CHAPTER 1


NAJA'S POINT OF VIEW

Mag isa akong nakaupo sa isang table ng cafeteria habang inuum-om itong pagkain.

Dahil sa pagiging bored ay tiningnan ko ang mga pocket ng ibang dumadaan. Kulay blue na logo sa akin habang may nakita akong green, red, yellow, tsaka orange.

Oo nga pala nalimutan kong sabihin sa inyo na nahahati ang bawat Section sa limang kategorya ito ay sa high School lamang.

Section A E I O U.

Opo.. vowel letters.. hihi.

Sa section A, gaya ng palaging nababasa niyo o napapanood ay mas taas o mas maalam sila, at nandito rin ang mga may kaya sa buhay.

Sa Section E tsaka I mejo hawig ang knowledge nila pero may pagkamalikot lang ang Section I at sa average din nagbabase, may mga mayayaman ding andoon

Opo.. kahit saan nakakalat ang mayayaman..

Panghuli ay ang Section O at U, sa Section U nilalagay ang mga bully, mga nasobrahan sa record sa office. Sila ang hindi na binibigyang chance na mapunta sa section A, I, at E.  Habang sa Section 0 naman ay mga hindi nakapagtapos o balik bayan at binigyan ng chance kasi nga.. mayaman.

Oo nga pala, Vice president ako ng Section A. Ewan ko nga kung bakit ako ang ginawa nilang Vice, pwede namang President--sabi ko nga joke lang!

Hindi ko maiwasang hindi mailang dahil parang ako lang ang kumakain na walang kasama. Pero di bale na, nasanay naman ako.

"Hoy ikaw.. oo ikaw.. tumingin ka sa aking mga mata.." natigil ako sa pagkain nang may nagsalita sa likuran ko, ako ba tinatawag niya?

Ako ba?

"Binibini.. tumingin ka.." 

Ha? Ako ba talaga?

Ewan ko, basta!

Lumingon ako sa likuran, "Bakit po?"

Lumingon ang isang lalakeng nakasuot ng eyeglasses at may hawak na papel. May dalawa siyang babaeng katabi at may hawak ding papel at nakaupo silang tatlo.

"Huh?" Sabay na sabi ng tatlo.

Anong huh? Sabi niya tumingin daw ako.

"Sabi mo, tingnan kita?" 

Nagtinginan silang tatlo.

Anong problema?

Tumikhim iyong lalake at tiningnan ako, "Ah, actually miss, nagpapractice kami sa aming drama."

D-Drama??

Drama.

Parang biglang lumayo ako sa kanila at nagpabalik-balik sa utak ko ang sinabi niya.

Natauhan ako nang marinig ang mahinang pagtawa ng dalawang babae. Hindi tumawa iyong naka-eyeglasses.

"Hihi, s-sorry." Nginitian ko sila at hinay hinay na tumalikod.

I clenched my fists so hard because of my stupidity!

Ogags talagaaaa!

Nakakahiyaaa! Gusto kong lamunin nalang ako ng higante!

Ilang minuto lang ay tumahimik na ang nasa likuran ko

Huminga ako ng malalim, hays salamat nawala na sila, grabe... grabe ang kahihiyang ginawa ko.

"Hi?" Halos humiwalay ang kaluluwa ko nang may nagsalita sa harap ko.

Iyong naka eyeglasses.

Kahit hiyang-hiya na ako ay nginitian ko siya.

"Hi, my name is Gael Astor" sabay abot niya ng kamay.

Makikipagfriends ba siya?

Walang pag-aalinlangan akong nakipagshakehands.

"Naja Blair.." sagot ko at gaya ng palagi kong gawi, ngumingiti.

"Sorry nga pala kanina, ah," aniya dahilan para gumaan ang pakiramdam ko.

"Okay lang.."

"Section E ako, and you're Section A, am I right?" Sabay tingin niya sa pocket ko.

Tumango ako.

"Bago ka lang dito?" Tanong niya sabay upo sa harap kong upuan.

"Oo.."

"Oh," tumango-tango siya, "I hope okay lang 'yung first day mo rito. Tsaka feel free to ask me if may questions ka about dito sa university. By the way, nice meeting you." 

END OF POV.

He is Gael Astor, Section E student. Has a pure black hair in a fashion eyeglasses. Pogi rin. Madaling malapitan na klaseng tao. His family is a known politician. Gobernador ang papa niya at konsehal naman ang mama niya. He is a quiet famous in this university. 

