Chapter 15: BAD DAY

CHAPTER 15: BAD DAY

TYLER'S POV

Nasira na ang araw ko dahil sa hindi ko inaasahan na pang-aasar sa akin ni Kalix. Nakakainis dahil kung ano-ano nalang ang sinasabi niya sa harap ko.

Mabuti nalang at wala dito ang chismosong si Sevi...

"Hindi ko alam na interesado ka na pala sa kanya--"

"Shut up Bro!" inis kong sabi pero 'Ano' pa bang aasahan ko sa mga kaibigan ko?Syempre pagtatawanan lang ako.

"Hahaha! Ang init ng ulo mo Ty!" natatawa niyang sabi.

Sa totoo lang medyo nakakaramdam ako ng kunting saya sa ngayon dahil nakikita ko na ang tunay na Kalix. Masyado kasi siyang naapektohan sa nangyari sa'min dati kaya nasànay kaming bihira lang siyang magsalita at napakaseryoso pa ng mga mata niya.

"Lintik Bro! Ngumingiti ka pa talaga! Hahaha iba ka na-Aray ko!" daing niya ng batukan ko siya ng napakalakas sa ulo.

"Ulol!" sabi ko saka siya tinalikuran.

Dumiretso kami sa locker at kunin ang mga librong gagamitin namin mamaya para sa klase. Iniwan ko muna ang cellphone ko dahil nakakasagabal lang.

Wala namang tumatawag ng ganitong oras ng klase.
Maliban nalang kong ka-text mo LOML mo.

Masisisi ka sa huli pagnahuli kayo ng Teacher niyo!

Kaso hindi kami ganon ni Zia, masyado siyang focus sa pag-aaral pero ayos lang naman.

"Brooooo!Hintay!" napalingon kami ng biglang sumigaw si Sevi galing sa likuran namin.

Natawa naman kaming pareho ni Kalix dahil sa mukha niya, nang makalapit ito ay bigla niya kaming inakbayan.

"Second day of school pero wala pa rin skong nahahanap na chiks" sabi niya.

"Pano ka makakahanap, hindi ka nga marunong manligaw eh" sabi ni Kalix.

"Nagsalita ang walang ka syota" arteng sabi ni Sevi kaya nginiwian siya ni Kalix.

"Kunyari ka pa eh gusto mo nga si Stephanie" pang-aasar ko.

"Ba't mo alam?!" tanong niya sa gulat kaya sabay kaming nagkatinginan ni Kalix saka tumawa ng napakalakas.

Pinagtitinginan na rin pala kami hehe..

"Paano namin 'di malalaman eh mas madaldal ka pa langaw" natatawang sabi ni Kalix.

"Sinabi ko talaga?" tanong ni Sevi.

"Nagsesekreto ka na pala ngayon Bro?" biro ko saka kunyaring nagtatampo.

"De joke lang! Hahahah! Pero 'wag niyo munang ipahalata sa kanila. Nahihiya ako eh" sabi ni Sevi kaya nadiri kami.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Napakaganda niya kasi" sabi niya saka niyakap ang sarili.

Baliw.

"Ang bakla mo naman!" sabi ni Kalix.

"Anong bakla?Hoy Mr. Corpuz baka ikaw ang bakla sa'ting dalawa?Wala ka nga atang naging gusto simula nong ipinanganak ka eh" natatawang asar ni Sevi.

"Dati lang yon. Ngayon meron na" nagulat naman kami ng sabihin iyon ni Kalix.

"Eh?!Sino naman?!" tanong ko.

Sa wakas makakabawi na naman ako! Aasarin kita Kalix hanggang sa gusto ko!HAHAHAH

"Si Ash" nakangiti niyang sabi.

"A-Ano?" tanong ko.

"Woww!Sabi na eh!" manghang sambit ni Sevi.

"HAHAHAH" tawa niya

Bakit si Ash?!

"Bakit siya?!"

"Shit Bro!Galit ka ba?" natatawang tanong ni Kalix sa'kin.

"H-Hindi, pero bakit siya nga?" tanong ko.

"Oo nga. Bakit siya? Alam kong may posible talagang may magkagusto sa kanya pero ang bilis naman Bro, dapat get to know each other muna. Masyado mong naman sinagad 'yong feelings mo"

"Wala akong sinabing may feelings na ako sa kanya  na parang gusto ko na siya na maging syota ko o ligawan ko. Mga gunggong!" sigaw niya sa amin. "Crush siguro Oo, pero malabong humantong pa sa part na ligawan ko siya. Nagustohan ko lang talaga ang pagiging kalmado at astig ng dating niya" sabi niya na nakangiti.

Bakit?Bakit ganon?Binangungot ba siya?

Hindi naman ako nakasalita dahil naglo-loading pa ang utak ko.

Anong nagustohan niya don?!

"Hoy!Papasok na tayo!"

Nagising ako sa reyalidad ng bigla akong tapikin ni Sevi sa braso. Pinagtatawanan pa rin nila ako dahil tulala raw ako kanina. Pagkapasok namin ay saktong magsisimula na ang klase.

DISCUSS

DISCUSS

NEXT TEACHER

DISCUSS

QUIZ

BREAK TIME!

