DVL11

Nakakarinig naman ako at nakakaramdam kaso humina lang ako.

"Tara na...." sambit niya.

Lumisan na sila sa bahay.

Hindi nag tagal ay nakasalubong namin ang tatlong marites bago pumasok sa isang taxi.

"Oy!? Anong nangyare!!?" saad ni Marites 2.

"Kailangan dalhin siya sa hospital...." saad ni Cj.

Nagulat naman sila, hindi nag tagal dumating narin si Secretary Ann.

"Ho-hoy! Saan kayo pupunta..!? Anong nangyari sakanya!?" sigaw nito.

"Kailangan niyang dalhin sa hospital bigla siyang nahim@tay."

Hindi na sila naka pagsalita pa, success naman ang pag-sakay namin sa taxi.

Habang nasa gitna ng kalsada.

"Tatay may nasunod!!?" saad ni Ashly.

Napansin ko na hindi na normal ang kilos ng kotse na para bang may tinatakasan ito.

Afterwards, naging successful naman ito.

Habang nasa biyahe ay muli akong bumalik sa normal.

"Walang hiya kayo! Ako pa ang gagamitin niyo sa mga pakulo niyo!! Mas gusto ko nalang maging homeless kaysa sa magnanakaw, k!ll£r –"

Napahinto ako dalhin napansin ko ang kotse kong nawawala na nasa isang car wash shop.

"S-saglit! Kotse ko yun ah..!!! Huminto ka baba ako...!!" sigaw ko.

Huminto naman ito. Agad-agad naman akong bumaba para i-check ito.

"Ito nga siyaa.....!! Hoy lalaki, bakit nandito ito rito!?" saad ko sa isang car washer.

"Huh!? May nag pa-car wash po dyan..!" saad ng car washer.

Napansin ko rin na parang jinajudge niya ang suot ko.

Naalala ko na naka pulubi custom ako. Kinabahan ako rito at napatingen sa mga kasama ko.

"May kotse ka pala!!?" saad ni Ashly.

"Yeah, hey! May kotse na tayo..!" singit ni Ash.

"Seryoso kang kotse mo yan!?" tanong saakin ni Cj.

Nag loading naman ako.

"Ahem, excuse me sir!? Siya pala ang amo mo!? Bakit ganyan ang suot." saad nung car washer kay Cj.

"Ah, secretary lang siya.., ng amo ko."

"Ah! Mukhang haggard na siya sa paghahanap ng kotse ng amo niya."

Hindi naman ako makapaniwala na may koneksyun siya sa kotse ko. Hindi narin ako makapagsalita sa kat@ngahan ko.

Nilisan kami nung car washer muna.

Lumingon muli saamin si Cj.

"Sumakay na kayo sa kotse, ihahatid ko lang ito sa amo ko!" saad ni Cj.

Tinaasan ko lang ito ng kilay. Lumingon rin siya saakin.

"I think, marunong kang mag-drive..!? Pwede bang ikaw muna mag drive sa mga bata!?" sambit ni Cj saakin.

Agad-agad naman siyang nag drive, sinundan ko naman siya kung saan siya tutungo.

"Saan kaya tayo pupunta...sana maganda yung bahay na lilipatan natin." saad ni Ash.

"Baka nga itong taxi ang titirahan natin. Bakit kasi kung sino pa yung maliit ang bahay sila pa yung siksikan sa dami nila e yung may mala palasyo ang bahay sila pa yung maraming bakanteng room." saad ni Ashly.

"Sempre, maliit kasi kaya siksikan. Once na lumipat sila sa mala palasyo meron paring bakenteng kwarto." dagdag ni Ash.

"Ang ingay niyo!" sambit ko.

Afterwards, dumating kami sa isang lugar kung saan huminto si Cj.

"S-saglit..!? Ito yung police station ah!?" saad ko.

Hindi nag tagal dumating si Officer Kho at siya ang pinasahan sa kotse ko kasama si Jessa.

Nag sign language si Cj na uusog kami papalayo. Ibigsabihen alam niyang naka buntot kami. Lumayo naman ako ng kunti.

Afterwards, tumungo saamin si Cj.

  Dumeretso siyang sumakay sa driver set.

"Usog..." saad nito saakin.

"Bakit dito ka pa dadaan!?"

Umalis ako sa driver set patungo sa kambal.

Hindi na ako nag dalawang isip para tanongin siya.

"Yun ang amo mo!?" saad ko.

"Oum, sakanila yun. Mas papaniwalaan ko ang pulis kaysa sayo na homeless." saad nito.

Hindi na ako sumagot, napalalim nalang ako mag isip.

"Sure ka na sakanila yun!?" tanong ko.

Bigla nalang itong lumarga, hindi na niya sinagot yung tanong ko.

