CHAPTER 13

A hard cough, vomiting and a red liquid escapee from Naja's mouth. Minutes passed, sound of water dropping.

Hinilamos ni Naja ang namumutlang mukha niya sabay nang paghawi ng kaniyang luhang isa-isang lumalabas. Tumingin siya sa repleksyon sa salamin at hinawi ang buhok na napunta sa mukha niya. Hinawi niya ulit ang luhang umaagos sa mukha niya.

Kinuha niya ang isang kahon at nakalimang bukas sa iba't ibang klaseng gamot. Malalaking tableta ang araw-araw na iniinom niya at isang beses na injection, pampakalma. Araw-araw, kada gabi ganito ang nararanasan ni Naja.

Lumabas siya ng banyo hawak hawak ang dibdib niya't umupo sa study table para magpatuloy sa pag-aaral. 

--

ZARDEN'S POINT OF VIEW

I'm just humming inside my car while waiting for Naja to come out from her apartment.

Ilang minuto lang ay kinatok niya ang pinto, pinagbuksan ko ito at gaya ng palagi niyang dala, ang ngiti niya.

I furrowed my brows "Is that make up?"

Umupo siya at sinuot ang seatbelt tsaka tumango habang natatawa.

"B-Bakit? Pangit ba 'yung pagkalagay ko?" Then she looked at the rear view mirror.

She snorted while checking her face.

I can't stop myself from staring at her.. waiting for her to seat down properly.

"Pangit ba?" She asked again while looking at me.

Here I am stiffened.

"Hoy!" Pinitik niya ang kamay niya malapit sa mukha ko kaya natauhan ako.

"Pangit ba?" She asked again.

I immediately averted and coldly say, "Yes."

Sumimangot siya.

"Ang harsh mo, parang ang pogi mo naman." She mumbled. She then scowled at umayos ng upo.

"Nah. I mean you're pretty."

All I thought is she will happily looked at me, but she stayed scowling.

"Niloloko mo lang naman ako.."

I shook my head and chuckled softly.

"You actually know me that fast. Yeah, you're pretty---pretty ugly."

Padabog siyang umupo kahit nakaupo na siya, sinapak niya ang braso ko kaya napahinto ako.

I furrowed my brows.

My lips parted when I see her face went serious.

Oh.

"Hey---"

"Hindi naman ako nagmake-up para sayo." She averted.

Oh damn. Ang buong akala ko ay kakapit sa asaran. Ugh damn! Hinina ko ang sasakyan.

And now she's looking at me.

"Anong oras na wuy.. ang hina ng pagmaneho mo, baka malate tayo."

"Huy! Ayokong malate ngayon.." she begged.

"I'm sorry." Mas humigpit ang kapit ko sa manubela.

"Sorry?" She looked at me, confused.

What?

She let out a ecstatic laugh.

W-What??

I sniff heavily.

Oh damn Zarden, you let your guard down to this girl who just laughed at your "sorry" without knowing that saying sorry is forbidden to you---ugh fvck! You deserve lots of cursed Zarden. Agrh.

Binilisan ko na ang pagmamaneho at katahimikan ang nangyari.

I fought to urge to look away but here I am glimpsing to her for nth time.

She's pretty in that make up, she 's pretty without it too.

--

ARCHER'S POINT OF VIEW

I was scrolling in my gallery, deleting the photos and videos of both of us. I'll do my best.. I can move on and one day I've moved on.

"Arch!" A familliar voice shouted my name.

It's Flynn walking together with Avabella and Gael. Where's Naja?

"Kasama mo si Naja?" Flynn asked me.

"Actually I'm going to ask you that also," I replied.

"Ahh, baka magkasama sila ni Zarden," ani Gael.

"Ah oo nga pala! Piniem ako ni Naj kanina, nalimutan ko sabihin, oo magkasama sila. Kukunin daw siya ni Zarden." Avabella stated.

We all nodded.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko, dahil yata mataas na ang sikat ng araw?

