CHAPTER 5

Maya Pov;

Napa tingin ako sa malaking bahay na nasa harapan ko. Sobrang laki nito, parang mansyon na nga ito eh. Si sir Klay lang ba ang naka tira rito? Ang lonely niya naman kung ganon.

Nag doorbell naman ako ng tatlong beses at nag hintay saglit. Ito kasi ang adress na sinend sakin ni sir Klay kaya nandito ako ngayon. Hindi ko naman aakalain na napakalaki pala nitong bahay niya. Nakaka-lula jusko.

Napa tingin naman ako sa babaeng bumukas ng gate ng malaking bahay na ito. Basi sa suot nito ay siya ata ang mayordoma ng bahay, matanda na ito nasa 50's na ata ang edad nito eh.

"Oh iha, ikaw na ba si Maya?" tanong nito.

"Yes ma'am, ako nga po ito." magalang na sagot ko rito at ngumiti.

"Kanina pa kita hinihintay iha, pasok ka. Tumawag kanina sakin si Klay at sinabing dadating ka raw kaya nag handa kami sa pag dating ng fiancé niya. Ang ganda mong bata iha, bagay kayo ng alaga ko. Saka huwag mo na akong tawaging ma'am ako lang ang taga pamahala ng bahay na ito, tawagin mo nalang akong manang. Manang Lucy." mahabang saad nito at nginitian ako.

Fiancé? Akala ko wife? Iyon kasi ang nasa contrata eh! Hay ewan ko sayo Maya, hayaan mo na.

"Okay po manang Lucy." naka ngiting saad ko.

"Upo ka muna diyan iha, anong gusto mong inumin or snack?" tanong ni manang Lucy ng maka rating kami sa sala.

"Kahit ano nalang po manang." I said and smiled at her.

"Sige. Feel at home iha dahil dito kana rin titira." she said, so I smiled at her and nodded my head.

I roamed my eyes around this big house. Kung maganda sa labas mas maganda sa loob. Napa tingin naman ako sa inaapakan ko at kitang kita ko ang mukha ko. Jusko pati inaapakan ko pwede ko ng gawing salamin.

Tumayo naman ako at napa tingin-tingin sa paligid. Sobrang ganda ng loob, nasa dalawang palapag ito. Napa tingin naman ako sa malaking chandelier na naka sabit sa gitna, sobrang ganda at laki nito. May mga painting rin at flower vase na display na halatang mamahalin.

Bumalik naman ako agad sa upuan ko sa sofa dahil natatakot ako at baka maka basag ako. Marami pa namang babasagin, wala akong pambayad.

Napa tingin naman ako kay manang Lucy nang marinig ko ang sapatos na suot nito na nag e-echo sa tahimik na apat na sulok ng bahay. May dala itong lalagyan ng pagkain at naka ngiti itong naglalakad patungo sa gawi ko.

Umayos naman ako nang upo at ngumiti rin pabalik.

"Kain ka muna iha, pagkatapos mo diyan hatid kita sa kwarto niyo ni Klay." ngiting turan nito.

"Kwarto namin ni si-, I mean kwarto po namin ni Klay?" nagtatakang tanong ko.

"Oo iha, ano kaba naman! Syempre sa kwarto ka ni Klay kasi ikakasal na kayo diba? Saka siya rin nag sabi na sa kwarto niya daw kita dalhin para makapag pahinga ka." sambit ni manang na ikinataka ko.

Sinabi ni sir Klay 'yun? At ikakasal na kami? Bakit hindi niya sinabi sakin? So may kasalang magaganap? Onyghadd Maya! Ano itong pinasok mo? Ano ang sasabihin mo sa mama mo? Na ikakasal kana? Oh no! Baka hindi naman, huwag kang mag isip ng ganiyan Maya huwag.

Peke naman akong ngumiti kay manang at uminom ng juice na bigay nito dahil parang nauhaw ata ako bigla sa sinabi nito.

"Sige po manang, thank you po rito."

"Walang ano man iha, saka trabaho ko ang pag silbihan ka kasi magiging amo na rin kita dahil ikakasal na kayo ng alaga ko."

Saad nito at ngumiti. Napa iwas naman ako nang tingin dahil sa na g-guilty na naman ako, sa ginagawa ko ngayon alam kung maraming tao kaming lulukohin at pag sisinungalingan. Ngayon palang kinakain na ako ng konsesnsiya ko, parang gusto kung umiyak at mag back out nalang. Pero naka perma na ako sa kontrata namin ni sir Klay kaya wala na akong kawala pa.

