DVL2

So continue na natin ang pighati ng aking mga amigas.

"Hindi na kita nabibisita dahil alam mo naman ang buhay probinsya, maherap makarating dito sa lungsod. Simula nung namatay ang grandfather mo eh hindi na ako naka pagluwas. Tapos parang ayaw ko na sa lungsod dahil nakakasawa narito." saad ni Tita Cristina.

"Hindi rin ako nakakabisita sayo since may karamdaman ako." saad ni Tita Clarisa.

"Ako naman ay hindi makabisita sayo since na busy ako sa work ko." saad naman ni Tito Carlo

Naluluha nilang paliwanag saakin.

Malay ko ba na may kamag anak akong mga artista, si Tita Cristina ay sa Makati lang siya naninirahan. Ang karamdaman lang ni Clarisa ay asthma, bihira pa siya attackin nito. Kay Tito Carlo ay umaasa lang siya sa asawa niya.

"Nakakataba ng puso na makita kayong muli. K-kayo lang ba ang dumating...!? Nasaan ang mga pamilya niyo...!?" saad ko.

Biglang nagsi-datingan ang mga anak at apo nila. Halos mapuno na ang room.

"Ang mga asawa niyo...!?"

"Naku, busy sila ngayon. Ang inaalala dapat natin ngayon ay ang kalusugan mo!??" sambit ni Tita Cristina.

"Hahaha.. tama ka nga." sambit naman ni Tita Clarisa.

"Kumusta na pala ang bussines niyo!? Maganda parin ba ang takbo!?" dagdag naman ito ni Tita Cristina.

"Kalusugan ko muna ang alalahanin natin!?" sambit ko.

Natameme nalang sila bigla.

Napansin nilang naintindihan ko ang punto nila.

"Hahaha! Tama ka nga, pero naisip ko lang na paano na kapag may mangyari sayong masama...!? Paano ang bussines niyo!?" dagdag ni Tita Clarisa.

Awkward na paliwanag niya. Kita niyo, mas inaalala pa nila ang bussines ko.

"May mga tita at tito naman ako hindi ba...!?"

Napansin ko ang kanilang mga ngiti ay kita na ang kanilang mga gilagid.

"Ito rin oh, ito yung panganay na anak ko! Ito rin si Julu matalino ito sa school." sambit ni Tita Cristina.

Sempre prank lang yun. Ano sila halo!?

"Gusto ko sana isa sainyo. Kaso nakakalungkot, si Tita Cristina nag sawa na sa lungsod... tapos si Tita Clarisa may karamdaman, may pinagbubusy-han rin si Tito. Bata pa ang mga anak at apo niyo." pag-pilosopo ko sa mga ito

Sabay-sabay tumakip ang mga bibig nila. Na para bang nagsisi sila sa mga dinahilan nila.

"Naku, kaya naman nagsawa ako rito dahil walang kabuhayan. Pero kung meron man ay bakit hindi!?" paliwanag ni Tita Cristina.

Tinataas ko lang ang aking kilay sa kanya.

"Iha, asthma lang naman ito. Hindi naman as in delikado!!?" sambit naman ni Tita Clarisa.

Napalalim naman ang hinga ko sa sambit niya.

"Alam mo pamangkin!? Kaya ko naman iwan ang pinagbubusyhan ko para lang sa kompanya niyo!?"

Ang tagal nilang na pause dahil tinititigan ko sila sa mga mata.

"Pwede naman na gumawa tayo ng kasunduan na kung may mangyare sayo, isa sakanila ang magmamana!?"

Trying hard na paliwanag ni Tito.

Nabored na ako sa mga kaartehan nila.

"Actually, may nahanap na ako. Hindi ko muna siya ipapakilala para sa safety niya." sambit ko.

Nakita ko ang pagkadismaya nila.

"Totoo ba yan...!? A-alam mo, kaya ka nagkakasakit kasi mas pinagkakatiwalaan mo pa ang iba kaysa sa sarili mong kadugo!" sambit ni Tita Clarisa.

"Ibigsabihen, wala saamin ang napili mo!?" pasigaw na sinabi ni Tita Cristina.

"W-wait, pwede naman ata magbago pa ang desisyon ni Yuer. Wag muna kayong padalos-dalos!" saad naman ni Tito.

"Nurse Mei..!? Pakikuha ng maiinom sila, mukhang napagod sila sa biyahe"

Pag-utos ko sa new secret service ko. Hindi talaga siya nurse.

Habang nilalagyan ko ang kanilang mga baso.

"Uminom muna kayo, mukhang nakalimutan niyo ang ibang scripts." sambit ko.