"Let's go?" Alok ni Flynn.

Sabay na kaming pumasok.

--

NAJA'S POINT OF VIEW

Today is Wednesday, 3rd day of Brawny's celebration.

Ngayon darating ang mga taga hope student. Ewan ko ba kung may gana akong iwelcome kung sakaling mahagilap ng eagle eyes ko
'yung three idiots--- este fake friends ni Zarden.

Nasa student hall kaming lahat, walang klase mula umaga hanggang hapon bale programs, activities at acknowledgements lang, pabalik-balik.

Meron ding mga stores dito na kakatayo lang. Para talagang fiesta beh! Ito lang 'yung the best part ko, kainan.

Dito kami kumakain ngayon, kaming anim.

Tawanan, kwentuhan tapos napunta sa horror.

Ang layo ng narating!

"Tapos ayun habang naglalakad siya---" ay anak ng tinapa! Ikinagulat naming lahat pati narin ang tindera dahil sa malakas na pagbagsak ng isang kamay sa mesa namin kaya ang ibang putahe ay natapon.

Gago men! Sayang!

"Hoy gagi! Sayang 'yung pagkain!" Pilit kong binabalik sa bowl ang natapong pagkain sa mesa.

Gumalaw ulit ang mesa kaya may iba na namang natapon.

"Hoy! Ang galaw niyo---" pero hindi ko natuloy ang aking sasabihin.

"Don't you dare stare at her like that you stupid pathetic asshole." Agad akong napatayo sa narinig kong lumabas sa bibig ni Zarden.

Nakahawak ang kamay niya sa polo ng lalake. Kitang kita ang ugat na lumalabas sa kamay ni Zarden.

This guy, I know him---I actually know him ofcourse, he's a fake!

"Then I'll stare at her more.." he smirk and looked at me.

Tinuro ko ang sarili ko at sa likod.

Sino?

"You can't stop me from staring at her, siya pala ang sinasabing babae ni William, he's a good picker---" halos maririnig mo ang pagbagsak ng lalake sa lupa at isa-isang nagsitakbuhan ang iba, ang iba'y nakikinood.

Agad na inawat nina Archer si Zarden, nakiawat din ako.

"Anong nangyayari?!" Bigla-bigla nalang may nagbagsak ng kamay sa mesa namin tapos staring² daw at ngayon nagsuntungan na!

"Hindi ko alam.." Avabella mumbled.

Tinikhim ko ang bibig ko sa sinabi ni Avabella, ay oo nga pala wala pa silang alam sa nangyayari, ako lang pala 'yong nandoon.

Tumayo ang lalakeng sinuntok ni Zarden at nagawa pang ngumisi.

"Ang babaw mo talaga Zarden," agad naming inawat si Zarden nang akmang lalapitan sana niya ito ulit.

"Shut up." Malalim na sagot ni Zarden his eyes are burning.

Teka sino ba itong lalakeng 'to?

"Sino ka ba?" Walang pag aalinlangan kong tanong.

"Oh! Hindi mo ako kilala? What I know is we've met already---" I cut him off.

"Ang layo ng sagot mo, ang tanung ko sino ka." I stated laguidly.

Nakakawalang gana kausap ng lalakeng 'to.

I heard some soft chuckle beside me, ewan ko pero napalobo ang pisngi ko. Nahahawa po ako sa tawanan ng mga ka idiowts.

HAHAHAHHAHA gago men.. kasi naman---HAHAHAHA

"S-She asked you if w-whats your name not the meet." Naglakas loob magsalita si Gael kahit tumatawa na pinipigilan.

"Sa tingin ko hindi kapa kumakain Marco, oh, kaya pala nilapitan mo kami kasi nagugutom kana, am I right?" Zarden mocked. Yumuko ako at pinikit ang mata.

Please dont burst out right now Naj.. 'wag na 'wag kang tatawa!

Bumalik ako sa huwisyo and this guy named Marco parted his lips.

