Part 15: I like Adi

ADI'S POV





Kahit sobrang layo ng Bataan, nagawa pa rin akong ihatid ni Gab bago mag 9pm sa apartment. Binilin daw pala kasi ni mama at papa na hindi pwedeng lumampas sa ganon na oras yung paglabas namin.


Ngayong nandito sa sofa habang nanonood ng movie at kumakain ng ice cream, hindi pa rin maalis sa isipan ko yung dadalhin daw sakin ni Gab ang Paskuhan.


I know I should have felt kilig. Sobrang mahal ko 'to dati and now, he's finally doing something for me to love him again. Pero ewan ko ba, wala akong naramdaman kundi saya. Saya na walang halong kilig.


Well, hindi lang kilig din dapat ang maramdaman. Pero, hindi ko maexplain. Iba kasi yung saya kapag mahal mo yung kaharap mo. Yung para bang lalakas yung kabog ng puso at bumilis man ang oras, siya lang yung makikita mo. Yung mga mata, mga ngiti niya, yun lang ang gugustuhin mong makita.


Okay, Adi. Parang kilala ko yung sinasabi ng puso't isipan mo ngayon ah.


What the hell? Parang ewan, konsensya ko ba 'tong kumakausap sakin?


Oo, Adi. Madami ka kasing maloloko pero hindi ang sarili mo. May gusto kang iba yie.


Oo gusto ko sarili ko. I love me, happy?


Hindi ako happy. Hindi mo kasi inaamin sa sarili mong mahal mo na si-


Tangina! Shh. Ano bang konsensya 'to!


Ay ang galing, nababaliw na ata ako. Hindi ba dapat nakafocus yung utak ko ngayon sa saya about sa Paskuhan? Finally oh, maeexperience ko na.


Habang nakikipagtalo naman sa konsensya o isipan ko ay bigla akong nagulat nang umilaw at nagvibrate ang phone ko.


It's from Eris.



Paladesisyon din 'tong babaeng 'to e. Pero ano nga kayang nakain neto? Bakit kaya napaluto ng biglaan?


FLASHBACK
FRIDAY; NOVEMBER 10; 6:00PM


ERIS' POV


"Guys!" Pagbati ni Elaine sa mga kaibigan habang papasok ito ng bahay na dala dala ang niluto ng mama niya.


"Girlll! Wait, tulungan na kita dyan." Ysa said and took the ice cream that Elaine is also carrying.


Nang makapasok si Elaine at naibaba ang mga dinadala niya ay niyakap namin ang isa't isa bilang pagbati.


Si Karly naman, nasa loob pa rin ng CR dahil napagdesisyonan niyang maligo ulit dahil galing siya sa paglabas.


The three girls, Elaine, Ysa, and Karly kept preparing our dinner as well. Inayos nila yung table at nagpapadeliver na rin ata sila ng pizza kasi paparating din si Tristan at Rap maya maya lang na yun daw ang request.


Sa totoo lang, hindi na ako makatulong sa kanila. Ni pansinin sila at ibigay ng buo ang atensyon ko ay hindi ko magawa. Paminsan minsan naririnig ko ang mga kwentuhan at naiintindihan ang mga ito pero bigla bigla nalang lumilipad yung isip ko kay Adi at Gab.


Hindi maalis sa isip ko na silang dalawa lang ang magkasama ngayon. If I am not mistaken nasa Bataan pa sila na medyo may kalayuan sa apartment ni Adi para makauwi pa ngayong gabi.


Hay, e ano nga naman sakin diba? Hindi ko nga masabi directly na mahal ko, hindi ko pa alam kung paano iparamdam.


Ngayon, bigla akong matatakot na magmahal na siya ng iba. Na baka mahalin na niya ulit si Gab.


Kung ilalaban ko man yung pagmamahal ko sa kanya, what if hindi rin naman maging kami sa dulo? Besides, hindi ko rin naman ata kayang pantayan lahat ng maibibigay ni Gab sa kanya.


