DVL8

Napansin niyang sinusundan ko siya.

"B-bakit ka ba nabuntot!? Parang ikaw ata yung spy!?" sambit nito.

Nag-iisip naman ako ng maisasagot.

"May kailangan ka ba!?" dagdag nito.

"Gusto ko ng tahanan yung....permanente!?"

Naisip ko na kailangan makakuha ako sakanya ng information about sa personality para malaman ko kung isa ba siyang inosente o hindi.

"Ah!? Nakalimutan muna yung location kung saan kita dinala!? Welcome kaparin doon. Kaso hindi kita maihahatid ngayon, dahil may work pa ako." saad niya.

"Anong next na work mo!? Sasabay na ako sayo kasi nakalimutan ko na."

Napahinto ito sa paglilinis niya.

"Ashly!!!" sigaw nito.

"Bakit po tayy!?" sagot ni Ashly.

Nagulat naman ako rito.

"Umuwi ka na at isabay mo siya!" sabay turo niya ako.

"Sige po tay, tara na po!"

Dahil wala akong madadahilan, no choice na sumama kay Ashly.

Habang naglalakad kami pauwi.

"Hindi ka man lang magtatanong kung sino ako!?" saad ko.

"Na ikwento ka na ni tatay saamin."

"Talaga!? Ano naman tsismis niya sainyo!?"

"Isang homeless na maarte, choosy, madaldal at ano ba yun....nakalimutan ko na eh!"

Nanggigil naman ako sa aking narinig.

"Talagang sinabi niya yun!!!" saad ko.

"Sa tingen mo ano!?"

"Sa tingen ko!? Ohm, isa siyang dakilang tsismoso."

Afterwards, dumating na kami sa bahay nila.

"Gosh! Wala bang naglilinis sa bahay niyo!?" tanong ko kay Ashly.

"Tama nga si tatay ang arte mo!"

Biglang dumating yung batang lalaki.

"Hi!? Siya ba yung babaeng tinutukoy ni tatay!?" tanong niya kay Ashly.

"Yes, siya nga! Naniniwala na ako kay tatay, nung una ayaw kong maniwala."

Tinitignan nalang ako ng batang lalaki.

"W-wait, sino mas matanda sainyo!?" tanong ko.

"Kambal kami" sagot ni Ashly.

Sabay kinuha ko ang upuan na nasa tabi at nilinis ito, bago ako umupo.

"Ang arte...!? Mas madumi nga ang katawan mo kaysa sa chair nayan." saad ni Ashly.

Napaisip naman ako sa sinabi nito. Kaso denedma ko nalang ito.

"S-so, kambal kayo!? Ilan tao na kayo!?"

Sabay silang sumagot.

"10" ang sinabi ni Ashly at "13" naman ang sinabi nung batang lalaki.

Nagtaka naman ako sa pagkaiba ng sagot nila.

"S-saglit, kala ko ba kambal kayo!?"

Napansin ko na kinabahan sila. Inisip ko na baka hindi sila nag-aaral.

"Nevermind, nasan ang nanay niyo!?"

"P@tay na!" sabay nilang sagot.

"Hahaha! Kambal nga kayo, madalas magkasabay. Well, ano naman kinam@tay niya!?"

"Meron siyang leukemia." saad ni Ashly habang naluluha.

Biglang sumingit ang batang lalaki. "N@matay raw siya nung time na ipapanganak niya ako! Nahirapan siya umere."

Biglang binatukan siya ni Ashly.

"Nandun panga ako sa hospital nung time na namat@y siya!" panglalaban ni Ashly.

Nagtaka naman ako muli.

"S-saglit, sino ang papaniwalaan ko sainyo!?" tanong ko muli sakanila.

Napansin ko na kinakabahan sila at nagtitigan sa mata.

"Siya!!" sabay turo nila ang isa't isa.

Nagulat ako sa reveal nila.