"What the fvck are you saying." His fist clenched while Zarden was just crossing his hands.

Alam ko kung saan papatungo ito kaya ako na ang naglakas loob na magsalita.

"Kung sino ka man.. umalis ka na, ikaw na ang nanguna. Saksi kami doon. Kaya please, umalis kana."

"Why would I?"

"Marco what are you doing here?"

Nilibot ni William ang tingin sa amin at bumagsak kay Zarden.

I gulped when I saw Zarden's face, he is glaring at William.

"Will, umalis na kayo, isama mo na siya." I begged.

"A-Ah y-yeah I will, lets go Marc---"

Marco flinched William's hand and also glared at him.

"What the hell are you doing? 'Wag mong sabihing kakampi mo na sila ngayon para ako lang ang maipit sa nangyaring muntikang pagkick ni Zarden?!"

"Then I'm sorry about that, pero hindi ko sila---" malakas na suntok ang natanggap ni William, galing ni---ni Archer?!

Ewan ko pero napako ako sa kinatatayuan ko.

Humakbang ako sa kanila na ngayo'y inaawat si Archer. Habang si William ay hindi makatingin sa amin hawak-hawak ang pisngi niya.

"Umalis na tayo rito---" but I cut myself.

My eyes widened in shock when I saw Flynn kneeled on the ground hawak-hawak ang pisngi niya.

"Fvck." I heard Zarden mumbled at lalapitan sana si Marco na siyang sumuntok kay Flynn.

Pinalagpas mo ako sa linya, Marco!

Agad kong  sinipa ang pagkalalake ni Marco kaya napayuko ito't ngumiwi.

"Sabing umalis ka na pero hindi ka nakinig!" Agad kong inangat ang ulo niya gamit ang tenga, pinisil ko ito at kinaladkad.

Nakangiwi pa rin siya habang hawak-hawak ang alaga niya.

"Naja!" All of them are following me, pinipigilan pa ako nina Gael at Avabella.

"Pakitingnan si Flynn." Hawak hawak ko pa rin ang tenga niya at kinaladkad, I heard him moaned because of the pain.

Magtiis ka! Pinalagpas mo ang galit ko!

Napakaraming nakatingin sa amin, nagugulat, natatawa at umaalis sa daan na tinatahak namin.

"Fvck! where are we going---"

"Ang ingay mo tumahimik ka." Mas hinigpitan ko pa ang kapit sa tenga niya.

Maglulutos tayo..

Nakadikit ang dalawang kamay ni Sir Gajeles habang nakapatong sa mesa.

Nakaupo ako katabi si Marco na namimilipit pa rin ang tenga sa sakit habang nakatingin sa akin. Binaba ko ang tingin ko sa pagmamay-ari niya dahilan para mapaatras siya.

Sorry nalang if mabaog 'yan.

Nasa likuran ko nakaupo sina Gael at Avabella.

Nakaupo katabi ni Marco si William na hindi makatingin sa aming lahat, nasa kabila sina Archer, Flynn at Zarden.

Wrong move, nahuli ko si Zarden na nakatingin sa akin habang nakahalukipkip.

I immediately averted at binalik ang tingin kay Sir Gajeles.

Actually hindi ganito ang pagpunta namin dito. Napaka-ingay namin dahil itong si Marco ay nagpupumiglas, ayaw pumasok sa Principal's office.

Habang ako, Gael, at Avabella ay sinisigawan siya para papasukin. Si Zarden at Flynn ay inaawat si Archer kay William.

Malakas na sigaw---napakalakas na sigaw.

Malapit ako rito kaya parang mababasag ang eardrums ko.

Namumulang mukha ni Sir Gajeles habang taas baba ang balikat.

So ayun.. nahimasmasan kaming lahat---oo damay damay na 'to.

"I will talk and all of you will just listen, walang magsasalita, are we all clear?" Isa-isa kaming tumango.

"So.. ang unang nangyari ay nasa isang mesa sina Naja, Archer, Zarden, Gael, Avabella at Flynn..tama ba?" aniya habang hawak-hawak ang isang papel.

