Hair Brush || Kihyun

Sinasabi na kapag nasa bahay lang ang babae ee wala syang pakialam sa itsura nya. Sa pananamit, sa buhok at sa kilos. Totoo 'to. Dahil isa ka sa mga living proof ng kasabihang 'to.


Sabado ngayon at nasa bahay ka lang, to be specific, sa loob ng kwarto mo. Suot ang isang pajama, malaking t-shirt na size ata ni Dumbo at ang buhok mo, ayaw mo man sabihin ee para itong pugad ng ibon dahil sa gulo..Isang linggo mo na ata itong hindi sinusuklay. Lalabas ka lang ng kwarto mo kapag kakain, at may sasabihin sayo ang mama mo. Maya-maya, nakarinig ka ng katok galing sa labas ng kwarto mo.


"Hmm? Sino yan?"


"Ang mama mo 'to. Y/N may bisita ka."


"Sino daw?"


"Basta. Bumaba ka, inaantay ka nya sa garden."


"Sige Ma."


Inakala mo na isa lang sa mga kaibigan mo ang bumisita sayo kaya wala ka ng pakialam sa itsura mo. Derederetso kang pumunta sa garden at bigla kang natigilan.
Nasa harap mo ngayon si Kihyun. Ang manliligaw mo. Kung nangangain lang ang lupa ay baka nag volunteer ka nang magpakain matakasan lang ang eksenang 'to. Hindi mo alam ang gagawin. Nahihiya ka. Ang daming pumasok sa isip mo. Baka na turn off na sya.


"Y/N," tawag nya sayo sabay ngiti.
"Aa...hi, hehe",akward mong bati.
" sorry kung nakita mo kong ganito. Sssshhh nakakahiya" dagdag mo pa.


"Ayos lang~" sagot nya.


Maya-maya dumaan sa gilid mo ang nakababata mong kapatid na may dalang suklay. Hiniram mo naman ito at sinimulan mong suklayan ang buhok mo. Bigla na lang lumapit sayo si Kihyun at inagaw sayo yung suklay.


"Hala, Kihyun ako na" sabi mo ng sinimulan nyang suklayin ang buhok mo.


"Let me Y/N."


"O-okay" sabi mo na lang. Ilang minuto ang lumipas at natapos ka na nyang suklayan.


"There.." Sabi nya.


"Hindi mo naman kaylangang gawin yon ee...nakakahiya."


"Kaylangan ko yon....syempre kapag mag asawa na tayo susuklayan kita lagi tsaka kapag nagkaanak na 'tayo, gusto ko ako ang mag susuklay at magtatali sa buhok ng  mga anak nating babae" nanlaki ang mata mo sa sinabi nya. Hindi sa ayaw mo, nagulat ka lang talaga dahil ang futuristic ni Kihyun. Hindi mo  namang maiwasang mapangiti at kiligin.


Present Time


"Daddy, si Mom smile ng smile kanina pa" sabi ng anak mo.


"I just remembered something" sagot mo. Naalala mo kasi yung mga panahon na sinusuklaya ka ni Kihyun ng manliligaw pa lang sya sayo at ngayon natupad nga ang pinapangarap nya. Na makasal kayo at mag kaanak.


"And what is that Mom?"


"I remember your Dad brushing my hair when we were still dating, and now, hes doing it to you too"


"Ginagawa ko parin naman 'to sayo hanggang ngayon aa." Sabat ni Kihyun.


"I know....and thats why i want to thank you...for doing this, for loving me and your daughter..."


"Pwede mo namang sabihing I Love You nalang para hindi nakakapagod." Pagmamayabang nya.


"Ang yabang mo tss." Sabi mo sabay punta sa kitchen para tingnan ang niluluto mo.


---
Hello hello :) Naka update na ulit sa wakas. Hows the story? Ayos lang ba?


Wait lang---- uwaaaaaa!!! Nam Joo Hyuk and Lee Sung Kyun are reportedly dating 😂😂😂
Let's partyyyyyy!!!!

Comment