P10 - She Tried

JEMA's POV


Nakaupo ako nun nung magising si Jema, syempre sobrang saya ko! Bonus pa yung nandito sina Maddie, masaya kami.


"Kamusta ka deans?" tanong agad ni Maddie sakanya, syempre kakagising lang ba naman


"Cute pa din, hahahaha." nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya, halata pa rin kasing pagod siya hahaha.


"Naalala mo ba kaming lahat?"  kabado kong tanong, hindi niya kasi alam na may amnesia siya at ayaw naming ipaalam dahil baka lumala pa.


"Oo naman Jem, crush moko diba? Hahaha si Maddie, si Ponggay, si Dani oh diba kilala ko kayo" nakahinga ako nang maluwag, ang gaan sa pakiramdam nun


DEANNA's POV


Pagod na pagod pa rin ang katawan ko pero nakakatuwa na makita sila dito, lalo na si Jem.


Buti nalang single ako, single din siya! Malaki ang chance ko noh!


"Deanna!" nagulat ako nung may babaeng yumakap sakin?


Mali yata ng room ang pinasok ng isang to, lakas ng tama


"Miss sino ka?" Nagiging uncomfortable na ako dahil niya, jusko? Ikaw kaya yakapin bigla ng di mo naman kakilala.


"H-ha?" nakita ko namang napaiyak siya nung kumalas siya sa pagkakayakap


"Sino ka? Mali ka yata ng napasok na room hehe.." naaawkward na ako dahil nagkakatinginan na rin sina Maddie at Jem


"Si Celine, deanna.. ako si Celine.."


"Celine? Eh miss, wala akong kilalang Celine hehe?" inaayos ko yung pagsasalita ko in a nice way, bakit ba naman kasi tong babaeng to, nakakashookt.


"Girlfriend mo ako, 3 years. 3 years deanna, wag mo naman akong kalimutan.."


"Girlfriend? Sa pagkakatanda ko, wala akong gf hehe miss wag ka nga sinisiraan moko kay Jema niyan ehh, Jem ah di ko to girlfriend."


Umiiyak na talaga tong Celine, sumasakit na rin ang ulo ko sakanya. Wala talaga akong girlfriend, paano ako magkakagirlfriend eh focus ako sa volleyball?


"J-jem?? Anong meron sa inyo ni J-jem?" nagtanong na naman tong si Celine, sana tumigil na siya sa pagtatanong.


"Liligawan ko pa kasi yan, miss. Eh wala naman akong girlfriend na sinasabi mo? Wag ka na magtanong miss, sumasakit ulo ko." napahawak pako sa ulo ko kasi sumasakit na siya talaga


"Celine, tama na. Hindi maganda para kay Deanna yun, kakagising lang niya."


Nagulat ako nung sinampal ni Celine si Jem, ang kapal naman ng muka nitong babaeng to.


"Ano! Masaya ka na!"


Kita kong napaluha si Jem sa ginawa ni Celine, hindi ko kayang makitang ganun si Jem.


"Miss. Ano ba? Sobra ka na." umawat ako sakanila, hindi tama yung ginawa niya kay Jem.


Lumabas yung Celine at naiwang lumuluha si Jem.


"Shh jem ko, wag ka na umiyak please? Halika nga." pumunta siya sakin at yumakap.


"Siya si Celine, gf mo siya. Hindi mo ba talaga naalala?" ano din tong si Jem eh wala nga akong gf


"Jem ko, kung ayaw mo sakin wag kana mag imbento ng kwento ok?" pabiro kong sabi sakanya habang hawak hawak ko yung muka niya


"Tungek, gusto kita"


"Mas gusto kita." ngumiti ako nung sinabi ko sakanya yun, hahaha ang gaan sa pakiramdam..


"Tss magpahinga ka na diyan Deanna, baka lumala pa yung nararamdaman mo."


"Matagal nang malala ang nararamdaman ko para sayo Jem hihi!"


"Kung balian kaya kita ng buto ngayon Deanna Wong!? Magpapahinga ka o magpapahinga!?"


"Ang sagot ko ay... O!" akma niyang kukurutin ang leeg ko nang kiniss ko siya sa pisnge!


"Misis ko, alam ko yan lang makakapagpatigil sayo eh."


