19

Bea




  "I was in love with you but you didn't tell me .." then she walked away and never looked back




Biglang buhos ang malakas na ulan kasabay nang pag-alis niya pero sumunod si Jema




"Jema!" tawag ni Luigi habang pasunod sa kanila




Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala na ganito kabilis yung mangyayari na supposed to be, one step at a time lang








Flash Back


"Ate Bea? Luigi here" a phone call from Luigi. Deanna's college bestfriend




"Oh. Gi. Why? wait. Kalma ka. Hahaha. Breathe" hinihingal siya sa kabilang line. 




"I can't. Sht. Ang bilis I swear. Wru? Can we meet? Please ate. ASAP" bigla naman akong kinabahan




"Oh. Sure. Saan ka ba? Pupuntahan na lang kita para hindi hassle" sakto namang nag-aayos na ako ng mga gamit ko para umalis




"Taft ate. Yes please. Antayin kita. Avida Towers" saka niya binaba yung call




I am worried. Bihira tumawag o magchat si Luigi. Kapag nangyari yung mga bagay na 'yon. One thing is for sure ; It's about Deanna




Buti na lang, malapit lang ako sa pagkikitaan namin. I saw him right there. Dali-dali ako bumaba ng sasakyan ko para malaman kung ano ba yung pag-uusapan namin




"Gi. Ano ba 'yon?" tensed pa rin ang makikita mo sa mukha niya




"Uuwi na si Deanna" 




"Oh? When? " biglang nanlamig yung kamay ko pagkarinig ko nun




"Ngayon na. Nagpapasundo na ako sa akin sa NAIA. Ano gagawin natin?"




"WHAT?! SERIOUSLY?" mas lalong naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko




"Oo. I was about to checked my email from Cheska when she called. Nagulat lang ako na ang bilis uuwi ni Deanna. Nachecked mo ba sayo?"




"Wait" Kinuha ko yung phone ko para icheck yung Outlook ko




*This message was sent with High Importance*




wtf. Hindi ko nga nabasa 'to








From: Cheska So




Guys, I'm sorry :( Hindi ko na alam sasabihin na explanation or excuses kay Deanna. But guys please be ready na lang ha. I already talked to Tita and Tito about this. I think, sooner or later baka umuwi 'to. I'm sorry :(






From: Cheska So




Uuwi na siya :(


-


Tumingin ako kay Luigi. Kita sa mukha niya ang kaba . Kahit ako kinabahan na rin e




Yun siguro yung itinawag sa akin nila Tito and Tita na hindi ko nasagot. Akala ko wala lang.




Inhale. Exhale. Wala na rin naman kaming magagawa e. Nandito na siya.




"Pick her up, Gi. Kami na bahala nila Maddie sa mga dapat na gawin." go with the flow na lang




"Make sure na walang makakakilala sa kanya ha" ngumiti ako sa kanya. 




"Magiging okay din ang lahat" sabay tapped ko sa balikat niya




"And please.... act normal" I added




Sabay na kaming umalis ni Luigi. Bukod sa UAAP Finals game with La Salle and with my current team Foton, ngayon na lang ako kinabahan ng ganito




"Mads, where are you? Busy ka ba?" I called Maddie to make sure na alam ng iba




"Bahay pa. Ngayon kami magkikita nila Ponggay. Why pala?" 




"Sakto! Buti na lang. Well. It's emergency sana pero please calm down ha. Haha. Chill muna tayo"




"Oh. Ano ba 'yon? Kinabakabahan ako diyan"




"Uuwi na si Deanna. Well. Nandito na siya. Nagkita kami ni Luigi, he told me about this. Late ko nabasa email ni Cheska. Pakisabihan naman yung iba na mag-act as normal lang when they see Deanna. Pa-prepare na rin yung condo niya. Sasabihin ko lahat mamaya. See you." binaba ko na agad yung call kahit hindi ko pa naririnig ang sagot niya. 




May kailangan pa rin akong tawagan




End of Flash back






Palabas na kami ng resort. Hahanapin namin si Deanna. Halos walang umiimik dahil na rin sa lahat kami, alam na rin na baka ganito ang mangyayari






-


Jema




"Hello? O Bea bakit?" tumawag si Bea. Medyo tensed ang boses niya




"Hi Jema! Sorry ha kung bigla akong napatawag ha. Emergency I guess?" kinabahan ako pagkarinig ko pa lang na emergency 'to




"Ano ss-ana?" medyo nagcracked yung boses ko. Feeling ko ito na 'yon




"Nandito na siya"






The moment na nalaman ko kay Bea yun, halong excitement at kaba yung nararamdaman ko.  Excitement kasi sa dalawang taon na naghihintay ako sa pag-uwi niya, sa wakas nandito na siya. Kaba na baka sa pag-uwi niya, hindi niya pa rin ako maalala. 






