CHAPTER 38

Nanatili lang akong nakaupo doon at nakatali at walang ibang magawa kundi ang umiyak habang hinihiling na sana ay may dumating nang tulong para sa 'kin. Until now I can't still believe that Angelica can do this evil things just for love. Pakiramdam ko'y buong parte nang mukha ko ay sobrang sakit. Namamaga ang yata ang mga pisngi ko dahil sa mga natamo kong sampal galing sa kaniya kanina. Bukod pa roon ay bahagya ring kumikirot at sumasakit ang tiyan ko, maybe due to hunger.

Nabaling ang atensyon ko sa may pinto ng may marinig na mga boses mula sa labas ng kuwartong ito.

“Aalis muna ako kaya siguraduhin niyong babantayan niyo iyan ng maayos.”

“Yes Ma'am, makakaasa po kayo.”

“Dapat lang dahil binabayaran ko kayo ng tama.”

“Lucas, siguraduhin mong hindi makakatakas si Angiela. Kapag siya nakatakas, ikaw at ang mga tauhan mo ang magbabayad.”

I am sure that one of those voices belongs to Angelica and she's leaving. I am not familiar with the other voices especially with the name Lucas, who is he?

Narinig ko ang papalayong tunog ng takong ng sapatos at kasabay naman nito ang pagbukas ng pinto ng kuwartong kinaroroonan ko. Naalarma ang buong sistema ko at muling nabuhay ang kaba at takot nang pumasok sa loob ng kuwarto iyong dalawang bastos na lalaki kanina. My eyes immediately darted to the guy who entered the room last. My lips parted a little upon remembering his face. Siya iyong lalaki na lagi kong nakikitang nakasunod sa akin at iyong lalaking dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

“Iwan niyo muna kami,” he said to the other two guys before looking at me. “Sa labas muna kayong dalawa.”

The other two guys immediately went out and followed what he said. He started walking towards my way. I glared at him.

“I will make sure that you and Angelica will rot in jail,” mariin na ani ko habang nakatingin sa kaniya.

He chuckled before his lips form into a mischievous smirk.

“Inutusan lang kami,” nakangising ani niya. “Ano ba kasi ang atraso mo kay Angelica?”

I glared at him while clenching my jaw. “I don't have anything against with her.”

“Eh bakit galit na galit sa 'yo? You probably did something to get in her nerves.”

I raise my brows at her. “Y-you're talking like you know her personally huh? Aren't you just someone she pays off to do dirty things for her?”

He then smirk before walking closer towards me. Agad kong iniiwas ang ulo ko ng simulan niyang himasin ang buhok ko.

“Don't touch me, jerk!” Asik ko sa kaniya.

“Angelica and I are more than that.”

Nangunot ang noo ko habang nagtataka na napatitig sa kaniya. He looks so dreamy upon saying that. Parang mayroon isang napakagandang bagay na muling nanariwa sa isip niya at tila napakahirap nitong kalimutan. It was the same expression I saw everytime that Angelica is thinking about Brent.

Oh my god is he...

“A-are you- Ahh!” I shriek in pain when he suddenly grip on my hair really tight.

“Kahit na ano'ng ipagawa niya sa 'kin, may kapalit man o wala...gagawin ko pa rin,” mariin na ani niya, nagtatagis ang mga bagang. “At kung gusto niya na mawala ka...ako mismo ang papatay sa 'yo maging masaya lang siya.”

I groan in pain when his grip keeps on getting tight. Parang nabubunot na ang ilang hibla ng buhok ko mula sa anit. Mas masakit pa ang sabunot niya kaysa kay Angelica! For god sake, his hands are really heavy.

“A-alam mo ba k-kung bakit niya 'to g-ginagawa?” Nahihirapan man sa pagsasalita ay pinilit kong maiusal ang mga salitang iyon. I have a feeling that this jerk doesn't know the real intent of Angelica upon doing this wicked thing.

Ngumisi siya at saka padarag na binitawan ang buhok ko. “Dahil may atraso ka at isa ka sa mga nanakit sa kaniya.”

I smirked at him. Just like what I thought, this jerk is only being use by that evil mistress for her own sake and reasons.