"S-saglit..!! Ibaba mo ako doon sa gilid."

Huminto ito at bumaba na ako. Ginawa ko ito dahil gusto kong makasagap ng balita kina Officer Kho.

"Uuwi ka na ba sainyo!? Mag ingat ka ha! Kung maari gamitin mo ang 3rd eye mo kung meron man." saad ni Cj saakin.

Hindi ko alam kung nag iinsulto ito o nagbibiro siya.

Iniwan na nga nila ako sa gilid ng kalsada.

"Hush! Hindi man lang nila ako pinigilan!? Ni alok man lang!!?" saad ko na may kunting gigil.

Afterwards, naglakad narin ako para tumungo sa isang public restroom para mag transform bilang original na ako.

After kong magbihis lumabas ako sa public restroom nang biglang nakasalubong ko sa may pinto si Detective Chua.

"Sumama ka saakin, mag usap tayo." saad niya.

"Sino kaya ito...!? Yung kakampi ni Officer Kho o yung nasa..." bulong ko sa aking sarili.

Hindi na ako sumagot, sumabay nalang ako sa kanya.

Dinala niya ako sa isang rooftop.

"So, may balita ka na ba!?" tanong ko.

Humarap sa akin ito ngunit hindi ko mabasa ang emotion niya since naka mask ito.

"Anong gusto mong unahin alamin!?" saad nito saakin.

Inisip ko na ito ay yung kakampi ni Officer Kho.

Dahil confused ako hinug ko ito.

"S-saglit!? Anong g-ginagawa mo!?" pagtataka niya sa ginawa ko.

Kaso pinupush naman niya ako.

Ginawa ko lang ito para malaman kung ano ang pabango nito.

Ayaw ko kasing sabihen na yun ang aking palatandaan.

Ang amoy ng pabango niya ay katulad nung kakampi ni Officer Kho.

Sa nagtataka kung paano ko nalaman ang pabango niya ay nung tinakpan niya ang bibig ko, kapag malayuan hindi masyadong naamoy ang pabango nila.

"Sawreh!? Masaya lang ako dahil may nasagap kana ring balita!" palusot ko.

Inayos naman nito ang damit niya dahil nagulo ko ito.

"Okay, about doon sa nawala kong kotse!?" saad ko.

Ang tagal naman nitong hindi naka sagot.

"Ahm, yung pinsan mong si Jessa ang nag tangkang kumuha rito. Kasabwat niya si Officer Kho at ang kasintahan nito."

Nagulat naman ako sa pahayag niya.

"Anong ibig mong sabihen!? Si Officer Kho ay masama!? Kaya mong sirain siya saakin!?"

"Hem, client kita kaya kahit sino pa ang mabangga nito kung nasa maling gawain siya ay hindi ko kakampihan."

"T-talaga, anong plano nila...!?"

"Kailangan umarte kang walang alam sa mga plano nila, at hindi ka agad bumibitaw saakin ng mga nalalaman mo kung hindi ako ang nag tanong. Pero kung meron ka mang kailangan pa-imbestiga..."

Bigla niya saakin hinagis ang isang phone.

"Iisa lang ang number jan, kung may gusto kang malaman i-messege mo lang saakin. Madalas kasing naka aligid si Officer Kho kaya hindi maaring mapansin ang ginagawa natin." dagdag nito.

"Seryoso...!? Akala ko naman kailangan ko pang manghula! Anyway, ano pa... about sa pagkam@tay ni tita..!?"

"May kailangan pa akong dapat malaman, isang bagay lang ito. May kinalaman sina Officer Kho sa pagkam@tay niya at ikaw ang ginagamit niya para hindi mabuksan ang kaso, may kailangan kang gawin para mabuksan ang kaso ni Jen.... isa itong mvrd3r."

"Paano...!? Akala ko sinabi mo sakanya na ipina-paimbestiga ko siya. Sabi niya kasi huwag ko raw ipa-imbestiga."

"Ahm, dapat isa sa mga pamilya mo ay bumukas ng kasong yun dahil may konektado ito sa founder nila. Kapag ikaw mismo ang magbubukas ay mawawalan sila nang tiwala saiyo."

"F-founder...!?"

"T-tama, iisa ang founder nila. Kailangan malaman natin kung sino ito, at bakit niya ginagawa yun sayo!"

Nag-isip ako kunware.

"Ahm! Hindi kaya ang Ceo ng Roxela Luxury Corp...!?"

Napansin kong nag-loading ito na parang hindi makasagot.

"Pansinin mo..., hindi siya nagrereveal ng personality kagaya mo!? Hindi kaya....!?"

Hindi parin niya ako sinasagot.

"Ahm, okay nice talking.. thank you for listening."

