CHAPTER 25

“Bored na bored na ba talaga kayo sa mga kaniya-kaniya niyong mga buhay?” Nakangiwing tanong ko habang pinagmamasdan sina Sharmaine, Rona, at Shiela na ngayon ay nakaupo sa mga bakanteng upuan ng mga estudyante ko habang kumakain.

Nakanguso akong nilingon ni Sharmaine. “Ano ka ba? Binibisita ka lang namin dito sa trabaho mo.”

I sighed. Itinabi ko na muna ang mga folders na nasa lamesa ko. Lahat kami ay napalingon sa gawi ng pinto ng pumasok do'n si Bree habang may iniinom na chocolate drink.

“Hi Tita's,” nakangiting bati niya sa mga tita niya at saka isa isang silang niyakap bago nagpunta at lumapit sa akin para yumakap. “Hi, Mommy.”

“Hi, baby,” nakangiting sabi ko at saka pinatakan ng halik ang noo niya.

“Ang ganda talaga ng anak mo,” nakangiting papuri ni Rona. “Habang tumatagal ay mas lalo niyang nagiging kamukha si Brent.”

Napangiti ako at saka yumakap kay Bree. Marami naman talaga ang nakakapansin, kahit nga sina Mommy ay 'yon ang madalas na sinasabi. Para kasing naging female version ni Brent si Bree. Halos lahat ng features ng mukha ni Brent ay kuhang-kuha ni Bree. Minsan nga ay pati ang ugali ng tatay niya ay namamana niya na rin.

“Syempre kasi si Brent ang tatay no'ng bata,” nakangiwing sabi naman ni Sharmaine. “Alangan namang 'yong janitor sa condo unit nila ang maging kamukha ni Bree.”

Natatawa na lang kaming umiling ni Shiela habang nakikinig sa dalawang nagtatalo na naman ngayon. Natigil lang 'yon ng kumatok sa pinto si Ericka.

“Angiela? Gamit mo ba 'yong laptop mo?” Tanong niya at saka naglakad papasok.

Maliit siyang ngumiti ng sumulyap sa gawi nina Rona at saka bahagyang yumuko.

“Hindi naman,” sagot ko. “Why?”

“P'wede ko bang mahiram?” She asked. “Lowbat pa kasi 'yong akin eh.”

I smiled then nod my head. “Sure...by the way, Ericka...this are my friends,” I said then turn to Rona's way. “This is Rona, Sharmaine, and Shiela.”

“Guys, this is Ericka, one of my co-teachers.”

She nods her head then smiled at them. “Hi, nice meeting you all.”

“Hi Ericka.”

“Hi, kapag lumabas kami sama ka sa amin,” nakangiting sabi naman ni Rona.

“Sure kapag may time, why not?” Nakangiting sabi naman ni Ericka.

“Here's the laptop, Ericka,” I said then handed to her my laptop.

She smiled at me. “Thank you. Ibalik ko na lang sa 'yo later.”

“No problem.”

Nang makaalis siya ay nagpatuloy lang kami sa pag-uusap. Minsan ay wala namang na talagang mga kuwenta ang pinaguusapan namin dahil puro lang naman mga kalokohan ang mga sinasabi nila lalo na ni Rona.

Maaga ko ngang pinabalik si Bree sa classroom niya dahil baka mahawa pa siya sa kabaliwan ng mga tita niya.

“Alam mo pangalan niya pa lang ang naririnig ko hindi ko na siya agad gusto,” nakangiwing sabi ni Sharmaine.

Napabuntunghininga ako. Sinabi ko sa kanila 'yong nangyari no'ng isang araw. Noong basta na lang kinuha ni Angelica si Bree dito sa school ng hindi ko alam.

“Ano ba talaga siya ni Brent?” Nagtatakang tanong ni Shiela dahilan para mapatingin ako sa kaniya. “I mean...'di ba dati sabi mo kung ano anong mga regalo ang binibigay niya sa anak mo...tapos ngayon umaasta na parang nanay na rin ni Bree.”

I pursed my lips. Before I thought she just really kind. Mabait lang siya at concern sa anak ko though dahil doon sa nangyari noong isang araw...I kinda feel disrespected. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla ay hindi naging maganda ang pakiramdam ko sa kaniya. Especially when we get to talk the last time. I can't exactly pin point what but there is something off about her.

Mabilis na lumipas ang weekdays. Bigla ay namalayan ko na lang na Linggo na pala ngayon. Wala si Bree ngayon dito sa unit dahil sinundo siya nina Mommy dito kanina at dinala sa mansion.