Upon seeing my reaction, his brows furrowed.

I want to pity him...the woman he loves is only using him. Even so kahit na ano'ng dahilan niya pa, mali pa rin ang ginagawa nila. Loving someone doesn't mean that you are going to tolerate and do everything that they want. Because if you truly care and love someone...hindi mo sila dapat hayaan na gawin iyong mga bagay na p'wede nilang ikasira. You will always do the things that are best for them so they can have the genuine happiness but it should never be like this...you should do it right because at the end of the day it's going to be their loss.

I guess that's the truth that the both of them failed to realize kaya nagagawa nila ang lahat ng 'to.

“Ano'ng nakakatawa?” Kunot ang noo na ani niya.

Umiling ako at saka bahagyang ngumiti sa kaniya. “G-ginagawa niya 'to para makuha niya ang lalaking mahal niya.”

Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa kaniyang mukha bago unti-unting nangunot ang kaniyang mga noo.

“K-kapag nawala ako...mapupunta sa kaniya si B-brent at...iyon ang gusto niyang mangyari.”

“At ano'ng gusto mo na palabasin ngayon?” Mariin na tanong niya.

“Na ginagamit ka lang niya at hindi ka naman talaga niya mahal-”

“Hindi ikaw ang magsasabi niyan sa 'kin!” Napuno ng galit ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. “Siya lang ang magsasabi kung mahal niya ba ako o hindi.”

Umawang ang ang labi ko at saka napabuntunghininga. He is too in love and too blind to see the painful truth.

He was about to spoke up again when he was suddenly cut off by a loud booming sound coming from outside the room.

“Gosh!” Tili ko ng muli iyong maulit. It wasn't just a simple sound because I am pretty certain that it's a gunshot.

Natigilan din siya at saka naaalarmang tumingin sa pinto ng kuwarto. Sakto namang bumukas 'yon at pumasok iyong isa sa dalawang lalaki na pinalabas niya kanina.

“Ano ang nangyayari?” Kunot ang noo na tanong ni Lucas doon sa lalaki at saka naglakad papalapit sa gawi nito.

“May mga nakapasok dito sa loob Boss,” humihingal na sagot naman noong isa.

Nang marinig ang sinabi niya ay hindi ko maiwasang mapangiti. I can't help but to hope and think that maybe someone is already here to rescue me.

Brent...

“Mga pulis ba?”

“Hindi, Boss. Mga sibilyan eh.”

“Mga?”

“Marami sila boss eh. Tagilid yata tayo dahil wala pa iyong ibang mga tauhan ni Ma'am A.”

I heard multiple curses from him Lucas before he pulled out a gun at the back of his pants and turn to me glaring. Mariin kong nakagat ang labi at nakaramdam ng kaunting takot dahil baka itutok niya sa 'kin ang baril at saka iyon iputok.

“Kalagan niyo na muna 'yan,” utos ni Lucas doon sa lalaki. “Aalis na tayo dito. Tatawagan ko lang si Angelica.”

Agad namang tumalima 'yong lalaki papalapit sa akin. As for Lucas, he already went out of the room with his gun. Nasundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya.

Hindi ko maiwasan na mag-alala para kay Brent. Kung nandito siya ngayon baka kung...kung ano ang mangyari sa kaniya. Baka masaktan siya.

Muli kong ibinalik ang paningin dito sa lalaking nagmamadali na sa pagtanggal ng mga tali sa kamay at paa ko.

“S-saan mo ako dadalhin?” I asked.

I sighed when I didn't get any answer from him. Nang tuluyan niya ng maalis ang tali sa aking paa ay lumipat siya sa may likod ko at ang tali ko naman sa kamay ang sinimulan niyang alisin. When I look over to the table an idea came into my mind when I saw a baseball bat on top of it. I think it belongs to the guy who's guarding me in here.

Bahagya pa akong napangiwi sa biglang sumikidong sakit sa may tiyan ko. I groaned because of the pain I am feeling. Hindi lang buong katawan ko ang masakit dahil dumagdag pa ang kumikirot kong tiyan.

