Chapter Twenty One

Jael's Point of View

"Where can we buy?"

Tinuro ko yung toy store sa loob ng mall. Nauna syang nag lakad habang naka sunod lang ako, first time ko maka punta sa ganitong store kaya pag pasok ko, manghang-mangha ako. Matutuwa sila Levi at Rhys kapag dinala ko sila sa mga ganito pero baka matagal pa 'yon, habang tinitingnan ko palang kase yung mga laruan ang mamahal na.

"This one? What do you think?" Tiningnan ko nang mabuti yung tinaas nyang teddy bear. Kulay brown ito tapos medyo malaki pa. Umiling ako, "Baka may better choices pa."

Nag ikot-ikot lang kami sa buong toy store, ang hirap pumili ng laruan dahil hindi naman alam ni Ross yung mga tipo ng kapatid n'ya at wala rin syang idea, mahirap na at baka hindi pa magustuhan kaso baka naman appreciative yung bata.

"Kailan ba nung huli mo syang nakita at bakit wala kang alam?" Tanong ko habang nag titingin. "Five months ago," sagot niya. Napa buntong hininga na lamang ako. "Sino nag babantay sakanya? Sino kasama?"

"He's living with Dad, there's some maids taking care of him." Kawawa naman.

Pinakita ko yung nakita kong mga trucks and cars na laruan. "Eto, baka bet n'ya mga ganito tapos bilhan mo nalang ng teddy bear yung fluffy." wika ko.

"Bakit 'to?" Tanong ni Ross pero kinuha pa rin yung mga laruan sa kamay ko at nilagay sa basket. Lahat ng na gugustuhan namin na laruan at sa tingin namin magugustuhan ng kapatid nya, naka add to cart na agad.

"Napapansin ko kase, kapag yung mga lalaking age 3-5 years old, ang hilig sa mga ganyan, lalo na yung bunso kong kapatid si Rhys tapos mga kalaro nya... well, napapansin ko lang iyon sa mga bata saamin." Tumigil ako sa pag sasalita nang may nakita akong lego. Parang gusto kong bilhin kina Rhys at Levi.

Sinilip ko ang presyo at para akong aatakihin sa puso, 2599. Kahit gaano ko ka-gusto mabilhan mga kapatid ko ng ganitong mga bagay, hindi talaga kaya sa budget. Di bale, pag iipunan ko nalang para mabili ko sila.

"Get that,"

"Ha? Yung alin?" I asked. Ross didn't answer me. Linapitan n'ya yung lego na kanina ko pa pinag mamasdan. Kinuha n'ya ito at nilagay sa cart. Bibilhin n'ya rin siguro para sa kapatid nito.

Pag tapos namin don, agad na kaming nag punta sa cashier. Iniwan ko na muna sya sa loob at ako naman ang lumabas para antayin s'ya. Sinilip ko ang laman ng wallet ko. Gustong-gusto ko talaga bilhin yung laruang lego pero dalawang libo nalang yung laman ng wallet ko. Ipang bibili ko pa ng ulam at bigas. Huminga ako ng malalim para iwaksi yung lungkot na nararamdaman sa dibdib ko.

"Let's go." Nagulat nalang ako na tapos na pala si Ross mag bayad kaya naman lumabas na kami ng Mall. Hindi ko nga malaman ano pang purpose nung dalawang paper bag na dala n'ya dahil mukha namang pwede pag kasyahin yung mga laruan sa iisang paper bag. Nakaka hassle. Inoffer ko na tulungan sya pero tumanggi lang ito.

Pag dating namin sa pinag parking-an ng sasakyan n'ya agad nitong binuksan ang makina at binukaan ang pinto sa front seat. "Tatayo ka lang d'yan, ayaw mo umuwi?" aniya nang mag kasalubong ang kilay. Sumakay nalang ako tapos nilagay nya sa back seat lahat ng binili nya, andon din yung box ng j.co.

Habang nag mamaneho si Ross, pa sulyap-sulyap ako sakanya. Hindi ko namalayan na naka tingin na rin pala s'ya saakin. Ngayon ko lang napansin na nadagdagan na naman yung hikaw nya sa tenga.

Hindi rin naman nag tagal naka rating na kami ng San Lorenzo. Sa buong byahe papunta rito walang nag salita saamin, para ngang may naka bantay na anghel dahil sobrang tahimik sa loob ng sasakyan.

"Wait," wika ni Ross nang akmang bababa na ako. Nauna syang bumaba ng sasakyan kaya nag antay ako saglit. Nagulat nalang ako nang pag buksan nya ako ng pinto. Natulala ako sandali dahil hindi ko inasahan ang naging aksyon nya na iyon. Bumaba na ako ng sasakyan at binuksan naman nya yung pinto sa back seat, nilahad n'ya saakin yung box ng donut.