Tumango kami, 'yung iba hindi.. nangunguna si Zarden.

"Tapos ginambala ni Marco, from Hope University, am I right?"

Tumango ulit ako.

"Tapos biglang sinuntok ni Zarden.." padabog na tumayo si Zarden na ikinagulat namin.

"May nangyari pa bago d'yan."

"I just said earlier to listen and dont talk---"

"But I didn't agree." Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa sagot ni Zarden. Kung katabi ko ang lalaking ito kanina ko pa ito binatukan.

I glared at him at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Umupo ka.." inukit ko ang salitang iyon sa bibig ko.

Padabog na umupo uli si Zarden, susunod rin naman pala..

"So? May I know what happened first Mr. Darwell?" Napalingon kaming lahat kay Sir Gajeles, I thought he will be scolded.

Umayos ng upo si Zarden at nasa akin uli ang tingin.

"Ginambala kami ng engkanto---oh I mean.." napahawak sa sentido si Zarden.

I glared at him, gumalaw si Marco na alam kong gustong lapitan si Zarden pero agad kong hinawakan siya sa braso at inilingan.

Gusto yata niyang mabaog na talaga.

"Natapon ang ibang pagkain namin dahil sa ginawa niya. That's why I punch him." Sumandal si Zarden sa upuan habang nakahalukipkip pa rin.

Tango lang ako nang tango habang parang nagbabasa ng nobelang isang chapter si sir.

May meeting raw si Sir Gajeles at ASAP raw iyon, ang sabi niya ay babalik kami rito 4 p.m.

Isa-isa kaming lumabas ng room na iyon at tahimik na tinahak ang corridor.

A clamorous thuds from our behind.

Napaawang ang bibig ko dahil sa dami ng mga estudyanteng nagtatakbo na alam kong papunta sa amin.

Some of them are holding papers, pen, and phones.

"Zarden!"
"Archer!"
"Gusto naming malaman ang nangyari."
"Sino ang mga sinuntok?"

Napako ako sa kinatatayuan ko, gano'n din kaming kakalabas ng office.
All of them has an ID, that has a word journalist.

Oh no.. sila pala ang mga journalist sa unibersidad na ito!

May biglang humila sa braso ko at hindi ko akalain na nakapasok na pala ako este kami sa isang room, hindi lang basta basta room. Ito ang broadcasting room at walang tao.

"Who the hell are they?" Napunta ang tingin namin kay Marco.

"Mga campus journalist." Si Avabella ang sumagot.

"Then what are we going to do? Ang alam ko ay hindi sila titigil kapag walang nakuhang impormasyon dahil sa nangyari," he stated. 

"Marco bakit mo 'yun ginawa?" Seryoso kong tanong.

"Stop," inangat ko ang aking kamay kay Zarden, na gusto akong patigilin magsalita.

"Marco."

I saw him gulped at hindi man lang makatingin sa akin, sa amin.

"Dahil ba sa pagtransfer ni Zarden?"

Ngayon ay tiningnan na niya ako. He nodded and averted again.

Naguguluhang tiningnan kami nina Gael dahil hindi nila ito alam.

"Kung ganoon---" but Marco cut me off.

"If you're trying to do a thing that can make our friendship collide again, don't, it's just useless."

I looked at Zarden.

"Yeah, he's right Naj. It's useless." Nakapikit ang mata niya habang nakasandal sa pader ng broadcasting room.

Umatras ako't pinatong ang dalawang kamay sa may board. May kung anong tumunog pero hindi ko nalang pinansin.

"Ikaw. Bakit mo ako sinipa?" Tanong niya habang nakasandal sa isang pader. Umayos ako ng tayo.

"Kasi sinuntok mo si Flynn." Tumingin ako kay Flynn at nagulat ito pero nginitian ko siya.

"Then why are you so affected?" Marco asked again.