"S-siguro, sa ngayon mas papaniwalaan ko nalang ang sarili ko. Hindi bale, anong pangalan mo!?"

Tanong ko sa batang lalaki. Pangbawas narin sa awkwardness nila.

"Ako po si Ash!" saad niya.

"Nagugutom na ako gusto kung kumain! Tara na Ash mag luto tayo, para mapakain natin ang bisista!" dagdag ni Ashly.

"M-marunong ka magluto!?" tanong ni Ash.

Bigla itong hinila ni Ashly.

"S-saglit lang po, magluluto kami para may makain."

Pagpapaalam ni Ashly saakin habang patungo sila sa kusina.

Ilang minuto ay nakarinig ako ng basag na pinggan.

"Ano yun!!?"

Sambit ko, nadatnan ko silang magulo ang kanilang mga buhok at suot na damit habang nagluluto.

Parang masasabi mong galing sila sa away.

"Okay lang kami, nadulas kasi yung nahawakan ko." paliwanag ni Ashly.

Lumapit na rin ako sakanila.

"13 o 10 years old man kayo, hindi ba kayo tinuruan maglinis!??? Wala naman sa status ang pagiging malinis nasa tao yun!" sambit ko.

"Aysus, ikaw nga po eh ang burara at baduy mo halatang hindi ka pa naligo ng ilang years. Linisin mo muna ang sarili mo bago magjudge!" sagot ni Ashly.

Nagloading naman ako.

Dahil ako yung tipong taong hindi nagpapatalo ay sasagot parin ako kahit natamaan.

"Alangan!? Homeless ako diba!? Kung may sarili lang akong bahay siguro hindi ganito karumi ang bahay ko!! Ang panghi pa rito, natatakot yung blessing pumasok sa baho!"

"Ang judgemental niyo naman po! Di umalis ka nalang rito!" sambit naman ni Ash.

"Bawal ba mag suggest!? Kung sinabi kong may muta ka e judgemental na!?"

Hindi na sila sumagot muli. Naghanda narin sila ng makakain.

Afterwards, tinawag nila ako sa hapag kainan nila.

Napansin ko rin na seryoso silang kumakain.

"Kailan nam@tay ang nanay niyo!? Sawreh sa tanong ha!? Baka langawin tayo." tanong ko muli.

Nagkatignan naman sila.

"Actually, si Ash wala siya rito nung nam@tay si nanay. Kaya iba ang sinagot. Lumaki siya kay tatay ako naman kay nanay. Ang tinutukoy niyang nam@tay ay yung lola namin." paliwanag ni Ashly.

Biglang sumigaw si Ash.

"Ha!? Buhay pa si Lola!!!"

Napansin ko na tinitigan ni Ashly si Ash ng masama.

"Hindi si Lola yun si Tita yun! Naalala ko na." dagdag ni Ash.

Nasa punto na ako na hindi ko alam kung sino ang papaniwalaan ko sa kanilang dalawa.

"Ah, s-sige kumain na tayo." sambit ko.

Nagsimula na kaming kumain at ang ulam ay scrambled egg.

Nalasahan kong sobrang alat.

"S-sana ako nalang ang pinagluto niyo." sambit ko.

"Ako madalas magluto, kaya sa ayaw sa gusto mo... no choice ka! Kung ayaw mo... edi? humanap ka ng makakainan, or else ikaw ang magluto!" sambit ni Ashly.

"Parang mas papaniwalaan ko na ngayon si Ash..., siguro!? N@matay ang nanay niyo since pinanganak niya kayo. Kasi parang walang nagturo sainyo ng asal!?"

Napa hard ang lunok nilang dalawa.

"A-alam mo, kahit anong bait pa ng tao. May time na maiinis din sila kapag sobra na! tao kasi ako at hindi anghel!?" sagot ni Ashly.

Nanonood nalang saamin si Ash.

"K-kapag sobra na!? Feeling ko hindi pa ako nakakaisang oras ganyan na yung mood mo. Sobra na ba yun!? Ayaw pang umamin." sambit ko.

