Chapter 14



6:00am ng umaga, nagising si Deanna. Nakayakap si Jema kay Deanna. Tinitigan niya ito at kiniss sa noo. Ang ganda talaga niya. Hays. Sabi niya sa isip niya. Babangon si Deanna dahil naiihi ito kaya dahan dahan niyang tinanggal yung kamay ni Jema at pinalitan ito ng unan. Bumangon siya at nagtungo sa CR matapos umihi ay tinignan nito sa sala si Bea. Mahimbing pa itong natutulog. Kaya nagprepare na lang muna siya ng almusal. Tinignan niya ref ni Jema,at may nakita itong itlog at saka hotdog kaya yun na lang niluto niya. Matapos niyang magluto ay tulog pa rin yung dalawa kaya pumunta muna siya kay Jema. At humiga sa tabi nito pero nakatanday yung ulo niya sa kamay niya habang tinititigan si Jema. Hinawi nito yung nakaharang na buhok sa mukha ni Jema, medyo nagising naman ito. Kaya napadilat siya ng mata.


Good morning, sabi ni Deanna sabay kiss sa noo ni Jema.


Nag good morning din si Jema at ngumuso.


Hindi makapaniwala si Deanna sa nangyayari kaya kiniss niya na din ito.


Tumugon naman si Jema sa halik nito kaya mas diniinan niya ang paghalik dito ipinasok niya ang dila niya habang nakayakap kay Jema. Ramdam mo ang init sa kanilang dalawa. Nang biglang may nagsalita kaya napatigil sila sa ginagawa nila.


Ang aga aga yan agad kinakain niyo. Sabi ni Bea. Natawa naman yung dalawa sa sinabi nito. Tumayo na si Deanna at si Jema. Nauna si Deanna sa paglakad kung kaya't inakbayan niya si Bea na nasa pintuan. Alam mo gutom lang yan halika na kain na tayo. Tugon ni Deanna kay Bea.


Matapos kumain ay nagpaalam na yung dalawa. May pupuntahan pa kasi si Bea kaya sumabay na si Deanna sa pag-alis.


Bye Jema, see you later.


Bye Deans sabi ni Jema at sumandal sa pinto.


Naglakad na sila pa-elevator nang biglang bumalik agad si Deanna para maggood bye kiss. Natuwa naman si Jema, kasi hinihintay niya talagang mag-goodbye kiss si Deanna.


Pagkahalik niya kay Jema bumulong ito "I'll see you later my Love"
Napangiti naman si Jema sa sinabi nito. Kaya nagwave na siya kay Deanna habang naglalakad ito palayo sa kanya.


Pumunta na sila ng parking lot. At sumakay.
Habang tahimik silang nasa byahe biglang nagsalita si Bea.


Ano na status niyong dalawa? Tanong niya kay Deanna


Wala. We're just friends. Sagot naman nito


"Friends? Pero may ganap na paghalik? "


Natawa naman si Deanna sa sinabi ng kaibigan. Basta Bud we're just friends okay? Sabay tapik sa braso ni Bea.


I'll tell you when it's officially. Okay? Pahabol nito sabay kindat kay Bea.


Hinayaan na lang ni Bea tutal magsasabi naman ito sa kanya kapag may ganap na.


Nga pala Deans ibaba mo ako sa school. Idadaan ko lang tong mga books sa library, ibabalik ko lang. tugon niya kay Deanna.


Okay. Sagot naman nito sa kanya.


Nang maihatid si Bea sa school ay nagpaalam na ito kay Deanna. Thanks Deans. Ingat ka. Tugon ni Bea. Okay okay ikaw din. Bye. Sagot nito sa kanya.


Nang makaalis si Deanna ay agad namang nagpunta ng library si Bea.


Bea's POV


Naglalakad na ako papuntang library, nang papasok na ako sa pinto ay may biglang lumabas na babae, kaya nagkabanggaan kami.


Sorry Miss. Sabi ko sabay pulot ng mga nahulog na libro na hawak ng babae. Nakuha ko na lahat ng librong nahulog. Miss pasensya na ah hindi kita nakita nagulat ako sa paglabas mo. Sabi ko habang patayo ako at iaabot ko na sana yung mga libro nang bigla akong napahinto sa nakita ko.