Agad kong pinigilan si Zarden nang humakbang siya at nakakumo ang kamao---oh wrong touch, dibdib ko iyong nahawakan. Eh kasi lalapitan niya si Marco!

Agad kong inalis ang aking kamay at muling hinarap si Marco.

"Kung baka sakaling may taong sumuntok sa kapatid mo? Ano sa tingin mo ang mararamdaman at gagawin mo?" Naglakas loob akong sabihin 'yon.

His lips parted.

"Then what's the connect?" He replied in a scornful way.

Pinilit kong hindi iikot ang mata ko.
"Ofcourse masasaktan ka kaya sasaktan mo rin ang nanakit, kasi kapatid mo siya, that person is your loveones. So at my case, nasaktan ako sa ginawa mo kaya sinaktan kita." Tumingin ako sa kanila na nakikinig sa akin. Nasa akin ang lahat ng tingin nila.

"I hurt you because you hurt my friend. My bestfriend. Gusto nga kitang suntukin at iyong dalawang lalake no'n, pero nakapagpigil ako. Ngayong napuno ako, hindi ko na nilagpasan."

I looked at Archer.

"And what Archer did to you, William, is also because of love. I know this is sounds weird and I'm sorry but it's true."

I roamed my eyes again and it stopped at Zarden, he is staring at me.

"If someone hurt my friends, half of mine is hurt too."

I gulped, "Kaya sana.." hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang niyakap ako ni Avabella. Mas humigpit ang yakap nang sumunod si Gael, si Flynn, si Archer, tsaka si Zarden.

I didn't realize that my tears are now blocking my sight.

"If thats so.. don't leave us, Naj." Gael muttered.

"Yeah.. don't." Archer agreed.

"Hindi rin kami aalis, Naj.." nanlambot ako sa mga sinabi nila.

"We can't say that." Kumuha ng atensyon namin ang sinabi ni Zarden.

"It's more better if we do the -- this." Tinaas niya ang pinky finger niya. Nahiya pa siyang sabihin iyon.

Agad kong hinawi ang mga luha ko.

"Hindi ako aalis I promise!" Pangunguna ni Avabella.

"Ako rin!"
"Me too!"
"Yeah."
"Also me.."

Napunta ang tingin nila sa akin.

Para akong binagsakan ng langit dahil sa ginawa nila. Actually, I dont know if I can? I dont know if I can stay.

"Me too.." tinaas ko ang pinky finger ko.

A soft chuckle escape from Gael's mouth and it spread to all of us five.

My eyes went to Zarden who's staring at me too, I smiled at him. May pa pinky promise na pala siya.Tumikhim si William kaya napahinto kami.

"I think they already walked away, I can't hear any murmuring outside anymore."

Binuksan ni William ang pinto at siya ang unang lumabas. Sumunod agad kami at nagulat nang makitang nag-iiyakan ang mga journalist. What happened?

"We need to go," I heard Zarden mumbled.

Hindi naman ako gagalaw roon kung hindi niya hahawakan ang braso ko at tumakbo kami sa kabilang hallway.

Tiningnan ko uli ang mga journalist. Umiiyak pa rin ito, ang iba'y nagsiyukuan, umupo, nakaluhod at nagyakapan, anyare?

William chuckled that causes all of us to chuckle, para kaming mga baliw habang walang tigil sa pagtakbo.

"Come with me! Libre ko kayo!" I furrowed my brows while running when William said that.

Ilang segundo lang ay lumikha ng ngiti ang bibig ko. Ayaw sana ni Zarden 'yon pero agad ko siyang tiningnan ng masama, kaya ayun nakisama.

Humiwalay na kami ng landas nina William at Marco. Papunta kami ngayon sa clinic para manghingi ng bandage para kay Flynn.

Pagkatapos, sa student hall ang bagsak namin, may announcement raw na mangyayari.

Umupo na kami habang may nilalamon, ako lang, nakulangan ako sa libre ni William hihi.

May lumapit sa stage at nagsalita.

