CHAPTER 8

Maya Pov;

Ilang araw na ang lumipas matapos ang nangyari sa garden. Ilang araw ko ring iniiwasan si Klay. Hanggang ngayon kasi nasasaktan pa rin ako sa nangyari, hindi ko alam bakit. Ahh basta nasasaktan pa rin ako.

Alam kung nahahalata niya rin na iniiwasan ko siya pero bahala siya diyan. Tuwing nandito siya sa bahay ay nasa garden ako tumatambay kagaya ngayon.

Kapag naman natutulog  hindi ko rin siya pinapansin. Magkatabi nga kami pero hindi ako umiimik at ganon rin siya.

Nang ma boring ako ay agad rin naman akong tumayo at pumasok sa loob ng mansyon. Alas tres na pala ng hapon at nakaramdam ako ng gutom kaya dumiretso ako sa kusina.

Nang maka rating ako doon ay naabutan ko si manang na naglilinis. Agad ko naman itong nilapitan at binati.

"Hi manang, tapos na po ba kayo?" tanong ko rito.

"Ayy kalabaw!," gulat na saad nito at humawak sa puso nito saka ako tinignan. "Sumaryosep iha, aatakehin ako sa puso dahil sayo." hinihingal na saad nito kaya natawa naman ako nang mahina.

"Sorry manang, magugulatin ka talaga eh binati lang naman kita." natatawang turan ko rito.

"Ikaw kasi eh. Oh ano palang gagawin mo iha? Gutom ka ba?" tanong nito at nag patuloy sa ginagawa.

"Mag m-meryenda sana manang, may pagkain ba rito? nagutom kasi ako ehe." saad ko rito.

"Diyan sa ref tignan mo lang at baka may gusto kang kainin." sagot nito kaya agad naman akong lumapit sa ref at binuksan ito.

Nang mabuksan ko ang ref ay bumungad sa'kin ang napakaraming alak. Iba't-ibang uri ng alak ito, agad ko namang kinuha ang ice cream  na nakita ko dahil ito lang ang matino doon.

Agad ko namang sinirado ang ref at tumingin kay manang.

"Manang? Kanino itong ice cream? akin na po ah." saad ko at kumuha ng kutsara.

"Kainin mo lang iha." sagot nito kaya nag umpisa naman akong kumain.

Natakam naman ako dahil favorite ice cream ko ito, cookies and cream.

"Hmmm, ang sarap!" naka ngiting saad ko saka nag patuloy sa pag kain.

"Manang?"

Napa tigil naman ako sa pagkain ng ice cream nang marinig ko ang boses ni Klay sa likuran ko.

Para akong nanigas sa kinakatayuan ko dahil sa presensya niya. Para akong na estatwa at ang kutsara na may lamang ice cream na akma ko sanang isusubo ay natigil sa ere.

"Oh iho? Bakit?" biglang tanong naman ni manang kaya nabalik naman ako sa ulirat at agad na sinubo ang ice cream.

"Can you bring me coffee and snacks in my office manang?" seryoso at malamig na saad nito.

Ramdam ko rin ang mga titig nito sa'kin pero nanatili pa rin ako sa kinakatayuan ko at nag patuloy sa pag kain ng ice cream pero dahan-dahan lang.

"Sige iho, 10 minutes." sagot ni manang at narinig ko nalang ang mga yabag nito papaalis ng kusina.

Napa hinga naman ako nang maluwag dahil parang mauubusan ako ng hininga kanina dahil sa pag pipigil.

"Hindi pa rin kayo bati iha?"

Napa tigil naman ako sa pagkain at napa tingin naman ako kay manang nang mag tanong ito.

"Ahh ano manang ehehe." awkward akong ngumiti rito kasi hindi alam ang sasabihin.

"Nagtatampo ka pa rin ba hanggang ngayon iha?" natatawang tukso ni manang kaya napa padyak naman ako ng mga paa ko.

"Manang naman ehh!"

"Hay nako iha, oh siya ikaw itong mag hatid ng snacks niya." natatawang saad ni manang kaya nanlaki naman ang mga mata kung tinignan ito.

"P-Po? bakit ako, ikaw na lang manang!" pag mamaktol ko rito at pumadyak-padyak pa.

"Sige na iha para naman magka bati na kayong dalawa. Kayo talagang mga bata kayo!" natatawa pa ring saad ni manang kaya wala naman akong magawa at kinuha ang naka handang pagkain na naka lagay sa food trolley at lumabas ng kusina.

Nag umpisa naman akong maglakad at huminto lang nang nasa harap na ako ng pinto nang office ni Klay.

Bumuntong hininga muna ako nag ilang ulit saka kumatok ng tatlong beses.

"Come in manang, bukas yan!" sigaw nito sa loob kaya kinakabahanan naman akong pinihit ang door nob ng pinto at binuksan ito.

Nang mabuksan ko ang pinto ay bumungad sa'kin si Klay na naka upo sa swivel chair nito at busy sa ginagawa, hindi ito nag angat man lang nang tingin.

"Paki lagay nalang diyan sa table manang, I'll eat that later after I finished this work of mine." saad nito pero nasa papel pa rin ang tingin habang pinipermahan nito.

Agad ko namang sinunod ang sinabi nito saka walang salita na naglakad palapit sa table. Nilapag ko naman iyon nang dahan-dahan saka hindi umimik dahil ayos na ako rito, iniiwasan ko siya eh kaya buti nalang at hindi ito tumingin sa gawi ko nang pumasok ako dahil ayaw ko pa rin itong kausapin.

