20

Jema


"Pagod na akong lumaban para sa aming dalawa" may naramdaman akong kirot sa puso ko pagkatapos kong bitawan ang mga salitang 'yon. Mas yumakap pa ako kay Maddie dahil na rin sa nanghihina na ako. Pakiramdam ko babagsak ako sa mga susunod pang minuto.


Kahit na alalahanin ko lahat ng nangyari, may pagkakataon pa ring nasasaktan ako. Sabi nila strong yung personality ko, naniniwala sila na kaya ko. Pero kung ako yung tatanungin, may kahinaan din naman ako. Bakit? Kasi alam kong tao rin ako na may pakiramdam, na may kakayahang masaktan sa ibang bagay lalo pa na kung malapit sa akin 'yon.




Hindi madali ang lahat. Hindi madali lalo pa na wala siya sa tabi ko




"Maddie, hindi naman ako napapagod na mahalin siya pero alam mo yung sakit? Naipon na. Sobrang sakit na kahit sa pagtulog ko nararamdaman ko pa."




"Pakiramdam ko, araw-araw akong pinapatay sa ideyang hanggang kailan ba ako masasaktan"




"Kring, saan ka?" tinawagan ko si Kring para may makausap ako. Umuwi na rin si Deanna


"Work pa. Why? Umiyak ka ba?" rinig sa boses niya yung pag-aalala


"hh-indi. Kita tayo mamaya, please?" kahit pa na itago ko


"Hintayin mo ko. Mag-early out ako. Pupuntahan na kita" may tao pa rin na higit na nakakaalam ng nararamdaman mo kahit marinig pa lang niya yung boses mo


Ilang minuto lang ang hinintay ko sa pagdating niya


Nakaupo ako sa kama ko nang saktong pagpasok naman ni Kring sa kuwarto ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko agad siya. Hindi ko na ring napigilang umiyak sa kanya dahil sa kanina ko pa rin iniipon 'to


"Shhhhhh" the more na hinahagod niya yung likod ko, the more na mas naiiyak ako. Pinupunasan niya yung luha na humahalik sa pisngi ko


"Inhale. Exhale. Hinga ka muna" sinusubukan niya akong patahanin pero hindi ko pa rin talaga mapigilan


Ngayon lang ako higit na nasaktan ng ganito. Nakakaubos ng lakas yung mga nangyari


"Ano ba nangyari?" tumingin ako sa kanya at bakas pa rin sa kanya nag pag-aalala


Hingang malalim


"Kinausap ako ng parents ni Deanna"


"Oh. Tapos? Ano sabi sayo? Sinaktan ka ba?"


"Hindi. Kinausap lang ako at ayaw nila sa akin para sa anak nila" at muli na naman akong umiyak ng sabihin ko 'yon.


"Ang hirap pala talaga kung hindi ka tanggap ng magulang para sa anak nila.. " taimtim na nakikinig si Kring.


"Ang hirap kumilos kasi pakiramdam ko yung mga mata nila nakatingin sa ginagawa ko. Feeling ko hindi ako enough. Feeling ko hindi ako worth it. Pakiramdam ko hindi ako deserving kay Deanna. Hindi niya deserve yung gaya ko."


"Worth it ka, Jema. Please wag ka mag-iisip ng ganyan"


"Hindi ko maiwasan, Kring. Nung kinausap nila ako, para akong ginigisa sa sarili kong mantika" ayoko na sanang ituloy 'to pero minsan kailangan mo rin talaga ilabas yung nakakapagpabigat ng puso mo


"Kahit pa sinabi ko na mahal ko yung anak nila, pakiramdam ko hindi pa rin kayang baguhin nun yung tingin nila sa akin at sa aming dalawa. Kahit pa ano gawin ko, hinding-hindi nila ako matatanggap. Pakiramdam ko hindi ako pasok sa standards nila. Hindi ako pasok sa hinahanap nila. Iniisip ko nung pauwi ako, nanliliit ako sa sarili ko. Kasi kahit pa ano yung naachieve at maachieve ko, hindi magiging sapat. Iniisip ko na may mas better sa akin, mas kaya nilang ibigay yung wala ako. May mali ba sa akin? May dapat ba ako ayusin para matanggap nila ako? Kkk-aasi kung meron, sabihin nila sa akin babaguhin ko para tanggapin nila ako" nauutal na ako. Ang sakit-sakit sa dibdib ko


"Hindi mo kailangan magbago para sa kanila, Jema."


