Chapter Thirteen

Jael's Point of View

"Ano kamusta? Masarap 'no?"

"Hindi lang masarap, sobrang sarap!" ninanamnam ko bawat subo ko ng pork curry.

"Sabi sayo eh... sa lahat ng luto ni Mommy, pork curry pinaka favorite ko. Ang sarap kasi ng mga ulam na may gata," aniya. I agreed.

"Oh," umamba ako na makipag apir sakanya. "Favorite ko rin yung mga ulam na may gata."

"Ayos, edi mag kakasundo pala tayo sa mga ulam. Eto oh... sayo na 'to," binigay nya saakin yung mga natitirang sabaw para ilagay sa kanin ko. "Thank you."

"Lagi ka bang pinapa baunan ng Mommy mo?" tanong ko, tumango naman si Elkayne. "Yup, si mama lagi nag p-prepare ng baon ko, ayaw ko kase ng mga pagkain sa cafeteria, mahal na nga, hindi pa masarap..." Natawa kaming parehas dahil lahat ng mga sinabi nya, totoo. Yung mga pagkain sa cafeteria, sobrang mahal pero yung lasa, kung hindi matabang, hindi naman masarap. "Hindi siguro niluluto yung mga pagkain don with love," tinaas nya ang baunan nito. "Eto, punong-puno 'to ng pagmamahal ni Mommy. Hilig n'ya kase mag luto, saka sobrang saya nya kapag pinag lulutuan nya kami ng kapatid ko tapos uuwi kaming simot na simot yung baunan."

Habang nag k-kwento si Elkayne hindi maalis sa labi nya ang matamis na ngiti. Napa tanong tuloy ako sa sarili ko na kung nandito pa kaya si Mama gagawin n'ya rin saamin yung ganitong bagay? Yung lulutuan kami para may pang baon sa school tapos magiging masaya kaya s'ya kapag nasasarapan kami sa mga luto n'ya? While looking at Elkayne, i can see how he love his mother. The son's unconditional love. Punong-puno siguro sya ng pagmamahal galing sa mga magulang nya.

Kinuha ni Elkayne ang cellphone nya at saka pinicturan ang note na kasama sa mga pagkain. Pinahatid lang pala ng Mommy nya yung food sa driver nila.

Enjoy your meal with your 'friend' son, happy eating. tell your friend, i said hello. ^_^ take care.

- Mommy ♡

"Hello, Mama?" pinanood ko lang si Elkayne habang kausap ulit ang mama n'ya. "Thank you for the food po, we enjoyed it... yes mama, i asked her if it's delicious she said, hindi lang daw masarap, sobrang sarap daw... of course, mama! No lie, sobrang sarap po... okay, mama. Take care. Are you with Papa? Can i talk to him? Sure... i'll wait... hello, dad? Yes po, nasa school ako... okay po. Bye, bye. I love you, both..." Binaba na nya ang tawag at saka binalik na ang mga baunan sa lalagyanan. Halos wala ni isang butil ang natira, sobrang linis. Kulang nalang dilaan para pati yung natirang sauce ng curry, simot.

"Sabi ni Mama, she's happy daw na na-enjoy mo yung food." I happily nodded.

Nag luluto rin naman ako ng pork curry, akala ko luto ko na yung pinaka masarap na natikman ko 'yon pala ay hindi. Gusto ko tuloy malaman anong recipe ng Mama ni Elkayne sa pag luto ng Pork Curry. May kakaibang lasa kase na hindi ko nalalasahan sa ibang mga luto, tapos sobrang balanse lang yung lasa, yung pag ka maanghang sobrang sakto lang at hindi nakaka sawa yung pag ka gata.

Nag kwentuhan lang kami saglit ni Elkayne para mag pababa ng kinain bago bumalik sa gym. Malapit na mag 10pm kaya break time na nang mga junior high habang 12pm naman ang lunch time ng mga senior high.

Nag palipas lang kami ng sampung minuto at saka na kami bumalik sa gym. Wala pa yung dalawang coach namin kaya umupo muna kami sa isa sa mga bleachers para manood ng mga nag p-practice ng basketball at volleyball.

"Nag b-basketball ka ba?" tanong ko kay Elkayne.

"Yup, shooting guard." sagot nito.

"Ano ibig sabihin pag shooting guard?" Wala kase akong alam sa mga basketball at sa mga position na ganon kaya hindi ko masyadong alam.

"Kami yung nakakapag score from long range, midrange and close to the basket. Shooting guards are also expected to be versatile and able to play multiple positions on both ends of the floor... parang si Michael Jordan or Kobe Bryant." aniya.