"Eris!" Pagsigaw ni Karly para marinig ko siya. Kanina pa pala niya ata akong tinatawag pero napaka lalim ng iniisip ko kaya hindi ko siya mapansin.


"Ay, bakit?" I said.


"Kakain na. Are you okay?" Karly asked.


"Why wouldn't I be?" I said and smiled.


Tumayo naman ako sa kinakaupuan ko sa sofa para lumipat sa dining table. Nagsimula na rin kaming kumain at tinry ko rin naman na makipagkwentuhan at libangin muna yung sarili ko with the girls.


Nang makatapos kumain ay nag volunteer na akong maghugas ng plato dahil nakakahiya rin naman na sila na ang nag abalang magluto at magprepare tapos sila pa yung maghuhugas HAHAHAHA.


Habang naghuhugas, bigla nanaman akong natulala while thinking of Adi. I don't want to fcking lose her pero I don't know what to do.


"Eris! Yung tubig!" Pagsigaw naman ni Elaine dahil umaapaw na pala yung tubig dahil natakluban ng mga plato yung pinaka pinagdadaluyan ng tubig.


Napabalik naman sa realidad ang isipan ko at ginawa ko ang lahat para hindi kami bahain dito sa apartment.


After cleaning everything, napagdesisyonan kong umupo muna sa tabi nila Elaine.


"May problema ba?" Ysa asked me.


Hindi naman na ako umimik, I just shaked my head "no" and smiled to assure her that I don't have any problem now.


Nagpatuloy ang kwentuhan nila at ako naman tumatawa at sinasakyan ko nalang din yung mga kinekwento nila kahit naiisip ko pa rin talaga si Adi.


"Guys, did you know?" Ysa said.


"Yan ang gusto ko may baong chika." Pagbibiro naman ni Karly.


"Diba Gab posted a pic of him with Adi. They look so cute together!" Ysa said.


Bigla namang nabaling ang atensyon ko ng buo sa pinagkekwentuhan nila. Eto nanaman tayo sa picture na yan, hay.


"Anyway, Caden told me na cancelled daw ang event." Ysa said sabay subo naman ng ice cream after.


"WHAT? For real? Paano na yung play? Yung prod? Ilang weeks na rin nating pinagpapaguran yon!" Elaine said. Sa lahat, expected naman na dapat isa siya sa mga pinaka manghinayang. Siya kasi yung direk, choreographer and performer all at the same time. Oras niya ang pinaka naabala.


PERO WHAT? BAKIT? SORRY AH NAGULAT LANG DIN AKO.


Ngayon pa talaga cinancel kung kailan malapit na at marami nang napagod. Paano naman si Adi? Lahat ng pressure naibato na sa kanya tapos cancelled?


"Calm down." Ysa said calmly habang kumakain pa rin ng ice cream. Pangiti ngiti pa ay ah habang kumakain.


"Bakit ang kalma mo ata masyado? Napagod ka rin oh sa mga pinag gagawa natin tapos cancelled." Karly said calmly pero naguguluhan siya kung bakit napaka kalmado ni Ysa.


"It's not cancelled, cancelled. It's moved to December 8." Ysa said.


"What? Why?" Elaine asked.


"Since UST Paskuhan is cancelled, alam niyo naman yon diba? We have the chance to invite more bands to make it a bigger and better event!" Ysa said na mukhang sobrang excited.


Ano daw? Bigger event? Hindi ba parang mashoshort na kami sa budget.


"And oh, excuse me and my sobrang kinikilig self. Gab said he's bringing Paskuhan to Adi!" Ysa said and shouted out of the "kilig" she said she's feeling.


Nagkanda leche leche na. Ano na Eris? Goodbye Adi ka na kung hindi ka pa gagalaw.