Malakas na ang ulan pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Kasabay nito ang pagkirot ng puso ko. Mabigat sa loob na pinili muna namin 'yon itago. Mas gugulo kung papangunahan naming sabihin 'yon.




Hindi ko na ginamit ang sasakyan ko, malakas ang ulan na posibleng hindi ko siya makita agad. Sa lakas ng ulan halos hindi ko na rin makita ang daan, dala na rin siguro ng pamamaga ng mata ko. Magkahalong kaba at takot na ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ko ba siya hahanapin. Wala na akong pakialam kung mabasa ako ng ulan, mas mahalaga na makita ko agad siya




Patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Daig ko pa ang training na ginagawa namin sa ADU before. Wala na akong paki kung mapagod ako katatakbo, worth it naman siya di ba? 






Hinihintay ko ngayon ang parents ni Deanna. Hindi alam ni Deanna na makikipagkita ako sa kanila. Hindi dahil sa itatago ko kay Deanna pero may bilin sila sa akin na hindi ko pwedeng ipaalam sa anak nila




Nakikita ko na sila mula dito sa kinauupuan ko. Napalunok na lang ako ng makitang mukhang wala sila sa mood. Kahit naman noong una pa lang, malamig na ang pakikitungo nila sa akin.




Ngumiti ako at nagmano sa kanila. Umupo kami at ngayon pa lang, ramdam ko na ang tensyon sa aming tatlo




"Good afternoon po, MamSir" bati ko sa kanila




"Tito or tita na lang, Hija" sabi ng Mama ni Deanna. Ngumiti lang ako pero deep inside sasabog na ako sa kaba. Malamig ang kamay ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ganito siguro kapag ikaw lang yung haharap sa kanila. Halos wala ako mapagkukunan ng lakas para ipagtanggol  ko yung sarili ko




"Jema, tama?" tanong ni Tito sa akin. Nakatitig siya sa mga mata ko. Mas kinakabahan ako.




"Opo" nanginginig na sagot ko. Sht. Nauutal ako sa pagsagot. Inhale. Exhale. Daig ko pa nasa finals game




"Ano sa tingin mo yung dahilan kung bakit ka namin pinatawag ngayon?" inhale. Exhale. Jema, maging totoo ka lang sa sasabihin mo




"Tungkol po sa amin ni Deanna"




"Tama" matipid na sagot niya




"So, anong meron sa inyo ni Deanna?" kasunod na tanong ni Tito. Para akong ginigisa sa sarili kong mantika




"Tito, mahal po namin ang isa't-isa" sagot ko habang nakatitig sa mata niya




"Sa tingin mo sapat yang pagmamahal niyo para pumayag kami sa relasyon niyo?" mas uminit na ang tenga ko. Hot seat ata 'to. Nararamdaman kong nagba-vibrate ang phone ko. Baka si Deanna 'to pero hindi ko muna sasagutin




"Tito, masaya po si Deanna sa kung ano ang meron kami"




"Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Jema. Sapat ba yang pagmamahal niyo para pumayag kami sa relasyon niyo?" sht. Nababablangko ako




Inhale




Exhale




"Hindi lang po sapat. Kundi sobra po" matipid na sagot ko. Sa sobrang pagmamahal ko kay Deanna, handa ako sa kung ano man yung mangyayari




"Simula pa lang hindi na kita gusto para sa anak ko" gusto ko na maiyak pero pipigilan ko. Kakayanin ko




"Alam ko po at hindi ko naman po ipipilit sa inyo pero sana po bigyan niyo po ng pagkakataon si Deanna na maging masaya sa kung ano yung pipiliin niyang mundo"




Natahimik siya nung sinabi ko 'yon. Yun ang totoo.




"Anong buhay ang maibibigay mo sa anak ko? Puro kahihiyan?" nasaktan ako para sa aming dalawa ni Deanna. 