"Pero kung dun nila ako matatanggap, gagawin ko. " muli niyang pinunasan yung mata at pisngi ko


"Alam mo kung paano ako umiyak nun nang nalaman ng ibang tao yung tungkol sa amin ni Deanna. Sa kung paano na binabash ako sa social media, messages sa mga kapatid ko, sobrang sakit... Mas masakit lalo pa na magulang na rin niya yung haharapin ko. "


"Hinusgahan na ako dahil lang sa opinyon nila. Sa opinyon nila tungkol sa akin. Sobrang sakit kasi hindi ko man lang maipagtanggol yung sarili ko. Iniingatan ko rin si Deanna kaya kahit hindi na ako magsalita, sinasalo ko. Pero gabi-gabi, iniiyakan ko 'yon."


"Gustong-gusto ko na intindihin lahat. Nilalawakan ko na pang-unawa ko. Sinasalo ko pero Kring, nagmahal lang naman ako. Nagmamahal lang ako pero bakit kailangan na ganito siya kasakit? "


"Pakiramdam ko ang dami kong kaagaw sa kalayaan ko na mahalin siya. Para bang hindi na ako malayang hawakan yung kamay niya kasi baka may makakita. Hindi malayang yakapin siya in public kahit na sobrang miss ko siya. Hindi malaya na makasama siya kasi may mga matang nakatingin sa amin. Nag-uumpisa pa lang kami pero pakiramdam ko, unti-unti na akong binabasag nito" at mas umiyak na ako. Sa sandaling 'to, alam ko mahina ako.


"Pain is inevitable, Jema. Part of loving someone"


"I know... And that pain is slowly killing me"


-


"Maddie, nandun din kayo nun nung harapan nilang sinabi yung gusto nila para kay Deanna" sasabog na yung puso ko. Kahit maalala ko lang nasasaktan na ako




Sa hindi inaasahang pagkakataon, inaya ako ni Deanna kumain sa labas kasama yung parents niya. Nung una, nag-aalangan ako pero sabi ni Deanna kasama naman daw nun sila Maddie kaya pumayag ako


All set na. Magkakaharapan kaming kumakain. Nagkukuwentuhan ng ibang bagay na hindi nagugustuhang pakinggan


"Anak, look oh. Ang cute niyo talaga dito ni Ricci. " inabot ng Mama niya sa kanya ang phone nito "Tignan mo rin, Jema" dagdag pa nito.


Dahil sa inimbitahan lang naman ako, tinignan ko rin ito.


"They look so good together di ba?" sabi ng Papa ni Deanna.


"Dad! Please stop." Sabi ni Deanna


Nung unang beses na nakita ko yung picture na yun, nasaktan ako. At sa pangalawang beses na nakita ko, mas masakit yung tama sa akin nun. Sino bang hindi di ba? Maraming tao yung tumutulak sa taong gusto ko. Tag dito, tag doon. Comment dito, comment doon. Wala akong lugar sa mga tao na kahit kalian pa hindi ako magugustuhan. Masakit makita na pinipilit siya sa ibang tao.


Yung ako yung nandito pero iba yung hinahanap nila. Hindi nila ako makita.


Nanlamig ako habang tinitignan 'yon. Umakyat yung init sa tenga ko. Naiiyak ako. I saw her beautiful eyes. Nanlambot at nanginig ako. Pakiramdam ko, ako yung nakikihati. Ako yung past na kapag nakikita ko sila, nadudurog ng sobra yung puso ko. Twice ko pang tinignan, hindi ako nadala.


I realized, sobrang hindi ko kaya na makita si Deanna na nasa iba. Hindi ko kaya kapag iba yung mahal niya, hindi ko kaya kapag na iba yung makakasama niya.


Nadudurog at binabasag ako ng pinong-pino. Naiiyak na ako pero ayoko gumawa ng iskandalo


"Why? I'm just telling the truth, Anak" sagot ng Dad niya sa kanya. Nakayuko lang ako pero feeling ko lahat ng mata nila, nakatingin sa akin. Para bang may spot light na sa akin lahat nakatutok


"Look oh. Ang dami ring may gusto kay Ricci. DeanCci pala ship name niyo. Ang cute. Gusto mo ba i-"


"Dad. I said, stop."