Wag ka nalang nga gumalaw talaga kasi with all that Gab is doing walang wala na kung ano mang maiisip mo. Grand gesture over what? Sige go isipin mo. Diba wala? TANGINA.


Okay, iinom nalang ako. Meron pang alak dito sa cabinet.


Sa sobrang panlulumo ay ininom ko nalang lahat ng sakit at pag iisip kay Adi. Wala na ba talagang pag asa? Hindi na ba talaga pwede?


Elaine and Ysa kept talking about how good Gab and Adi is together habang nakikisabay na rin sila at si Karly na uminom with me.


Ang usapan kanina kakain hindi iinom but I guess I needed this. Pati na rin sila kasi nakisali pa talaga.


"Did you see the old photos of Adi and Gab? Sobrang ganda pala ng samahan nila." Ysa said while talking to Elaine.


"Omg, yes! I do hope na makahanap din ako ng katulad ng kung ano mang meron sila. Imagine, legal sa parents, they both support each other sa dreams ng isa't isa and ugh! Basta they look perfect for each other!" Elaine said na mukhang kilig na kilig na rin.


"Okay, stop!" Napasigaw naman ako dahil narindi nalang ako bigla sa mga sinasabi nila nang mahigit isang oras na. Puro nalang Gab at Adi.


"Eris." Pagtapik naman ni Karly sa likod ko para kumalma ako.


Napatingin naman sakin ang dalawa dahil hindi nila alam kung bakit nagkakaganito ako. Tumungo naman ako dahil nahiya ako bigla dahil nasigawan ko pa sila ng wala sa oras.


"Eris? Talk to us. May problema ba?" Elaine asked. Pero hindi ko sinagot dahil parang napaka immature naman na dahil 'to sa selos e hindi naman kami.


"Karly?" Pagtatanong naman ni Ysa kay Karly dahil napansin nilang mukhang may alam ito dahil hindi siya mukhang nagtataka kung bakit ako nagkakaganito.


"Guys, I'm sorry. Whatever it is, I think it's best if Eris will be the one to inform the both of you." Karly said.


"I like Adi." I said.


Hindi ko alam kung saang lupalop ako kumuha ng lakas ng loob to tell my friends that I like Adi. Ipinangako ko sa sarili ko na walang makakaalam kundi ako at si Karly para hindi na ito makaabot kay Adi. Pero fck, I felt the need to let it out to Elaine and Ysa today.


I'm expecting them to look confused nang itaas ko ang mukha ko to look at them but they're all smiling.


"Ang creepy niyo ha." I said and they all laughed.


"Bakit?" I asked kasi nakangiti sila instead of maging confused looking.


"I guess a part of us always knew." Ysa said.


"The way you look at her, iba." Elaine said.


"Yung ngiti mo yeah, it's there when you're with us. But with her around, we can see your real smile. Yung para bang finally eto oh. Eto ang totoong Eris namin." Elaine added.


"Sorry if we talked about her and you know, a lot earlier. Medyo nadala lang kami sa kilig and excitement about Paskuhan din." Ysa said.


"Sorry din ah, I just felt insecure. Sa lahat ng kayang ibigay at ipakita ni Gab para bang ngayon palang tapos na ang laban." I said.


"ANONG TAPOS ANG LABAN?" Pagsingit naman ni Karly.


"Tama! It's not about the grand gestures. It's about the little things that matters the most." Elaine said.


"Ano pang hinihintay mo? Do something!" Pag utos naman ni Ysa.


Bigla naman akong naging sobrang confident to message Adi. Tumakbo ako para kunin ang phone ko na naka charge and then bumalik ako sa sofa with the girls.


Magmemessage na sana ako nang biglang bumalik sa realidad ang isip ko.


"E ano namang gagawin ko?" Sabay patong ko ng phone sa center table kasi ano nga bang gagawin ko? Shuta.


"Okay let's think." Elaine said.


"Oh! What about picturan ka namin now? Magpaganda ka ah para mapansin niya kapag pinost natin!" Ysa said.


