Part 14: Gab and Adi II

FLASHBACK
SATURDAY; NOVEMBER 10; 9:30 AM


ADI'S POV











About the student who got pregnant, I consistently tell my friends to not even think about knowing who she is. Siguro para irespeto na rin yung privacy niya para hindi na kumalat pa yung issue. And knowing my friends, alam ko namang hindi nila ieexpose yung mga ganitong bagay.


I do hope whoever that student is, sana hindi niya hayaang tumigil yung buhay niya dahil lang sa isang pagkakamali.


Sana rin lawakan pa ng family niya yung pang unawa nila and eventually forgive her for what she did. Kasi kahit naman pagbali baliktarin ang mundo, sila at sila pa rin yung magdadamayan. Pamilya e.


—————


Gab said earlier na may kailangan daw kaming lakarin for the event. E hindi naman sinabi kung saan and what time parang tanga lang.


I decided na mag review muna just in case may pa surprise quiz si Dra. Mercado sa monday. Ganon naman yon lagi e, kung kailan merong midterms, finals o kahit anong major exams, saka sisingit HAHAHAHA.


Habang nasa kalagitnaan ng pagrereview, bigla namang umilaw at nagvibrate ang phone ko kaya naman chineck ko rin muna kasi baka emergency pala.


Well, hindi pala. Eto nanaman si mokong na sobrang  di ko na magets minsan.



Talagang hindi siya papayag na hindi ako lalabas edi go lumabas nga ako.


Nang buksan ko naman yung pintuan I saw him standing beside his car.


"Tara na." Gab said nang makalabas na ako.


"Sana man lang sinabi mo yung time kung kailan tayo aalis diba? Hindi yung iniwan mo nanaman akong nanghuhula kung anong gagawin." I said seriously kasi lagi nalang siyang ganyan. Kung ano yung gusto niya yun yung masusunod. Tapos minsan bigla siyang andyan, minsan biglang wala. Napaka gulo.


Ang sakin lang naman ngayon, ang hirap naman na pagmamadaliin niya akong magbihis kasi andito na siya.


"Hindi pa ako naliligo." I said habang nakakunot ang noo ko.


"I'll wait. Pwede naman din sigurong pumasok sa loob diba?" He said.


"WAIT?" Big word. Pag usapan kaya natin yan minsan hehe, charot.


"Be sure na kaya mong maghintay. Matagal akong maligo." I said.


"Kaya ko." He said and smiled


Pinapasok ko naman siya sa loob at nagsimula na ring gumayak.


"Gab! Saan nga ulit tayo pupunta?" I asked habang namimili ng susuotin sa kwarto nang makatapos akong maligo. I'm sure naman na narinig ako ni Gab kahit nasa sofa siya at ako naman nasa second floor kasi maliit lang yung apartment. Idagdag niyo pa yung nakabukas naman yung pinto ng kwarto ko.


"Malalaman mo mamaya." He answered.


"Paano ko malalaman kung appropriate ba yung suot ko kung hindi ko naman alam kung saan tayo pupunta? Pati kung anong gagawin natin?" I said.


Hindi naman sumagot si Gab makalipas ang ilang segundo at dahil sa pagka inis ay tinanong ko siya ulit.


"Gab! Saan nga kasi? Magtatagal tayo dito." I shouted.


Bigla naman akong nagulat kasi nakatayo na pala siya sa labas ng kwarto ko.


"Kahit ano namang suotin mo sobrang ganda mo na Adi." He said while smiling.


"Ulol. And hindi naman yon about sa kung magiging maganda ba ako. It's about the place. Kung simbahan pupuntahan natin tapos naka maikli lang ako hindi ba parang nakakabastos naman dun sa lugar?" I replied.


"Ikaw ha iniisip mong dadalhin kita sa simbahan. Don't worry dadating din tayo dyan." Pagbibiro naman neto.


Nginitian ko nalang siya sabay sarado ng pinto sa pagka irita. Hindi naman ako nakikipag biruan, ugh! Sayang yung oras, tanghali na!


Kumatok naman ito at sinabing, "just wear anything you're comfortable with."


I know Gab said wear anything I'm comfortable with pero just in case formal yung lugar, nag dress nalang ako but walang heels yung shoes para kahit yung paa man lang komportable.


Nang makabihis, mula sa pagbaba ko ng hagdanan hanggang sa makarating sa kinakatayuan ni Gab sa gilid ng sofa, he kept staring at me.


"Bakit? Kailangan ko bang magpalit?" I asked calmly kasi baka hindi nga appropriate para sa pupuntahan.


"No need. You just look-" He said.


"Look?" I asked.


"Perfect." Then, he smiled.


"Sana ganyan nalang din yung score ko sa finals next week diba." Pagbibiro ko naman sa kanya kasi ayoko talaga ng cinocomplement ako. Nakakahiya kasi kahit sino pang magsabi, hindi naman ako perfect. I'm just Adi.