--

NAJA'S POINT OF VIEW

Heto ako ngayon naglalakad habang kumakain ng shawarma kasama si Gael.
Sabi niya kasi ililibre niya ako kaya nagpalibre nalang ako.. bawal tanggihan ang grasya aber! 

"Sorry talaga Naja ha, sorry talaga, kulang pa ang libre na ito sa panghihiya ko sa'yo."

Actually kanina pa siya ganiyan. Okay na talaga ako pero 'yun nga hindi siya tumitigil kakasorry.

"Pinapatawad na talaga kita. Kanina pa!" Pangiting sagot ko.

"Sorry talaga ha."

"Oo.." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang kumuha ng atensyon ko ang hindi masyadong kalayuan sa amin.

Binubully nila ang isang lalake na alam kong dahil sa katawan niya.
Kulay yellow ang pocket ng apat na lalakeng nambully at green naman iyong binully.

Pareho sila ni Gael.

"Classmate mo ba siya?" Tanong ko sa kaniya habang nasa binully parin ang tingin ko.

"Oo, halika na." Akmang kukunin niya sana ang kamay ko pero agad ko itong tinakwil at agad na naglakad palapit sa kanila.

"Naja, 'wag kana makialam." He mumbled at me like he wants me to stop.

Bakit niya ako pinipigilan? No'ng nasa probinsya ako't may binully sa amin ay napakaraming umaawat agad. Bakit dito wala? Ni isa wala. 

Nasa harap na ako ng apat na lalake at itong isang binully.

Kunot noo ko silang tiningnan.
Nakita nila ako kaya huminto sila sa tawanan at nasa akin na ang tingin nila.
Sunod kong tiningnan ang binully na umiiling' iling akong tiningnan.

Anong ibig niyang sabihin?

"Who the hell are you?" Nakahalukipkip ang dalawang braso nitong lalakeng nasa harap ko. May sugat ang kilay niya.

"Who the hell are you too?" I answered in a respectful way, syempre marespeto akong babae.

"What?!" He laughed but I can feel that his pissed off of what I've just answered.

"Bingi ka po ba?" I said sarcastically.

"What the fvck---" hindi niya natuloy ang sasabihin nang, "William stop, Naja lets go." hinila ako ni Gael pero hindi ako nagpadala.

Anong aalis? Kukunin ko pa sa harap nila itong binully nila!

Marami na ring nakapaligid na estudyante sa amin.
Taas noo kong binalik ang tingin sa mga kalalakihang ito.

"Hoy!" Sabay turo ko sa kaniya.

Tiningnan niya lang ako na taas kilay. Biglang nanuyo ang lalamunan ko. Umay..nalimutan ko yung savage na isasagot kapag may ganito! Gagi naman oh!

"Hm? What?" Then he smirk.

"Ikaw! Pangit mo!" 'Yun na lang ang sinabi ko.

I saw how he clenched his fist so hard.

"Kung suntukin kaya kita---"

Napapikit ako---hindi dahil sa akma ng suntok niya kun'di dahil may biglang sumulpot mula sa harap ko kaya napapikit ako sa gulat. Nakapikit ako pero nakiramdam sa paligid, I can smell an expensive perfume coming from this person infront of me.

"Don't you dare."

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa mga sinabi niya.  Agad kong minulat ang mata ko nang maisip na baka magsuntukan sila! Kailangan ko silang pigilan!

Tumakbo ako papunta sa harap nitong sumulpot habang nakabukas ang dalawang braso.

"Stop!" sigaw ko--teka? Asan na sila?

--

ZARDEN'S POINT OF VIEW

I was walking alone while hands in my pocket.

Kakalabas ko lang ng office.

Damn.. Nangalay ako sa libro.

"Rambulan yata ang mangyayari."
"Tara puntahan natin."

Umagaw ng atensyon ko iyong dalawang estudyanteng nag-uusap.

Nasa gilid lang ako't nakasandal sa may faucet habang nakatingin lang sa apat na lalake, iyong mataba at itong babae na hindi ko makita dahil nakatalikod.

"Aish.. pati babae pinapatulan." I mumbled.

"Ikaw! Pangit mo!" Her voice echoed that made the crowd in shock.

Ewan ko ba pero natawa ako sa sigaw niya. Sinigawan lang naman niya ang isa sa kinatatakutan na bully rito.

I immediately covered this "girl in a ponytail" when William is about to punch her.

Such a rude.

