CHAPTER 6


NAJA'S POINT OF VIEW

Cookery ang subject namin ngayon. Nasa student hall kami ngayon kung saan ginaganap ang mga programs at activities gaya ngayon.

Lunch and desert ang lulutuin ng bawat section at ang mga guro na ngayo'y nasa taas ng stage ay silang maggagrado ng titikman nila galing sa amin.

Apat na section lang ang naririto at wala ang section U, akala ko malelate sila pero no'ng tinanong ko ang isang classmate ko ang sabi ay hindi talaga kasali ang section u sa mga ganitong activities, nakick na sila dahil sa tuwing may ganito ay sila ang nagsisimuno sa away.

Nilingon ko ang Section E at unang nakita ko ay si Zarden na nakatingin sa direksyon namin at nang makita niya ako ay kunot noo siyang umiwas ng tingin, kinunutan ko rin siya ng tingin. Para talagang tinotoyo.

Napunta ang tingin ko ni Gael, nginitian ko siya at ganoon din siya, tinuro niya ang section I, tumingin ako sa tinuturo niya at nakita ko si Avabella na nagwewave pala sa akin, nagwave back din ako.

Umayos ako ng tayo nang may magsalita sa microphone.

"Ladies and Gentleman, this activity will be graded by the teachers here infront, they will not just grade your presentation but also the cleanliness and cooperation of all the students. This activity will start in ten seconds."

Nagsimula nang magbilang ang mc.

"And start!"

Hindi nagsasalita ang mga katabi ko, focus lang sila sa kung anong pinagawa sa kanila, kahit mali mali na ang ginagawa ng isa ay wala silang pake basta ang importante okay ang sarili nila.

"Aray!" Agad na nabaling ang atensyon ko sa isa kong kaklase na si Gwen, dumudugo ang hintuturo niya na nasugatan ng kutsilyo.

Walang pagdadalawang isip akong lumapit sa kaniya't kumuha ng malinis na tissue. Agad kong kinuha ang kamay niya't tinakpan ito nitong tissue na hawak ko.

Ang katabi niya ay patuloy pa rin sa pag gawa ng pinagagawa niya at ang iba'y nagulat sa ginawa ko.

"Hindi naman siya masyadong malaki, kaya takpan mo lang nitong tissue para hindi mas bubuka ang balat, ahm wait.." bumalik ako sa lugar ko at kinuha ang tape na nasa mesa.

Bumalik ako sa kaniya at nagputol ng tape.

"What are you doing?" Bakas sa mukha niya ang gulat sa ginawa ko.

"Ang tunay na magkaklase nagtutulungan at tsaka vice president ako, karapatan at responsibilidad kong tulungan ang kaklase ko." Nginitian ko siya.

"Ayan tapos na." Aalis na sana ako sa harapan niya nang hawakan niya ang braso ko.

"S-Salamat." Naiilang na sabi niya.

"Wala 'yon.." bumalik na ako sa mesa ko.

Hinugasan ko ang gulay na pinaantas sa akin tsaka binigay ito sa maggigisa.

"I told you not this! I need the bigger one!"

"Edi ikaw bumalik sa storage room. Ang arte mo."

Hindi ko na pinatapos ang awayan nitong dalawa kong kaklase.

"Bakit, anong problema?" Imbes makisabay sa mood nila ay ngumiti ako.

Kunot noo silang tumingin sa akin.

"I don't need your help." Ani Kiana, ang nagsabi na si Hally nalang ang bumalik sa storage room.

"Really? Kaya ko pa namang puntahan ang storage room at kunin ang gusto ni Hally."

Nilingon ko si Hally, "Ano 'yung ibig mong sabihin Hally, kukunin ko."

"I need the bigger version of this one. Hindi kasi kasya ang lima na patty, 'cause I need to hurry." Habang hawak-hawak ang medium size na pan.

"Okay--"

Pero nilayo niya ang pan sa akin.

"Are you really sure what you're doing, Naja?" Hally asked suspiciously.

Nginitian ko siya

"I know what I'm doing Hally, tama nga ito e. Grupo tayo at dapat magtulungan, diba Kiana?" Sabay tingin ko kay Kiana.

Inirapan niya ako kaya natawa nalang ako. Kinuha ko na ang maliit na pan at nagsimula nang tumakbo palabas ng student hall.

Papunta ako sa 2nd floor ng highschool building kung saan naroroon ang storage room.

"HAHAHAHHAHAHAHA" malakas na tawa ang narinig ko mula sa cr ng first floor.

Pamilyar ang tawa. Dahil sa pangangati ng paa ko't koryusidad, nagtatago ako ngayon sa isang malaking plywood at nakikinig sa lalaking may kausap sa telepono.

