Chapter 10



Nang matapos silang kumain ay naglakad na sila papuntang parking lot. Nang makarating ay pinagbuksan ni Deanna si Jema ng pintuan. Pagkatapos ay agad na din siyang sumakay.


Let's go? Sabi ni Deanna


Tumango naman si Jema at ngumiti bilang sagot nito kay Deanna


Nga pala ganun laging oras pasok mo sa school? Tanong ni Jema kay Deanna


Yup. Hindi ako kumuha ng schedule ng sobrang aga kasi hindi naman ako morning person. Why? Sagot nito. Aaahh wala lang naman natanong ko lang naman. Hehe sambit niya sa huli.


Sabay na kita araw araw ah para hindi ka na massle sa byahe. Along the way lang naman office mo papuntang school e. Sabi niya kay Jema. May choice ba ako? For sure naman iinsist mo pag humindi ako. Hahah pabiro niyang sagot kay Deanna.


Yeah, you're right. You don't have a choice. Sabay tawa sabi ng huli.


Maiba ako. Sambit ni Deanna.


Yes, ano yun? Tanong ni Jema


Are you seeing someone? Or are you in a relationship right now? Tanong ni Deanna


Nagulat naman si Jema sa tanong ni Deanna at straight to the point ito. As of now I am seeing someone but not yet in a relationship. Sagot niya kay Deanna. Napangiti naman si Deanna at nabuhayan sa sagot ni Jema. Are you into girls? Tanong niya ulit kay Jema. Naubo naman si Jema sa tanong ni Deanna, hindi niya alam kung sasagutin nya ba ito or hindi dahil this time hindi niya na talaga alam ang sagot. Ilang minuto ang lumipas bago siya nakasagot. "To be honest, I don't really know the answer but I guess, MAYBE I GUESS. Nauutal niyang sagot kay Deanna. Napangiti at napatango naman si Deanna bilang sagot niya kay Jema atsaka nagfocus sa pagdadrive. Atleast maybe there's still a chance. Sabi niya sa sarili.


Nga pala hindi ako sa bahay uuwi ngayon, tuwing weekends lang ako umuuwi dun. Pag may ganap lang. Sa condo ako uuwi ngayon. Diyan lang sa may bandang katipunan. Sabi ni Jema. Ahh I see. Sige turo mo na lang yung way papunta sa condo niyo. Sagot ni Deanna. Itinuro naman ni Jema ang way papuntang condo niya at ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na sila sa condo ni Jema. Medyo late na din kasi kaya wala na gaanong traffic.


Thank you Deanna sa dinner at sa ride. Banggit ni Jema


Wala yun ano ka ba, ikaw pa malakas ka sakin e. Saka thank you din sa pagaccept sa offer ka na dinner. Sabay ngiti ni Deanna.


Osya mauna ka na at baka gabihin ka na masyado sa daan. Mag-iingat ka. Tugon ni Jema


Sige, mauna na ko. Thank you ulit. 😊 Sabay beso kay Jema.


Nastunned naman si Jema ng ilang saglit sa ginawa ni Deanna atsaka nagbyebye.


Byeeee, sabay kaway ng kamay ni Jema. Bumusina naman si Deanna bilang sagot at saka umalis.




________________________________________________________


8:30am


Ponggay's POV


Maaga akong pumasok, dahil aabangan ko si Jema. Ang dami niya nang utang na kwento sakin. Tapos kahapon??? Hayssss. Sabi niya magpapahinga siya tapos makita kita ko may nagsundo. Sasabunutan ko na talaga yung babaeng yun. Ang dami na niyang nililihim sakin. Hindi ko na papalagpasin pa tong araw na to na hindi niya nakekwento sakin ang ganap sa kanya. Habang hinihintay siya pinrepare ko na muna mga dapat kong gagawin mamaya.


8:48am


Nakita ko na si Jema naglalakad papuntang table niya. Agad akong tumayo para harangan siya. Tatlong table kasi ang nakapagitan saming dalawa.


Hep! Hep! Hep!


Saan ka pupunta? Sabi ko


Nakuuu, Ponggay ang aga aga para diyan. Sagot niya with a poker face


Nakuuuu rin Jema, ilang beses ko na rin narinig yan sayo. Ang aga aga din umiinit ulo ko sayo. Sagot ko sa kanya


Natawa naman siya sa sinabi ko, alam niya kasi na hindi naman ako nagagalit sa kanya.


Ang dami mong utang na kwento sakin, at kahapon? Nakuuu, ang sarap mong kurutin sa liver. Dagdag ko sa kanya.


Natawa ulit siya. Naglakad naman siya papuntang table niya at ako naman ay sumunod lang sa kanya, hindi ko talaga siya tatantanan ngayon hangga't hindi siya nagkekwento.


Umupo na siya sa table niya, ako naman ay kumuha din ng isang upuan at tumabi sa kanya. At binigyan angry tiger look.


Oo na Ponggay, tigilan mo na yang tiger look mo. Hindi bagay sayo. Sabi niya


Buti naman at nadala ka sa mata ko. Oh dali, kwento. Ready na tenga ko.


At nagsimula naman siyang magkwento.


Deanna name niya, nakilala ko siya sa LRT. Kasama mga friends niya. Una kong nakilala yung kaibigan niya tas pinakilala lang siya sakin. Kasabay ko siyang umuwi that time kasi parehas kami ng way ng uuwian. Then ayun kinuha niya number ko. Tas kahapon sinabay niya ako sa pagpasok niya. Along the way lang daw kasi tong office natin papuntang school niya.


So, nag-aaral pa pala yun. Bata pala bet mo. Hahaha Side comment ko sa kwento niya. Hinampas naman niya ko sa braso at nagpatuloy sa kwento.


Tapos ayun inaya niya ako ng dinner kagabi. Kumain lang naman kami sa labas then uwi na agad. Yun na yon.


Walang pagtibok ng puso? Tanong ko sa kanya.


Actually iba yung feeling ko pagkasama ko siya e. Ang gaan sa pakiramdam pag kasama ko siya tapos ang sarap pa niyang kausap tapos ang sweet pa niya. Sagot niya


So tinamaan ka na nga, nako nako tong kaibigan ko, inlababo na. hahahah


Pero alam mo bagay kayong dalawa. Sabi ko sa kanya. Feeling ko nga may gusto na yun sayo e, kasi the way ka niyang tignan, iba e. sabi ko


Ayokong mag-assume unless otherwise stated. Wag mo kong bigyan ng false hope. Ayokong masaktan, charot hahahahha. Sagot niya sabay tawa.


Pero bes kahit anong mangyari, I'm here to support you 😊 hangad ko ang kaligayahan mo. Kung san ka masaya. 😊 sabi ko sa kanya


Natouched naman siya sa sinabi ko kaya hinug niya ako at nagthank you.


Thank you Bes 😊 sabi niya


Basta ikaw 😊 sabi ko. Oh siya tama na tong kadramahan natin magtrabaho na tayo. Hahaha dagdag ko.


Oo nga, hhahaha sige Bes balik ka na sa table mo. Sabi ni Jema.


Yes Bes, anyeong 😄 sabi ko sabay balik na sa table ko.




Hello guys, kumusta kayo?


See ya next update.


Please vote and comment. Thank you 😊

Comment