"Don't you dare." I looked at him straight to his eyes and he knows what kind of stare it is.

He better run.

Kinatatakutan si William dito, pero hindi nila alam na natatakot si William sa akin.

Dalawang segundo lang ay nagsitakbuhan silang apat pero nag-iwan ng matalim na titig si William.

"Stop!" The girl behind me run infront with an open arm.

What is she doing?

Crazy.

--

NAJA'S POINT OF VIEW

Nawala? 

Natakot ata! 

Nilingon ko ang lalakeng nasa gilid lang at nakayuko pa rin, ang binully.

"Okay ka lang?" Sabay yuko ng ulo ko para makita siya.

"Sana hindi mo iyon ginawa, baka ikaw naman ang pag-initan ng ulo.." aniya sa garalgal na boses. 

"Edi paginawin natin.." sarkastiko kong sagot, lumbay kasi ang theme kaya lagyan natin ng saya. 

Tumingin siya sa akin at nag-aalala ang mga mata.

"Ano ka ba! Naja nga pala." Sabay abot ko ng kamay ko.

"Flynn.." 

END OF POV

He is Flynn Samson from Section E. 
A brown-haired guy and has a cutie big body. He has a wealthy and healthy family. Their family owned a famous restaurant. Flynn is their parent's only child that's why they gave all of Flynn's wants in life, but he's not a spoiled brat kind of guy.

--

NAJA'S POINT OF VIEW

"Hi flynn.. mula ngayon hindi ka na nila sasaktan.."

Someone chuckled at my back.

"For now.." a familliar voice.

I turned my head to the guy who just chuckled-- Anak ng tinapa! 

Saglit na kumunot ang noo niya at maya-maya lang ay tinaas nito ang isang bahagi ng kaniyang labi.

"Nice meeting you again, miss."

--

GAEL'S POINT OF VIEW

Naguguluhan ako at nagtinginan kami ni Flynn.

"Promise.." sabay naming dalawa.

Nasa loob na kami ng room namin pero nasa utak ko pa rin ang ginawa ni Naja.
Inikot ko ang tingin sa lahat ng kaklase ko. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang ginagawa.

Kakaiba si Naja.

Napaka-kakaiba.

Ang buong akala ko ay lahat ng estudyante dito sa Brawny ay pare- pareho.

Kapag may binully rito, walang ni isa ang tutulong. Titingnan lang kayo at aalis. Pero si Naja ay walang pagdadalawang isip na tumulong sa binully.

Hindi ba siya natatakot? Nag aalala sa sarili niya? Na baka dahil sa ginawa niya siya ang kawawa sa huli.

'Wag naman sana, gusto ko pa siya maging kaibigan at makilala ng husto.

--

NAJA'S POINT OF VIEW

Dalawang classroom nalang mararating ko rin ang room ko! Kaunting tiis nalang! Kasi naman sinusundan pa rin ako ni manong bipolar T^T Galit na galit ba siya sa akin?
Gaano ba siya kagalit sa akin?

Huminto ako at huminga ng malalim. Hindi masasagot ang mga tanong ko kung hindi ko siya tatanungin. Taas noo akong lumingon sa likod at nakita siyang nakatingin sa akin!

Sabi ko na nga ba! Sinusundan niya ako!

Naglakad ako palapit sa kaniya, palapit ako nang palapit ay mas tumingala ang tingin ko dahil may katangkaran kasi ang lalakeng 'to, I can also smell his scent, ano kayang perfume ginamit niya? Ang sosyal, panglast long.

"Manong, sinusundan mo ba ako?" With pa kunot noo pa iyan slash confidence.

He looked at me irritated. Binali niya ng konti ang leeg niya't tinitigan ako, after that he shook his head while looking at me from head to toe, teka? Grabe ang lalakeng ito ah!

"Bro!" Isang malakas na sigaw ang umagaw sa atensyon namin mula sa likod ko.

Nilingon ko ito at si Archer. Napalingon siya sa akin at ngumiti-- ngumiti?? Ngumiti!!Aghhhh!!! My heart went lub dub lub dub.

"Ito na ba?" Natauhan ako nang magsalita si manong bipolar kay Archer--- kay Archer? 

Aghhhh! Walang hiya ka Naja! Ang feeling mo! May kailangan lang pala sa classmate ko!

"Yes that's it, pinilo ko na ang page na icocopy mo." Sagot ni Archer.