"Salamat, Ross. Sorry din sa abala, ingat ka." Lumayo ako sakanya ng kaunti para maka daan s'ya. Muli syang may kinuha sa likod, nagulat ako nang ilahad saakin ni Ross yung isa sa hawak nyang paper bag kanina.

"Take this," Ross extend his arm para iabot saakin yung hawak. Hindi ko kinuha, naka tingin lamang ako sakanya. "Ayaw mo ba? Nangangalay na kamay ko." aniya. Agad kong kinuha iyon at sinilip kung ano yung nasa loob. I gave him an worried expression. "Para sa kapatid mo 'to, diba?" tanong ko at muling inabot sakanya yung paper bag. Hindi n'ya iyon tinanggap bagkus umikot lamang papuntang driver seat. Gulong-gulo pa rin ako ako.

Binuksan ni Ross yung window sa passenger seat, he said. "Give that to your brothers. Thank you, for helping me. I appreciate it."

Matapos iyon sabihin ni Ross agad nyang pinaandar yung sasakyan paalis. Hindi pa rin ako umaalis sa kina katayuan ko, tuwang-tuwa ang puso ko dahil sa nangyari ngayong araw. Pag balik ko sa aking sarili ngayon ko lang napag tanto na hindi man lang ako nakapag pasalamat kay Ross sa binigay n'ya. Bukas nalang.

Dali-dali akong umuwi, excited para sa magiging reaction ng mga kapatid ko. Halos umabot sa langit ang ngiti sa labi ko dahil sa tuwa. Kinakantyaw ako ng mga nadadaanan kong kapit-bahay dahil sa mga dala ko, tanging tawa lang ang naging sagot ko.

"Ayan yung Ate ni Levi oh, sabi sayo eh, maganda sya." Wika nang isang bata sa daan, naka turo pa ito saakin na para akong pinag mamalaki sa mga kasama nitong kaibigan. Their eyes light up while talking about me.

"Ate Jael!" Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng bahay narinig ko na ang boses ng mga kapatid ko, sumalubong ng yakap saakin sila Levi at Rhys habang may malapad na ngiti sa kanilang mga labi.

"Ang aga mo, Ate! Na miss ka po namin!" saad ni Levi, hindi pa rin ito kumakalas sa pag kakayakap.

"Na-miss din kayo ni Ate, may pasalubong ako sainyo," tinaas ko yung hawak kong paper bag. Kumunot ang kanilang noo at tinanong kung anong laman nito. Inaya ko muna sila umupo, nag kalat pa yung mga librong babasahin sa lamesa pero niligpit din ni Levi at pinag patong-patong.

"May dala si Ate na donut," nilabas ko yung box ng j.co donuts. "Tapos may kaibigan kase si Ate na binilhan kayo ng laruan kase good boy kayong dalawa." Nilabas ko na rin sa paper box yung lego.

"Hala, Ate! Thank you so much po!" Parehas nilang sigaw at dali-daling yumakap saakin. "Doon kayo kay Kuya Ross n'yo mag papasalamat, okay? Hayaan nyo sa susunod kapag nag kita kayo, mag papasalamat tayo sakanya, hmm?" Tumango sila sa sinabi ko. Hinawi ko ang kanilang buhok at hinayaan na silang mag laro habang kumakain ng donut.

Kitang-kita ko yung saya sa mga mata ng mga kapatid ko kaya talagang nag papasalamat ako kay Ross.

Hinayaan ko lang silang dalawa na mag laro habang ako naman ay nag asikaso sa sarili ko para mag luto ng uulamin mamaya sa dinner. Sinilip ko yung laman ng ref na siguro'y mas matanda pa saakin, baka mag luto nalang ako ng tilapia.

"Rhys, Levi, gusto nyo ba na---uy, Jael! Naka-uwi ka na pala. Aga mo ngayon ah?" Sinilip ko yung lalaking nasa pinto. Si Seven. Kababata ko.

"Hindi, baka statue lang ako dito." Tumawa ito sa sinabi ko, pinapasok ko si Seven tapos lumapit sya sa mga kapatid ko.

"Wow, may new toys. May budget," aniya at tinulungan sila Levi at Rhys sa pag bubuo ng lego nila. "Naku, nandidilim na naman paningin ko sayo Seven, buti nalang talaga kaibigan kita kung hindi, baka nasa pinto ka palang hindi na kita na tatansya."

Humagalpak sa tawa si Seven. Bata palang ako kilala ko na ang lalaki, bunsong s'ya ni Manong Goyo at Manang Nene, katulad ko ay nag aaral din s'ya. Pag nakaka-uwi si Seven galing sa paaralan tapos may oras sya, dumederetso ito dito sa bahay para makipag laro sa mga kapatid ko habang wala ako.