Napansin ko na nanghinayang sila at sabay-sabay silang umalis.

Yuer's POV

Well, sa nagtataka kung bakit ang bilis nilang umalis.

Kasi may mga anger issue kaming magkakadugo.

Sila lang kasi ang natitirang kamag-anak ko, opps meron pa pala siya si Tita Jen kababata ko ang anak nito.

Yun nga lang nasa probinsya siya since tinakwil siya ng grandfather ko.

Ganito kasi yan guys, lahat ng tita-tito ko may galit sa parents ko at sa grandparents ko dahil ang naka takdang magmamana ng kompanya ng grandparents ko ay ang father ko.

Kaya nagtatampo sila sa grandparents ko.

Because, hindi panganay ang father ko sadyang maasahan siya at mabuti.

About kay Tita Jen, siya ay nasisi sa maling paratang.

Siya rin ang madalas kakampi ng father ko.

After nilang umalis.

"Grabe Madam, agad-agad umalis na sila."

"Bago ka lang kasi sa buhay ko, kaya hindi mo naiintindihan."

"Naku, Madam hindi lahat ng tao ganun. Ibahin niyo ako!"

"Tama, hindi lahat ng tao. Ganyan na ganyan rin mga sinabi ng mga pinagkakatiwalaan ko. Sa huli, lahat din sila nag trayador."

Napatahimik nalang si Nurse Mei. Pinatawag ko nalang si Doc.

"Aalis na ako, tawagan mo nalang ako kapag may bibisita sa akin."

Umagree naman ito saakin.

"Saan pala kayo pupunta Madam!?" saad ni doc.

"Doctor ka lang hindi guidance sa lahat ng ginagawa ko."

Natahimik ito at umalis na ako, wala ng tao sa mansyon kay nag requires ako ng mga bagong guard.

Sa aking bussines naman ay ang manager ko ang pina-asikaso ko rito.

Balak kong puntahan si Tita jen dahil gusto kong kumustahin ang kalagayan nito.

Habang nasa biyahe napahinto ang kotse ko sa isang lugar.

Kailangan ko ng gasoline para dito, kaso malayo.

May napansin akong maliit na tindahan.

"Oy ale, nasan ang gas station niyo rito." tanong ko sa isang tindira.

Mukhang hindi narinig ang sinabi ko. Biglang bumulong ang kasama nito.

"Mare tinatanong ka, baka abunohan ka mukhang mayaman."

"Ano po yun...!?" saad ng tindera napatayo pa ito sa exciting.

"G-gas station...!?" saad ko.

"Ahm, doon lang samahan kita."

Sinamahan nila akong dalawa.

Halatang yung isa umaasa sa abuno ko.

Natulogan nga naman nila ako.

Afterwards.

"Marameng salamat, ahm, ilang years na itong paninda niyo?"

"Ahahaha, naka 20 years na simula nung napangasawa ako. Ang hirap nga ng buhay minsan wala kaming nabibinta."

Ngumiti ako rito.

"Baka marameng bibili, hindi niyo lang naririnig, kung hindi pa kayo kalibitin ng kumare niyo."

Nakita ko ang pag-galit nito.

"Ilang years na kayo magkumare...!?"

"Magkababata kami!" sagot ng isa.

"Oh, magkababata. Kaya pala nandito ka para mamuraot sakanya or something."

"Hoy! Tinulongan ka na nga bastos ka pa!" sambit nung mare.

Inirapan ko nalang siya at humarap sa tindera.

"Oh, ito tatlong libo. Salamat sa serbisyo mo, sana makatulong... aalis na ako."

Humarap naman ako sa isa.

"Hindi naman kita nirequest kaya ito 500 pesos. Bayad yan sa pag-insulto ko sayo."

Napa tahimik silang dalawa. Umalis narin ako.

Dumating na ako sa probinsya kung saan nandun sina Tita Jen.

Nagutom rin ako sa biyahe kaya need ko munang kumain.

Kaso niisa wala kang mahahanap na sosyal na restaurant.

Nagtungo na ako sa isang restaurant para kumain muna.

"Magkano lahat...!?" sambit ko after kumain.

"Isang libo po..."

"Paano naging isang libo...!? Ang tinola niyo parang hugasan lang ng kamay, yung kanin niyo ang langkit parang ilang beses nginuya ito, yung tubig niyo parang may halong kalawang!?"

Biglang binatokan siya ng isang kamasa niya.

"Pasensya na po, anak ko kasi siya. 80 pesos talaga yan lahat. Hindi kasi marunong magbilang yung anak ko. Hehehe."

Hindi ko na pinansin ang sinabi nito at nagbayad na ako.

Comment