Pero tataya ako. Hindi ko alam kung hanggang saan kami tatangayin ng pag-ibig na 'to pero isa yung sigurado, kahit saan ipaglalaban ko gaya ng ginagawa niya para sa aming dalawa




"Tito, mahal ko po si Deanna. Yung maibibigay ko po na buhay ay isang buhay po na hindi niya kakikitaan ng pagkukulang. Isang buhay na sa lahat ng gagawin niya, magiging proud ako sa lahat ng achievements niya. Isang buhay po na susuportahan siya." hindi ko napigilang maiyak habang sumasagot ako




"Ano ba si Deanna sayo?" mas bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong na 'yon. Pero dun tayo sa totoo




"She's everything I could ask for. My answered prayer. " pinunasan ko yung luha na humahalik sa pisngi ko




"Tatayo ako sa mga pagkakataon na mahina siya. Iaabot ko yung kamay ko para iangat siya. At sa pagkakataon na madadapa siya, nandun ako para saluhin siya. At sa pagkakataon na mawawalan siya ng pag-asa sa ibang bagay, nandun ako para ipaalala sa kanya. Tito, hindi ko lang po mahal si Deanna dahil lang sa may something kami. Kaibigan ko rin po siya na susuportahan siya sa Volleyball Career niya. Kapatid na aalagaan siya. Bestfriend na nandiyan parati para sa kanya. I love her with everything I've got. Mahal ko siya kahit pa ang lakas niya kumain ng Ramen sa isang linggo" napangiti ako habang sinasabi 'yon




"Mahal ko siya kahit pa nahihiya siya sa tuwing nakatutok ang camera sa kanya everytime na manunuod siya. Mahal ko na po siya bago pa kami naging magkakilala. Kahit po maubos ang lahat ng 'kahit' mananatili ako.. Mananatili po yung pagmamahal na meron kami ngayon." 




"Yung higit na nagustuhan ko po sa kanya? Ang taas ng pangarap niya. Nakakachallenge po na pagbutihan ko pa. Marami siyang pangarap at sa tuwing kinukuwento niya 'yon, natutuwa ako kasi hindi lang po 'yon para sa sarili niya.. Para rin po sa family niyo. "




"Tito, hayaan niyo po na makinig sakanya.. Sa bawat kuwento niya. Sa bawat pangarap na binubuo niya. Subukan niyo pong makinig gamit yung puso niyo at hindi lang ng tenga.. Sa ganung paraan po mas lalo niyo siyang makikilala "




Nakita ko na nagbago ang mukha nilang dalawa. Mas nagmukhang matapang pero sige lang




"Kahit anong gawin niyo, hindi ka namin matatanggap"




"Alam ko po na hindi ko mababago ang isip niyo sa kung paano niyo ko nakilala or kung paano niyo po kami tatanggapin. Or kung hindi niyo na po kami matatanggap pero lahat po ng sinabi ko, lahat 'yon totoo." nahinga na rin ako kahit paano. Alam ko na hindi pa tapos at hindi pa dito natatapos pero siguro, magandang simula na rin 'to na may alam sila kahit paano




"At kahit po hindi niyo ko matatanggap, nasa inyo pa rin po ang respeto ko bilang isang magulang" 






Sa dami ng pinagdaanan naming dalawa, ngayon ko pa ba iisipin na sumuko sa kanya? Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito. Kasi kung tatanungin ako, nakakaramdam na rin ako ng pagod. Pero hanggat kaya ko pa, lalaban ako




Naglalakad na lang ako dahil na rin sa dala ng pagod ko katatakbo.




 At mula dito sa kinatatayuan ko, nakita ko siya nakaupo sa gutter ng tulay




-


Deanna




Hinihintay ko si Jema dito sa Apartment niya. Nakaupo sa may gutter dahil na rin sa hindi ko naman kayang pumasok lang bigla kahit pa na may susi ako. 




Kanina ko pa siya tinatawagan at tini-text pero hindi siya nagrereply o kahit call back man lang. Busy siguro. 




Ang alam ko lang, may kakausapin siya. Sabi niya importante raw kaya hindi na rin niya ako sinama pa. Miss ko na siya kaya ako pumunta dito.




Tanaw ko na siya mula dito, namumugto ang mga mata niya. Habang papalapit siya, hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit pa kasi namamaga ang mga mata niya, hindi nagbabago sa kung paano ko siya hinahangaan




"Hi!" tumayo na ako at masayang bumati sa kanya pero lungkot yung nakita ko sa mga mata niya. Ngumiti lang siya pero alam kong may something




"Halika nga dito" niyakap ko siya ng mahigpit. "Kahit hindi ko alam kung bakit ka ganyan, mahal kita" mas yumakap siya at naririnig ang mahinang paghikbi niya. 




