Wonho


"Ikaw nga! Tigilan mo na yung pangloloko mo sa mga babae" sigaw mo sa bestfriend mong si Hoseok pero Wonho ang tawag mo sa kanya. Ikaw lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng Wonho.
"Ayan ka na naman (Y/N) . Hayaan mo na koo" pagmamaktol nya.
"Ay bahala ka. Iba ang nagagawa ng Karma sinasabi ko sayo Hoseok" kapag Hoseok ang tawag mo sa kanya ay alam nyang hindi ka na nag-bibiro.
"Aisssh!!! Wonho ang itawag mo sakin! Wonho!!" pag-mamaktol nya.
"Bahala ka dyan." At umalis ka na para kumuha ng pagkain sa kusina.
"O-oy!! San ka pupunta?"
"Kakain!! Umuwi ka na!"
"Grabe sya!! Oo na!! Uuwi na ko." sabi nya. Hindi ka na sumagot.
"OY!! HINDI MO BA KO PIPIGILAN?!" sigaw ni Wonho.
"Kapal mo!" Sigaw mo din.


------------------------------------------------------
"Wonho!!!! May sasabihin ako sayo!!!!" tawag mo sa bestfriend mo.
"Ano yon? Bat ang saya saya mo?" tanong nya pagkalapit nya sayo.
"Guess what?!!! Nag confess sakin si Jisoo!!!! Ohmygad!!!at sabi nya, liligawan nya daw ako!! " napansin mo naman na nawala ang ngiti sa labi ni Wonho at bigla itong nanahimik.
" oy ... anyare? hindi ka ba masaya para sakin?" Tanong mo.
"gusto mo ba sya?" tanong nya bigla.
"Oo naman. Alam mo naman yun diba? Simula grade school hanggang ngayon gusto ko sya." Sagot mo.
"Pero pwede bang wag ka nang magpaligaw sa kanya?" Sabi nito.
"Bakit? Bakit mo sinasabi yan?"
"Kasi ayoko sya para sayo." Sabi nya. Nagsisimula ka nang mainis kaya hindi mo naiwasang sigawan sya.
"Bakit?! Kapag ikaw ba sinasabihan kita na itigil mo na yung pagiging playboy mo, sinusunod mo?!!! Diba hindi?!! Mabait si Jisoo!! Kung ayaw mo sa kanya, wala akong pakialam! Ako naman ang liligawan nya at hindi ikaw." pagkatapos mong sabihin lahat ng yon ay iniwan mo na sya kung nasan man kayo naroroon.


"Ito na nga ata ang karma ko" aang nasabi sa sarili ni Wonho.


------------------------------------------------------
Ilang araw mo nang hindi pinapansin si Wonho. Galit ka parin dahil sa sinabi nya, pero hindi mo maikakaila na namimiss mo na sya. Ang gusto mo lang naman ay bawiin nya ang sinabi nya at bati na ulit kayo.
"Okay ka lang (Y/N) ?" Tanong sayo ni Jisoo. Simula nung nag tapat sya sayo ay lagi ka na nyang hinahatid. Lagi mo na rin syang kasabay sa lunch at break na dapat ay si Wonho ang gumagawa.
"Aa... oo naman okay lang ako" sagot mo at binigyan mo sya ng pilit na ngiti.
"Andito na tayo sa bahay mo."
"Aa oo nga. Salamat sa pag-hatid ha"
"Wala yon. Basta para sayo."
Dati kapag naririnig mo ang mga matatamis na salita ni Jisoo ay halos hindi mo kayanin. Sobra ka kung kiligin pero hindi mo na maintindihan ngayon kung bakit nawawala na ang pakiramdam na iyon.
"Ingat ka sa pag-uwi." huli mong sinabi sa kanya at tuluyan ka ng pumasok sa bahay mo. Derederetso ka sa kwarto mo at humiga na lang basta sa kama mo. Napatingin ka naman sa picture frame na nasa lamesa sa gilid ng kama mo. Litrato nyo ito ni Wonho noong nakaraang prom. Napangiti ka nalang ng mapait dahil hindi mo na alam kung anong mangyayari sa pag-kakaibigan nyo.


------------------------------------------------------
Nag-lalakad ka kasama si Jisoo sa park. Niyaya ka nyang mag-date. Kahit ayaw mo ay pumayag ka na lang dahil ayaw mo namang masaktan ang binata. Hindi mo maalis sa isip mo yung nangyari noong isang gabi.


*flashback*
*ringg!!! Ringg!!!*
"Hello?"


[*hikk* (Y/N) sorry na *hikk*]


"W-wonho?! Anong nangyari? Wait nga!!! Uminom ka ba?"


[H-hindi *hikk* aa. T-tubig lang ininom *hikk* ko. Sorry *hikk* na]


"Ano bang sinasabi mo?"