"Kalaban na naman ng Azure yung Riverdale bukas ah?"

"Ha? Saan?"

"Sa Basketball, 'di mo alam?" Nilingon ako nito. Umiling ako. Hindi ko rin naman inalam. "Pero sa Riverdale ka nag aaral diba, edi manonood ka?" Tanong ko.

"Oo, ikaw ba? Manood ka. Para naman makita mo kung paano lampasuhin ng Riverdale yung Azure."

"Baka kayo pa nga malampaso eh," sagot ko sakanya. Nginisian ako nito, "2 years nang nananalo Riverdale sa Men's Basketball 'no. Hindi ko nga alam bakit kinukuha pa rin ng Azure yung Riverdale para kalabanin, alanganin na nga grupo nila kase tumibag na yung ace player nila."

"Pero balita ko ang dami nang bago sa Team ng Azure, baka ma-reverse card kayo. Yabang nito."

"Hindi rin, ang crucial ng team sa Azure pag wala yung isang player nila."

Matapos ng usapin naming iyon, umalis na rin kaagad si Seven dahil may mga kailangan pa sya gawin. Tumunog ang telepono ko kaya naman agad ko itong tiningnan. Tumumbad saakin ang sunod-sunod na mensahe mula sa gc namin.

Cypress:
@everyone nakita nyo ba si Jael?

Hazel Ivy:
Lugi kay Jael, ghoster 😓

Elmore:
Hindi nyo ba kasama?

Cypress:
Bonak talaga neto, mag hahanap ba ako kung kasama namin ⁉️

Jael:
Sorry guys, naka uwi na ako 😅

Cypress:
Hindi ka na naman nag sabi!

Alalang-alala sayo si Kayne

Paano ka naka uwi?

Jael:
Hinatid ako ni Ross
😮⁉️5

Roscoe:
Gara 'non, @Percival Ross

Nag seen lang si Ross pero hindi ito nag reply. Ibababa ko na sana ang cellphone ko nang may bigla na naman nag mensahe.

Elkayne:
Nood ka bukas laro namin 🥺🥺

Jael:
Pag-isipan ko hehe.

Elkayne:
Pag nanood ka sure ball, panalo Azure 😁

Jael:
Oo na, bukas. Pag di ako tinamad.

Elkayne:
Yey, sige!!! 🥰
❤️

Nag offline na ako nang matapos ang conversation namin ni Elkayne. Mag m-message pa sana ako kay Ross kaso mukhang naka off ang status n'ya pero merong my day. Viniew ko ito, 12 hours ago, larawan nya ito nang naka close up shot, litaw na litaw tuloy ang mapungay nyang mata at mga magagandang nunal sa kanyang mukha. Nag react ako ng heart.

Sinamahan ko muna sila Rhys at Levi na mag buo ng lego nila habang naka salang sa kawali yung piniprito kong tilapia. Nang maluto, agad din kaming kumain, mag aala-sais palang at maaga akong nag handa ng hapunan dahil ilalabas ko sila para mag ikot-ikot sa perya malapit dito saamin.

"Ate, ako na po mag hugas." Presinta ni Levi, tinanggihan ko ito pero dahil mapilit s'ya, hinayaan ko na lang din ito mag hugas. Pag dating talaga sa pag huhugas si Levi ang pinaka masipag.

Tatlong pinggan lang ang hinugasan nya kaya naman mabilis din itong natapos, pinag jacket ko lang sila dahil medyo mahamog na sa labas, nag dala na rin ako ng payong kung sakali.

"Oh, Levi! Aalis kayo nila Ate mo?" Tanong ng isa sa mga naka tambay na lalaki kay Levi. Masayang tumango ito habang naka hawak sa kamay ni Rhys.

"Ingat kayo!" Wika nila, tinanguan ko sila at nag pasalamat. Hindi naman ganon kalayo ang perya dito at pwedeng lakarin. Nadaanan ko pa nga si Seven na bumibili sa tindahan, sasamahan nya sana kami kaso lang tinawag na sya ng kanyang Ina.

"Gusto mo buhatin kita, Rhys?" Tanong ko sa bunsong kapatid nang mapansin kong naka kunot ang kanyang noo. Umiling sya. "No, Ate. I'm a big boy na." he pouted. Ginulo ko ang kanyang buhok, nag dadaldal lang silang dalawa habang nag lalakad kami, naikwento rin ni Levi na may roong syang kaklase na binubully yung kaklase din nilang babae dahil sa weight nito.