"Excuse me lang po" hindi ko na kaya. Tumayo ako para mag cr. Naiiyak na ako.


"Je-"


"Wag mo nang sundan" may otoridad na hirit ng Papa niya.


Kung alam ko lang na ako pala yung pag-iinitan nila, hindi na sana ako pumunta


Bakit ko pa ako pupunta kung alam ko lang naman na masasaktan ako sa bawat sasabihin nila


Pumasok ako sa isang cubicle at dun umiyak. Hindi ko na kinakaya yung pananatili ko dun. Hindi na healthy sa kung ano yung nararamdaman ko ngayon.


Isa yung sigurado, nasasaktan na ako.








"Kahit si Deanna, nagawa ring magsinungaling sa akin" hindi ko na alam kung saan ba nanggaling yung lakas ko para sabihin lahat 'to, siguro napuno na rin talaga ako






"Hi Maddie! Busy ka?" tanong ko kay Maddie sa kabilang line


"Hindi naman. Hehe. Ano sana?"


"Ayun! Buti na lang. Hehe. Ask ko lang sana kung alam mo kung saan pumunta si Deanna? Hindi kasi siya nagtitext or hindi niya sinasagot tawag ko" Worried ako. Hindi kami okay ngayon ni Deanna. Nagkasagutan kami nung nakaraan. Sinusuyo ko siya dahil na rin sa ayaw kong patagalin ang away naming dalawa. Ayoko na tumatagal yung hindi namin pagkakaintindihan. Pero sa pagkakataon na 'to, parang nawalan ng gana si Deanna.


Parang nanlamig hanggang sa nawalan nang gana na kausapin ako. Hindi na kami sabay natutulog, nasasaktan na rin ako


"Ahhh. Hindi niya nasabi sayo? Umalis sila ni Luigi kanina." nanlamig ako


"Ah. Sige. Thank you, Maddie!"


"Gusto mo tawagan ko na lang si Luigi?"


"Hindi na, Mads.. Hehe. Ako na lang. Thank you!"


"Sige. Welcome!"


Magkasama silang dalawa at hindi ko 'yon alam. Hindi ko na rin muna tinext or tinawagan si Deanna. Hindi lang ako makapaniwala na magagawa niyang ilihim 'to. Oo, kilala ko si Luigi at alam ko rin yung nararamdaman niya para kay Deanna. Kahit pa sabihin na magkaibigan sila, hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil sa alam ko kung gaano kamahal ni Luigi si Deanna. Higit pa sa bilang magkaibigan 'yon.


Naghihintay lang ako kung ititext niya ba ako or tatawagan.


Wala kaming training kaya mas prefer ko na lang na dito sa apartment magstay


Ilang oras din ang nakalipas ng biglang nagtext si Deanna. Pupunta daw siya dito


Naghanda ako ng makakain para na rin kung sakaling gutom siya, may makakain siya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay pumasok na siya


Humalik siya sa pisngi ko at umupo sa sofa. Hindi siya nagsasalita. Tumabi ako sa kanya. Nagpophone lang siya


"Saan ka galing?" tanong ko sa kanya pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin


"Diyan lang" ang cold ng sagot niya


"Kasama mo?"


"Ako lang" nagsinugaling siya. Hindi na ako nagtanong pa. Nag online ako at nakita ko yung post ni Luigi.


Magkasama nga sila pero hindi na rin ako nagtanong pa. Ilang minuto lang siya nanatili dito sa apartment at bumalik na siya sa dorm nila.


Hindi ako makapaniwala na hindi niya sinabi yung totoo. I texted her


"Ganun ba kahirap magsabi ng totoo?" ang sakit na ganito yung nangyayari sa amin ngayon


Hindi siya nagreply. Nagtext ako ulit


"Alam mo yung story kung bakit kami naghiwalay ni Fhen. At sa ginagawa mong 'yan, inuulit mo lang yung ginawa niya" saka ko inoff yung phone ko.


Hindi ako makapaniwala na kayang gawin 'yon ni Deanna








"Nung birthday ni Deanna ..." napapaos na ako. Hinang-hina na ako. Hindi ko na matuloy yung sasabihin ko sana dahil sa panghihina ko




"We got you" mahinang sabi ni Bea at niyakap din niya ako. Mas lalo akong umiyak nang maramdaman ko 'yon




Tanaw mula dito sa kinauupuan ko yung ex ni Deanna. Kasama niya yung mga kaibigan nila from Cebu na nandito na rin nag-aral sa Manila. Katabi ko sila Bea. Mula dito, hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanila.