"B-bwiset ka talaga!" kinikilig si Jem dahil nakita kong namula siya, kasabay non ang pagngiti nina Maddie sa likod.


MADDIE's POV


"I'm happy for Deans, ponggay. It's just that, wala akong maramdamang lungkot nung si Celine ang nakalimutan niya." kausap ko si Ponggay nang magpatuloy ang training namin, makakalaro pa rin naman si Deanna.


"If ate Celine didn't hurt Deanna, malulungkot pako for her. Masaya ako na si Ate Jem ang naalala niyang gusto niya."


"She forgot the pain noh? Ang saya na hindi ko na siyang nakita pang umiyak dahil kay Celine. Her amnesia saved her from the pain"


"Sana hindi na bumalik ang ala ala ni Deans. Babalik rin yung sakit panigurado." seryosong sabi ni Ponggay, totoong ayaw ko ring bumalik ang memory ni Deans kay celine


"Bruhs, how's deanna?" dumating si Bea, kumbaga kasi kaming tatlo ang kaibigan talaga ni Deanna at hindi namin siya hahayaang masaktan.


"Amnesia. Selective, si Celine lang ang nakalimutan niya. Alam mo naman yung issue the night she committed accident." paliwanag ko sakanya, pero kagaya namin, hindi ko nakita ang panghihinayang sakanya.


"Good for her. Damn that Celine, tatlong taon na sila, nagawa pa ring sumama sa iba. Nakakagigil." naiintindihan ko ang inis nya dahil yon rin naman ang nararamdaman nating lahat


"We need to protect Deanna, nagkulang tayo bilang kaibigan niya. Panigurado, pati si Jem kukulitin ni Celine tsk" umiiling namang sabi ni Bea, totoo naman, nagbago na talaga ang ugali ni Celine


Nung unang ipinakilaka ni Deans si Celine, crush yon ni Bea pero di naman super seryoso, sobrang crush niya si Celine. Parehas silang middles eh


Kilala na ni Bei si Celine noon pa, kami rin naman, mabait siya samin at sa iba. Palaging may dalang food, inspirasyon ni Deanna, totoong binago niya si Deanna.


"Sobrang nagbago si Celine noh? Nung una siyang ipakilala satin ni Deans, anghel siya na binago si Deans. Makikita mo naman kung pano nagbago si deans diba, di ko nakikita yung celine na minahal na rin natin." nakita ko namang umagree sila sa sinabi ko


"Well, nandiyan si ate Jem. Si Jem na totoong mabait noh? Imagine, sinabi niya pa rin kay Deans na gf niya si Celine. Kung desperada talaga ako, di ko sasabihin yun." paliwanag ni Pongs kay Bei na wala kahapon sa ospital dahil nga team captain siya, kami lang ang pinayagan ni Coach.


"Sana lang hanggang dulo na si Jem, ayoko ng bumalik pa si Deans kay Celine." seryosong sabi ni Bei


"Oo sana di na bumalik ala ala niya—" pagpapatuloy ko sana ang sasabihin ko nang marinig namin si Coach O at ang staff na nag uusap nang seryoso


Syempre, chismosa kami, tumago kami at nakinig.


"Coach O, yung Celine ng FEU malakas din yun. According to my source, di na siya makakapaglaro sa FEU due to her issues."


"Yung Celine Domingo ba? Did you reach out to her?"


"Yup, kasi nag email ang FEU na Celine is already looking for another university and she wants Ateneo. She confirmed na she wants to play for Ateneo"


"Get that Domingo, asikasuhin niyo na so she can start training with us."


"She is set to train with us by next week, saktong lalabas na din naman si Deanna sa ospital. So complete parin line up natin kasi maglalaro si Deanna."


Nagkatinginan kami nina Bei at Ponggay!!!!!


"THIS CAN'T HAPPEN." naiinis na sabi ko!!!


Aishhhhhhh bakit ba naman ngayon pa!?


"DAMN IT."


Inis kaming umalis ng BEG, nagpunta kami ng cafeteria para mag unwind.


"Nakakainis, bat ba naman kasi sa Ateneo pa."


"Daming daming schools nakakagigil"


Pare parehas ang reaction namin, at laking gulat namin nung makita si Celine sa kabilang table papalapit samin.


"Celine.."

Comment