“Halika na!” Asik sa 'kin noong lalaki at saka ako sinimulang hilahin. “Bilis!”

Nahihirapan man sa bawat paglakad dahil bawat hakbang ko at may kaakibat na sakit at kirot mula sa aking katawan ay nilakasan ko ang loob at pinilit na gumalaw.

Ang dalawang kamay ko ay nanatiling nakatali sa isa't isa at iyon ang hawak-hawak at hila-hila ng lalaki. Nang tuluyan na kaming makatapat at makalapit sa may mesa at hindi na ako nag-atubili na hilahin ang mga kamay ko mula sa kaniya at kuhanin ang kahoy na nakapatong mula roon. At nang tuluyan na iyong makuha ay hindi na ako nagdalawang isip na hampasin iyong lalaki bago niya pa man makuha sa akin ang hawak kong kahoy.

Tinamaan siya sa may gilid ng ulo dahilan para mapaatras siya at mamilipit sa sakit.

“Aray!” Masyado yatang naging malakas ang pagkakapalo ko sa kaniya.

Sa takot ko na baka makatayo pa siyang muli ay muli ko siyang hinampas sa may tagiliran dahilan para unti-unti na siyang bumagsak sa sahig. Nang makitang hindi na siya makakatayo ay agad ko rin naman binitawan ang hawak na kahoy bago ako paika-ikang nagtatakbo papunta sa pinto.

Marahan ko lang 'yong binuksan bago ako dahan dahan na sumulip sa labas.

“Ay!” Napatili pa ako at muling pumasok sa loob ng biglang makarinig ng isang putok ng baril.

Nangingilid ang luha na nakagat ko ang labi. I'm scared...malakas at nakakabingi ang kabog ng puso ko na tila ay maaalis na ang pagkakakabit nito sa aking katawan.

I slowly breathe in and out to calm myself down. Kailangan kong makaalis dito. Kailangan may gawin din akong paraan para makatakas dito.

Itinulak kong muli ang pinto pabukas at saka lumabas na nang kuwarto. Lumingon ako sa paligid. Madilim ang pasilyo at punong-puno na ng mga vandal ang dingding. Parang nasa isang abandonadong warehouse ako ngayon.

Bahagyang umangat ang balikat ko dahil sa gulat ng muling umalingawngaw ang malakas na putok ng baril. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa tuwing naririnig ang mga putok ng baril na hindi ko alam kung may tinamaan ba o kung sino ang tinamaan.

“Nasaan na 'yong babae? 'Di ba sabi ko dalhin niyo na sa may likod dahil nandoon 'yong sasakyan?”

My eyes widen a bit upon hearing some voices coming to my place. I look around trying to find place where I can safely hide.

“Si Caloy na ang bahala doon. Puntahan na muna natin si Boss.”

Agad akong nagkubli sa likod ng isang malaking haligi at saka mariin na kinagat ang labi. I heard thudding and running footsteps getting far away from my place. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na marinig ang boses noong dalawang lalaki.

Lumingon ako sa may kanan na bahagi ng pasilyo at agad ko iyong tinungo ng makitang walang tao doon. Dahan dahan at maingat ang bawat hakbang at takbo na ginagawa ko dahil baka may makarinig sa akin. Bukod pa roon ay hindi rin ako makagalaw ng maayos dahil sa sakit na nararamdaman ng katawan ko, idagdag pa ang kirot sa may bandang tiyan ko.

I kept on running and running until I reach the end of that long and dim hallway. It was an open space room filled with a lot of boxes. It's like an old storage room of canned goods because the boxes were branded with a name of a well-known sardines company.

I looked around while biting my lip hard. There is no one in here. I can't see anyone that can help me. Mula pa kanina ay puro na lang mga tauhan ni Angelica ang nakikita at naririnig ko.

I heard a gunshot on the left wing of the room making me look at that way. My instinct is telling me to go in there even after those gunshots.

Brent...

I close my eyes tight and sighed. Nakakailang hakbang pa lang ay agad din akong natigilan. I felt a cold and hard thing is pointed right in my head from the back making me frozen to where I am standing.

Oh my god...

“At saan ka pupunta?”