"Wag ka nang umiyak sa mundong pabago-bago." naramdaman kong natawa siya lalo pa na with feelings ang pagkanta ko nun. Bumitaw ako sa pagkakayap naming dalawa. Tinignan ko siya, mata sa mata




"Pag-ibig ko ay totoo. Ako ang iyong bangka kung magalit man ang alon ng panahon, sabay tayong aahon" mas natawa siya ng tinula ko yun sa kanya. Napangiti na rin ako.




"Cheer up na. Hahaha." saka ko kinurot ang pisngi niya. "Kung ano man iniisip mo, matatapos din 'yan. Magiging okay din ang lahat" at saka ngumiting muli




Pero gaya ng kantang 'yon; sabay kaming aahon dahil kahit ano o saan pa 'yon, sasama ako








Konti pa lang ang naaalala ko pero sa bawat pag-alala ko, nalulungkot lang ako. Nadudurog sa kung bakit hindi ko natandaan ang mga bagay na minsang nagpasaya sa buhay ko. Nalilito pa rin ako kung bakit ganito pero hindi ko malalaman ang sagot sa tanong ko kung hindi ko aalamin ang lahat bago mangyari 'to




Sa pagod, nakaupo ako sa gutter ng tulay. Hindi ako magpapakamatay o kung ano pa man, gusto ko lang magpahinga dahil sa pagod na rin ako. Pagod na pagod na ako. Pagod na ako emotionally, physically and mentally. Pakiramdam ko bibigay ang buong katawan ko. Kasabay ng buhos ng ulan ang pag-iyak ko. Masakit. Sobrang sakit. At kahit pa siguro na ipahinga ko, walang epekto kung puso na yung napagod. Yung pakiramdam ko, nahahaluhan ng sama ng loob






"Deanns" may humawak ng kamay ko. Kilala ko na kung kanino 'to




-


Maddie




Kanya-kanya kaming baba ng makita namin silang dalawa na nakaupo sa gutter. Hindi na rin namin alintana yung lakas ng ulan, mas mahalaga na makita muna namin sila. Randam ang tensyon sa aming lahat, halos walang nag-uusap. Tanging tunog ng ulan ang maririnig. Sa tinagal nilang dalawa, saksi kami sa akyat-baba ng relasyon nila. Kahit pa sa pagkakataon na umalis si Deanna, naging saksi pa rin kami sa kung paano lumaban si Jema. At ngayon sa pagbalik ni Deanna, kakayanin pa kaya niya?








"Maddie, Hija.. Ikaw na muna bahala kay Deanna ha?" sabi ni Tita. Deanna's mom




"Opo tita" matipid na sagot ko. Mabigat sa puso ko yung gusto nilang gawin pero wala rin ako magawa




"Please Maddie. Please Hija. Huwag mo payagang makipagkita pa si Deanna kay Jema" nasasaktan ako para sa kanilang dalawa




Alam namin kung paano nag-umpisa ang lahat kaya mahirap din para sa amin na ganito yung gusto nilang mangyari para kay Deanna




"Yes po Tito" hindi ko na alam kung ano pa sasabihin ko




"Thank you, Maddie." at binigyan sila ng isang matipid na ngiti










Saksi ako sa mga araw na halos magmakaaawa si Deanna sa akin para makita si Jema








"Sige na Ate Maddie. Please please please. Saglit lang ako kila Jema. Sige na ate" pagmamakaawa sa akin ni Deanna para pumunta kay Jema




"Deanns, alam mo namang pinapabantayan ka sa akin ni Tito. Hindi naman ako against sa inyo ni Jema pero look oh, anong oras na lalabas ka pa? Bukas na lang I swear sasamahan pa kita" bakas sa mukha niya yung pagkalungkot nang hindi ako pumayag




"Papagalitan kasi ako nila Tito" but she's more than a teammate to me




"Hindi naman nila malalaman. Hihihi"




"Sige na. Halika na. Sandali lang tayo ha?" nakita ko namang ngumiti siya. 