"Magtatalo nalang ba kayo!? Kung ako yung judge rito ang masasabi kong pareho kayong may sungay." dagdag ni Ash.

Nagfocus na silang kumain habang ako ay tumayo sa upuan.

"Napakahusay niyong magluto, isang tikim busog agad yung kakain." sambit ko.

Afterwards, lumabas muna ako sa bahay nila.

Ang kanilang tahanan ay isang malaking compound na may tatlong bahay rito.

Hindi nagtagal dumating ang tatlong matatabang babae.

"Hoy mare! Bago ka lang ba rito o ikaw ang asawa ni CJ!?" saad ng isang babae.

Si CJ yung tatay ng mga batang kambal. Biglang binatukan siya nung katabi niya.

"Nakita mo suot!? Sa tingen mo asawa niya yan!? Baka isa yan sa mga tinulongan niya!" paliwanag niya.

Hindi nagtagal dumating si Ashly.

"Ate!? Wala ka bang balak maligo o maglinis man lang!?" saad niya saakin.

Sabay lumingon ito sa tatlong babae.

"Walang galang na po, matanda na kayo. Medyo bawasan niyo na ang pagiging marites. Nababawasan narin ang life niyo sa mundo." saad niya sakanila.

Sabay muli siyang tumingen saakin.

"Kung may kailangan kang malaman sa lugar namin, yan mga yan lang ang tanungin mo. Mas maalam manga yan... kada araw may bagong balita, kabog panila ang tv patrol at 24oras sa marameng nauulat." saad niya saakin.

Napikon naman ang tatlo.

Biglang sumagot ang isa sa kanila.

"Hoy!! Mag-ingat ingat ka sa sinasabi mo! Kaya ka siguro tinapon ng nanay mo kasi naamoy na niyang masamang bahong meron ka!"

"Tinapon...!?" bulong ko sa aking sarili.

Napansin kong hindi makasagot si Ashly, na para bang naluluha.

"Tinapon!? Bakit kayo itinapon rin kayo!?"

"Lumaki kami sa puder ng both parents namin!" saad nung isa.

"Pero bakit ganun!? Hindi naamoy ng magulang niyo ang panghi niyo!? Wala bang ilong ang parents niyo!? O...!? Na sanay na siya sa mapanghi niyong amoy dahil isa rin siyang mapanghi!?" Kalmadong sagot ko.

Napansin kong sasagot ang isa.

"Ops! Sasagot ka pa! Kahit ano pang panglalaban mo mapanghi parin kayo!! Tara na Ashly!"

Biglang sinabunotan ako nung isa.

"I-ikaw...!! Wag mong madamay-damay ang nanay ko!!!" sigaw nito habang nakahawak sa buhok ko.

Pinagtutulongan na nila akong tatlo.

Hindi nagtagal dumating si CJ.

"T-tama na yan!!!" sigaw nito.

Binitawan naman nila ako.

Kaso after nila akong bitawan kinuha ko ang isang walis tambo at pinaghahampas sakanila.

"Kayong mga baboy!! mukhang busog na busog kayo sa pagiging marites noh!! Tapos uulaman niyo pa ng pag mamaliit sa kapwa!!" sigaw ko.

Pinipigilan naman ako nina CJ at Ashly.

Afterwards, napigilan na nila ako.

"Umalis na kayo dito, kung ayaw niyo pang tawagin ko ang tanod." pananakot ni Cj sakanila.

Umalis na rin sila.

"Ano bayan!? Kabago-bago mo lang rito may nakaaway ka na." saad ni Cj saakin.

Inirapan ko nalang ito at tumungo na ako sa loob para mag-ayos.

After kong magbihis nilinis ko na rin ang kwarto na aking tutuloyan.

"Walang papasok rito ha!" sambit ko.

"Wow!? Ikaw na nga ang bisita ikaw pa tong makapal ang face!?" saad ni Ashly.