Ngayon ay naghahanda na ako para sunduin siya doon at puntahan si Ismael. Aalis na kasi siya kinabukasan at babalik na ng Paris. Hindi naman namin siya masasamahan at maihahatid sa airport bukas since may pasok kami ni Bree. Kaya naman no'ng nag-request siya na lumabas kami ngayong hapon kasama si Bree ay hindi na ako nakatanggi. Paniguradong matagal-tagal na naman bago makikita ni Bree ang Tito Ismael niya. Sinabi ko naman kina Mommy na susunduin ko si Bree ngayong hapon dahil may pupuntahan kami.

I just went out of the shower and wore my robe. Pinunas ko ang buhok gamit ang isang tuwalya at saka binuksan ang dresser ko. I took out my black maxi dress with a butterfly sleeves and put it down on the bed first and continued drying my hair.

Natigilan ako sa ginagawa ng biglang tumunog ang doorbell kasunod ng isang katok sa pinto.

Lumabas ako ng kuwarto. “Wait!” I said and fix the tie of my robe before walking towards the door.

I twist the doorknob open. “Sino-” Nanlaki ang mata ko at agad na umawang ang labi ko sa gulat ng maputol ang sasabihin ko ng angkinin niya ang labi ko at saka mariin akong hinalikan.

Brent...

Sinaraduhan niya ang pinto at saka ako doon isinandal habang patuloy pa ring hinahalikan. Parang hinihigop ang buong pagkatao ko sa paraan ng paghalik niya. Masyado 'yong nakakaubos ng hininga at mapaghanap. Parehong naghahabol ang hininga naming dalawa ng maghiwalay ang labi namin.

“W-what do y-you think you're doing?” Hinihingal na tanong ko.

He rested his forehead on mine. He held his hand up and slowly caress my face.

“I miss you,” he murmured.

My brows slightly furrowed. “Magkausap lang naman tayo kanina 'di ba?” Nakataas ang kilay na tanong ko.

Tumawag kasi siya kanina para sana makausap si Bree ang kaso ay nasundo na nina Mommy si Bree kaya hindi niya na naabutan. Kaya imbes na si Bree ang makausap niya eh ako na ang nakausap niya kanina.

“Oo nga,” nakangusong sagot niya. “Eh sa namimiss kita eh. Bawal ba kitang mamiss?”

I sighed then playfully roll my eyes at him.

“Bakit ka nandito?” Tanong ko.

Nangunot ang noo ko ng hindi niya sinagot ang tanong ko. Bagkus ang paningin niya ay wala sa mga mata ko kundi nasa...dibdib ko! Bahagya kasing lumuwag ang pagkakatali ng robe ko kaya nakikita na ang cleavage ko.

Bahagyang nanlaki ang mata ko at saka siya naiinis na hinampas sa braso.

“Ano ba Brent!?” Naiinis na sabi ko at saka siya itinulak palayo.

Inayos kong muli ang pagkakatali ng robe na suot ko at masama ang tingin na bumaling sa kaniya. Bahagyang namumula ang leeg at tainga niya. He slowly scratch his eye brows before turning to me.

“Ang bastos mo,” nakangiwing sabi ko.

Mahina siyang natawa at saka muling yumakap sa bewang ko. He place a soft kiss on the side of my neck before looking back at me.

“Sorry, I can't help but to stare,” sabi niya at saka kinagat ang ibabang labi.

Saglit na umawang ang labi ko at nangunot ang noo. “W-what?”

He inhale a sharp breath before looking intently in my eyes.

“I think you're boobs got bigger.”

Nanlaki ang mata ko at agad na nag-init ang mukha dahil sa sinabi niya.

“N-nag breastfeed ako sa anak mo, okay?” Naiilang na sabi ko at saka nag-iwas ng tingin.

Gosh, bakit ba kung ano-ano ang nakikita at sinasabi niya?

Marami talagang nabago sa physical features ko lalo na noong nakapanganak na ako.

He clicked his tongue making me look at him. “I know...” Wika niya at saka muling nagbaba ng tingin sa dibdib ko.

“Brent, ano ba?” Naiinis na sabi ko at saka siya hinampas sa dibdib. “Kanina ka pa eh.”

“Sorry,” nakangiwing sabi niya. “I just want to...touch them.”

Nakaamang akong napatingin sa kaniya. Touch it?

Gosh...

“A-ano?” Nagugulat na tanong ko. “B-bakit mo naman gustong mahawakan...”

He smirked before leaning in closer to me. Naitikom ko ang labi ng halos isang pulgada na lang ang pagitan ng labi niya mula sa 'kin.

“Because I wanna know if they really got bigger or not,” nakangising sabi niya.

Naitikom ko ang labi at saka siya sinamaan ng tingin.

“Ewan ko sa 'yo!” Asik ko sa kaniya at saka kumawala mula sa mga braso niya.

