Chapter 26: PAIN

CHAPTER 26: PAIN

ASH'S POV

ARAW NG SABADO

Kakagising ko palang at alas syete na nang umaga. Tumayo ako at tsaka pumunta sa banyo para maligo. Dinalhan kasi ako ni Tita kahapon nang damit para makaligo na ako.

Oo. Nasa ospital pa rin ako haggang ngayon. Hindi rin ako makapaniwalang tatlong araw na pala akong tulog. Punyet*ng lalaking iyon! Ihampas ba naman ako sa poste nang hindi ko alam ang dahilan. Nagulat talaga ako nang bigla niya akong lapitan. Wala na nga akong kalakas-lakas nang mga araw na yon tapos bigla nalang niya akong susugodin.

Salamat nalang siya at hindi ako nakaganti nang mas maaga dahil paniguradong mababali lahat ng buto niya sa katawan. Nakakabadtrip tuloy!

Kahapon lang ng gabi ako nagising. Ang sab ni Tita ay binisita raw ako nang mga kaibigan ko. Tinanong ko naman ung sina Yumie ba at ang mga iba pa niyang kaibigan kaso ang sabi ni Tita ay mga lalaki raw. Medyo nagtaka naman ako at napaisip kung sino naman ang mga iyon. Ang tanging nasa isip ko lang ay yung tatlong asungot na sikat sa campus.

Ano naman kaya ang ipinunta nila dito?

Pagkatapos kung maligo ay lumabas na ako sa banyo at sakto naman ang pagpasok ni Tita na kararating lang din ata.

"Gising kana pala." sabi ni Tita saka dumiretso sa maliit na mesa ppala ilagay ang mga dala niyang pagkain. "Ano maayos na ba ang kalagayan mo? Wala ka bang nararamdamang sakit or nahihilo?" tanong ni TIta.

"Wala na po Tita"

"Mabuti. Ang sabi nang doktor ay pwede ka nang lumabas nang ospital. Halika kana at mag-umagahan." aya ni Tita sa akin kaya naman umupo naman ako. Habang kumakain ay tahimik lang ako samantalang si Tita ay nagdadaldal tungkol sa nangyari sakin.

"Pagkarating natin sa bahay ay magpahinga kana. Wag ka na namang lumabas ng mag-isa dahil paniguradong papagalitan kana naman ng Kuya Lee mo" sabi ni Tita.

Paano naman ako magpapahinga e alam ko naman na pagnakauwi na ako sa bahay ay papagalita at papagalitan pa rin ako ni Kuya Lee.

"Opo" tipid na sagot ko.

"Hinahanap ka na niya. Anong plano mo?" napahinto ako sa pagsubo dahil sa sinabi ni Tita. Naiintinndihan ko kung anong ibig niyang sabihin.

"Wala." sabi ko saka nagpatuloy.

"Hindi mo dapat balewalain ang sitwasyon Ashnie. Ikaw ang importante dito. Inaasahan nila ang kasagutan mo dahil ganon ka kaimportante sa kanila--"

"Importante?" sabi ko sabay tingin kay Tita. "Paano ako naging importante sa kanila Tita? Paano ako naging importante sa kanila na matagal na akong tinakwil, ibinasura ng ganon nalang.-- Sa tingin niyo ba hahayaan ko nalang sila na makapasok ulit sa buhay ko kay tagal na nilang sinira? Bakit pa nila aasahan ang sagot ko kung hindi ko naman gustong mapabilang sa kanila ulit? Ano pang-aasahan nila sa isang tulad ko na sa mata naman nila ay puro mali nalang ang nagagawa ko?" mangiyak- iyak kung sabi.

"Hindi ko binabalewala ang sitwasyon at problemang haharapin ko Tita--- Gusto ko lang pong takasan dahil--- AYOKO NANG MARAMDAMAN ULIT YONG HINANAKIT NA SINAPIT KO HABANG KASA-KASAMA SILA" sabi ko sabay tayo sa kinauupoan ko.