"Ano masaya ka na? Hahaha" tumayo ako at kinuha ang susi ng sasakyan ko




"OO ATE! PINASAYA MO ANG GABI KO!" may patalon-talon pa siya. Iba talaga kapag tinamaan ka




Kahit pa anong pagbabawal sayo, hahanap ka pa rin ng paraan para makasama yung tao na 'yon










Tumayo si Deanna sa kinauupuan niya. Naaawa ako sa kanilang dalawa. Wala silang ibang ginawa kundi ipaglaban yung bagay na meron sa kanilang dalawa. Kahit pa ang daming hindi sang-ayon sa pinili nila








Agad na lumabas ng sasakyan si Deanna. Para siyang bata na excited makita yung crush niya. Tinawagan niya agad si Jema para labasin kaming dalawa. Pareho kaming nakahoodie para walang makakita sa aming dalawa. Pumasok agad si Deanna ng makita niya si Jema. Sobrang miss niya kaya siguro ganyan siya. Pinapasok na rin ako ni Jema sa apartment niya. 




"CR muna ako" sabi ni Deanna




"So ayan ang ipinunta natin dito? Hahaha" Tanong ko sa kanya at natawa naman si Jema




"Sorry ate Mads. Hahaha. Excited kasi akong makita si Jema. Ay shet. Kinilig ako. HAHAHA" sabi niya saka siya pumasok ng cr




Kung titignan silang dalawa, mukhang okay naman sila pero kung tititigan yung mga mata nila, alam mong may pinagdadaanan




"Buti pumayag ka na pumunta si Deanna dito. Kahit ako na lang dapat pumunta sa Dorm niyo para hindi ka naabala" sabi ni Jema habang hinihintay namin si Deanna




"Nangungulit e. Hahaha. Pero gusto ko rin naman kahit paano na may gawin ako para sa inyo" ngumiti siya sa akin




"Kinausap ka ng parents niya na huwag na makipagkita sa akin?" tumango lang ako sa kanya dahil 'yon ang totoo




"Thank you, Maddie" nagulat ako ng yakapin niya ako. Dala na rin ng pressure na meron sa kanilang dalawa




"HOY! ANO 'TO HA? NAG CR LANG AKO MAY PAGKAYAP NA?" nagulat ako ng bigla kaming paghiwalayin ni Jema




"Baliw ka na naman. Hahaha. Friendly hug. " sagot ko sa kanya at ngumiti lang si Jema sa akin.




"Ahhh. Akala ko may something e. Nag CR lang ako may ganitong eksena na. Hahaha" pinalo naman siya ng mahina ni Jema




Masaya silang nag-uusap. Holding hands. Kung hindi ako in a relationship, maiinggit ako pero sa ngayon, hahayaan ko munang masaksihan ang gaya nito




Just by looking at them, I know it's love




I guess, no one ever fell in love without being a little bit brave








Lumapit ako sa gawi ni Deanna. Lahat na kami basang-basa sa ulan. Mahirap kung may mangyari pa sa amin lalo pa na lahat kami nasa labas. Tanging headlights lang yung nagsisilbing ilaw naming lahat




"Deanns. Halika na. Balik na muna tayo sa resort. Malakas na ulan." hahawakan ko sana siya pero bigla siyang umiwas. 




"I want to know the truth" pahikbing sabi niya. Alam naman namin na nabigla siya kaya siya nagwalk out




"I will tell you everything pero please balik na muna tayo Deanns" hinawakan ko siya sa braso pero inalis niya ito




"Tell it here" napabuntong hininga ako sa gusto niyang mangyari




"Deanns. Please?"




"Please ate. Tell me now" kahit gusto na sabihin lahat alam ko na hindi dito ang tamang lugar para pag-usapan 'yon. 




Maraming alaala ang babalik kasabay ng mga sugat na patuloy pa ring ginagamot ng panahon




Iniisip ko rin na hindi ako yung tamang tao para magsabi nito




"Deanns. Kahit alam ko lahat, I know I am not the right person para magsabi sayo nito" 




"Ate, please.... " I'm about to say a word pero saktong dumating sila




"Anak, please... Bumalik na muna tayo ha?" nakita ko si Tita na yakap si Deanna. Nasa tabi niya lang si Tito na sa kung titignan ay alam ko ring nasasaktan




 Bago kami nagpunta dito sa Batangas, nakaramdam na rin kami na malapit na niyang maalala yung ibang bagay na alam naming nakapagpasaya sa kanya




Kahit paano, unti-unti naming ginagawa para makatulong






"Tito, all set na po kami sa Batangas this weekend" sabi ni Bea habang kausap Dad ni Deanna




"Bea, Maddie.. Maraming salamat sa lahat ng tulong niyo ha?" At niyakap niya kaming dalawa




"Wala po 'yon Tito. Kapatid na po turing namin kay Deanna. At all cost, we'll help her po" teary-eyed ako sa sinabi ni Bea. Well of course, totoo naman na she's more than that




"Sa tingin niyo, nagiging effective din ba?"