Naglakad ako papunta sa gawi ng kuwarto ko at iniwan siya doon. I heard him chuckled and called me but I didn't look back and just went inside my room.

Gosh...kung mayroon man na isang bagay na nadagdag sa ugali niya...'yon ay ang kamanyakan. My god, manyak na nga siya dati...mas lalo pa yatang nagdagdagan 'yon ngayon.

“Saan ka ba talaga pupunta?”

Sandali akong natigilan sa paglalagay ng lipstick ng marinig ang tanong ni Brent. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kama ko at matiim akong pinapanood sa aking ginagawa. Ako naman ay nakaupo sa harap ng salamin dito katabi ng dresser.

“I told you... susunduin ko nga si Bree,” sagot ko at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.

I heard him sighed. Hindi ko maiwasang tingnan ang repleksiyon niya sa salamin nang tumayo siya at maglakad papalapit sa gawi ko habang nakakunot ang noo.

“Susunduin mo si Bree tapos ganiyan ang ayos mo?” Kunot ang noo na tanong niya. “Baby, puwede mo siyang sunduin sa bahay nina Tita kahit naka-pajama ka lang.”

I sighed and look up to him when he stood beside me.

“May iba ka pa bang pupuntahan?” He asked with his serious tone and expression.

Nakagat ko ang labi ng itukod niya ang isang kamay sa mesa kung saan nakapatong ang mga make ups at iba't ibang products na ginagamit ko at saka bahagyang iyukod ang mukha kapantay ng akin, hinihintay ang isasagot ko.

I bit my lip then sighed. “Magdi-dinner lang sa labas after.”

Tumaas ang kilay niya. “Kayong dalawa lang ni Bree?”

I pursed my lips before slowly shaking my head. Unti-unting nangunot ang noo niya at mas lalong tumiim ang pagkakatitig sa 'kin.

“Sino pang kasama niyo?” Mariin na tanong niya.

Napalunok ako at saka nakagat ang labi habang nakatitig din sa mga mata niya. Nag iwas ako ng tingin ng hindi matagalan ang titig niya.

“Angel...”

I sighed. Naiilang muli akong bumaling sa kaniya.

“Sinong kasama niyo?” Tanong niyang muli.

Napalunok ako. “Si...” I trailed off.

I don't know why but I can't manage to tell him straight that it's Ismael. Baka kasi...magselos na naman siya.

“Si...?” Kunot ang noo na tanong niya, halatang naiinip na rin dahil sa tagal kong sagutin ng tanong niya.

I open my mouth to answer him again but then I stop mid-way when my phone started ringing. Natigilan ako ng makita kung sino ang tumatawag sa 'kin.

Ismael calling...

Mariin kong nakagat ang labi at saka napapikit at napabuntunghininga.

“That guy?”

Dahan dahan akong napalingon muli sa kaniya. Ang mukha niya ay wala nang emosyon ngayon habang ang boses niya naman ay naging malamig.

Napalunok ako.

“You're going out with that guy?” Mariin at walang emosyon na tanong niya.

Napatingin ako sa kaniya ng tumayo umayos siya ng tayo sa may tagiliran ko. My phone still continued ringing at the moment but I didn't bother answering it.

Kagat ang labi na umiling ako. “He is actually leaving for Paris tommorow and...since hindi kami makakasama ni Bree sa airport para ihatid siya-”

“He asked you to go out with him...is that it?” Malamig na tanong niya. 

“P-pumayag naman ako since baka-”

“For fuck sake he is asking you out on a date!” He blurted out so loudly that caught me by surprise.

“I-it wasn't a date,” I stammered. “Not in a romantic way, at least.”

“God damn it!” Tumalikod siya sa gawi ko at saka nakapamewang na tumayo malapit sa pinto.

I sighed and also stood up. “Brent, we're just friends.”

He turn to me with his cold and emotionless face.

“You're not going in there,” he demanded. “Susunduin natin si Bree at iuuwi ko kayong dalawa. You won't-”

“Bakit ka ba ganiyan?” Kunot ang noo na tanong ko. “Kung lalabas man kami...wala lang 'yon-”

“E 'di 'wag na kayong lumabas kung wala lang din naman pala 'yon!”

“P'wede bang 'wag mo akong sigawan!” Sigaw ko pabalik. “At mas lalong 'wag mo akong uutusan dahil uulitin ko...hindi mo ako empleyado.”

Lagi siyang ganiyan...laging 'yong gusto niya ang gusto niyang masunod.

“Isa pa magkaibigan nga lang kami, bakit ba ayaw mong maniwala at magtiwala-”

“Because I am jealous!” He roared. “I am so damn jealous of that man, Angel...and you...you don't seem to care about it...about me,” he added.