"Ah, ba't hindi ka sumali sa basketball?"

"Hindi ko alam kung mapapag sabay ko yung sportfest at basketball, but I'll see."

Yung mga player ng basketball, dumaan sa tryout. Ang sabi ni Elkayne, nag tryout na raw sya a week before pa at naka pasok ito, nag t-training na sya pero naka hold muna sya dahil sa sportfest.

Finally, I saw our coaches enter the gym. They apologized for being late and told us to get ready. This time, na e-excite na ako.

"Nakakapag adjust na ba yung paa mo, Jael?" tanong ni Ma'am Kennedy. Tumango ako. Ilang oras ko ba naman nang suot eh.

"Are you ready to rock the stage?" Elkayne asked me as he took my hand and led me to the stage of the gym.

"Shempre naman, ako pa." I said, trying to sound confident.

Tama nga yung vibes na naramdaman ko sakanya kanina. Sobrang gaan n'ya kasama, hindi sya nakaka ilang dahil sinusubukan nya mapa lighten up yung mood by joking around para mapatawa ako.

"Anong sport attire n'yo?" tanong saamin ng coach matapos kaming mag practice para sa araw na 'to.

"Racing siguro, Ma'am." Sagot ni Elkayne. Napag usapan na kase namin kanina kung anong sports attire namin. Na-mroblema pa nga ako dahil hindi ko alam kung saan ako hahanap ng pang bili ng gagamitin kong damit. Meron kasing casual attire at sports attire. Siguradong mahal iyon.

"Okay, sige. Tomorrow, 7pm ulit tayo. Pwede na kayo bumalik sa classroom n'yo."

I checked my watch, it was almost 12pm kaya lunch break na ng mga senior high. Tinanong ako ni Elkayne kung aalisin ko na ba yung heels, sabi ko ay mamaya na sa room dahil matutulis ang mga bato sa daraanan namin bago maka rating sa building ng stem.

Buti nalang okay na yung elevator kaya naman hindi na ako mahihirapan pa mag lakad. Hindi kami madalas gumamit ng elevator dito, mas madalas gumagamit kami ng hagdan. Pangalawang beses ko palang yata gumamit nito.

"Kapag may kailangan ka or question about sa sportfest, puntahan mo nalang ako sa room namin. Third floor, doon." tinuro n'ya ang building na katabi ng laboratory.

"May facebook ka ba? Or Instagram?" tanong niya. "Para mabilis kitang ma reach out if ever," tumango ako. "Emrys Jael Travieso, search mo nalang." I answered.

Pag bukas ng elevator, sabay kaming lumabas. Dalawang room ang pagitan bago ang room namin, sinilip muna ni Elkayne, baka kase may teacher na nag tuturo. 

"Confirmed, meron." Tumango ako kaya kumatok ng dalawang beses si Elkayne. Nasa may gilid n'ya lang ako kaya hindi ko pa nakikita yung loob. Bakit bigla akong kinabahan?

"Good morning, Sir. I'm Elkayne po from ABM 1, hahatid ko lang po si Jael." aniya. Narinig ko ang pag payag ng guro sa loob at ilang pag tili ng mga kaklase ko kaya inalalayan na nya akong pumasok at maka upo.

"Omg..." nilingon ko si Ivy, para syang naka kita ng multo nang biglang umupo si Elkayne sa sahig para tanggalin yung sandals ko. "Ikaw yung partner nya sa sportfest?" tanong nito sakanya. Tinapunan sya ng tingin ni Elkayne at nginitian. "Yup, nice to meet you."

Kulang nalang tumulo ang laway ni Ivy habang pinapanood si Elkayne, may kasama pa itong pag hampas sa braso ko. Nilingon ko naman ang katabing upuan, wala si Ross. Absent na naman ba 'yon? Pero andito yung bag n'ya. Baka nag cr.

"Uy, ako na," kinuha ko sakanya ang medyas ko dahil balak pa yatang sya ang mag medyas saakin. Akala ko aalis na sya pero pinanood nya pa ako mag medyas. Nakakahiya naman kung papaalisin ko agad?

"Okay ka na d'yan, Jael? I'll keep you in tou--uy, sya yung sinasabi ko kanina." Nilingon ko yung tinuro ni Elkayne. My brows furrowed while my lips parted. Laglag panga akong naka tingin sa lalaking prenteng naka upo sa tabi ko. Salitan ang naging tingin nito saaming dalawa ni Elkayne, sobrang talim ng pag tingin n'ya, para kaming kakatayin ng buhay.

"See you tomorrow, Emrys. Take care," aniya bago lumabas ng room. Sinulyapan pa nito ang lalaking kakapasok lang at nag patalasan pa sila ng tingin.