[P-please.... bati na tayo. Bumalik ka na sakin please *sniffs*]


"Teka! Umiiyak ka ba?"


[H-hindi. Please, bati na tayo~]


"Wonho? Wonho? Uy---"


*toot.toot.toot.*


*End Of Flashback*


"(Y/N) ? (Y/N) ? " tawag sayo ni Jisoo.
"H-ha? Ano ulit yon?"
"Haha.. Wala...teka... Si Hoseok ba yun?" napatingin ka naman sa tinuturo ni Jisoo at tama nga. Si Wonho nga yon na nakaakbay sa isang babae. Para namang may kumurot sa puso mo dahil sa nakita mo. Hindi mo maintindihan kung bakit pero ang alam mo lang ay kaylangan mong umiyak.
"(Y/N) u-uy.  Bat ka umiiyak?" Tanong sayo ni Jisoo na nagtataka na.
"W-wala. Napuwing lang. Excuse muna ha, punta lang akong Comfort room"
"S-sige.. "
At tumakbo ka na papuntang comfort room. Doon mo iniyak lahat. Hindi mo alam kung bakit ka nasasaktan. Noong isang gabi lang ay nanghihingi sya ng tawad sayo kaya umasa ka na mag-kakaayos kayo pero umasa ka lang pala. Lasing sya non. Hindi nya alam kung anong ginawa nya. Pag-katapos mong iiyak lahat ay bumalik ka na kung saan mo iniwan si Jisoo. Nagulat ka ng makita mo na nasa harapan na nito si Wonho at nakahawak ng mahigpit sa kwelyo nito.
"Jisoo!! Anong nangyayari?!" sigaw mo.
"Pinaiyak ka nya diba?! " sigaw ni Wonho.
"ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SAYO NA HINDI KO SYA PINAIYAK?!" sigaw din nj Jisoo.
"Wonho ano ba!!! Bitawan mo si Jisoo!! Wala syang kasalanan! "
"So kinakampihan mo sya?!" Sigaw sayo ni Wonho.
"Oo kasi sya yung tama!!! Pwede ba?! Bumalik ka na don sa kasama mo! " sigaw mo din at di mo na namalayan na umiiyak ka na.
"(Y-Y/N)" nauutal na sabi ni Wonho sayo. Maski sya ay nagulat dahil sa pag-iyak mo.
"T-tara na Jisoo" aya mo .
" (Y/N) I-im sorry"  hinging tawad ni Wonho sayo. Tiningnan mo lang sya ng malamig at tumuloy na kayo ni Jisoo na umalis.


Nang maihatid ka ni Jisoo sa bahay mo ee nagpaalam ka lang sa kanya at derederetso ka ng pumasok sa bahay mo.


"(Y/N) ? Ikaw na ba yan?" rinig mong tanong ng mama mo galing sa kusina.
"Opo Ma.." Sagot mo sabay upo sa sofa.
"Kamusta kayo ni Hoseok? Napapansin ko hindi na sya napunta dito sa bahay ee halos dati ee kulang na lang dalhin nya yung mga damit nya dito at dito na sya tumira. May nangyari ba? Nag-away ba kayo?" sunod-sunod na tanong ng mama mo sayo. Wala kang nagawa kundi sabihin ang totoo kaya pumunta ka sa kusina at don nag-salita.
"Opo Ma. Nag-away nga po kami"
"Sabi na ee! Ano ba yan! Bat ba kayo nag-away?"
"Ee kasi sya Ma ee!! Alam mo yung araw na nag-confess sakin si Jisoo? Edi sinabi ko yun sa kanya... Alam mo yung sinabi nya sakin? Wag daw ako mag-paligaw kay Jisoo kasi daw ayaw nya. Hello? Anong problema nya?" Naiinis na sagot mo sa Mama mo.
"Oh. Kalma ka lang anak. Hindi ako si Hoseok. Pero teka? Inalam mo ba yung dahilan nya?"
"Hindi"
"Ayon! Dapat inalam mo. Malay mo...nag-seselos lang yon"
"Aissh!!! Ma ayan na naman tayo sa selos selos na yan! Hindi sya mag-seselos dahil lang don. Sya nga kapag may girlfriend sya, may sinasabi ba ko? Wala naman aa!! Arggghhhh!!! Nakakaasar. Tapos nung isang kagabi tumawag sya hingi sya ng hingi ng sorry tapos kanina makikita ko na lang sya may kasamang babae!!! Ang---- "
"Anak! Anak! Hoy easy ka lang. Wag ka umiyak" sabi sayo nang Mama mo.
"Sinong umiiyak ma? Ako? Hindi no" sabi mo.
"Kaya pala basang-basa na yang pisngi mo! Alam mo kung ano yan? Nag-seselos ka lang. Sigurado ako umiyak ka kanina nung nakita mo syang may kasamang babae. Sigurado din ako na parang may kunurot dyan sa puso mo. Tama ba ko?" Sabi ng mama mo. Yumuko ka na lang.
"Sabi na ee. May gusto ka sa kanya. Mahal mo si Hoseok."
"Pero Ma? Si Jisoo ang gusto ko."
"Si Jisoo? Hindi mo sya gusto. Well siguro oo. Dati yun, pero ngayon? Sa tingin mo kung gusto mo pa si Jisoo ee pag-aaksyahan mo pa ng luha si Wonho? Diba hindi na? Nasa isip mo na lang yan. Iniisip mo kasi na gusto mo pa sya pero ang totoo hindi na."
"Ganon ba yon?"
"Oo..sige na mag-bihis ka na. Mag-usap kayo ni Wonho. Pero bago yon, mag-usap muna kayo ni Jisoo. Sabihin mo sa kanya yung totoo."
"Sige Ma. Salamat " at umakyat ka na sa kwarto mo para mag-bihis. Napag-pasyahan mong tawagan si Jisoo at makipag kita sa park dahil gusto mo ng sabihin yung totoo.