Umawang ang labi ko at napatitig sa kaniya. His eyes were blood shot red. Namumula na rin ang mukha niya dahil sa inis at galit. Ang mga kamao niya ay mahigpit na nakakuyom.

Kanina ay parang ang dami kong gustong sabihin pero ngayon ay parang naubusan na ako ng salitang gagamitin. Alam ko naman na p'wedeng mag-selos siya pero kasi wala namang malisya kung lalabas at sasabay kami ni Bree na kumain kay Ismael. Isa pa parang farewell na lang din naman namin 'to sa kaniya eh.

His fingers raked through his hair before he turn his back to me. Nakagat ko ang labi at saka hinawakan ang braso niya para pigilan siya.

He stop walking and turn back to me. His cold eyes bore into mine sending shiver down to my whole system.

“Brent...”

“If you want to go then go,” he said then smiled bitterly. “Baka isipin mo naman 'yong gusto ko lang ang nasusunod.”

A lone tear fell from my eye when he started walking out of the room. I sighed. Nakakainis naman eh. Alam ko naman na p'wede magseselos siya. Hindi siya si Brent Maxwell kung hindi siya seloso. Pero kasi...minsan nagiging controlling ang dating sa 'kin. Kung tutuusin ay...wala naman kami.

Ano na nga ba kaming dalawa ngayon?

Nagulat ako at saka agad na napalingon sa gawi ng pinto ng kuwarto ng muli 'yong bumukas. Umawang ang labi ko ng makitang pumasok doon si Brent.

“Brent...”

Wala pa ring emosyon ang mukha niya ng maglakad papalapit muli sa gawi ko. Nahigit ko ang hininga ng hapitin niya ang bewang ko papalapit at saka ako yakapin ng mahigpit. He buried his face in the crook of my neck.

Natigilan ako at hindi agad nakapag-react.

“I'm sorry,” he murmured.

Nakagat ko ang labi ng mag-angat siya ng tingin.

“I'm sorry...for shouting, for telling you what to do and not to do.”

Hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakatingin sa kaniya, hindi pa rin malaman kung ano ang sasabihin. Alam ko naman na partly is my fault.

“I'm just jealous,” he said then place a peck in my cheek. “But then... I don't want you to think that I don't believe and trust you at all.”

“You know that I am a very jealous man. I got jealous over simple things and someone who gets near you,” he said. “I can't help it but I'm trying... I am trying, baby. Hindi ko lang maiwasan na mag-isip ng mga bagay lalo na't matagal mo siyang nakasama do'n sa Paris. He was there for you when I can't and it's...” Umiling siya na at saka pumikit na para bang nahihirapan sa mga sinasabi niya.

Bumuntunghininga siya at saka malamlam ang matang tumingin sa akin.

“It's okay,” he murmured as he slowly caress the side of my waist. “I don't want you to feel that I am caging you in. I trust you...so it's...okay,” nahihirapan na sabi niya.

Napatitig ako sa kaniya. My eyes got clouded with tears as everything started to drown in me. As I started to realize how much he has changed. How he is much better now then he could ever be. Marunong na siyang mag-adjust para sa ibang tao. Dati ang mga ganitong away namin ay tumatagal ng ilang araw dahil sa pagpapalamig niya ng ulo at pag-iisip isip sa mga bagay bagay. Dati ay hindi rin madali sa kaniya ang pagpapakalma sa sarili lalo na kapag sobrang galit na siya pero ngayon...

“I'm sorry. Don't cry, Angel,” sabi niya na tila ba nahihirapang makita ang tumulong luha sa mata ko.

“Shh...” He wipe the tears in my cheek with his soft lips.

“Sorry... Tahan na, baby.”

I bit my lip then sighed. Pinunas ko rin ang pisngi ko at saka ngumiti sa kaniya.

“Sunduin na natin si Bree,” nakangiting sabi ko dahilan para saglit siyang matigilan at mapatitig sa akin. “Dito na lang din tayong tatlo kumain.”

Umawang ang labi niya at saka nagugulat na napatitig sa akin.

“Y-you mean...”

I smiled then held his face on my hands. I place a soft kiss on his lips.

“Sige na,” I said, giving up. “Hindi na 'ko pupunta... Hindi na kami pupunta ni Bree.”

Tatawagan ko na lang si Ismael mamaya at hihingi ng sorry sa kaniya para sa magiging hindi namin pag-sipot ni Bree. Masyado namang nakakakonsensya kung pupunta pa kami ni Bree knowing that Brent will be probably sulking in one corner in here.

He buried his face in the crook my neck but then it didn't escape my sight the victorious smile on his lips.

Ipagpapatuloy.....

Comment