Hinay-hinay akong naglakad palayo sa kanila para tumakas sa kahihiyang nagawa.

"Salamat bro, samahan na kita papasok sa room niyo?" Napapikit ako nang marinig ang suhestiyon ni manong bipolar kay Archer.

"Sure!" Archer answered.

Napapikit ulit ako nang pumayag si Archer. Yumuko ako at paminsan-minsa'y tinitingnan sila. Naramdaman kong may pumantay sa akin sa paglalakad.

"Assumera..." bulong niya.

Alam kong ako 'yung pinaibig niyang sabihin, napakamot nalang ako sa batok ko. Nakakahiya!

--

ZARDEN'S POINT OF VIEW

Irksome morning.

'Manong, sinusundan mo ba ako?'

I silently punch my desk. Ako? Susundan siya? Tinawag pa talaga akong manong. Naiinis at natatawa ako sa babae kanina, ang assumera niya.

"Mr. Darwell?" I turned my gaze to our english teacher named Mrs. Talia.

"Yes maam," matamlay na sagot ko.

"Stand up." While raising her tatto eyebrows.

I stood up. Here we go again, pushing us to listen to her boring lessons everyday. 

"I'm discussing about literary terminology at kanina pa kita napapansing hindi nakikinig." She crossed both of her arms while looking at me.

I didn't answer, instead I stare at her. Laguidly.

I hate her face especially her dark lipstick, she looks like a brat, not gonna lie, even my other classmates judged her.

"Makakaupo ka lang kapag nasagot mo ang tanong ko, Mr. Darwell."

Damn! Nakakainis! Hindi ibig sabihin wala sa board ang tingin ko hindi na ako nakikinig, ugh! I hate it!

"Give me a short definition of literary terminology." 

Oh hell she's asking me a preschool question.

"Devices used to make writing better." Sagot ko at akmang uupo sana pero nagsalita pa si Mrs. Talia.

"I didn't say sit down, Mr. Darwell!" Her voice echoed at the class, but it didn't budge me, I dont care.

I sniffed, this is fvcking irksome and infuriating.

"Give me two examples of literary terms!"

"Seiously? Let's make it four!" I suggested sarcastically.

"O-Okay. Then four.." she stuttered.

"Metaphor, alliteration, allusion, and hyperbole. Can I sit now, Mrs. Talia?"

--

NAJA'S POINT OF VIEW

Kasama ko ngayon si Gael, gaya ng promise nila sa akin na sabay na kaming uuwi, palabas kami ng school dahil nandoon si Flynn, nauna na raw siyang lumabas kasi may bibilhin siya at sa may waiting area nalang siya maghihintay sa amin.

Masaya ako dahil tinupad nila 'yung promise ko kahit kakakilala lang namin, naks ang swerte ko naman!

"Gael, classmate mo 'yung nanakot doon kay William at sa mga kasama niya?" I ask.

Nalaman ko pala ang pangalan ni William kay Gael. "Ahh si Zarden Darwell, bakit anong meron?" 

"Wala naman," then he just nodded.

Zarden pala name nun --- Darwell? May kilala akong model na babae na ang apelido ay Darwell. May anak na pala si Mrs. Zekiah Darwell?

Oops! Talking of Zarden, nakita ko na naman siya! Kasama si Archer. Nakakatakot talaga siya, nahihiya rin ako at the same time.

Binilisan ko ang paglakad ko dahil ayokong makasalubong si Zarden.

"Naja! Wait" Napangiwi ako nang sumigaw si Gael.

Naiwan pala siya dahil sa bilis kong maglakad at sumigaw pa talaga siya sa pangalan ko kaya ngayo'y naagaw ang atensyon ng lalakeng iniiwasan ko. Mabilis akong bumalik sa daan ko.

"Sorry hihi." Hinila ko agad si Gael---aray!

Halos masubsub ang katawan ko sa pader--- este sa dibdib nitong lalakeng sumulpot, I can smell that scent again.. Ay anak ng palaka! Si bipolar! Este Zarden na naman! Para akong napako nang tumitig siya sa akin.

But, this scene was cut when Archer say something.

"Sabay na tayo Naja and Gael, ang alam ko, madadaanan ang bahay namin sa mga bahay niyo." 

Kumurap ako ng dalawang beses. Magkakilala pala si Gael at Archer?

Hala gusto ko 'yan! Pero kasama si Zarden? 

"I gotta go. I have something to do at the library," ani Zarden.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko.
Mabuti hindi siya sasama, kasi magpapaiwan talaga ako rito tapos mamaya na uuwi.