My eyes immediately get blurry with tears as I recognize the owner of the voice.

“Harap,” he ordered.

I bit my lip hard. Pumatak ang luha sa pisngi ko nang tumindi ang takot sa aking dibdib.

“Humarap ka sabi!” Napahiyaw ako ng idiin niya ang baril sa ulo ko.

“Harap!”

My hands were shaking and so as my knees as I slowly turn around. Mariin ko na kinagat ang labi para pigilan ang pagkawala ng malalakas na hikbi. Takot ako...takot na takot na ako.

“P-please...” Nanginginig at bakas sa boses ko ang matinding takot at pagmamakaawa. “Paalisin mo na ako... please Lucas.”

“Ano ako tanga?” Sarkastikong sabi niya. “Kapag pinalaya kita e 'di kami naman ang makukulong.”

Umiiyak akong umiling. “P-please...”

“Maaaring baliw ako pero hindi ako tanga,” dagdag niya pa. “Hindi ako papayag na mapahamak kaming dalawa ni Angelica dito.”

“Y-you don't understand. Kapag nahuli kayo-”

“Tumahimik ka!” Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa pisngi ko dahilan para matumba ako sa sahig.

Napahawak ako sa pisngi at mas lalong nagsitulo ang luha dahil sa matinding hapdi na dulot nito. Nalalasahan ko na rin ang kalawang na nagmula sa sugat sa aking labi. Hindi pa man tuluyang nakakabawi sa pagkakasampal niya sa akin ay muli na naman akong napasigaw sa sakit ng bigla na lang niyang hawakan ng mariin at walang ingat ang buhok ko at saka ako hinila patayo.

My face were soaked with a mixture of my tears and own blood. My sight were already blurry because of the tears in my eyes.

“T-tulong!” Nahihirapan man ay sinubukan kong sumigaw dahil sa pagbabakasakali na may makakarinig at may dadating na tulong.

“Tumahimik ka!”

Muli lamang akong napadaing sa sakit ng mas lalo niyang higpitan ang pagkakahawak sa buhok ko. Pilit ko na ring itinaas ang kamay at ihinahampas 'yon sa kaniya kahit na sobrang nanghihina na talaga ako.

“Sumunod ka kung ayaw mong mas masaktan,” mariin na ani ni Lucas habang dinuduro ng baril ang aking mukha.

Nagpumiglas ako ng simulan niya ng hilahin ako papunta sa kung saan. No...no, this can't be happening. Ayoko na sumama pa sa kanila...gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng makasama ang anak ko...gusto ko ng bumalik. Ayoko na dito...

“Ahhh!” Malakas akong napatili ng biglang umalingawngaw ang putok ng baril.

Natigilan din si Lucas mula sa paglalakad.

“Let her go.”

My eyes widen a fraction as I heard the familiar voice. I immediately look behind me and saw Zach standing a few meters away from us holding a gun on his hand, pointing it at Lucas. I sighed in relief upon seeing him.

Finally...someone that can help me.

“Zach...” Nanghihinang pagtawag ko sa kaniya.

He glance at me before giving me a reassuring smile. “Don't worry. Brent is almost here.”

My breathing hitched when Lucas suddenly grab my arm and pull me towards him, shielding his body with mine. Bahagya pa akong napaigik sa kirot na dulot ng pagdiin niya ng dulo ng baril sa tagiliran ko.

“'Wag kang lalapit dahil hindi ako magdadalawang isip na pasabugin ang bungo ng babaeng 'to!”

“If I were you...I will already surrender,” mariin at seryosong ani ni Zach. “The police is on their way in here.”

“Hindi ako magpapahuli sa inyo ng buhay,” nakangising ani ni Lucas habang unti-unting naglalakad paatras.

Zach can't shoot him since my body is blocking his.

“Sama-sama tayo sa impeyerno,” dagdag niya at saka tumawa.

Nang humakbang papalapit si Zach sa gawi namin ay agad na akong kinabig ni Lucas at saka sinakal ng kaniyang braso ang leeg ko mula sa aking likuran. Napahawak ako sa braso niya at saka iyon pinagtatampal at kalmot dahil masyadong mariin ang pagkakasakal niya...hindi ako makahinga ng maayos.