Hindi ako natutuwa sa ginagawa ni Sam kay Deanna. Nagiging touchy na siya sa ginagawa niya. Ginagawa niya 'yon na parang wala ako. Hindi makaiwas si Deanna. Naiinis ako, hindi niya ba alam na nandito ako at nakikita ko pa yang ginagawa nila. Naiisip ba ni Sam na nandito na ako? Na nasa buhay ako ni Deanna para kahit paano, nilalagay niya sa lugar yung mga ganung bagay.


Lumapit na sa amin si Deanna. Hindi ko siya pinapansin. Nawala ako sa mood


"Deanns, uuwi na ako. Pagod na ako."


"Uy, Jema! Mamaya na!" sabi ni Bea


"Tara dali! Inom na lang tayo dun" pag-aaya pa ni Bea sa akin at sumama ako sa kanya. Hindi ko kinausap si Deanna.


Nakita ko namang pumasok sa loob si Deanna at sumunod si Sam sa kanya




"Bei, wait. " sinundan ko sila at binilisan ko yung lakad ko, nakita ko namang magkausap si Sam at Deanna.


"Deanns, please... Mag-usap tayo. Ayusin natin yung sa atin" mukhang lasing na si Sam


"Sam, please. Just stop"


"Deanns, ako na lang ulit" akmang hahalikan niya si Deanna. Hinatak ko ang braso ni Sam


"Sam, ano ba?!" at tinulak siya palayo kay Deanna


"Jema, wait" pagpigil ni Deanna


"Ano sa tingin mo ginagawa mo ha?!" sabi ko kay Sam


Ngumiti lang ito "Kukunin ko lang yung dapat na nasa akin"


"SAM! PLEASE STOP!" sabi ni Deanna, pumagitna na rin si Bea sa aming tatlo


"Wala ng sayo, Sam. Wala na" sabi ni Bea saka hinatak pabalik si Sam


Nag-walk out ako. Uuwi na ako


"Jema, wait." Paghabol sa akin ni Deanna. Naiinis na ako. Hindi ko siya nililingon


"Jema, ano ba?!" pasigaw na sabi niya habang hawak ang braso ko


"Ano bang problema mo?"


"Problema ko? Hindi mo alam problema ko? Yan! Yang ex mo yang problema ko!" napataas na ang boses ko. Nangingilid na rin yung luha sa mga mata ko


"Yang ex mo na naghahanap ng lugar sayo"


"Jema, ano ba? Ako nag-invite sa kanya dito"


"Yun! Yun naman pala e. Ikaw naman pala nag-aya sa kanya na pumunta dito"


"Jema, kaibigan ko rin si Sam"


"Kaya okay lang na hawakan ka niya kung saan niya gustuhin? Ganun ba 'yon? At sa harap ko pa!" naiyak na ako pagsabi ko nun. Naiyak na ako sa sobrang inis


"Bb, wala lang naman sa akin 'yon"


"Kung sayo wala, sa akin meron. Ano sa tingin mo dapat na maramdaman ko? Matuwa ako? Deanns, gets ko na magkaibigan pa rin kayo pero sana hindi ka naman manhid para maramdaman mong gusto ka pa rin ni Sam." Hindi ko na napigilan ang pag-iyak sa harap niya


Kung noon, umiiyak ako sa harap dahil sa sobrang saya.. Ngayon, umiiyak ako sa kanya kasi nasasaktan na ako ng sobra




"Deanns, para na akong tanga don. Ako yung girlfriend mo pero bakit ako pa yung nakikihati sayo?"


"Respeto naman sana sa relasyon na meron tayo. "


"Hindi naman ako nagagalit ng walang dahilan pero sa tingin mo, yung ginagawa niya sayo kailangan isantabi ko?"


"Alam ko naman na may nararamdaman pa siya pero sa akin, wala na 'yon I swear. I'm sorry " akmang yayakapin niya ako pero umiwas ako


"Sana sinabi mo yan mismo sa harap niya para tapos ang usapan natin dito."


"Wala namang ginagawang masama si Sam"


"So, pinagtatanggol mo? DEANNA EX MO SIYA. Sa tingin mo healthy na magkakasama tayong tatlo sa iisang lugar?"