"Atleast, hindi manipis ang mukha ko. Kaysa naman sayo. Hindi makapal pero mataba ang sungay."

"T-tama na yan, pati bata pinapatulan." singit ni CJ.

Biglang naalala ko ang misyon ko sa lalaking ito.

"Ikaw nga ang sumagot sa mga tanong ko!? Nalilito na kasi ako sa mga anak mo!? Ang babata palang may lahing Pinocchio na. Ha! Kasabihan ng matatanda basta bata nagsasabi ng totoo, bat hindi ko ramdam ngayon!?" sambit ko.

Nagtingenan naman silang tatlo.

"Anong sinabi niyo!?" tanong ni Cj sa dalawang bata.

Pinigilan ko ang dalawa magsalita.

"Opps! Kailangan walang sasagot! Jan ko malalaman kung! Sino ang sinungaling o nagsasabi ng totoo sainyo!"

Hindi nga rin sila sumagot. Lumingon ako muli kay Cj.

"Ikaw, sabihen mo! Ilang taon na ba mga yan!?"

"13 na sila!"

"See!!?" sigaw ni Ash habang nakatingen kay Ashly.

Umirap nalang si Ashly.

Nagtanong ako muli.

"Nasaan ang nanay nila!?"

Tinaas muna niya ang kanyang kilay.

"Spy ka ba!? Bakit parang mas inuuna mo pang alamin ang mga sulok ng aming personality kaysa sa maging maayos ang buhay mo!?" kalmadong sagot ni Cj.

"Alangan!? Baka mamaya sugurin ako rito ng mother nila!" palusot ko.

"Wala na ang nanay nila."

"Anong klaseng wala!? Na missing!? Namat@y!? O sumakabilang bubong!?"

Hindi nagtagal umiyak si Ash.

"Tumigel ka!! Kunware ka pang naiyak!" sigaw ko.

Tumigel naman ito, at nagulat sila sa ginawa ko.

Ginawa ko lang yun kasi feeling ko nililihis nila ang katotohanan.

"Hindi pa sila naka move-on sa nangyari sa nanay nila." paliwanag ni Cj.

"Oh!? Talaga!? Pero ano nga!?"

"Kasi yung nanay nila....–"

Naputol ang sasabihen nito dahil may tumawag sakanya.

"Hush! Parang palabas noh..., kung kelan yung exciting part saka mag co-commercials!" sambit ko sa dalawang bata.

Habang sinasagot ni Cj ang tawag, naisip ko na mas lalo akong nagulohan kung sino ang papaniwalaan ko sa kanila.

"Aalis muna ako, mag-oover night ako sa work. Kung may gusto kayong kainin umutang muna kayo kay Charlotte." saad ni Cj after makausap ang nasa phone.

Lumisan na nga ito.

Afterwards, naging tahimik nanaman kami.

"Tayo-tayo nanaman ulit!? Ano!? Sabihen niyo, nag aaral ba kayo!?" sambit ko.

Tinaasan ako ng kilay ni Ashly.

"Magtatanong ka nanaman!? Tapos itatanong mo rin kay tatay!? Siya nalang kausapin mo!" saad niya.

Sabay umupo ito sa maliit na sofa nila.

"Nag-aaral kami, pwede mo ba kaming ihatid sa school twing may pasok!?" dagdag ni Ash.

"Hahaha!? Hindi ako naparito para magkatulong sainyo ha!?"

"Tumira ka rito kaya dapat may utang na loob ka!!" saad ni Ashly.

"Hahaha! Grabe, hindi pa ako nagsisimula e sinisingil na ako!? Sawreh ha!? Paano kung ayaw kong umutang!? Nakakamalas kayang umutang noh!"

Tinitigan nalang nila ako ng masama.

"Tatay niyo ang nag sabi na makituloy ako rito, kung ako yung nagkusa.... doon ako u-utang ng loob. Sa ngayon, u-utang muna ako kay Charlotte ha? Kasi ako yung lalapit sakanya ha!" palusot ko.