"Ano ka ba, girl. Do you really think sa ganon makukuha ni Eris ang loob ni Adi? Dapat something na hindi makakapag alis kay Eris sa isip niya." Karly said.


Natatawa ako sa kanilang lahat, daig pa ako kung mataranta kung ano bang gagawin HAHAHAHA.


"Magsayaw ka! Tiktok? Yung magmumukha kang hot. Tingnan lang natin kung hindi mahulog sayo si gaga." Elaine said.


"Ano?" Natawa naman ako. Sayaw talaga? HAHAHAHA.


"Guys thank you ah for supporting me with this. Pero kasi, yung pagpapaganda at pagsayaw hindi naman yan makakain ni Adi e. Ano nga namang gagawin niya dun?" I said habang natatawa.


"Great idea!" Karly said.


Great idea? Ang alin? Ang gulo ah.


"IPAGLUTO MO SIYA!" Pagsigaw naman ni Karly.


"Hala! Oo nga, go! The way to a man or woman's heart is through her stomach ika nga nila!" Ysa said.


"For real? Ano namang lulutuin ko? Gabi na wala nang bukas na tindahan." I said.


"Ay shh, tara na! Bibili na tayo!" Paghila naman nilang tatlo sakin papalabas ng apartment.


—————


"Guys wag nalang kaya? Parang ewan naman 'tong niluto ko eh." I said habang nakatingin sa nalutong pagkain.


"Specialty mo yan ah. Ewan ko nalang kung hindi yon mainlove sayo." Ysa said.


"Pinagtitripan niyo nalang ata ako e. Kapag ako talaga napahiya tingnan niyo." Pagbibiro ko naman kaya natawa kaming lahat.


"Ngayon ka pa aatras e andyan na yang pagkain." Karly said kaya mas natawa kami lalo. Oo nga naman, sayang yung pagkain pero tanginang yan nakakaramdam na ako ng hiya HAHAHA.


"Okay go, dalhin mo na sa kanya!" Elaine said.


"Teka lang, baka naman wala pa siya don. Sa Bataan pa kasi sila manggagaling ni ano." I said.


"Try mo kayang imessage diba?" Ysa said and smiled sarcastically. Oo nga naman, Eris ano na sabaw ka nanaman HAHAHAHA.


I messaged Adi pero wala na akong pake, magsastart na akong maglakad papunta sa apartment niya. Kung wala pa edi maghihintay.


Bago umalis sa apartment ay bumeso muna ako sa tatlo at sinabing itext nalang nila ako kapag may kailangan sila.


Habang naglalakad, wala akong insip kundi gustong gusto kong makita si Adi ngayon. Hindi ko alam yung gagawin ko sa apartment niya bukod sa dalhin etong pagkain na hawak ko pero, ugh! Gusto ko lang siyang makita, pwede naman yon diba?


Ilang minuto lang ang nilakad ko at halos malapit na rin ako sa kanila. Bigla namang nagvibrate din and phone ko na naging dahilan para buksan ko ito habang naglalakad.


Okay, si Adi. What the? Ano yon? Isang message lang kinikilig na ako. Delikado na talaga.


Alak ba 'to o sadyang grabe na yung tama ko sa kanya mismo?


Pero, hayyy. Buti naman at nakauwi na pala siya. Sana magustuhan niya 'tong niluto ko.


—————
ADI'S POV


*knock knock*


Si Eris na kaya 'to? Buti naman at nakarating siya ng safe considering na nilakad niya lang papunta dito.


Nang mag sink in sakin na may nakatok pa rin ay binuksan ko na agad ang pinto. Well, I'm right. It's Eris.


Pero bakit mukha nang sabog? Nakainom ba 'to?


Hindi ako nakaimik nang mabuksan ang pinto. Siya naman patuloy lang na nakangiti sakin.