Akmang lalabas na ako nang mag salita ito.

"Why aren't you talking man—, Maya?" he didn't finished what he supposed to say when he saw me nang umangat ito ng tingin.

Gulat itong tumingin sa'kin pero agad ding nawala at bumalik sa pagiging seryoso.

"Where's manang?" he coldly asked.

"May ginagawa pa kaya ako ang pina hatid. May utos pa po ba kayo? aalis na ako." saad ko at pinilit ang sariling huwag mautal.

Hindi ito nag salita at mariin lang akong tinitigan kaya agad naman akong umiwas ng tingin dahil hindi ko kaya ang titig nito.

Ramdam ko ring bumilis ang tibok nang puso ko kaya mas lalo akong nailang. Bakit nararamdaman ko ito? Ano ito?

"Aalis na po ako." ilang usal ko at tumalikod na.

Akmang bubuksan ko ang pinto pero naiwan sa ere ang kamay ko nang tawagin nito ang pangalan ko.

"Maya?" mahina at tila malambing na tawag nito.

Agad naman akong humawak sa pinto dahil muntik na akong ma tumba. Bakit ang lambing ng boses niya? Sinusuyo niya na ba ako? Ay oo nga pala, pag papanggap lang ito, ano kaba naman Maya! Ang delusional mo ah.

Bumuntong hininga naman ako at hinarap ito.

"Po?" tanong ko.

"Come here, Maya." saad nito pero mahihimigan ko pa rin sa boses nito ang lambing.

Wait? anong nakain nito at malambing ata ang boses?

"B-Bakit po?" kinakabahang tanong ko.

"Just come here baby, we need to talk." malambing pa rin na saad nito at tinitigan ako.

Wait? did I hear him calling me baby? hala? totoo ba yun o guni-guni ko lang? ahh siguro guni-guni lang, sobrang sungit niya para tawagin akong baby. Ang delusional ko naman kapag ganon.

Agad naman akong naglakad palapit rito, nang maka rating ako sa harap nito ilang metro ang layo ay tumigil ako.

"A-Ano pong pag uusapan natin?" kinakabahan pa ring tanong ko.

"Come here Maya," he said and tap his lap.

Gulat at awang labi ko naman itong tinignan.

"Tss." saad nito at tumayo saka lumapit sa'kin nang hindi ako gumagalaw sa kinakatayuan ko.

Agad ako nitong hinapit sa bewang at dinala sa swivel chair niya at pina upo ako sa lap nito. Bali ang posisyon namin ay naka upo siya sa swivel chair niya habang ako naka upo sa dalawang lap nito habang ang kaliwang kamay nito ay sumusuporta sa likod ko at ang isa naman ay nasa harapan.

"A-Ano pong ginagawa ninyo?" kinakabahan at pigil hiningang tanong ko rito.

"Are you avoiding me because of what I did in the garden Maya?" tanong nito sa malambing na boses.

Tinignan ko ito pero agad ring iniwas ang tingin dahil naka titig ito sakin. Ang awkward rin nang posisyon namin ngayon.

"P-Po? Hindi ah!" defensive na sasd ko rito.

"Tss, I know you are Maya. I'm sorry, okay? Did I hurt your feelings hmm?" masuyong tanong nito.

"Hindi naman po, wala po yun." sagot ko pero nasa pagkain ang tingin dahil ayaw kung mag tagpo ang mga mata namin.

"You sure? manang told me that you're crying when she saw you. Did I make you cry? I'm sorry baby." masuyong saad nito sa malambing na boses.

Bumilis naman ang tibok nang puso ko sa hindi malamang dahilan. Bakit ang lambing niya ata ngayon? Parang iba siya sa Klaihuse na nakilala ko at kilala ng lahat.

May side rin pala itong ganito?

"Why aren't you talking Maya? What you're thinking?" he asked and held my chin to face him.

"A-Ahh wala po, ayos na po ako. Saka baka gutom ka na po, kumain ka muna ehe." awkward na saad ko rito at mabilis na umalis sa kandungan nito at kinuha ang tray nang pagkain at binigay sakaniya.

"Eat well po." iwas tingin na saad ko.

"Bati na ba tayo? You wont avoid me anymore?" parang batang saad nito na nagpa ngiti sakin.

"Why are you smiling?" akusang tanong nito.

"Wala naman po, sige kain na po kayo." naka ngiting saad ko at inihanda ang pagkain nito.

"Stop saying po on me Maya, I'm not that old." saad nito.

"Sige p-, I mean sige." saad ko at tumango naman ito at kumain na.

Tinitigan ko lang itong kumain at hinintay na matapos ito.

Ilang minuto pa ay natapos rin ito kaya agad ko namang niligpit ang mga pinag kainan nito.

"May ipapagawa ka pa ba? Ihahatid ko na ito sa kusina." tanong ko at tinignan ito.

"No, I'm full. Thanks for the food." saad nito at bumalik na sa seryoso ang emosyon nito.

"Apaka bipolar naman nito. Parang hindi lumambing ang boses kanina at tinawag akong baby eh."  bulong ko sa sarili, ewan ko lang kung narinig nito bahala siya diyan.

"Okay po, aalis na ako." saad ko at tumalikod na.

Agad naman akong lumabas ng pinto at dumiretso sa kusina.

Comment