Chapter 2



Deanna's POV


Nakaupo lang siya sa gilid habang katabi ang iba pa netong kasama at nakikipagkwentuhan. Maya maya pa ay nakarating na sa Monumento Station at maraming bumaba kaya medyo lumuwag ang loob neto. Nang may napansin siyang pamilyar na mukha sa kaliwa niya. Tinigan niya ito at tinitigan ng ilang saglit.


Kilala ko to ah, sabi na eh siya ulit yung babaeng nakita ko sa church before at napagkamalan ni Ate Jia na Nicole. That time nalaman ko name mo. And your name is Jema. Sabi niya sa isip neto. Agad naman niyang tinawag ang kaibigan na si Bea at sinabi ang nakita.


Bea.. tignan mo yun naalala mo ba siya? Tanong neto sa kaibigan at sumagot naman Oo, siya yung kamukha ni Michelle na napagkamalan din ni Ate Jia na Nicole.


What a destiny!. Sabi ni Deanna sa isip niya. Agad naman itong pinuntahan ni Bea at kinausap si Jema. (feeling close lang si Bea haha)


Eto talagang si Bea hindi na nahiya feeling close talaga. Sabi neto sa isip niya at inabala na lang nito ang sarili sa cellphone niya. Napansin niyang nagtatawanan eto at nakaramdam ng inggit. Wow Deanna san galing yun haha. Bat ako maiinggit? Tanong nito sa sarili. Ako kasi dapat kausap nun e, epal neto ni Bea. Hahaha Kidding aside. Tinatanaw tanaw niya lang ang dalawa habang nag uusap ito. Pasulyap sulyap niyang tinitignan ang kausap ng kaibigan. Ang ganda kasi neto at ang kinis. Maliban sa sexy na e napakacharming ng mukha. Hindi niya mapigilan na hindi tignan ito. Napatulala naman ito habang tinitignan si Jema at nakaramdam siya ng kuryente na hindi niya maipaliwanag nang bigla itong napalingon sa kanya. Agad naman siyang natauhan. Gosh! Nahuli ata akong nakatingin sa kanya ah. Tanong nito sa sarili. Ano ka ba Deanna masyado kang obvious eh, sabi nito sa sarili. Maya maya pa ay tinawag siya ni Bea upang palapitin sa kanila.


Shems, si Bea talaga lakas ng trip e. Bigla itong kinabahan hindi alam kung bakit. Ipinakilala siya ni Bea sa kausap nito. Jema this is Deanna bestfriend ko, Deanna si Jema. At sabay naman niyang ikinaway ang kanang kamay at nag Hi kay Jema. Ganun din ito sa kanya. At nagpatuloy itong nag usap usap habang si Deanna ay umupo nang may nakitang bakanteng upuan.


Last station Roosevelt. Sabay sabay silang nagbabaan at inalam ang bawat isa kung san sasakay. Tinanong ni Bea kung san si Jema sasakay knowing kung san sasakay si Deanna. Sumagot naman ito at sabing magbubus daw siya. Oh talaga parehas kayo ni Deanna sabay na kayo umuwi. Nagpaalam naman si Bea kay Deanna sabay kindat. Kasabay ang iba pa nitong kasama at nagpaalam na din.


Tara dun tayo maghintay ng bus. Nahihiyang sabi ni Deanna kay Jema. Pinauna niya ito at sumunod na siya. Maya maya pa ay may dumating na bus walang ganong sakay ngunit walang pwesto na may dalawang bakante kaya sa likod na lang sila umupo. Habang nasa byahe ay nagusap ang dalawa.


Deanna: San ka umuuwi?


Jema: Sa may zabarte, ikaw?


D: Talaga? Dun din ako, san ka dun banda?


J: Sa may kanto lang ng Rockville Subdivision, ikaw ba?


D: Ahhh, ako sa may bandang looban pa e. Akalain mo yun magkalapit lang pala tayo halos ng bahay.


J: (nginitian lang siya nito)


Mahiyain kasi si Jema. Naputol ang pag uusap nila at naglaro na lang si Jema ng games sa phone niya. Habang si Deanna ay tumatanaw tanaw lang sa may bintana.


Bigla naman siya nitong kinausap ni Jema.


J: May pantext ka ba sa smart?


D: Meron


J: Pwede ba akong makitext? Nagtext kasi nanay ko wala akong load.


D: Sure (kinuha ang cp niya at inabot kay Jema)


Maya maya pa ay ibinalik na ito sa kanya. Nang makarating sila sa babaan ay need pa nitong sumakay pa ng isa pang jeep para makarating sa bahay nila.


D: San ka sumasakay?


J: Tricycle ako na violet ikaw ba?


D: Nagjejeep kasi ako e.


J: Mas mabilis kasi pag tricycle saka mas malapit ako pero pwede naman ako magjeep.


D: I see, magjeep ka na lang muna para sabay tayo uwi, medyo late na din e para may kasama ka. (Dumadamoves si D hahhaa)


J: Sige


At sabay na silang naglakad papuntang sakayan ng jeep, mauunang bumaba si Deanna kasi umikot ito sa loob ng subdivision. Habang nasa jeep ay nag-uusap ang dalawa,.


D: Nga pala ano number mo? Para sabay tayo sa susunod magchurch. Inabot naman nito ang cp kay Jema


J: Kinuha naman ang cp nito at idinial ang number niya


D: Thank you. Text na lang kita if ever.


J: Okay


Ang bilis mo dun Deanna Wong, nakuha mo agad number niya hanep. Hahaha


D: O pano mauna na ako sayo ah, ingat ka na lang text na lang kita.


J: Sige ingat ka din.


At nagbabay na sila sa isa't isa.

Comment