"Opo Tito. Sa nakikita at nararamdaman po namin ni Maddie, effective naman po and may nakukuha na rin po kaming results. Magiging okay din po ang lahat " si Bea ang spokeperson ko, siya rin kasi halos nakaisip ng ganitong idea




"Hindi ko mapapatawad sarili ko kung may iba pang mangyayari kay Deanna dahil sa pagiging insensitive ko"




"Tito, everything will be okay" at niyakap kong muli si Tito dahil na rin sa pain na nararamdaman ko habang sinasabi niya 'yon




"Susunod din kami sa Batangas"








Tinext sila ni Luigi dahil na rin sa nangyari. May reservation din sila. Alam namin ni Bea 'yon. Buti na lang at nandito sila para kahit paano, sakanila na mismo manggaling ang lahat.




 Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Deanna. Nadudurog din ang puso namin na makita silang ganyan. Kilala ko na sila kahit sa Cebu pa lang. I know them so well na ginagawa nila yung ganung bagay dahil sa pagiging overprotective nila... Unfortunately, nasobrahan.




"Ma, please... Tell me" rinig na sa boses niya yung pagod. Kahit naman sino, mapapagod




"Anak, please... Sasabihin namin lahat sayo ni Papa pero balik muna tayo.. Pahinga muna anak ha. Baka magkasakit ka niyan" cracked voice ni Tita. 




We are all in pain pero hindi maikukumpara yung nararamdaman namin sa nararamdaman nila bilang magulang.




"Maddie, anak.. Mauna na muna kami ha? Ikaw na munang bahala sa mga kaibigan niyo ha?" 




"Opo, Tita" saka sila pumasok ng sasakyan para ihatid muna si Deanna. 




Tinignan ko si Jema... Nasasaktan ako para sa kanya. Nilapitan ko siya para ayaing bumalik na rin sa resort




"Jema. Halika ka na. Balik na tayo para makapahinga ka na rin muna" mahinang sabi ko. Sa aming lahat, simula sa una si Jema yung pagod. Physically, emotionally and mentally. 




"Pagod na ako, Maddie" at mas lalo pa siyang umiyak pagkatapos niyang sabihin 'yon. Kumikirot din yung puso ko dahil na rin sa alam ko ang ibig sabihin nun. Lumapit ako a




"I admire you, Jema. "  at niyakap siya, alam kong sobrang nasasaktan na siya




"Sa aming lahat, ikaw yung pinakamatapang" hindi ko maiwasang maiyak habang sinasabi ko 'to at mas humigpit ang yakap niya sa akin 




"Pagod na ako maging matapang. Pagod na ako maghintay. Pagod na ako masaktan ng paulit-ulit." 




"Pagod na akong masaktan sa parehong dahilan" Sa lahat ng pinagdaanan ko, wala pa 'yon sa kalahati ng nararamdaman niya ngayon. Sa lahat, siya yung nagtiis, naghintay, umintindi. Siya yung sumalo ng sakit. Hindi ko siya masisi na ganito na nararamdaman niya. Napuno na ng sakit at lungkot. Sobra na yung sakit na inipon niya




Hindi lahat nang naghihiwalay, na-fall out of love.. Yung iba, napagod na. Hindi natin sila masisi kasi sila yung higit na nakakaramdaman. Ang magagawa mo ay yung katitining na pag-asa na magiging okay din ang lahat. 




Maniniwala ka pa rin kahit nakakapagod na




"Jema, please. Konting tiis pa. Matatapos din 'to" alam ko na wala ako sa posisyon para humingi pa ng kaunting panahon para intindihin ang mga nangyayari




"Pagod na akong lumaban para sa aming dalawa" pero siguro, huli na....




  A heart that always understands also gets tired.  




-






























AN - So ayun. Pagod na si Mare :(  dami flashback. Marami pa 'yan. HAHAHAHA. Pero yan muna para masaya xD Deh jk. Bear with me guys. Makakarating din tayo sa hinihintay nating lahat :)




Italics - flashback






Other than "UD na Author" comment and share your thoughts about this one. Hihihi. 






-pnsv

Comment