"Bb naman"


"Kung ako nag invite kay Fhen at ginagawa niya yung ginagawa ni Sam sa harap mo pa hindi ka masasaktan?"


Natahimik si Deanna


"Sana naisip mo yan bago mo siya inimbitahan. "


"Sana naging proud ka rin na sabihin mismo sa harap niya na okay ka na. Na masaya ka na at hindi 'yon sa kanya" akmang aalis na ako pero binack-hug niya ako


"I'm sorry"


"Mahirap ba 'yon, Deanns? Mahirap ba para sayo na aminin sa ibang tao na ako yung pinili mo?"


Inalis ko yung pagkakayakap niya sa akin at humarap sa kanya




"Hindi ko hiniling sayo na magpost sa social media para malaman ng iba o sa kung sino pa man. Kasi kontento tayo na tayo lang ang may alam"


"Pero sana kahit ako lang makakita okay na. Gusto ko ring makita ka na maging proud sa kung ano yung meron sa atin kahit walang ibang nakakakita"


At tuluyan ko ngang nilisan ang lugar na 'yon.




Umiyak ako ng umiyak pagkapasok ko pa lang ng sasakyan. Oo, nagseselos ako. Hindi ko maitatanggi yung bagay na 'yon. Ayoko lang na may ibang tao na umaaligid kay Deanna lalo pa na ginagawa yun sa harap ko








"Kahit sa pag-alis niya, sinalo ko pa rin lahat 'yon"










Hinihintay na lang naming yung parents ni Deanna. Mag-uusap kaming lahat sa pag-alis niya. Pag-uusapan kung ano pa yung mga dapat gawin. Hindi ako sang-ayon, sino bang may gusto di ba? Pero wala akong magawa kasi magulang niya yung nagdesisyon. Higit sa lahat, yun ang higit na kailangan ni Deanna.


HInawakan ni Maddie ang kamay ko at tinignan ko lang siya. "Pakatatag ka" naluluhang sabi niya. Gusto ko na umiyak ngayon pa lang pero kakalmahan ko lang.


Dumating na rin sila. Hindi nila kasama si Deanna.




"Jema, kamusta ka?" tanong ng Mama ni Deanna


"Okay lang po" matipid na sagot ko. Pero sa totoo lang, hindi ako okay sa lahat ng nangyayari ngayon


"Hija, magpahinga ka nang maigi ha? Para mas mabilis makarecover yung balikat mo" alam ko na totoo yung pag-aalala ni Tita


"Opo" pero wala pa rin akong gana na kausapin sila. Tahimik ang lahat. Hinihintay ang sasabihin nila. Pero bakit wala pa rin si Deanna? Hindi ko namang magawang itanong sa kanila yun kung bakit hindi nila kasama si Deanna


"Sabi ng Doctor, yung aksidente niyo ni Deanna..." tumingin ako kay Tito nun


"Dun mas lumala yung psychological trauma/stress ni Deanna" at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.


Hindi nag-oopen up si Deanna kung ano ba nangyayari sa bahay nila. Hindi siya nagkukuwento pero based sa mga reactions niya bago 'to mangyari, parang wala siya sarili. Wala na siyang maramdaman


"Halos hindi niya rin kami makilala. Lahat ng konektado sa bawat pangyayari, hindi niya naaalala" naiiyak na sabi ni Tito


"Tito, paano nangyari 'yon?"


"Overwhelming amount of stress that exceeds one's ability to cope or integrate the emotions involved. Emotional exhaustion. Depression, anxiety, panic attack" what?!


"Our bodies utilize our psychological defense mechanism. Nangyayari sa atin like daydreaming or losing oneself while engaging in activities like reading, that's mild dissociation." nanginginig si Tito habang sinasabi niya 'yon.


Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari




"It's helpful para kahit saglit takasan yung reality mo....."




"But, if dissociation becomes our major defense mechanism to cope up with those overwhelming, traumatic or painful experience....."




"It can become a full blown dissociative disorder......... Dissociative Amnesia"


Natahimik kami




"Hindi namin maexplain lahat... Hindi pa rin namin madigest bawat information na binigay nila" full blown sa aming lahat


"At hinatid na namin si Deanna sa airport. Hindi rin sigurado kung gaano katagal sila dun" nagulat ako nang marinig ko 'yon. Sila? Sino kasama niya?