“Sige...lumapit ka,” nagbabantang ani niya kay Zach. “Lumapit ka at tutuluyan ko ang babaeng 'to.”

Zach's gaze went on me. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

“Ibaba mo ang baril mo,” utos ni Lucas sa kaniya habang dahan dahan pa ring naglalakad paatras kasama ako.

Ang baril niyang hawak ay nakatutok na ngayon sa aking sentido.

Nang mag-tama ang paningin namin ni Zach ay dahan dahan akong umiling sa kaniya. Lucas might shoot him the moment he put his gun down.

“Ibaba mo na kundi papasabogin ko ang bungo nito!”

“Don't you dare, bastard!”

Huminto ng ilang segundo ang paligid at pagtibok ng puso ko ng marinig ang malamig at buong-buo na boses niya. My eyes widen in so much happiness upon hearing his voice.

Lahat kami ay napatingin sa pinanggalingan ng boses at hindi nga ako nagkamali. It was him...the man who owns every piece of me. Ang lalaking isinisigaw ng bawat parte ng puso ko.

“B-brent...” Anas ko.

Tears of relief and joy were already streaming down my face upon seeing him again.

Ilang araw pa lang mula ng huli ko siyang makita, makausap, at marinig ang boses niya pero pakiramdam ko ay sobrang tagal na noon para ganito ko siya mamiss ngayon. Paano ko nga ba nakaya iyong anim na taon na wala siya?

“Subukan mong gawin ang sinasabi mo at sisiguraduhin kong gugulong ang ulo ng babaeng 'to papunta diyan sa puwesto mo.”

Napalunok ako habang nakaawang pa rin ang gulat na nakatingin sa gawi ni Brent ngayon. Gaya ng kung paano nakasakal sa akin si Lucas ay ganoon din ang ginagawa niya kay Angelica. Kung nakatutok ang baril ni Lucas sa akin ay ganoon din si Brent kay Angelica. His eyes...were full of raging fire of madness that I never saw before. But then his emotions suddenly change when our eyes met. From the raging madness...it became the calmest sea upon staring back at my eyes pero agad ding bumalik ang galit doon ng makita niya ang ayos ko...ang magulo kong buhok at maraming sugat at galos sa aking buong katawan.

I saw how his jaw clench upon seeing the wholeness of me. Ang kamay niyang nakahawak sa baril ay nanginginig na dahil sa matinding galit. I tried to smile at him, trying to calm him down but I guess it's no use.

“Ano'ng ginawa mo sa kaniya?” Nanggagalaiting sigaw ni Lucas ng makita si Angelica sa mga kamay ni Brent.

May nakikita akong maliit na sugat sa may labi ni Angelica na mukhang si Brent ang may kagagagawan.

“Bitawan mo siya!” Sigaw ni Lucas kay Brent.

“Don't give her to him, Lucas!” Sigaw naman ni Angelica. “Kill her even before-”

“Shut up!” Brent's voice roared in the four corner of that room, cutting Angelica off.

“Give her to me or I'll blow this bitch head, you choose,” Brent said in a threatening tone.

“Don't you dare, Lucas!” Sigaw naman ni Angelica.

I can feel Lucas pressure and distress upon choosing if she should save the woman he loves or do what she wants.

Napapitlag ako at saka napapikit ng bigla na lang siyang sumigaw ng malakas.

“Ibibigay ko siya sa 'yo!” He shouted.

“Lucas!” Pagtutol ni Angelica sa sinabi niya.

“Pero kailangan ibigay mo rin sa 'kin si Angelica...let's exchange,” he offered.

With a serious expression, Brent glance down at me before nodding his head.

“Sure,” Brent said. Nagsimula na siyang humakbang palapit sa gawi namin habang hawak hawak sa leeg si Angelica na pilit na nagpupumiglas.

“Don't give me to him! Brent, please no!” She's shouting and pleading, tears were streaming down her face. “Ayoko sa kaniya! Sa 'yo lang ako! Brent, no!”

She keeps on shouting and shouting the same thing.