Napatawa naman ito at hindi na rin nagtagal na umalis na kami.


"So, where are we going?" I asked again while he's driving.


"Kulit. Don't you trust me enough?" Gab replied.


"Hindi naman, para lang mainform ko sina mama kasi baka ivideo call ako mamaya tapos makita nila na kung saan saan nanaman ako nagsususuot." I said and laughed a little.


"Malamang natawagan ko na sila para ipagpaalam ka. Mas favorite ata nila ako kaysa sayo kaya pumayag na rin agad." Gab said and laughed a little as well.


"Basta Adi, trust me. Hindi naman kita dadalhin sa ikakapahamak mo. Okay?" He said as he placed his hand on my lap.


"Okay." I said and tapped his hands as a sign that I agreed.


Lumampas ang mahigit isang oras at hindi pa rin kami nakakarating ni Gab sa kung saang lupalop man niya ako dadalhin. Hindi ko na rin napansin pero inantok ako ng paunti unti.


"Sige lang, Adi. Pahinga ka muna dyan, gisingin nalang kita kapag nakarating na tayo." Gab said kasi siguro napansin niyang papikit pikit na ako.


Tinanguan ko nalang siya at inayos ang pwesto ng pag upo ko para komportable pa rin kahit na makatulog ako ng tuluyan.


—————


"Adi, andito na tayo." Dahan dahang pagtapik naman ni Gab sa hita ko kaya nagising na rin ako.


"Asan tayo? Anong oras na?" I asked.


"It's 2:15pm. Bataan." Gab answered.


"BATAAN?" Laking gulat ko naman dahil napakalayo na nito sa apartment para makauwi pa kami mamaya ng maaga.


"Wala na andito na tayo." Sabi naman ni Gab habang palabas siya ng sasakyan.


Asar na asar ako dahil hindi man lang niya ako tinanong kung okay lang ba sakin na ganito kalayo! Pero ano bang magagawa ko andito nalang din naman pero, ugh!


Kinatok naman ako ni Gab dahil naiwan akong nasa loob ng sasakyan.


"Bwisit ka talaga, Gab. Last na talaga 'to." Sabi ko naman habang bumababa ng sasakyan. Lalo pa akong naasar nang makitang natatawa siya.


"Sige na tara na wag nang mainis ang baby na yan. Ang cute mo pag naiinis, Adi." Asar naman ulit nito.


Nauna na itong maglakad papasok sa parang resort ata 'to. Pura kulay green kasi tapos naririnig ko rin yung alon ng dagat.


Sumunod na ako kay Gab at habang lumalapit sa entrance ay unti unting nagsisink in kung saan niya ako dinala.


"Oh come on! Golf? Bataan? Bukod sa meron namang malapit satin sa Manila, hindi pa ako nakapag dala ng pang golf!" I said nang pasigaw dahil medyo malayo ang distansya namin ni Gab dahil nga nauna siya ng konti na maglakad.


Patuloy ko lang siyang tinatawag pero hindi siya lumilingon. Nang iinis talaga e.


Nang makarating sa entrance ay nakita kong inapiran niya ang isang lalake na nakabihis ng pang golf. Mukha siyang mayaman.


"Adi! This is Justin Nariyoshi. Justin, Adiel Eadrianne Gutierrez." Pagpapakilala naman sakin ni Gab nang makalapit ako sa kanilang dalawa nung Justin.


"Hello, Adi nalang." I smiled and initiated a hand shake between us.


"Oh, so you're Adi. Gab has said a lot about you." Justin said as we shaked hands.


"Good ba or bad?" Pagbibiro ko naman.


"Believe me, never nagka bad." He said and we both laughed.


"So, Adi. Si Justin nga pala yung anak nung may ari ng lugar na 'to. You can see him always dressed like that kapag nandito siya kasi favorite sport niya ang golf." Gab said.


"Oh wow, Justin! Pwede ba kitang kunin na ninong?" Pagbibiro ko naman at napatawa silang dalawa ni Gab.


"But seriously, it's a pleasure to meet you. Sana makabalik pa ako dito na tama yung suot diba para naman makapag laro rin ako ng golf." I said and looked at Gab para alam niyang pinaparinggan ko siya.


"Yun lang ba? Hindi problema yan." Justin said at pinatawag naman yung lalake na nakaupo doon sa gilid. May binulong ito dito na syempre naman hindi namin narinig.


"Problem solved! Nagpapakuha na ako dun sa bata ko ng masusuot niyo ni Gab. Gift ko na rin kasi nag abala pa kayong bisitahin ako dito." Justin said and smiled.


"Hala Justin, okay lang talaga kami. Pwede namang next time nalang. Nagastusan ka pa tuloy." I said dahil nakakahiya naman na masyado.


"Nako bro, hindi mo na kailangang mag abala pero thank you ah." Gab said and the two high fived.