"Po?" biglang sabi ko.


"Tito, bakit po ang bilis? Akala po namin pag-uusapan pa lang?" naguguluhang tanong ni Bea. Kahit ako naguguluhan


"Masakit din sa amin yung mga nangyari pero hindi pa namin masasabi lahat... " naiintindihan ko sila




"Jema, I'm sorry" sabi ni Tito. Nadurog yung puso ko. Mas umiyak ako.


For the first time, nag-sorry sila sa akin at ramdam ko 'yon




"I'm sorry kung dahil sa amin, hindi ka na rin makakalaro ng Volleyball" umiyak lalo si Tito habang sinasabi niya 'yon.


Hindi ako makasalita sa sobrang sakit. Nawala na si Deanna, pati yung volleyball career ko mawawala rin sa akin dahil sa aksidenteng nangyari


"Pero please, Jema. For the last time, makikiusap ako..."




"Kahit nasa Australia na muna si Deanna, wag ka na munang magpaparamdam sa kanya.. Hayaan muna natin siya makapagpahinga ng wala ka. Sasamahan siya ni Cheska dun" pakiramdam ko, tumigil yung mundo ko.


Hindi mag-sink sa akin. Blangko


"Please Jema"




"Tito, hindi ko po magagawa 'yon." Mas umiyak pa ako. Hindi ko makayanan yun ganitong pakiusap nila


"Jema, kayanin mo"


"Tito, hanggang kailan po ba ako mag-aadjust para sa inyo? Kkkaaassi, Tito...... Nasasaktan din po ako. Sa tingin niyo po ba kayo lang yung nasasaktan? Ganyan na po ba kayo kamanhid para maramdaman niyo pong tao rin ako?" hinawakan ako ni Maddie. Walang nag-aahas na pigilan ako




"Tito, all this time iniintindi ko po kayo. Kahit po hindi ko na maintindihan yung gusto niyo para kay Deanna, sinusubukan ko pa rin po pero please naman po.. Kahit dito pagbigyan niyo po ko." Sumasakit na puso ko


"Sa tuwing nirereject niyo siya, sa tuwing pinagbabawalan niyo ko na lumapit sa kanya, para po akong pinapatay sa sobrang sakit. Hindi pa po ba sapat?"


Bigla akong niyakap ni Tita "Hija, please... Kayanin mo para sa inyong dalawa" yumakap din ako sa kanya




"Tita, hindi ko po talaga kaya" kahit isipin ko pa lang na pansamantalang hindi ko makikita si Deanna, nadudurog ako




"Kahit ikaw, hindi na niya maalala" at mas lalong nadudurog yung puso ko


-


Maddie


Sa tuwing binabalikan ko or ipinapaalala sa akin yung mga nangyari, nasasaktan din ako. Sa dami ng mga 'yon, kung ako siguro nandun hindi ko kakayanin yun


"Pero kahit sinabi kong hindi ko kaya, tiniis ko na gawin 'yon. Tiniis ko na hindi mag-email sa kanya. Tiniis ko na hindi siya makita. Tiniis ko kahit hindi ganun ka-klaro sa akin ang lahat. "


"Tiniis ko yung araw-araw na gigising ako sa katotohanang hindi niya ako maalala. Lahat na tiniis ko para maging karapat-dapat. Tiniis ko kasi nagmamahal ako pero hanggang kailan ako masasaktan? Parati bang masasaktan?" it hits me. In pain na si Jema... can't blame her.


Umiiyak na rin ako. Kaibigan ko rin siya at nasasaktan ako para sa kanila


"Hanggang sa pagbalik niya, nasasaktan pa rin ako kasi ang nagiging ideya sa kanya, bakit hindi ko sinabi? Bakit hindi ko ipinaalam?" nararamdaman kong umiiyak na rin si Bea. Lahat kami nasasaktan pero hindi sa parehong level


"Kahit pa planado lahat ng ginawa natin, bakit ang hirap pa rin isantabi lahat?"


"Bu-bukas. La-la... Lalayo na ako" halos manlambot ang tuhod ko nang marinig ko 'yon


"Jema, worth it to. Just hold on"


"Ilang beses pa ba ako iiyak, ilang beses pa ba ako masasaktan para masabing worth it 'to?" nararamdaman kong bumibigat si Jema


"Kasi ngayon pa lang, pagod na pagod na ako. "


"JEMA!!!" at bigla siyang nawalan ng malay.