"Sabi ko Ate, kapag hindi sya tumigil isusumbong ko sya kay Teacher eh. Ang bad kase talaga n'ya as in, pinag tatawanan nila si Czarina, bad mang bully diba, Ate? Kase, lahat naman tayo maganda. We should not make fun of other base on their physical appearance." Aniya. Mag kasalubong ang kanyang mga kilay habang naka nguso, hindi ko mapigilan matawa pero mamangha sakanya. "Tapos Ate, nag thank you sakin si Czarina, Ate. Binigyan n'ya ako ng baon n'ya. Ayaw ko pa nga po sana eh," napa kamot ito sa kanyang ulo. "Kaso po favorite ko po yung ulam n'ya. Bicol Express po, sabi n'ya luto daw 'yon ng Mommy, n'ya ang sarap po ng baon nya. Sabi nya saakin, papadagdagan nya raw baon nya sa Mommy nya para pwede kami mag share."

"Very Good ka doon, Kuya. Tama naman po na dapat hindi natin tinotolerate yung mga ganoong pang b-bully, tama lang yung ginawa mo kase you didn't tolerate your classmate wrong doings." Naka ranas kase ng pang bubully si Levi nung medyo bata-bata pa ito, sinasabihan ko sya na 'wag gaganti pero kapag sa tingin n'ya ay naapi na s'ya at paulit-ulit nalang, 'wag sya mag atubaling gumanti. Ipakita n'ya na hindi sya dapat kinakaya lang ng mga nang b-bully sakanya. Kaya siguro ayaw nya rin nakakakita ng kapwa nyang na b-bully because he's been there.

"Sabi ko nga rin sakanya, Ate, 'wag nya rin po hahayaan na i-bully sya. Knight in shining armor nya raw po ako, Ate." Napa hagikgik ito na kala mo'y kinikilig. "Nung uwian nga po binigyan n'ya ako ng lollipop ayaw ko po sana kaso bigla syang tumakbo eh, kaya dinala ko nalang po para kay Rhys. Diba, Rhys?" Masayang tumango naman si Rhys.

Pag karating namin sa perya, tinanong ko sila Levi kung gusto ba nila sumakay sa nga rides. Umiling sila at sinabing ayaw dahil natatakot, hindi ko na rin sila pinilit pa at hinayaan nalang sila mag takbo-takbo. Meron din namang slide kaya doon sila nag laro, marami ring mga kabataan nang kalaro nila kaya tuwang-tuwa sila. Pinapanood ko lang ang dalawa, minsan lang kase sila nakaka labas ng bahay, 'yon lang kapag may free time ako at may budget na pang labas kaya naman kapag may pag kakataon, talagang pinapa-sulit ko sakanila.

Eto yung mga bagay na hindi ko na na-experience nung bata ako dahil sa may maagang responsibilidad, kaya naman pinaparanas ko sakanila, lalo na kay Levi na lumalaki. Gusto kong may maalala syang masasayang alaala kasama kaming dalawa ng kapatid n'ya.

Nilabas ko ang aking telepono at kinuhanan sila ng larawan, makita ko lang silang masaya ay masaya na rin ako. Niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko. May pag kakataon na nadadapa si Rhys pero agad din namang tumatayo, bata palang s'ya pero kaya na nito kahit papaano ang sarili. May mga bata kasi na ka-edad nya na kapag nadapa, iiyak nalang at lalapitan ng magulang para ialo. Kabaliktaran iyon ni Rhys. Parte ng pagiging bata ang mag karoon ng sugat, madapa, matalisod o kung ano pa.

Pag patak ng alas otso, nag aaya na umuwi ang dalawa dahil may pasok pa bukas tapos pagod na sila. Nag paalam na sila sa kanilang mga kalaro at kumaway. Pinunasan ko lang ang likod nila dahil basang-basa ng pawis, mahirap na kapag sila ay natuyuan.

Bago kami umuwi, dinala ko sila sa convenience store na pinag tatrabahuan ko para papiliin sila ng kung anong gusto nilang baunin bukas. Nag kamustahan lang kami ni Ate Cath at kinamusta nya rin ang dalawa, tuwang-tuwa pa ito dahil ang tagal na nyang hindi sila nakikita.

Nag pabili si Levi ng dalawang mamon na chocolate tapos si Rhys naman ay wafer. Nag bayad na rin kami kaagad at umalis. Pag dating namin sa bahay pinag half bath ko lang ang dalawa tapos pina-tulog, ako naman ang sumunod. Pag tapos ko mag banlaw, nag bihis na ko pinatay ang ilaw, tanging ilaw sa labas lang ang iniwan kong naka bukas bago tumabi sa mga kapatid kong mahimbing na natutulog hanggang sa kinain na ko ng antok.

Comment