Lumabas narin ako muli sa bahay nila para hanapin ang tindahan nina Charlotte.

umabas na rin ako sa bahay nila.

Habang naglalakad ako sa Kanto may nadatnan akong isang tindahan inisip ko na kina Charlotte ito.

"Tao po!" saad ni Ash.

Nagulat naman ako dahil nakabuntot palaa siya saakin.

"Ate, anong gusto mo!?" tanong nito saakin.

Hindi na ako nagdalawang isip ay pumili ako.

"Hah!? Ang mahal naman lahat ng pinili mo!?" pagkagulat ni Ash sa pinili ko.

"Hush!? Papipiliin mo ako tapos ngayon magrereklamo ka! Edi sana ikaw nalang nagkusa!!"

"Yung mura lang sana...!?"

"Bakit mahal ba toh!? 300 pesos lang naman."

Napansin kong na disapoint siya.

"Oh! Bayad ko!!" saad ko sa tindera.

Nagulat naman rito si Ash.

"Okay na ah!? May pera ka pala!? Nagtatampo ka pa!" saad niya saakin.

"Hush...! Baka mamaya mabilaokan pa ako."

Afterwards, napansin ko si Secretary Ann na dumaan.

Tumungo ako sakanya at iniwan si Ash.

"Hoy! Taga rito ka pala!? Galing noh!? Makasabing allergic sa homeless e skwarter ka naman pala nakatira!" saad ko.

"Ikaw nanaman..!? Gosh! Alam mo ba since dumikit ka sa buhay ko! Minalas ako! Chu!"

Nilisan niya ako, hindi nagtagal may tumakip sa bibig ko at hinila niya ako. Pinilit kung lumabas kaso mukhang malakas ito.

Napansin ko na si Detective ito.

"Hoy! Ganyan mo pala ako tratohin kung paano tayo magmeet!!!? Napaka harass naman ng galawan mo!!" sigaw ko.

"Sshh! Ang ingay mo..."

"Ano kilala mo na ba!? May nalaman ka naba!?"

"M-meron na, pero may kulang pa hindi ko muna sasabihen sayo."

"Hush!? E bakit nandito ka!!? Please lang ha! Huwag na huwag kang magpapakita saakin ulit kung wala kang sasabihen!"

Lilisanan ko sana siya kaso pinigilan niya ako.

"Masyado nilang nahahalata na classy ang personality mo. Pwede bang magpakumbaba ka kahit minsan sa pananalita!? Sa ginagawa mong pag-iinarte, iisipin nilang nagpapanggap ka lang!? Napansin mo yung mga galawan ng mga batang yun!? Inisip nilang hindi ka tunay na pulubi sa kaartehan mo!? Wag karin padalos-dalos lumabas ng mga pera."

Naisip ko na may punto siya.

Pero gusto ko parin siyang sapawan.

"P-paano mo nalaman!? Nakausap mo!? O namarites mo sa tatlong peppa pig nayun!? Hush! Baka naman wala kang ginawa kundi mag marites nalang sa buhay ko!?"

"Aalis na ako! Binalahan lang kita."

Umalis na ito agad.

Habang pabalik muli ako sa compound nadatnan ko si secretary Ann at may kasamang lalaki.

Napansin ko na para bang nag-aaway ang dalawa. Kaya nakimarites ako.

"After ni Airah, s-sino naman si Aileen ha!? Sagutin mo!!" sigaw ni Secretary Ann.

"Sawreh na mahal, break na kami!""

"So nag cheat ka nanaman!! Walang hiya ka! Walang hiya kaaa!!!" Hinding hindi kita mapapatawad!"

Paghahampas niya sa lalaki. After that tumalikod naman siya. Bigla naman itong niyakap ng lalaki.

"Sorry na mahaaal" saad ng lalaki.

Hindi ko alam kung boyfriend o asawa niya.