Ilang minuto pa ay natapos na rin ako sa pag kain kaya dinala ko naman agad ito sa kusina kung saan nakita kung pumasok at lumabas kanina si manang.

Hindi ko na siya tinawag pa dahil baka may ginagawa ito at saka kaya ko naman. Hindi ako prinsesa sa bahay na 'to.

"Oh iha bakit ikaw nag dala niyan dito? Sana tinawag mo ako ano kaba!" hysterical na saad nito at kinuha agad ang dala ko.

Napa tawa naman ako sa reaksiyon ni manang. "Ayos lang manang, kaya ko naman po."

"Kahit na! Oh siya mag papahinga ka na ba?" tanong nito at hinugasan ang pinag kainan ko.

"Opo, manang." mahinang wika ko.

Inaantok na kasi ako at pagod. Hinahanap na ng katawan ko ang kama. Marami pa sana akong gustong itanong kay manang kaso bukas nalang, pagod pa ako eh.

"Tapos na ako. Oh siya hali kana't ihahatid na kita sa kwarto niyo." saad nito at naunang mag lakad.

Agad naman akong sumunod rito. Akmang kukunin na nito ang mga gamit ko ng pinigilan ko ito.

"Ako na po manang! Kaya ko na po ito." naka ngiting saad ko kaya tumango naman ito at nauna nang mag lakad.

Agad ko namang binuhat ang dalang bag ko at sumunod kay manang. Umakyat kami sa napaka habang hagdan hanggang sa marating namin ang malawak na pasilyo ng second floor.

Inilibot ko naman ang tingin ko at nakita kung mayroong anim na kwarto rito. May malalaking painting na naka sabit sa pader rito sa pasilyo na halatang mamahalin.

Napa hinto naman ako nang huminto si manang Lucy. Huminto niya sa harap ng itim na pintoan. Ito na ata ang kwarto ni sir Klay.

Napa tingin naman ako sa paligid at nandito pala sa pinaka dulo nang mahabang pasilyo ang kwarto ni sir Klay. Mukha ring walang tao ang mga kwarto sa katabi nito kasi sobrang tahimik.

"Nandito na tayo iha. Pasok ka." wika ni manang kaya napa tingin naman ako rito at bukas na pala ang kwarto ni sir Klay.

Agad naman akong pumasok sa loob at bumungad sa'kin ang plain na design ng kwarto nito.

"Sige iha iiwan muna kita rito ng makapag pahinga ka. Gigisingin nalang kita kapag hapunan na." naka ngiting tugon ni manang kaya napa tingin ako rito.

"Okay po manang Lucy, thank you po." wika ko at ngumiti.

Tumango naman ito at agad na lumabas at sinarado ang pinto. Nang ako nalang mag isa sa madilim na kwarto na ito ay nilibot ko ang paningin ko.

Puro itim lahat ng gamit. Masyadong madilim ang kwarto niya. May king size bed ito na halatang kasya ang limang tao, may veranda rin siya at may parang study table at may lamp shade. Mahilig pala sa itim si sir Klay, parang walang kabuhay-buhay ang kwarto nito ganon rin ang office niya.

May nakita naman akong dalawang pintoan, halatang cr ang isa at walk in closet naman ang isa. Ang yaman niya, sa bahay kasi maliit lang ang kwarto ko walang cr 'yun at maliit na lalagayan lang ng damit.

Tinigil ko naman ang pagkilatis ng kwarto ni sir Klay at nag tungo sa mga gamit ko. Agad naman akong kumuha ng malaking white t-shirt at pajama saka undergarments at pumasok sa cr.

Nang mapasok ko ang cr ay malaki rin ito, mayroong bath tub tapos may shower room rin na natatabunan ng hard tented glass saka sink. Tapos may malaking salamin sa harap ng lababo at may medyo kalakihang kabinet na mayroong mga kagamitan na pang lalaki.

Tumigil naman ako sa pag tingin-tingin at nag half bath na kasi pagod na pagod na talaga ako. Matapos ko ay nag bihis naman ako agad at lumabas na.

Nang maka labas ako ay agad naman akong lumapit sa malaking kama ni sir Klay at umupo rito. Ang lambot! Ang lambot-lambot ng kama nito at halatang komportableng tulugan.

Agad naman akong humiga sa kama at niyakap ang isang unan. Ang bango, ang bango-bango ng kama ni sir Klay. Hindi masakit sa ilong ang pabango nito at smooth lang, nakaka adik shuta.

Pinikit ko naman ang mga mata ko at hinayaan ang sariling hilain ng antok.

Comment