P7 - The Accident

DEANNA's POV


*Maddie Calling*


Maddie : 8:30 pm na deans! Umuwi ka na! Alam mo ang totoo!


Deanna : Alam ko, pero hindi ako susuko. 3 years yon diba?


Maddie : Wala sa tagal yan, deans. Kung ayaw na niya, bitawan mo na.


binaba ko ang tawag dahil nasasaktan ako, nasasaktan ako sa kung anong pede kong marinig sakanya.


oo, alam kong lumabas sila ni tots.


"C-celine"


Nakita ko siyang gulat na naglalakad papalapit sakin, nag iba si Celine. Hindi ko makita yung celine na mahal na mahal ako.


"D-deanna.. ayoko muna makita ka—"


"No, celine. I'm sorry." unti unti kong nararamdaman yung sakit na paulit ulit akong dinudurog


"Sorry? P-para san?"


"Sorry for being not enough."


"You are e-enough—"


unti unting nababasag ang boses naming dalawa, unti unti akong namanhid sa sakit na nararamdaman ko.


"I'm sorry for loving you to the point that I could break myself too. I'm sorry for loving you nang sobra, sa punto na kahit anong mangyari basta magstay ka lang, gagawin ko."


"N-no deanna, don't say that.. I love you"


"Mahal kita, mahal na mahal. Wag mong pilitin ang sarili mo na mahalin pa rin ako, I'm sorry kung hindi ko alam na nagkukulang ako. Patawarin mo ako sa di ko pagsuko, at papatawarin kita sa bigla mong pagbitaw."


"No. Hindi ka aalis sa tabi ko, 3 years deanna! Wag mong sayangin lahat yon sa kahibangan nating dalawa!"


"Kung kahibangan ang piliin sa kung saan ka sasaya, matagal na pala akong tanga. Alam kong kasama mo si tots, habang ako, naghihintay na sabihin mong ako ang mahal mo"


"N-no, I was a-alone—"


"Just don't lie, sa pinakahuling pagkakataon, maging totoo ka sakin. Alam kong kasama mo si tots, alam ko na sa ilang araw na nag babago ka sa kung sino ang minahal ko, alam kong sakanya ka pupunta. Na kapag hindi na ako gumana, sakanya ka magpapagawa. At kahit nararamdaman ko, hindi ako umalis. Dahil umaasa ako, na sakin pa rin ang diretso mo."


"I was a-alone. Pakiramdam mo lang yan deanna, please stop."


"I saw you in the mall. Sa oras na sinasabi kong naghihintay ako, nakamasid ako sa inyo. Umalis ako kasi yung taong mahal ko, nakikita kong masaya na sa iba. At sino ako para pigilan ka sa kung san ka masaya? Kaya kahit masakit sakin, hinintay kita. Hindi para sabihin mong sakin ka pa rin pupunta, pero para palayain ka."


"What do you m-mean?" unti unting pumatak ang luha niya, kasabay ng pagpatak rin ng mga luha ko.


"I'm letting you go, thank you sa 3 years. I'm letting my happy pill, choose her own happiness. I want you to be happy, even if that happiness, no longer includes me."


"No, no hindi, lalaban tayo play? Nandito ako! Ayokong umalis! Ikaw lang! Kahit anong mangyari, ikaw lang deanna! Wag kang mapagod.."


"Akin ka eh, bakit nasa kanya ka? Akin ka diba? Bakit sakanya ka pa rin pumunta?"


"I-i don't k-know..."


"Maybe you love her, maybe she's better than me. And I'm sorry, hindi ako siya."


Bumuntong hininga ako, gusto ko ng umalis... Gusto ko ng magpahinga, dahil pagod na pagod na ako.


"Susuko ka na agad? Deanna, napagod kalang, susuko ka na agad sakin? Satin?"


"Ilang beses akong napagod, at hindi ako sumuko. Napagod lang akong ipaglaban ka, kung alam kong masaya ka na sakanya. Celine, sa tatlong taon, hindi ako sumuko."


"So you're b-breaking up with m-me???"


Tumango ako saka naglakad papunta sa sasakyan ko, ayokong lumingon.. ayokong makita siya, dahil baka hindi ko matiis, at bumalik ulit sakanya.


"D-deanna, deanna.. please d-deanna..." yumakap siya sa likod ko, hindi ko mapigilan ang mga luha ko..


"Mahal kita, Celine." tinagtag ko ang mga kamay niya at saka umalis, hindi ko alam ang mga ginagawa ko...


Nagdidilim ang paningin ko, nadudurog ang puso ko.. Ang sakit, ang sakit sakit..


*PEEP PEEP!!!!*


Nagulat ako nung may sumalubong na van sa dinadaanan ko, damn it!


Pinihit ko pakanan ang manibela pero umiwas rin siya! Damn!


Hindi ko inasahang sumalpok ang unahan ng sasakyan ko, at don ko naramdaman ang pamamanhid ng katawan ko.


"C-celine.."


*and everything went black*

Comment