Parang ewan, ang ganda. Yung cheeks niya, natural na namumula. Yung mga mata niya, it looks brighter than the stars to me. Ang sarap niya lang pagmasdan.


Edi ikaw na. Sabog pero maganda pa rin!


Uyyy yung crush niya nasa apartment niya.


Okay, eto nanaman ang konsensya kong wala nang inisip na tama. Bahala ka dyan.


"Adiiii?" Pagtawag niya ng atensyon ko habang nakatayo pa rin sa labas.


"Ay sorry, pasok ka." Bigla namang bumalik ang isipan ko sa totoong mundo at pinapasok na siya sa loob.


"Let's eat. Tikman mo yung niluto ko!" She excitedly said kaya naman pumunta na ako sa dining area para maghanda ng pagkakainan.


"Ano ba yung niluto mo?" Pagtatanong ko naman habang kumukuha ng plato, at siya naman nakaupo na sa dining area.


"Secret, bilisan mo nalang dyan para matikman mo na." She replied.


"Ay teka, talikod ka muna habang pineprepare ko para surprise." She said nang makaupo na ako. Ang kulit e HAHAHAHA ano bang trip neto? Pero bahala na nga, sasakyan ko nalang muna.


"Amorelle, papakainin mo na ba ako o gugutumin lang lalo?" I said habang nakatalikod pa rin nang makalipas ang dalawang minuto na halos. Sorry naman, gutom lang.


"Masyado ka namang excited. O sige go, kakain na!" She said excitedly kaya naexcite na rin ako sa sobrang gutom.


Pagkaharap ko ay bigla namang bumungad sakin ang inihanda niya.


Hindi ko alam kung matatawa ako or matatouch ako pero I felt the need to capture the moment. To capture the food, specifically.



"Thank you." Pagpapasalamat ko sa kanya sa unang pagsubo ko ng pancit canton.


Hindi pa rin siya kumakain dahil pinagmamasdan niya lang ako.


Pinipigilan kong matawa dahil baka isipin niya hindi ko siya naaappreciate pero wala na, natawa na ako HAHAHAHAHAHAHA.


Kung makapagsabi ng "i cooked for you." Akala ko adobo o kahit anong main dish HAHAHAHAH hindi ko na kinakaya 'to si Amorelle. Natural sabaw, este comedian.


"Okay sige, ayaw mo ata. Akin na yan." Pagbawi naman niya sa plato na kinakainan ko dahil natatawa ako habang kumakain.


"Masarap nga." I said habang tumatawa pa rin.


"Bakit ka natatawa?" She asked seriously.


"E kasi kanina nung sinabi mong you cooked for me akala ko adobo o kahit anong lutong nanay food HAHAHAHA." I answered.


"Excuse me, specialty ko yan. If I know madaming magkakandarapa para lang matikman yan." She said pero pati siya natawa na rin.


"You know what, seriously, thank you. Comfort food ko rin 'to and I've been craving pancit canton with egg since last month. Oh tingnan mo may bonus pa na hotdog!" Pagpapasalamat ko naman habang kumakain pa rin.


Hindi na umimik pa si Eris at pinagmasdan nalang ako na kumain hanggang sa matapos ko yung nasa isang plato na inihanda niya.


Nang matapos kumain, tumayo naman ako para hugasan na rin yung pinagkainan ko.


Habang naghuhugas, I knew for sure it was Eris who hugged me from behind. I didn't say a word but I just smiled.


I don't know how she does it but everytime I feel her presence, I feel nothing but peace. Para bang ayoko nang umalis kasi eto na, eto na yung pahinga ko matapos ang sumabak sa isang magulong mundo.


I want to deny it to myself again but sinong niloko ko? I like having her around.


Ilang sandali pa ay nagsimula na kaming magkwentuhan ulit. Ang dami ko nanamang nalaman tungkol sa kanya at siya sakin. I just love how open we are to each other.