"Emrys? Tsk." rinig kong bulong ng katabi ko. Ano na naman kaya trip nito, tinotopak na naman.

Ngayon ko lang napansin ang pag babago ng kanyang mukha. Kaya ba wala akong idea kung sino yung tinutukoy kanina ni Elkayne na kumwelyo sakanya dahil nag bago sya? Pero ano namang dahilan n'ya bakit kailangan pa nyang kwelyuhan si Elkayne, may hidwaan ba sila? Pero parang imposible, hindi naman sya kilala ni Elkayne.

Pula ang buhok, dalawa ang hikaw sa tenga, bingo! It's Percival Ross Alaric.

"First name basis na pala kayo," aniya.

"Ano naman?" sagot ko kay Ross.

"Tsk," nag head down ito sa arm chair nya at tinakpan ang kanyang mukha. Tinabig nya pa ang upuan ko palayo. Ang lakas ng topak, kainis.

"Ang pogi ni Elkayne, tangina!" Sigaw ni Ivy pag ka labas ng guro namin. "Para syang anghel, ang amo ng mukha sobra tapos... ang gentleman pa!" umakto itong kinikilig at pinag hahampas pa ang braso ko.

"Jael, do you have Elkayne's number?" Tanong ng isa sa mga kaklase kong babae habang naka lahad ang cellphone nito saakin. Umiling ako bilang sagot. "Wala eh," nakita ko ang pag irap nya bago umalis sa gilid ko. Problema 'non? Lalakas ng topak.

"Ayaw lang nya ibigay eh, pinag dadamot. Hindi naman maganda." Sinamaan ko ng tingin yung nag salita, sana sinigaw nya nalang diba hindi yung bubulong-bulong pa, rinig ko naman.

"Ano nga pinag-usapan nyo, kwento mo, dali!" Ani naman ni Cypress naka upo sya sa sahig, inaantay kung ano ang sasabihin ko. Wala sana ako balak mag kwento pero looking at them, wala akong takas.

Tumikhim ako at inalala lahat ng mga napag usapan namin ni Elkayne. "Wala, casual conversation lang tapos... palabiro sya and humorous, sobrang bait pa. Di nakaka awkward pag kasama sya..."

Nag katinginan silang dalawa ni Ivy at kinikilig na nag apir. "Tapos, tapos? Ano pa? Close na kayo?" sunod-sunod nilang tanong.

"Well, medyo. And then... nung nag punta sya rito para ihatid sapatos ko, tumawag mama nya tapos nasa akin kase phone n'ya pina-hawak, ako sumagot, akala ko emergency."

"So, emergency?" Umiling ako. "Naiwan daw ni Elkayne lunch box n'ya sakanila."

"Eh?" kumunot ang kanilang noo sa sinabi ko. "Ano sya bata?" tanong ni Ivy.

"Hindi, basta, gusto nya raw kase luto ng mama n'ya kase di daw nya bet yung pagkain sa cafeteria, ang bait nga ng Mama n'ya eh, dinagdagan pa para makaka---Ouch!" napa hinto ako sa pag sasalita nang padabog na tumayo si Ross, tumama tuloy sa daliri ko yung bakal ng arm chair nya. Halos mamilipit ako sa sakit, sobrang nadali kase.

"I-i'm sor--argh! Kung mag iingay kayo 'wag sa tabi ko!" Sigaw nito bago padabog na lumabas ng room.

"Okay ka lang?" Kinuha ni Cypress ang kamay ko at tiningnan yung natamaan ni Ross. Pulang-pula ito, sa sobrang sakit para akong namanhid.

"Anong masamang elemento na naman sumapi 'don? Parang daig pa naka inom. Sarap bangasan yung mukha." Ani ni Ivy at saka inutusan si Clarence na kumuha ng ice para ma cold compress yung daliri ko. Malayo sa bituka pero sobrang sakit, para akong nabalian ng buto. "Dumudugo pa oh, bili ka na rin band a---"

"May band aid ako," kinuha ko sa bulsa ang isang box ng band aid na binigay sakin ni Elkayne kanina.

"Girl scout ah, laging prepared." ani ni Ivy.

"Binili 'yan ni Elkayne para sa paa ko," pinakita ko sakanila ang paa kong may band aid. Yung pag aalala nila napalitan ng kilig.

Yung kaninang namumulang daliri, napalitan ng kulay lila. Nagiging pasa na. Inantay lang namin saglit si Clarence na kumuha ng ice sa cafeteria, pag pasok pa nito naka kunot ang kanyang noo. "Special 'yan." aniya at saka inabot kay Cypress, binalot lang nila ito sa cloth.