Sinusubukan namin siyang gisingin pero hindi namin magawa. Tsineck ni Liya yung pulse ni Jema.


Dinala agad namin siya pabalik ng resort para makapagpahinga na rin si Jema


Naging mahaba ang gabi naming lahat. Hindi ako makapaniwala na nangyari ang lahat ng 'yon sa isang araw lang


Buti at may clinic sa resort na pinareserve namin, pinacheck agad namin si Jema. Thank God, dala lang ito ng pagod niya. Bumalik muna kami sa mga kuwarto naming para magpalit dala na rin na lahat kami sumugod sa ulan


Pagkatapos magbihis ay dumiretso agad kami ni Bea sa room nila Tita para icheck si Deanna. Sila Luigi muna yung naiwan na kasama ni Jema


"Tita, kamusta po si Deanna?" nakaupo sila sa tabi ni Deanna. Si Deanna naman at natutulog na. Magang-maga ang mga mata ni Deanna. Bakas sa mukha niya ang sobrang pagod na ininda niya buong araw


"Okay na rin siya, Hija. Napagod talaga siya kaya pinagpahinga na rin muna namin" nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ko 'yon


"Si Jema, kamusta siya?" seryosong tanong ni Tito. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala


"Nagpapahinga na rin po. Sobrang napagod na rin po talaga" sabi ni Bea. Hindi ko alam kung may ibig sabihin ba si Bea dito ng sinabi niya 'yon


"Bukas na bukas din, kakausapin na namin silang dalawa. " mas okay na ito yung mangyari dahil kahit kami, interesado nang malaman yung nangyari kay Deanna


May idea kami ni Bea pero hindi namin pwedeng pangunahan ang parents ni Deanna. Pinangahawakan lang namin yung binagay nilang impormasyon noon


"Sumama na rin kayo, Maddie. Panahon na rin para malaman niyo yung naging kundisyon ni Deanna. " saw akas, mabibigyang linaw din ang lahat


Nagpaalam na kami sa kanila para na rin makapagpahinga sila. Tinignan namin Liya, tulog na sila katabi si Jema.


Lumabas si Bea at sumunod naman ako sa kanya. Malayo ang tingin niya


"Okay ka lang?" poked ko sa pisngi niya pero hindi pa rin siya lumilingon. Seryoso pa rin ng mukha niya


"Mads" mahinang sabi niya


"Oh?"


"Naaawa ako kay Jema" saka siya tumingin sa akin. Namumula ang mga mata niya. Alam kong pinipigilan lang niya


"Ako rin naman. Pero let's hope and pray na makakayanan niya pa... Na lalaban pa rin siya. Ipaglalaban pa rin niya kahit nasasaktan siya" binack-hug ko si Bea, hinawakan naman niya ang braso ko na nakapulupot sa bewang niya. Bumuntong hininga siya


"Pero minsan, kailangan din muna magpahinga ng pusong napagod na" masakit mang pakinggan pero isa yun sa masakit na katotohanan. May mga bagay na kailangan din munang ipahinga


-


Umaga na, pagcheck ko sa phone ko 8:15 na. Gusto ko pa sanang matulog dahil sa sakit ng katawan ko pero ngayong araw din kami kakausapin ng magulang ni Deanna.


Oh. Fck.


Napabangon akong bigla nang maalalang kakausapin din nila si Jema. Hinanap siya ng mata ko pero wala siya. Ginising ko si Bea para samahan akong hanapin siya sa labas


Nagpaikot-ikot na kami ni Bea sa resort pero wala pa rin si Jema. Wala na rin yung sasakyan niya.


Nagtry kami magtanong sa Reception pero hindi rin daw nila napansin ang paglabas nito


Isa na yung sigurado kami..... lumayo na talaga si Jema


-






























AN - Congrats, self! Magkasunod update mo. HAHAHA. Kapit guys. Para heavy, basahin niyo ulit previous Chapter o kaya ulitin niyo sa gabi tapos may background song. Ganern. Chos. Kayo na bahala. Hahahaha



Thank you po sa patuloy na pagbabasa nito! Highly appreciated po. Share na kayo ulit ng thoughts niyo. Hihihi




-pnsv

Comment