"Kahit sarili ko pa silang mga magulang..." pinunasan ko ang tumutulo kong luha bago nagsalita ulit.

"Hindi ko parin malilimutan bilang isang anak ang mga naranasan ko sa pangangalaga nila. Sorry Tita." huling sambit ko saka dire-diretsong lumabas ng kwarto. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Tita ngunit hindi na ako naglakas loob na bumalik pa kaya pumunta nalang ako sa garden ng hospital.

Pagkarating ko ay agad akong umakyat sa taas ng malaking puno na nakita ko. Gawain ko talagang mamahinga sa ganitong lugar na may maraming mga puno. Sa tuwing nakakaramdam akong pagod o di kaya ay gustong magpahangin, palagi akong pumupunta sa mga lugar na maraming puno para makapagpahinga at makalimutan saglit ang lahat ng problema ko. Dito ko nailalabas ang galit at hinanakit sa nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang mga nakaraan ko. Para akong binagsakan ng isang kamalasan na hinding-hindi ko na maaalis sa buong buhay ko.

Sa tingin ko ay hindi patas ang mundo. May Nanay at Tatay naman ako pero bakit...Bakit hindi ko naranasan ang pagmamahal na nararanasan naman ng ibang taong nasa paligid ko. Nagsisisi ba sila na ako ang naging anak nila? Ha! Buhay nga naman.

Hindi ko man lang naranasan na mahalin ng totoo... Palagi nalang akong iniiwan dahil sa maling akala nila.

"Tapos ka na ba? Ang tagal kitang hihintay dito." napadilat ako ng may marinig akong boses na galing sa ibaba ng puno.

"Bumaba ka na diyan. May mahalaga tayong pag-uusapan" kunot-noo naman akong napabangon saka napatingin kay Kuya Lee.

"Tinatamad ako" bagot na sabi ko sa kanya kaya naman sinamaan niya agad ako ng tingin.

"Huwag mo akong ginagalit Ash. Tatlong oras kanang nandito at kanina ka pa hinahanap ni Mom" sabi ni Kuya Lee.

"Ano ba kasing pag-uusapan natin? Pagagalitan mo na naman ako eh." prangka ko sa kkanya kaya naman napatapik sa noo si Kuya Lee dahil sa pagkadismaya.

"Stable kana. Kung gusto mong makauwi nang maaga sa bahay mas mabuting bumalik kana sa kwarto mo para matingnan ka na ng doktor." sabi ni Kuya na halatang nagtitiis na mainis.

"Bakit kailangang patinginan pa ulit? Hindi naman ako pilay para tingnan ng paulit-ulit ang kalagayan ko." pamimilosopo ko.

"Bababa ka o bababa ka? Mamili ka lang Ash. Alam ko na alam mo na maliit lang ang pasensya ko pero pinipii mong ubusin gamit ang pamimilosopo mo-"

"Oo na. Bababa na. Napakasungit mo naman" sabi ko at agad bumaba sa puno.

Umuna na akong maglakad pero agad naman akong napatigil nang biglang magsalita si Kuya Lee.

"Alam kung sinabi na sayo ni Mommy na hinahanap ka na niya. Alam ko rin na ito ang pinakaayaw mong pag-usapan...ang tungkol sa mga magulang mo." narinig ko ang yapak ni Kuya na papalapit sa akin at huminto sa likod ko.

"Hayaan mong ipaliwanag ko sayo ng maayos kung bakit ka niya hinahanap. Huwag kang mag-alala...hindi ko hahayaan na makuha ka niya o kahit si Tito pa." sabi ni Kuya.

"Hindi ko hahayaan na maranasan mo ulit yong mga naranasan mo dati. Gagawin namin ni Mom ang lahat--"

"Hindi na kailangan." singit ko agad sa kanya.

"Alam ko ang mga ginagawa ko. Ako na ang bahala sa sarili ko." ani ko ay naglakad paalis.

Mabilis akong nakarating sa kwarto kaya naman sinimulan na akong i check nang Nurse. Pagkatapos ay umuwi na kami. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto at natulog ulit.

Comment