"Shut up, bro! Kumusta nga pala 'yung shawty mo?"

["Who's shawty?"]

"Ahh so wala na kayo? What I know is one week pa kayo."

["Nagsawa ako ang OA, maghahanap nalang ako ng iba."]

Napangiwi ako sa narinig ko. Playboy ang kausap niya sa cellphone.

"Base on your face, I know you can find that easy huh! "

["I know bro, ikaw?"]

"They're scared of me."

["Ah really? Kawawa ka naman."]

"Fvck you bro.. but do you know there's a girl who caught my attention, it's weird right?"

["Hmm yes it's weird, who is she, spill it."]

"Spill your face baka agawin mo."

["HAHAHAH you know me well talaga, Will, by the way wala pang may alam?"]

"Yes.. wala pang nakaalam."

My eyes widened in shock. Anong ibig niyang sabihin?? Agad kong kinuha ang phone at nagvideo, no to record voice kasi baka mabaliktad at ako pa ang magkasala kasi nga boses lang diba.

Naks ang smart ko naman ^_^

"How about Zarden? Masisipa na ba siya sa university na iyan?"

"I hope so. Sana kasi ginalingan mo pa iyong edit, ayan tuloy pending pa 'yung pagkick sa kaniya."

Anak ng palaka! Ito 'yun! Yes! Sabi ko na nga ba!

["Dami mo pang arte ikaw na nga tinulungan."]

"Ikaw naman pasimuno nito 'no."

Hinay hinay akong umalis sa lugar ko at masayang sinave ang video habang paakyat ng hagdan para kunin iyong pan.

Yohoo!! Ang saya ko!! Deds ka talaga bukas William.

Gaya kahapon ay ililibre ko si Zarden, pero hindi na kami naglakad.

Sa may park kami papunta, kasi kahit hapon roon ay ang dami nang nagtitinda ng mga pagkain.

"Gipit ako ngayon kaya rito nalang ha.." I said while scowling.

"No."

Dahilan para mapangiwi ako, grabe naman 'tong lalakeng 'to!

He keep his head straight habang may kinukuha siya sa bag niya.

"Give me your wallet." Aniya.

"Ha? Bakit? Kaunti na nga lang pera ko." Sabay kamot ko sa batok.

"Just give me your wallet, faster." Mabilis pa ni flash na kinuha ko ang wallet, faster daw sabi niya.

"Oh heto!" Padabog kong bigay sa kaniya.

Sabing kaunti nalang pera ko, hindi siya makarelate dahil kahit tulog siya may pera siya---

"Hala ang kapal! Hoy!"

Nilagyan niya lang naman ng makapal na mga papel na kulay blue ang wallet ko! Oh men!Binalik niya sa akin ang wallet.

"Don't you dare return that money to me. That's all yours."

Dahilan para mapangiwi ako.

"Baliw ka na ba? Ang laki ng pera na ito, baka pagalitan ako ng mama mo wuy!" Pabulong kong sabi sa kaniya.

"Kahit tawagan ko pa sila." Sabay pamulsa niya.

Napakamot nalang ako sa ulo kahit walang makati at nilagay ang wallet sa bag.

"Now you have lots of money inside your wallet, ililibre mo ako ngayon na hindi labag sa kaloob-looban mo." He smirk.

So mukha lang kaming maglalaro nito, ang pera niya na ngayo'y nasa wallet ko ay gagastusin ko para makabili ng panlibre sa kaniya, but I dont think mauubos to.. oh so keep the change pala. Hihi.

"Another five," isaw

"2 bowls," sweetcorn

"Medium and Large," Drinks

-__-

"Dalawa sa kaniya, lima sa akin," Na kwekwek.

T_T

ZARDEN DARWELL huhu..

Kailan ka ba mabubusog?????

"1 mango shake," Para sa kaniya.

Wala na I surrender, parang sasabog na ang tiyan ko kapag nilagyan ko pa. Tapos kay Zarden parang hindi man lang nalagyan.

"2 sticks of this bananaque." Syempre para pa rin sa kaniya.

Lakad kami nang lakad, ikot kami nang ikot dito sa park.

"Zarden.." matamlay kong tawag sa pangalan niya.

Busog na busog na ako..

"Hm?" Aniya habang nginunguya ang bananaque.

"Before mag 8 p.m uuwi na ako." Seryoso kong sabi.

"Why?"

"All of us have limitations. May gagawin ako.."

"Sige, lets go." Sabay kuha ng kamay ko.

"T-Teka, hindi ko sinabing ngayon na. Matagal pa naman.." its 6:15 p.m

"I wanna go home too. Ihahatid na kita."

Comment