"Sige bro.. bukas ulit." 

"Bukas ulit." Biglang nanuyo ang lalamunan ko nang nasa akin ang tingin niya nang sinabi niyang 'bukas ulit'.

I immediately averted when he looked at me at nagmuni-muni na parang wala lang.

W-What if? Psychopath talaga siya? Tapos ayaw niya ang sinasaktan o binubully? Tapos nasaktan ko na siya roon sa office at alam kong nangalay siya? A-Anong gagawin niya sa'kin! Huhu..  I bit my lower lip because of anxiousness. Uuwi na talaga ako sa probinsya T^T

"Let's go?" Alok ng maamong boses ni Archer.

Nginitian ako ni Archer bago siya magsimulang maglakad. Nginitian niya ako..♡^♡

Kasama namin ngayon si Flynn palabas ng school.
Hindi ko talaga maiwasang hindi tingnan si Archer.
Kasi naman ang pogi niya!

Oo na aaminin ko! Crush ko siya!
Kaya pipila ako kasi alam kong madami ring may gusto sa kaniya. Form your line gano'n!

I furrowed my brows when we stopped infront of a white car.

"Get in," natauhan ako nang nasa loob na pala sina Gael at Flynn.

Hala akala ko maglalakad? Ah oo nga pala rich pala mga humans dito.
Sumakay nalang ako, nasa tabi ako ng driver seat kay Archer, nauna kasi sina Flynn at Gael sa likod.

Ang tahimik nila, wala ni isa ang nagsasalita.

"Magkapitbahay kayo?" Tanong ng makati kong dila.

"Yes." sagot ni Archer at tumingin pa talaga sa akin at ngumiti.

Napalaki ang mata ko nang marealized na ako lang pala ang naiiba ng lugar sa kanila.
Paano 'to? Nakakahiya kaya kapag nagpahatid pa ako.

Huminto ang sasakyan sa isang malapad na daan at--- at may malalaking bahay sa kada gilid.

Oh men..

Bumaba na si Flynn at Gael, tsaka nagpasalamat. Ginamit raw ang sasakyan ni Gael kaya nakisakay siya ni Archer habang si Flynn ay kakaayos pa lang daw, kaya nakisabay na rin siya. So ako lang pala rito ang makapal ang mukha!

Nagpaalam na sina Gael At Flynn sa akin.

"Saang street ang sa inyo?" Tanong ni Archer habang nakangiti, nakakatunaw naman ang ngiti niya.

Napakurap ako nang matauhan at napangiwi, kapag sinabi ko malalaman niya kung saan ako nakatira na medyo malayo rito at nakakahiya na.

"Sa Martin Street."

Narating narin namin ang Martin Street at agad akong bumaba. Malayo pa ito sa bahay ko. Yes I lied to him.

"Salamat Archer.."

"Your welcome, pumasok ka na," aniya.

Biglang pinawisan ako at nilingon ang malaking bahay na kaharap ko ngayon.

Huhu hindi ko ito bahay T^T

"A-Ah sure... sige mauna kana.." 

"Ahm.. okay fine, see you tomorrow." Sagot niya at may pahabol pang ngiti.

Kahit malayo na siya ay sinigurado kong wala na talaga siya.

--

"Ma naman oh.. wala nga kaming pasok kanina-- aray!"

"Sinungaling kang bata ka!"

Napahinto ako dahil sa hindi kalayuan ay may lumabas na isang babaeng nakaskirt na pareho ng kulay sa akin.

May babae ring napakapula na ng mukha kaka-tama ng dala niyang hanger sa babae.

"Ma! Aray tama na!"

"Hindi! Bakit ka hindi pumasok! Ang buong akala ko ay nasa paaralan ka!"

"Excuse me po.." natigil ang usapan nila nang may sumabat.

Oo ako po iyong sumabat  ^_^"

Napatingin din iyong babae sa akin na napangiwi pa ang mukha habang hawak- hawak ang balikat kung saan pinalo siya.

"Bakit, hija?" Medyo kumalma iyong mama niya.

"Tama po iyong sinabi niya na walang pasok, wala po talaga kaming pasok." Sabay ngiti ko.

Tiningnan ko iyong babae na kumunot pa ang noo.

Makisama ka woyyy

"Classmate ba kayo?" Tanong ng mama niya.

"O-Oo, opo classmate po kami!" Sagot ko.

