang kita makita." nahihiyang sabi niya.


"Baliw." tipid na sagot ko. 




Matagal na rin kaming magkakilala ni Ren. Magkasama kami sa isang event kung saan naging endorser ako. Rich Kid. And she admitted na fan ko raw siya ever since pero lowkey lang. Madalas na siyang pumupunta sa mga practice namin at games. Kilala na rin siya ng management dahil na rin sa kilalang pamilya sila. Minsan nagkakaayayaang lumabas o kumain kasama ang teammates. 




"May ibibigay pala ako sayo, Jema" may kinuha ulit siya na bag niya. Tinignan ko lang siya. Napangiti ako. May pagkakahawig silang dalawa ni Deanna. Magkakapareho sa ugali, pananamit kahit pa sa mga sweet gestures na ginagawa niya.




Si Deanna




Bigla akong bumalik sa realidad na nag-eexist si Deanna. Oo hindi ko nakikita pero may usapan kaming dalawa.. May inaayos pa kaming dalawa.




Biglang nanlamig ang kamay ko. Bumilis tibok ng puso ko. 




Bakit parang 'di ko naisip si Deanna kapag kausap ko si Ren.




"Hey" hinawakan ni Ren yung kamay ko. Tinignan ko siya at nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Ngumiti lang ako kahit pa halatang pilit na. Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko, napayuko ako at dahang - dahang inalis ang kamay ko na hawak niya.




"Ren, papasok na ako. May kailangan ka pa ba?" tanong ko sa kanya.


"Sa sunod na lang siguro. Parang nawala ka sa mood." mahinang sagot niya


"I'm sorry, Ren. Pasok na ako ha." hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali-daling pumasok sa dug out.




Napahawak ako sa dibdib ko matapos kong isara ang pinto. Napatingin sa akin sila Kyla na may pagtataka




"Ano nangyari sayo? Hinabol ka ba sa likod? Namumutla ka." pag-aalala nila. Ngumiti lang ako na pilit dahil kahit ako hindi ko alam pero para bang nakaramdam ako




Para bang nagtaksil ako




"Tara practice na tayo." mahinang sabi ko. Nilagay ko na sa bag ko yung binigay ni Ren.


"Magpapapractice na ganyan ka? Ano ba nangyari hoy" pagpupumilit ni Kyla pero hindi ko pa rin siya nililingon. 


Nabalot ng katahimikan ang dug out namin. Pakiramdam ko nasasakal ako. Pakiramdam ko ang bigat ng pakiramdam ng puso ko. Tinignan ko sila. Nakatingin din sila sa akin.




"Alam ba ni Deanna na madalas kayong magkasama ni Ren?"




Alam ba ni Deanna na madalas kayong magkasama ni Ren?


Alam ba ni Deanna na madalas kayong magkasama ni Ren?


Alam ba ni Deanna na madalas kayong magkasama ni Ren?


Alam ba ni Deanna na madalas kayong magkasama ni Ren?


Alam ba ni Deanna na madalas kayong magkasama ni Ren?


Alam ba ni Deanna na madalas kayong magkasama ni Ren?






Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Mas lalong bumigat na tila ba binabasag ako. Nanlalamig. Umiinit tenga ko. Hindi ko alam kung paano ako sasagot




"Saan ka?"


"Gym pa. Practice. Bakit?"


"Sunduin kita after"


"No need na Ren. May car ako"


"No. I insist. My treat. Kain tayo after ng practice niyo"




-




"Ren, where are you?"


"Sa labas ng gym niyo. Waiting. Tapos na kayo?"


"Yeah. Kain tayo after. What do you want?"


"Ramen."


"Okay"




-


"Can we go somewhere?"


"Why?"


"Nag-away kami ni Deanna"




-


"Hindi ka pa ba napapagod Jema? Mahirap 'yang pinasok niyo."


"Hindi ko na alam Ren."


"Pupuntahan kita. Nasaan ka?"


"Wag na. Abala pa."


"No. Pupuntahan kita."


"Okay"




-


"Jema, magkasama raw kayo ni Ren kagabi?"


"Yeah. Nanood lang kami ng sine"


"With?"


"Dalawa lang kami"


"Ano ba kayo?"


"Friends."


"Siguro sayo pero hindi sa kanya"




-


"Napapadalas labas labas niyo ni Ren ha."


"Sakto lang."


"Alam ba ni Deanna 'yan?"


"Kilala niya si Ren. Nakukuwento ko si Ren sa kanya"


"Kilala niya pero hindi niya alam na madalas kayo magkasama"








Para bang binuhusan ako ng malamig na tubig sa katawan matapos kong maalala ang mga 'yon. Bigla akong nagising sa realidad na para bang nasa gitna ako. Pero...




"Kailangan ba niya malaman?"




--
































Oo nga. Kailangan pa ba ipaalam kung nasa space kayong dalawa?



Comment