------------------------------------------------------
"(Y/N) ? Bat mo ko pinapunta dito?" Tanong sayo ni Jisoo pag- karating na pag-karating nya.
"May gusto kasi akong sabihin."
"Ano yun?"
"Natatandaan mo nung grade school pa tayo? Crush na crush kita non. Halos hindi makumpleto yung araw ko kapag hindi kita nakikita non. Hanggang sa ngayong nag-confess ka sakin at ligawan ako. Noong nag-confess ka sakin, ansaya ko kasi Wow! Yung long time crush ko finally may gusto din sakin at liligawan pa ko. Tuwang-tuwa talaga ako. Pero alam mo habang tumatagal? Parang nawawala yung kilig, yunh excitement. Alam mo yun?"
"(Y/N) "
"Sorry Jisoo. Ngayon ko lang narealize na wala na pala. Wala na pala akong feelings para sayo. Sorry talaga at pinatagal ko pa. Antanga ko kasi!!" Sabi mo habang pinupokpok mo yung ulo at tuluyan ka ng umiyak.
"Uy wag ka umiyak. Naiintindihan ko. Hindi naman natin makokontrol yung tibok ng puso natin. Kung ayaw na nya dun sa tao, ayaw nya na. Pero pwede ko ba malaman? Dahil ba 'to kay Hoseok" tanong nya. Tumitig ka lang sa kanya at tumango.
"Sabi ko na nga ba... Haha, alam ko na na sya na ang mahal mo. Sa nangyari palang kanina nung nakita mo sya ee alam ko na."
"Hindi ka ba galit sakin?"
"Bat naman? Wala kang kasalanan. Ako 'tong mabagal kumilos. Ayos lang--- pero friends parin tayo ha."
"Haha oo naman." Sabi mo. Nag-hug kayo for the last time at nag-paalam na syang umuwi.


*ringgg!!!ringggg!!!*
"H-hello?"
[Asan ka ? ]
"Nasa park"
[Intayin mo ko dyan. ]
At inintay mo nga si Wonho. Maya-maya ay dumating na din sya. Katahimikan. Wala miski isa sa inyo ang nag-sasalita. Hindi nyo alam pareho kung anong sasabihin.
"Sorry/wonho sorry" sabay nyong sabi.
"Sige ikaw muna." Sabi nya.
"Sorry. Sa mga nagawa ko."
"Ako din. Sorry din"
Alam mo sa mga oras na iyon ay bati na kayo.
"Nakausap ko si Tita kanina."
"Anong sinabi nya?"
"Lahat."
"What do you mean?"
"Lahat. Lahat ng sinabi mo sa kanya. Simula nung simula."


Bigla ka namang namula dahil malamang pati ang nararamdaman mo ay alam na din ni Wonho.


"Alam mo ba kung bakit ako playboy?" Tanong nya sayo.


"Bakit?"


"Para lagi mo kong pansinin. Gusto kong makita kung mag-seselos ka. Kaso hindi ko yun makita noong una. Ako pa yong nagselos nung nag-tapat sayo si Jisoo."


"Bakit gusto mong malaman kung nagseselos ako?"


"Para malaman ko kung kelan ako titigil at kung kelan kita liligawan. Dahil sa nangyari kanina ay nakita ko ng nag-selos ka"


"Kaya liligawan mo na ko?" Tanong mo na natatawa.


"Ganon na nga."


At hinila ka nya para yakapin.


"I love You (Y/N) "
"Mahal din kita Wonho"


------------------------------------------------------
Hello :* ngayon nalang ulit ako nakapag-update. Nagustuhan nyo ba? Kung oo, pakilagyan po ng color yung star sa baba hehe :)Salamat.


Waaaahhhh!!! Masyadong magulo yung twitter acc. ko ngayon T_T napakagulo talaga. Nakakapanghina talaga.

Comment