"Ano kaya problema 'non ni Ross? Kanina okay naman 'yon,"

"Parang 'di naman." sagot ko.

"Hindi, okay talaga 'yon kanina si Ross. Hinanap ka nga saamin kanina tapos tinanong pa nya kung okay lang ba yung kulay ng buhok n'ya," pag k-kwento ni Ivy. Nakikinig lamang ako. "Sabi ko nga 'non, okay naman pero magagalit ka dahil hindi sya sumusunod sa hair policy... pero, bagay sakanya hair color n'ya 'no?"

Inimagine ko ulit yung buhok ni Ross. Hindi naman kase totally kulay pula yung buhoo n'ya, itim pa rin pero may highlight na red. Bagong gupit nga rin s'ya. Hindi sya nag nag mukhang manok, mas mukha na syang tao ngayon. His new hair style suits him better.

"Nakita mo rin ba yung hikaw sa ilong n'ya?" I shook my head. "Hindi ko napansin, meron ba?"

"Oo, dalawa sa may left ear n'ya, sa may cartilage na part tapos isa sa ilong, maliit lang yung piercing nya sa ilong kaya siguro hindi mo nahalata." Cypress answered.

"Ang cool n'ya nga tingnan, eh. Bagay sakanya." sabi naman ni Ivy.

Lalagyan pa sana nila ng bandage yung daliri ko pero tumanggi ako. Hindi ko tuloy alam kung makakapag sulat or makaka gawa ako ng mga bagay-bagay dahil sa daliri ko.

Inaya na ako na ako bunaba nila Ivy para kumain, sabi ko ay busog ako kaya sasamahan ko nalang sila. Bumili lang si Ivy at Cypress ng brownies at ensaymada saka kami bumalik sa room. Hindi rin namin nadaanan o nakita yung apat, baka nag cutting.

Pag dating namin sa room, binuksan ko ang telepono ko at nakitang may friend request at follow request sa facebook at instagram ko. Pinindot ko ito.

Maximillian Elkayne Jueravino sent you a friend request.

Inistalk ko si Elkayne. Unang bungad palang, kitang-kita ko na yung mga picture n'ya nung bata s'ya. Timeline kung timeline ang atake. Inaccept ko ito at nakita kong may my day sya kaya tiningnan ko na rin.

"Ooh," naramdaman ko nalang na may naka silip sa mag kabilang gilid ko. "Bagay kayo!" ani ni Cypress kaya naki lapit na rin si Clarence saamin na kanina lamang ay nag lalaro.

"Pogi ah," ani ni Clarence habang naka silip sa telepono ko.

Stolen shot kase namin itong dalawa ni Elkayne, naka tayo ako habang naka pameyway habang sya naman ay naka upo at naka tawa. Eto ata yung inasar n'ya akong parang teen version ni Bob sa Minion. Hindi ko alam na may nag picture saamin ng ganito. Sa tingin ko kuha 'to ng isa sa mga photo journalist kanina, may mga umiikot kase kanina sa gym.

Nag vibrate ang phone ko at may nag pop-up na message. "May chat si Elkayne! Basahin mo na dali," pinindot ko ang chat heads.

Hello, Emrys. Is it okay if tatawagin kitang Emrys? HEHEHE. Thank you sa pag accept, lodi. Okay na ba yung paa mo? Pahiran mo ng ice kapag namamaga pa rin. Ingat ka :)))))))

Ps. Pa-accept din ng follow request ko sa Instagram pls 😞

Pps. Hindi ko hinanap ig mo, hindi talaga (⁠〃゚⁠3゚⁠〃⁠)

Ppps. Sana hindi malait jeje pics ko 🤞

Pppps. Ang cute ko 🧛🏻

Ppppps. Okay lang ba yung my day ko? Tell me if not para ma delete ko 😸

I laughed the way how Elkayne's type. Sobrang daming emoji tapos ps, naka limang p pa sya.

"Ang cute!"

"Accept mo na raw sa Ig!"

"Patay yan sa master ko!"

Iba-iba ang kumento nilang tatlo pero pinindot ko ang instagram account ko saka ko nakita ang follow request ni Elkayne.

@maxilkayne
Maximillian Elkayne A. Jueravino

by grace, through faith

67 post    9,307 followers    10 followings

"Lakas maka pogi," ani ni Cypress.

"Mas pogi pa rin master ko 'no." Matabang na sabi ni Clarence bago lumayo saamin.

"Sino ba master mo?" tanong ko sakanya ngunit inirapan lang ako nito. "Secret!"

Comment