"Heeemm! Huwag mong uulitin ha! Nakakainis ka na!!" saad ni Secretary Ann.

Hanggang magyakapan sila ng mahigpit.

Nagpanggap naman akong nadapa sa harap nila at nagulat sila saakin.

"Ay sawreh, ang rupok kasi ng daanan. Ano ba yan kasi self! Akala mo naman overload na ang mundo sa 8 billion katao mas malawak parin ang bakante na kalupaan kaisa sa dami ng tao! hilig lang kasi natin makipag siksikan lalo sa taong di ka naman talaga minahal. Ay sorry pasmado!" sambit ko habang tumatayo.

"Hoy, pwede bang wag kang epal." sigaw ng lalaki.

Lumingon ako kay Secretary Ann.

"My ghoss! Be ready! Marame pang first letter name niya is A, goodluck sayo! Kabahan ka na kung letter A ang first name. Babush!"

Afterwards, iniisip ko na parang umaarte lang sila kanina.

Dumating narin ako sa bahay.

"Naligaw ka ba!?" tanong ni Ash saakin.

"Hindi naman, sino yung babaeng mukhang secretary." saad ko.

"Ah, si Ate Ann ba!?" sagot ni Ash.

"Oum!?"

"N-nagtratrabaho yan sa malaking kompanya! Palagi nalang yan depr3ss sa buhay. Kawawa nga siya boyfriend niya."

"B-bakit!?"

"E-ewan ko itanong mo sa tatlong matatabang babae kanina alam nila ang lahat!"

"Ewan ko ba bakit tinanggap payun sa De Verga company, siguro hindi marunong magkilatis ng trabahador nila." dagdag ni Ashly.

Napaisip ako na kailangan makausap ko ang tatlong marites nayun.

Fast-forward, kumain kami ng pang dinner.

"Wow! Ang sarap naman ng luto niyo ah!" pagpupuri sa akin ni Ash.

"Sempre! Hindi niyo ba alam ex-secretary ako sa De Verga Company!? Palagi ako kasing pinapaluto ni Madam."

Nagtingenan naman silang dalawa.

"Ahm!? Secretary tas naging cooker!?" pamimilosopo ni Ashly.

"Paano kayo natanggal!?" dagdag ni Ash.

Ang kanilang itsura ay parang hindi sila naniniwala saakin.

"Ahm, madalas nalalate ako. Kaya yun!? Kick-out na!" palusot ko.

Habang nakain sila pinagmamasdan nila ang aking kilos.

"B-bakit ganyan kayo makatingen!?" tanong ko sakanila.

"Paano ka naging homeless!?" tanong ni Ashly.

"Oum, nadepr3ss ako eh."

Sabay umarte akong naiiyak na.

Napatigel kumain naman si Ash.

"Ah!!! Ano po favorite foods niyo!?" tanong ni Ash.

Napansin ko na pinipigilan niya ang pagpatak ng luha ko kaya iniba ang topic.

"May pamilya ka ba!? May naiwan ka bang tahanan man lang bago maging homeless!?" singit naman ni Ashly.

Sabay umarte nanaman akong naluluha.

"Eum! Ito oh! Juice uminom tayo." singit nanaman ni Ash.

Napansin kong umirap si Ashly kay Ash.

"Hayaan mo siyang lumuha!" sambit ni Ashly.

"Ang sama mo naman!" sagot ni Ash.

"Hindi niyo ba alam!? Kapag ang lungkot ay napaiyak ka nito ay magiging kalmado ka after that! Masama ba yun!?" paliwanag ni Ashly.

"Talaga!? Bakit kanina pinipigilan mo ang mga luha mo!? Ayaw mong maging kalmado!?" saad ko.

"Hindi ako naluluha dahil sa lungkot, sadyang softhearted lang ako!"

"Hindi ba kapag softhearted marameng experience sa buhay!?"

Bigla nalang itong uminom. Sabay umalis sa hapag kainan.

Comment