Chapter 24: AUNT MIRA

CHAPTER 24: AUNT MIRA

KALIX'S POV

Mga ilang segundo ay bumalik na si Tita Mira kasabay ang isang Nurse at Doktor na si Dr. Agustin. Sinuri muna ni Doc si Ash saka lumingon kay Tita.

"Okay na ang kalagayan ni Ms. Diamante" ani ni Doc. "Hintayin nalang natin na gumising ang pasyente para mabigyan ito ng gamot. Pwede niyo na rin siyang iuwi kung gusto niya." ani ni Doc.

"Thank you Doc" ani ni Tita.

"No problem Ms. Whitlock. All right. I have to go" pagpapaalam nito saka lumabas na ng kwarto.

"Mabuti naman at maayos na ang kalagayan niya. Nag-alala talaga ako ng sobra." sabi ni Tita.

"Nasaan po ba ang Daddy ni Ash?" tanong ni Sevi kaya naman nilingonan siya ni Tita.

"Nasa ibang bansa ang Dad niya." sabi ni Tita.

"Pupunta po ba siya ngayon para kay Ash?" tanong ni Sevi.

Kahit kailan napakachismoso talaga nitong mukong na to!

"Hindi sila magkasundo ng Dad niya kaya ayaw ni Ash na ipaalam niya rito ang mga nangyayari sa kanya." paliwanag ni Tita kaya nagulat naman ako.

"Ibig sabihin nagkakatampohan po sila kung ganon?" tanong ko.

"Oo. parang ganon na nga."

"Eh paano po pag may nangyaring masama kay Ash o mas malala pa sa ganitong sitwasyon? Hindi pa rin po ba pwede ipaalam sa Daddy niya?" deritsong tanong ni Tyler kaya nagulat naman ako.

Medyo tumagal ng tatlong segundo ang pagkakatulala namin sa kanya bago pa man ito sagotin ni Tita.

"Kahit na ipaalam man o hindi ang mga nangyayari kay Ash. Nakakasiguro akong malalaman niya pa rin iyon" ani ni Tita kaya nagulohan kami.

"Huh?" sabay naming tanong.

"Paano po?" tanong ko.

"Nandiyan si Lee para ipaalam sa Dad niya kung ano ang nangyayari kay Ash. Ngunit hindi namin ito sinasabi kay Ash dahil baka magalit siya." sabi ni Tita.

Lee?Pamilyar ang pangalan na iyon.

"Sino po siya Tita?" tanong ko.

"Anak ko siya" ani ni Tita kaya naman nagulat ako.

Nakaramdam ako kaunting pagtataka. May naalala lang akong kaunting memorya pero nagugulohan ako kung ano iyon. Hindi ko maalala kung saan ko narinig ang pangalan iyon.

Sana bangungot lang ang lahat ng naiisip ko.

"Eh si Angelo po. Kaanu-ano niyo po siya?" tanong ni Tyler.

"Anak ko rin. Paano kayo nagkakilala?" taong ni Tita.

"Dumalaw po kasi dito kahapon si Tyler." sabi ni Sevi.

"Ibig sabihin ikaw ang nobyo ng pamangkin ko?" tanong ni Tita kaya naman nagulat kami.

"H-Huh?" sabay naming tanong.

"A-Ah. H-Hindi po Tita!" depensang sabi ni Tyler.

"Haha. Binibiro lang kita." tawa ni Tita.

Lumipas ang isang oras ay nagdesisyonan na naming magsi-uwian. Gabi na kasi at kailangan pa namin pumasok bukas. Nagpaalam na muna kami kay Tita. Naglakad kami papuntang parking lot.

"Hindi mo ata sinundo ngayon si Zia. Nako, baka magtampo na naman iyon" sabi ni Sevi.

"Susundoin daw siya ng Driver niya. Nagpaalam naman ako na sasama ako sa inyo." paliwanag ni Tyler.

"Siguro nagpaalam ka naman ng maayos sa kanya diba?" tanong ni Sevi kaya tumango naman si Tyler bilang sagot. "Baka kasi matulad na naman ng nangyari noon. Selosa si Zia at alam mo yan Tyler. Sana wag humantong sa parehong sitwasyon ang sa inyo dati." seryosong sabi ni Tyler.