Hindi nagtagal ay dumating na yung mga damit kaya nagbihis na rin kami ni Gab.


Nang makabihis naman ay nagsimula na kaming maglaro. Syempre, dahil bwisit si Gab, I was very determined in beating him today.


Habang naglalaro puro nalang din kami tawanan at asaran kung sino ang mas magaling.


Nang medyo nakaramdam ng pagod ay tumayo muna kami sa isang tabi at lumapit naman samin si Justin.


"Ang saya niyong tingnan. Yung mga ganitong moment hindi dapat pinapalampas. Gab, pahiram ako ng phone picturan ko kayo!" Justin said.


Hindi naman na ako tumanggi pa dahil kailangan ko rin ng pruweba kayna mama na si Gab nga ang kasama ko at hindi iba. Kasi kung iba, tiyak na magagalit nanaman sila sakin.


And besides kahit na bwisit siya, I enjoyed playing golf with him today.


Namiss ko rin siguro 'to. Dati kasi nung kami pa, every month hindi kami pumapalya na maglaro kahit pa gaano kami kabusy kahit isang beses lang.


"Ang arte mo, bro." Pagbibiro naman ni Justin nang ipakita kay Gab ang kinuhang litrato.


"Actually, hindi lang ako. Kaming dalawa. Masyadong pacandid e HAHAHAHAHA!" Pang aasar naman ni Gab kaya nahampas ko siya sa braso.


Lumipas ang ilang minuto at bumalik na kami sa paglalaro. Nang makailang try ay naisip kong itanong kay Gab kung bakit instead of magpractice ay dinala niya ako dito.


Knowing his dad, ayaw nun ng patae tae kapag binigyan niya ng task.


"Gab, why are we here? Hindi ba dapat nagpeprepare na tayo for the event considering na it's in 2 weeks." I asked


"Have you heard? Cancelled daw ang paskuhan?" Gab asked back.


"Yes, but Gab naman e, wag mong ibahin yung usapan." I said.


"Hindi ba ang tagal mo nang gustong maexperience yon?" Gab asked again.


Naiinis nanaman ako kasi iniiba niya yung usapan pero sasakyan ko nalang muna.


"Oo, I never attended a single one. Laging busy." I replied.


Tuwing magpapaskuhan sa UST, laging natatiming na nakaduty ako or may trabaho.


Kapag kasi may time pa ako sinisingit ko talaga yung mga raket para makatulong kayna inay/mama. Minsan namimili ako sa divi at inuuwi ko naman para ibenta sa Batangas. O kaya naman nagaapply ako as nurse para mapractice ko rin at mapakinabangan yung mga pinag aralan ko since pre med.


Hindi naman kasi ako mayaman para magpasarap nalang. Kaya lang din naman ako nag aaral dito sa UST dahil sa scholarship na nakuha ko kay tito, yung papa ni Gab na isa ring investor ng school.


Yung about sa scholarship, hindi ko naman nakuha yon dahil naging kami ni Gab. I still took exams dahil requirement din yon ng UST. But, it was all because of tito kaya nakakuha ako nun dahil sobrang pili lang yung mga nabibigyan ng chance na makapag take ng exam.


"About the event din natin, it's cancelled." Gab said.


"ANO?!" Napasigaw naman ako dahil sa gulat. Bukod sa sayang yung mga nagastos na, nakakahiya rin kasi dun sa mga naabala. Sa mga banda na tinawagan, members ng UP, at pati na rin kayna Eris.


"Kalma." He said calmly din.


"Anong kumalma? Ang daming masasayang!" I replied.


"Walang masasayang. We will move it to December 8." He said.


"Hindi ko gets." Bigla nalang akong naguluhan kung cancelled o moved. And kung moved, why?


He just stared and smiled at me habang ako naman gulong gulo pa rin.


"Gab sabihin mo na bago pa ako mabadtrip talaga." I said calmly pero nakakunot pa rin yung noo ko. Kung hindi kasi tuloy, kailangan ko nang maghanap ulit ng raket. Sayang yung oras, sayang yung pwedeng kitain.


Habang gulong gulo yung isipan ko ay bigla namang humarap sakin si Gab.


He's still smiling and then he held both my hands. Ano nanamang pakulo 'to?


"Adi, will you be my Paskuhan date?" He asked.


"Hindi nga tuloy diba?" I said.


"I decided and dad agreed to postpone the event to move it to a later date. Para yon makapag invite pa tayo ng mas maraming bands at mas malaking tech team." He said.


Gulong gulo pa rin ako kasi bakit? Paano? Mashoshort na kami sa budget. Para naman kasi yung event mainly sa pagtulong sa charities and not for entertainment purposes alone.


"I invited more bands and even individual artists." He added.


"Cancelled ang UST Paskuhan? Walang problema. I'll bring Paskuhan to you."

Comment