Sabay-sabay kaming bumaba pero nasa likod nila ako. Nag-uusap sila pero hindi ko maintindihan dahil parang may sariling mundo ang utak ko.

Oo maganda nga siya pero paano siya nagustohan ni Kalix?Ang daming babae di'yan at siya pa talaga ang napili niyang gustohin.

Gusto niya bang magaya sa'kin?Gusto atang subukan kong anong feeling na para bang unan na ibabagsak sa sahig.

I can't... I can't believe this! Damn!

Hindi ko namalayan na nasa table na pala kami, agad akong umupo at tulalang nakatingin sa kawalan. Ang daming sigawan ang naririnig ko pero hindi ko na pinansin. Masyadong apektado ang boung utak ko dahil sa sinabi ni Kalix.

Kung makaasar siya sa'kin kanina siya pala ang may gusto kay Ash!

"Bro, Susmeyo! Seryoso ako, hindi na talaga mapinta yang mukha mo!Ano bang nangyari?" natatawang sabi ni Sevi.

Inirapan ko siya saka isinandal ang katawan sa upuan. Nakita kong ngumisi si Kalix ng kaunti ka binalingan ko siya ng tingin.

"Anong trip mo?" tanong ko sa kanya.

"Ano na naman ba?Ang high blood mo talaga ngayon Tyler. Are you okay?Idadala ka namin sa ment- este hospital" sabi niya.

"Tumahimik ka nga. Tinatanong ko kong anong trip mo" inis na tanong ko.

"Ano ba kasi?!"

"Bakit mo nga siya nagustohan?!"

"Nako naman Tyler! Hanggang ngayon ba naman hindi pa nawala sa isip mo ang lahat ng sinabi ko kanina?Hahahaha... h'wag mong sabihing-"

"Ano?"

"Na nagseselos ka"

"The hell of you!" inis na sabi ko.

Tumahimik ako ng ilang segundo bago niya sagutin ang tanong ko.

"Biro lang 'yon. Natutuwa lang talaga ako sa kanya. Period"sabi niya saka umaktong tinuldokan ang hangin.

"Hinga ka na ng malalim Brad" pang-aasar ni Sevi. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tinawanan nila ako.

Mga walang kwentang kaibigan!

Nagsimula na kaming kumain. Nagkwe-kwentohan pa rin silang dalawa, may mga times na sumasabay ako pero bigla nalang akong tatahimik.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"Sana gumaling na si Ash"

Napalingon ako ng may magsalita. Si Stephanie pala 'yon kasama ang Tatlong Mima at sina Crazie at Kim. Halatang bakas sa mukha nila ang lungkot at kawalan ng gana.

"Ang saya namin kahapon nina Mima Ash eh huhu pahamak talaga 'yang si Majimbo!" sabi ni Arthur.

"Sana nga hindi nalang ako umuwi kahapon kaso biglaan ang pagtawag ni Dad eh" ani ni Crazie.

"Ako nga rin eh. Gusto ko pa sanang makilala si Ash" ani ni Stephanie.

"Pwede naman natin siyang bisitahin sa clinic diba? Pwede naman pumasok diba?" tanong ni Alvin sa kanila.

Dahil sa mas malapit sila ay naririnig ko ang lahat ng bulongan nila. Hinihintay ko kung anong magiging sagot ni Kim sa kanila.

"Hindi natin siya mapupuntahan sa clinic" sabi niya.

Bakit?Magaling na ba siya?

"Hala?Bakit raw?Hindi ba sabi ng nurse bawal pa daw siyang pauwiin" tanong sa kanya ni Calvin.

"Inilipat siya sa Hospital para mas safe. Hindi pa gumigising si Ash mula kahapon hanggang ngayon kaya nag-aalala na ako sa kalagayan niya"

Lumakas naman ang tibok ng puso ko. May kung anong kaba at taranta na sumasanib sa kalooban ko.

"Nauntog kasi ang ulo ni Ash kahapon dahil kay Majimbo. Nakakainis siya!Mataba naman!" parang naiiyak na sabi ni Arthur.

"Baka maamnesya si Ash. Nako! Wala pa naman akong palatandaan sa katawan ko para maalala niya" sabi ni Alvin kaya nagsitawanan sila.

"Shhhh!" saway sa kanila ni Kim "Seryosong nag-aalala ako ay posibleng mangyari yun sa kanya." sabi ni Kim.

"Napaka seryoso mo ah" nagulat ako dahil sa biglang pagsalita ni Sevi.

"H-Huh?"

"Hakdog Bro!"

"Bakit ba napaka seryoso mo?" tanong ni Kalix.

"Wala naman. Nawalan lang ako ng gana" sabi ko

"Bakit may problema ba kayo ni Zia?"

"Wala naman siguro pero napapansin kong wala siya sa mood ngayon" sabi ko.

"Baka naman nireregla lang" sabi ni Sevi.

"Siguro" walang ganang sabi ko saka unang tumayo.

"Hali na" sabi ko saka umuna na sa kanilang naglakad, narinig ko naman ang huli nilang sinabi.

"Anong nangyari don?" rinig kong tanong ni Sevi.

"Nireregla rin ata" nagtawanan sila kaya inis kong binilisan ang paglalakad ko.

Badtrip!

Comment