Minsan talaga sinasapian ng ibat ibang isirito tong si Sevi. Minsan kasi ay biglaan nalang ang pagbabago ng mood niya.

"Hindi ko hahayaang mangyari ulit yon. Atsaka nakaraan na yon kaya kalimutan natin kung ano man ang nangyari sa nakaraan." sabi ni Tyler.

"Sa tingin mo ba ang bilis lang kalimutan ang lahat? Sobrang lala non Bro. Mismo ako kinikilabutan sa tuwing may naalala ako eh." sabi ni Sevi.

"Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi mo mabitawan si Zia." sabi ni Sevi.

"Sevi." tawag ko sa pangalan niya.

Nagsisimula na naman siya. Kapag ganito na ang tuno ng pananalita ni Sevi mas lalo akong kinakabahan.

"T-Tama na yan. Haha. Magsiuwian na nga tayo. Maaga pa tayo bukas" pareho ko si;ang inakbayan saka naglakas ulit. Pagkarating namin sa parking lot ay nagpaalam na kami sa bawat isa saka nagsimulang magmaneho.

Mabuti nalang at napigilan ko si Sevi. Paniguradong mag-aaway na naman sila tulad ng dati. Sa tuwing inaalala at binabalikan namin ang nakaraan ay parang hindi kami nagkakaintindihan. Masyadong magulo...sobrang gulo.

Sa gitna ng byahe ay bigla akong nakatanggap ng ingay mua sa cellphone ko. Medyo pinabagal ko ang takbo ng kotse saka tiningnan ko kung sino iyon.

Huh? Si Mommy?

"Hello Mom?" sagot ko sa tawag.

("Where are you son?") tanong ni Mom.

"Pauwi na po ako Mom."

("Okay. Dumeretcho kana sa office ng Daddy mo dahil may mahalaga tayong pag-uusapan.") sabi ni Mom kaya nasimula na akong magtaka.

Ano naman ang pag-uusapan namin? Tungkol na naman ba ito sa pagbabalik ni Lolo?

"Okay Mom. Goodbye"

Pagkababa ko sa telepono ay binilisan ko na ang pagtakbo nang kotse para mas madali akong mauwi sa bahay.

Nacu-curious lang ako sa pag-uusapan namin. Baka kasi may iba pa akong dapat malaman para makapaghanda kung sakalling ako na ang tatanongin ni Lolo.

Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong na ako ni Manang Ersa at agad kinuha ang gamit ko.

"Hinhintay na po kayo ni Madame sa opisina ng Daddy niyo" ani ni Manang kaya tumango ako.

Maya-maya lang ay nakarating na ako sa office ni Dad kaya kumatok na ako.

"Come in" ani ni Mom.

Pagpasok ko ay nakita ko si Mom, Dad at si Ate na ngayon ay busy kakalikot ng cellphone niya.

Nakauwi na pala si Ate?! Nako po! Problema ko na naman to.

"Umupo ka." utos ni Dad. Umupo naman ako sa tabi ni Ate kaya naman gulat silang napatingin sa akin.

"Ah! Kalix!Ang laki na nang kapatid ko!" manghang sabi niya at agad akong hinila at niyakap ng mahigpit. Hindi ako makahinga kaya naman pinilit kong itulak para mabitawan ako kaso ang higpit talaga!

"Aw. I miss you Bro! Ang gwapo mo na grabe! Super-duper!"

"A-Ate... A-Ate." tawag ko sa kanya pero hindi niya  ako marinig.

"A-Ate. D-Di ako makahinga!" boung lakas kong sigaw.

"AH!" kumlas siya kaagad sa pagkakayakap sa akin. "Ay sorry Bro!" sabi ni at agad inayos ang buhok ko smaantalang ako naman ay naghahabol ng hininga.

"M-Mom... Bakit niyo ba pinauwi dito si Ate" nanghihinang sabi ko. Tumawa naman si Mo ang Dad kaya nagulat naman ako.

Hindi ba nila nakikitang kinakawawa ako ni Ate! Argh!

Comment