Biglang nagcross arms ang mama niya.
"Ang alam ko ay may category ang bawat section at ang category nito ay nagbabase sa kulay.. bakit blue ang sa iyo, hija? Eh ang alam ko red ang category nitong anak ko.." with suspicious face pa si tita! Oo nga pala! Blue iyong sa akin!

Owemji! Mag isip ka Naja!

Lights camera action!

"Hala! Nasuot ko pala ito?" Sabay face palm.
"Ah actually po tita galing ako sa Section A pero dahil bagsak ang grades ko ay nilagay nila ako sa Red.. ang section I, at hindi ako makaget over sa section A kaya hanggang ngayon suot-suot ko parin." Sabay kurap-kurap ko.

Maniwala ka sana tita..

Tiningnan ni tita ang anak niya at binalik ang tingin sa akin.

"So wala talaga kayong pasok?" 

"Wala po!" Sabay ngiti ko.

"Sabi ko sayo ma eh!" inakbayan ako nitong anak niya "Sige ma! Hatid ko muna siya sa bahay niya, bye!" 

Nagpadala nalang ako sa paglakad niya paalis sa harapan ng mama niya.

"Saan bahay niyo?" Bulong niya.

"Sa Carlos Street," bulong ko pabalik

Nang makalayo na kami sa bahay nila ay binitawan niya ang pag-akbay sa akin at tumalon-talon sa saya.

Anong meron?

"Hoo! Muntikan na ako roon ah! Salamat ha!" Sabay labas ng malaking ngiti niya.

Napangiwi nalang ako, oo muntikan na nga.

"So hindi ka talaga pumasok?"

"Ahm oo, may laro kasi kami ng cousin ko tapos minsan lang naman iyon kaya nagkulong ako sa kwarto hindi ko pala akalain na naabutan na kami ng hapon kaya naabutan ako ng mama ko galing trabaho." She explained while holding the back of her neck.

"So mas inuna mo pala ang pagcomputer?"

"Ahh hihi, hindi na mauulit promise!" Aniya habang nakataas ang isang kamay

I let out a heavy sigh.

"Maraming salamat! Kung hindi dahil sayo putol na itong kamay ko kakapalo ni mama" sabay nguso niya. Kaya natawa ako.

"Oo nga pala, anong pangalan mo?" She asked.

Inabot ko ang kamay ko nang magtanong siya sa pangalan ko.

"Naja.. Naja Blair." Syempre with a smile!

"Avabella! Avabella Dixon!"

Then we do a shakehands.

"Ang ganda ng pangalan mo ah!" Pagpupuri ko.

END OF FLASHBACK.

She is Avabella Dixon, a Section I student. Has a pretty face, long hair and a not so tall kind of girl but she's tall but not that tall. She's a bi. She has a wealthy family. Her mother has a flowershop while her father is working at the states. She has two sisters, siya lang ang baliko.

--*--

NAJA'S POINT OF VIEW

"Ewan ko.. isang araw bigla ko itong naramdaman, nagkakagusto ako sa babae at ganoon din sa lalake." Paliwanag niya habang nasa bulsa ang mga kamay.

Naging reporter lang naman ako habang naglalakad kami papuntang apartment ko. 

Same vibes kami nitong Avabella at alam kong magiging close kami nito, kasi chikadora siya tapos ako rin.

Oh diba! 

Malapit na ako sa apartment ko pero huminto na ako sa hindi kalayuan.

"Sige Avabella, salamat sa pagsama mo sa akin pauwi."

"Ah wala 'yun! Mas nagpasalamat nga ako eh! Papasok ka ba bukas?"

"Oo, bakit?"

"Sabay na tayo!"

Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Oo naman!" 

--

1 a.m

Nakaupo ako ngayon sa maliit kong mesa kaharap ang mga libro.

Nakastart lang ako ng pagstudy ng 10 p.m kasi may ginagawa pa akong importante at maingay din ang katabi kong kwarto, may inayos yata sila sa kabila.

Inaantok ako pero hindi pwede, kailangan kong mag-aral ng mabuti para hindi ako malaglag sa Section A. Dahil kung oo, sure akong matatanggal ako roon at ang scholar ko.

Napahinto ako nang maalala ang mga nangyari sa akin buong araw, nakilala si Gael, Flynn at Avabella, nginitian ng crush kong si Archer.

At..

Nakagawa ng kahihiyan kay manong bipolar--- este Zarden.

Comment