"Good afternoon Brawny students and Hope university students!" Umalingawngaw ang boses niya.

Malaki itong student hall, oo nga pala iilan lang ang mga estudyanteng nandito na taga Hope university. Random pick lang daw tapos nasali si Marco, kaya ayon.

Sabi rin ni Sir Gajeles hindi na raw kami babalik sa office, hindi ko alam kung bakit, pero mabuti na 'yon.

Kanina rin, bakit nag-iyakan 'yung mga journalist na 'yon?

"Tomorrow will be the last day of Brawny's programs, because friday will be the awarding day. Sa friday gaganapin ang awarding ng Spelling bee and Basketball na ginanap noong Monday, Beauty Pageant no'ng Tuesday at ngayon na best in booth at bukas ang Talent Contest. Every section from elementary to college must have a representative, if you have some questions feel free to ask us in the office. Thank you!"

Pagkatapos no'n ay katahimikan dahil isa-isa naring lumabas ang mga estudyante.

"Meron akong classmate na apat na babae, nagsasayaw 'yun ng kpop pwede na yata 'yun sila," ani Avabella.

"Sa amin ewan ko. Basta ang alam ko maraming magkakagustong sumali eh." I stated.

"Sa inyo Gael?" Tanong ni Archer.

Napakamot si Gael at Flynn sa batok nila.

"Ewan ko."

Kilala ang Section E sa pagiging tahimik, karamihan nga mga misteryong tao ang naroroon, kasali na itong si Zarden.

Wait.. talking of Zarden.. hm???????

Nakahalukipkip lang siya at walang emosyon ang mukha.

"Alam ko na! Si Zarden ang magiging representative ni'yo!"

Napalingon silang apat kay Zarden. While Zarden looked at me, in a waring face.

"Me? Oh hell no."

"May talent ba siya, Naj?" Tanong ni Avabella.

I grinned while looking at Zarden.

He looked frustrated, alam kong alam niya ang ibig kong sabihin, nag papatay malisya lang siya hihi.

"Ye---" he pulled me, and his other hand covered my mouth.

Tatanggalin ko sana iyon pero hindi ko nagawa dahil bigla niya lang tinakpan ang mukha ko gamit ang dibdib niya--- bakit ang tigas 0_0

"Mmmmm!!"

"Wala wala. Wag niyo siyang pakinggan." Pilit kong kinakalas ang sarili ko sa kaniya pero ang lakas ng kapit niya sa akin.

Halo-halo ang emosyon ko ngayon.
Natatawa sa ginawa niya, naiinis din at the same time. Napakainit na ng pisngi ko!!

"Mmmmm!!"

Zarden!!

"Wala naman pala.. so pwede mo na siyang bitawan?" I heard Avabella suggest.

"Mmmm!!" Oo tama 'yan!

I can feel when Zarden let out a heavy sigh, gags! Ang dikit namin sa isa't isa, naririnig ko nga ang pintig ng puso niya. Hinay-hinay niya akong kinalas at narinig ko pang bumulong siya.

"Don't you dare.."

Inalis niya ang pagkayakap sa akin pero ang takip sa bibig ay hindi pa. He glared at me, that causes me to laugh inside. Ok calm. I nodded as if I will obey him.

Hinay-hinay niyang kinuha ang kamay niya and gotcha! Tinulak ko siya at agad na tumakbo papunta sa likod ni Archer.

"Shit!" He cursed

"Magaling kumanta si Zarden! Narinig ko!" Agad akong pumunta kay Flynn nang malapit na siya sa akin.

"Oh! That was alluring! Nice!" Gael laughed.

"So ililista na natin si Zarden, let's go!" Agad na nagsitakbuhan sila at nakisama rin ako.

Nanghihina akong tumatakbo dahil tumatawa ako. Nasa likod si Zarden habang tumatakbo rin. His face is still glaring at me while I did was to laugh nonstop. Ganoon din sila.

Sarap talaga pagtripan si Zarden eh!

Comment