"Hala sizzy, 12 midnight na. Uwi na ako para makapahinga ka na rin." Pagpapaalam naman ni Eris.


"Hatid na kita."


"No, kaya ko na. 15 minutes lakad lang naman nasa apartment na rin ako."


"Gabi na kasi, hindi naman magandang pabayaan kita na mag isang mag lakad."


"Okay lang promise. I'll text you kapag nakauwi na ako."


"Just stay. Sleep here tonight."


What? Ako ba yung nagsabi non o pinangunahan ako ng konsensya kong hindi muna nag iisip bago may gawin? Gago.


"Okay lang?"


"Yes!"


WHAT?  TANGINANG YAN SIGURADONG SIGURADO AH? ANG BILIS! UGHHH! TANGINANG UTAK NAUUNAHAN PA AKONG MAGDESISYON PARA SA SARILI KO.


Pumayag naman si Eris pero minessage niya rin muna ang mga kaibigang sa apartment nila magpapalipas ng gabi.


At dahil mukhang parehas naman na kaming pagod, I decided na ayain na siya sa kwarto. Sa sofa nalang sana ako matutulog pero hindi rin siya pumayag dahil kwarto ko daw yon at hindi kanya.


She said it's better kung tabi nalang kami para tapos ang usapan. I agreed nalang din kasi hindi talaga nagpapatalo 'to.


Dahil sobrang biglaan, iisang kumot lang ang ginagamit ni Eris kaya kahit gustuhin kong dumistansya para bigyan siya ng mas malaking space ay hindi ko magawa dahil mawawalan naman ako ng kumot. Ang lamig kaya.


Nag adjust kaming dalawa papunta sa gitna ng kama para magkasya kami sa kumot at nang magkadikit ang mga kamay namin, para bang may magnet. Automatic hinawakan namin ang kamay ng isa't isa.


Eris rubbed my hand that she's holding with her thumb. Then, from facing the ceiling, she adjusted her position to move sidewards and looked at me.


Jusko Lord, I know she's staring anong gagawin ko po? Help me!


Eris reached my face and turned it lightly to face her direction.


Sinenyasan naman niya ako na baka daw pwedeng humarap ako sa kanya. Hindi na rin ako nakatanggi at humarap naman ako.


Her face, it's so close to me now. And, I can't help but to look at her lips. It's naturally pink kahit walang lipstick. It also looks so soft, I really wonder what it feels like to kiss it.


PUTANGINA? ANO NANAMAN YUNG NAIISIP KONG 'TO.


At dahil sinapain ng konsensya ay ibinaling ko nalang ang tingin ko sa mga mata niya.


Napatawa naman ito dahil siguro napansin niyang medyo nabobother ako sa sobrang lapit mg mukha naming dalawa.


"Kaya pa? Okay lang naman ikiss." Eris said.


"Matulog nalang tayo."


"Eto naman, ikaw na nga yung pinagbibigyan. Charot!"


"Hay nako. Tutulog na ako ah." I said and closed my eyes.


"Adi?"


"Hmm?"


"About Paskuhan, are you happy na finally, you'll be able to experience it?"


"Very happy. I've been dreaming to experience it ever since dito na ako sa Manila nag aral. But, I guess ito palang yung right time kaya ngayon lang napagbigyan ng universe."


"I'm happy that you're happy."


"Thank you."


Nanatiling tahimik ang paligid nang magsabi ako ng thank you. Pero, bigla nalang hinawakan ni Eris ang kaliwang pisngi ko.


"Adi? Gising ka pa ba?"


"Hindi na."


"Tangina talaga neto."


"HAHAHAHAHA ano ba kasi yon?"


"I'm a bad singer, a not so good dancer, and definitely not rich enough to take you to concerts-"


"Pero, handa akong magkanda piyok at tapilok on that day habang sumasabay sa mga banda. Just say that you'll enjoy it too. You'll enjoy it too with me."


"Be my date, my Adi."

Comment