"Jho", Jhoana?! Nauutal kong sabi


Oh, Hi Bea. Ikaw pala yan sabay ngiti nito


Bea?! Sabi ulit ng babae


Ayy, Ahm, ah s- sorry nagulat lang ako. Nauutal na sagot ni Bea.


Okay lang sabay ngiti.


Uwi ka na? tanong ni Bea


"Ahh, oo. Binalik ko lang yung mga books na hiniram ko last week."


I see. Ahm. Do you mind if I invite you kumain sa labas. Lunch?


Hmm, okay sige tutal wala naman ako gagawin today. Sagot ni Jho


Nice, good." Balik ko lang din tong mga books then gora na tayo?


Okay sige, I'll wait you here outside na lang. sabay ngiti.


Nagmadali na akong pumasok sa library para maisoli na yung mga books na hiniram ko. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko. Nainvite ko si Jho out of nowhere. Tong bibig ko talaga minsan wala sa control. But anyways I like it. Sabay tawa sa sarili. Mukha kasi akong baliw na kinakausap ko yung sarili ko. Excited na ako. Wooah.


Pagkapirma ko ay lumabas na ako agad. Ayoko siyang paghintayin.


Let's go? Tanong ko sa kanya habang nakatayo siya.


Do you have car? Tanong ni Jho


Ahm, sorry di ko dala e, sumabay kasi ako sa kaibigan ko kagabi kaya ayun. Nahihiya niyang sagot.


Okay sige, we'll use my car."


Sige. Nahihiya pa ring sagot ko. Hahaha napakamot na lang ako sa ulo ko.


Nasa parking lot na kami. In-unlock na niya car niya na Honda Civic White. At pinagbuksan ko siya ng pinto.


Thank you. Sabi niya sabay ngiti.


There's something in her smile na nagpapahinto talaga sakin. napapatulala ako e.


Umalis na kami at pumunta ng Banapple. Yun kasi napagdesisyunan naming kainin e.


Nang makarating kami ay nagorder na agad kami. While waiting for our orders.


Nag-get to know to each other muna kami. Nakilala ko siya nakilala niya ako. Pero hindi pa lahat. Mga iilan lang. After 20 minutes ay dumating na yung order namin at kumain na. Tahimik lang kaming kumakain. Ineenjoy namin yung food.


Tapos na kami kumain at palabas na kami ngayon sa Banapple.


Do you want to watch movie? Aya ko sa kanya, tutal wala naman siyang gagawin maghapon. Saka gusto ko pa siya makilala.


Sure. Ang tagal na rin nung huli akong nanood sa sinehan. Sagot niya


Good. Let's Go?"


Yeah. Sagot niya


Bumili na kami ng ticket, at napagtripan naming panoorin ang captain marvel. Hilig niya pala panoorin ang Marvels. Ako din sinusubaybayan ko din yun.


After namin manood ng movies we ate dinner, and went home na. She insisted na ihatid ako samin, kaya wala na akong nagawa. Nahihiya ako kasi syempre ako yung nag-aya pero ako yung hinatid, knowing na ngayon lang namin nakilala ang isa't isa.


I guided her the way, and nakarating na kami samin.


Ahm, thank you nga pala for this day. Sobra akong nag-enjoy today kasama ka. Sa uulitin ulit. Sabi ko sa kanya.


Wala yun,nag-enjoy din naman ako. Saka masaya ako at may bago na ulit akong kaibigan. Thank you din for today, sabay ngiti. Sagot niya


Pano una na ako. Pababa na sana ako nang maalala kong hingin number niya.


Ahm. Jho, can I have your number? Sabi ko sa kanya


Sure, akin na phone mo"


Inabot ko naman phone ko sa kanya.


There. Sabi niya


Thank you ulit. Ingat ka sa pag-uwi. Good night. Sabi ko.


Salamat, good night din.










Hi madla, sorry late update medyo madami lang ginagawa sa work. But anyways, ayan na updated na ulit. hahaha Enjoy kayo.


PLEASE VOTE AND COMMENT, anyeoung ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Comment