"Hindi dapat tayo bumabase lamang sa haka-haka o kathang isip kung wala naman tayong hinahawakang matibay na ebdensya!" saad niya.

Natahimik naman ako rito.

"Edi, ipa-imbestiga mo!" pangungulit ko.

"Sa ngayon, walang alam si Jessa o Officer Kho sa ginagawa natin. Kaya mag-ingat ka muna sa mga sinasabi mo, mag-ingat ka na baka madulas ka sa mga nalaman natin."

"So...!?"

"Hindi pa gaano katibay ang pweba natin, maaring ma deny ito sa korte. Kapag nakilala na natin ang founder nila doon tayo mag sisimula. Kailangan natin maki-participate sakanila para mas makakuha tayo ng marameng clue at ebdensya!"

Napa isip ako na may punto siya kaya nag agree ako rito.

"O-okay, ano naman patungkol doon kay Doctor!? Pati yung pulang kotse...!?" singit ko.

"Yung pulang kotse ay pag mamay-ari  yun ng kasintahan ni Jessa. Si Officer Kho, o si Doctor man ay iisa ang kanilang founder. Alam kong pinagkakatiwalaan mo ang mga yan dahil kaibigan sila ng ama mo... , ."

"Y-yes...!?"

"Pansinin mo..!? Hindi nag tagumpay ang grandfather at father mo dahil mga taksil ang kanilang mga kinakasama!"

"Ahm, oo nga e yung secretary na si Marimar!?"

Hindi naman ako muli nito sinagot.

"Alam mo.., pwede mo naman sabihen na hindi mo alam kaysa para kang pipi jan!" sigaw ko.

Tumalikod nalang ito.

"Aba...!? E yung lalaking taxi driver!? Yung may kambal na anak!? Feeling ko spy yun! Sino ba naman maawa sa isang pulubi sa dami-daming pulubi na nadaanan namin ako lang yung tinulongan! Tapos–" saad ko habang naka cross arms.

Naputol ang pag sasalita ko dahil humarap ito muli saakin.

"Yung secretary mong si Marimar, wala naman akong nakikitang masamang motibo sakanya, maliban kay Secretary Ann. Pero hindi ibig-sabihen ay mag titiwala ka na sakaniya, mag ingat ka parin sa kanila."

"S-seriously !? E yung taxi–"

Naputol ang sasabihen ko dahil naglakad nalang ito papalayo saakin.

"Yung usapan natin ay huwag mong kalimutan, maiwan muna kita dahil may naalala akong appointment." saad niya habang papalayo saakin.

"Hush! Pabitin..!!!"

Afterwards, inisip ko parin pumunta sa office ni Officer Kho.

"Oh, Madam!? Akala ko na hospital ka...!?" tanong ni Officer.

"Ahm, na str3ss lang ako sa nang yayari sa buhay ko. Akalain mo yung mga kasama ko sa bahay nayun naku! Di bale...!? Saan mo nalaman na nahimatay ako..!?" saad ko habang papaupo.

Napansin ko naman siya na nag-iisip nang ma-isasagot.

"K-kay..., Detective chua! Saan pa hahaha!" saad niya.

Nagkunware akong hindi pa nakikita si Detective.

"Oo nga pala, nasan na yang Detective!? Mabuti pa yung mga marites doon sa kanto mas nauna pa umulat kaysa sa binigay mong Detective.."

Hindi nag tagal dumating si Detective.

Umupo na rin siya kasama si Officer Kho.

"Ano na..!? Mag ti-tigan nalang ba tayo rito..!?" saad ko.

Huminga naman ito nang malalim.

"Huh!? Parang nakakatakot naman yang deep breath mo!?" pang aasar ko.

"Yung kotseng nawala mo ay hindi pa nahahanap."

Nagulat naman ako sa pahayag niya, pero pinairal ko parin ang sinabi niya na mag panggap na walang alam sa harap ni Officer Kho.

Umarte naman ako na parang galit para hindi halata.

"Ano ba yan!!! Until now!!? Sana sa fortune teller nalang ako pumunta noh!?"

Medyo na silayan ko na napa ngiti si Officer Kho.

"Hah, sabihen mo nalang yung nalalaman mo! Na i-str3ss na ako eh!!!" acting ko nanaman muli.

"Yuer, yung kotseng pula ay kapit bahay niyo lang siya. Kaya hindi ka-takataka na makikita mo yung kotse na malipit sa mansyon na naka park. Pangalawa, isa siyang worker ng kompanya mo."

Nag loading ako sa sinabi niya.

"W-wait..., e siya rin yung muntikan na akong mabangga ha!" pag sungit ko.

"Nakita sa cctv na magkaiba ang plate number. Sa aming imbestiga ay siya lamang ay nag mamadali nung araw na yun." paliwanag ni Detective.

Comment