“Ililigtas kita Angelica, 'wag kang mag-alala,” Lucas muttered. “Hindi ko hahayaan na masaktan ka niya.”

Nakagat ko ang labi. Sa kabila ng takot at galit para sa kanila...hindi pa rin talaga mawala sa akin ang matinding awa. Blindness...because of too much love for someone, nabubulag na tayo sa mga bagay bagay. Iyong mga bagay na dapat hindi natin gawin ay atin nang nagagawa at iyon namang mga bagay na dapat lagi nating tandaan ay nakakalimutan na natin. Love is indeed powerful... because it renders anyone blind and stupid. Even the smartest person in the world can be the dumbest one when he falls in love. Even the richest man in the world will definitely give up all his riches for it.

“Sandali!” Natigil sa paglalakad si Brent papalapit ng muling magsalita si Lucas.

“Akala mo siguro makakalamang ka na ha?” Nakangising ani ni Lucas sa kaniya. “Sabihin mo sa kaibigan mo na ibaba niya ang baril niya,” naguutos na dagdag ni Lucas bago isinenyas si Zach na nakatayo pa rin doon at may hawak na baril.

Brent's jaw clench in so much annoyance. Nagtinginan muna silang dalawa ni Zach bago tumango sa isa't isa. Zach then slowly put his gun down on the floor before kicking it away from him. Nanatiling nakataas ang dalawa niyang kamay.

“Dalhin mo na sa 'kin si Angelica,” nag-uutos na ani niya.

Mas lalong tumindi ang inis sa mukha ni Brent. I know very well why...hindi niya gusto na inuutusan siya nito.

“I will kill you, Lucas!” Umiiyak na ani ni Angelica. “If the both of them end up together...I will kill you!”

“Ililigtas kita, Angelica! Ililigtas kita,” sabi naman ni Lucas habang umiiling.

Brent stop a few meters away from where we are standing. Pareho silang dalawa na nagkakatutukan ng baril.

“Pagbilang ko ng tatlo,” ani ni Lucas.

“Isa...”

Upon seeing his face up close, wala akong ibang ginustong gawin kundi ang yakapin siya at iiyak ang lahat ng sakit at takot sa mga braso niya.

“Dalawa...”

Nanatili lang siyang nakatitig sa mga mata ko bago maliit na ngumiti at saka tumango. I bit my shaking lips as I nod my head back at him.

“Tatlo...”

Kasabay ng pagbitaw ni Lucas sa akin ay siya rin mismong pagbitaw ni Brent kay Angelica. And right at that moment hindi ko naramdaman lahat ng masakit sa akin kanina. Lahat ng kirot sa katawan ko kanina ay naging balewala habang tinatakbo ko ang natitirang distansiya sa aming dalawa ngayon.

“Shoot her, Lucas! Shoot her!”

Pero hindi pa ako nakakarating sa kalagitnaan ay agad akong napatigil sa pagtakbo at napatili ng marinig ang isang umalingawngaw na putok ng baril at muli iyong nasundan nang ilan pang magkakasunod na putok ng baril.

“Angel!”

Napahawak ako sa may tiyan ng sumikido ang isang matinding sakit mula roon. Napatingin ako sa mga hita ko ng maramdaman ko ang likido na unti-unting dumadaloy pababa doon.

Blood...

There's blood...why?

Nangingilid ang luha ay muli akong bumaling sa harapan at nakita si Brent na dali-daling nagtatatakbo papalapit sa akin. But I can't move my body anymore. I was too weak to even move an inch...I can feel my system shutting down. In addition to that is this almost unbearable pain in my stomach and the blood streaming down my legs.

Slowly...my knees wobble as I fell down into the floor. I can feel my eyes slowly closing...pero bago tuluyang pumikit ang mga mata ko ay nakita ko si...Zach na nakahandusay na rin sa sahig. My sight were a bit blurry...but there's a lot of blood around him.

“Angel!”

Narinig ko pa ang pagsigaw ni Brent sa pangalan ko bago tuluyang pumikit ang aking mga mata at nawalan nang malay habang nakahandusay na doon sa sahig.

Ipagpapatuloy....

Comment