TWELVE

Game

Monday, today is the day, our tournament. Vigrasc ang napili ng administration kung saan ihe-held ang laro namin. May sariling soccer field ang Vigrasc sa labas ng campus, iba naman 'yung field sa loob.

Limang araw gaganapin ang larong 'to at excuse na kaming lahat sa mga klase namin, Xinly Academy ang unang makakalaban hindi sila kasing higpit ng Cyrus pagdating sa style sa laro kaya masasabi kong maaga matatapos ang laro namin sa kanila mamaya.

“It's my time to shine na ba ito?” Si Icee, nag unat-unat ito habang nakangiting nakatingin sa ibang manlalaro. “Straight ka hindi ba Ice?” Tanong ni Fin, napalingon naman sa kaniya si Icee.

“Ay outdated ka Fin.” Naguguluhan naman nakatingin ang isa sa kaniya.

“Huh?”

“Dati 'yun straight ako, ngayon hindi na.” Malokong sabi ni Icee, pareho pala sila ni Lex. Wala naman akong narinig na violent reaction sa iba naming kakampi dahil katulad ni Helian ay hyper din si Icee at laging nagbibiro tuwing nakakasama namin siya, wala talagang maipipintas sa kaniya.

“Sino nag bend sa'yo Ice?" Sabat ni Helian na nasa gilid ko.

“Secret!” Lumawak ang ngiti nito at isa-isa kaming tinignan, masasabi kong para siyang araw na nagbibigay liwanag tuwing ngingiti siya.

“Parang kilala ko kung sino 'yan.” Pasaring ni Kaley sabay tingin kay Don na kausap si Coach at isang staff. Nagkatinginan naman kami ni Helian dahil doon, hindi naman sa tsismosa ako pero napansin ko nga noong nakaraan kung paano hilahin ni Icee si Don.

“Whoah! Alam na dis!” Panggatong ni Lex, namumula ang mukha ni Icee ngayon dahil panay na ang tukso sa kaniya ni Lex at Fin. Samantalang masamang nakatingin ang isa kay Kaley na ngayo'y tumatawa.

“Tangina mo talaga Kaley!” Babatukan na niya sana si Kaley pero mabilis itong nakalayo.

“Kayo na ba?” Tanong ni Helian.

“Hindi pa, hoy! Huwag niyong ipagkalat ha!” Sabay-sabay naman silang tumango.

“Support kami sainyo!” Sinugod naman ni Helian ng yakap si Icee na kaagad din naman tinugunan noong isa. Napansin ko naman ang tingin na ipinupukol ni Fin kay Helian na ipinagtaka ko, wala 'yung bahid na inis.

May something yata 'to kay Helian, ano kayang hangin ang nalanghap niya? Napansin ko rin na hindi na 'to masamang nakatingin saakin lagi pero kapag nagtatama ang tingin namin ay nandoon pa rin ang irap.

“Huwag na tumingin sa iba, may Don ka na!” Sita sa kaniya ni Helian sabay batok dito.

“Ang ingay niyo, tinatawag na tayo ni Coach!”

Sinipa ni Icee ang bola patungo sa direksyon ko, palinga-linga ako sa paligid para maghanap ng space kung saan at kailan ko ipapasa ang bola. Itunuro ko naman kay Kaley ang space na nahanap ko at sinipa sa kaniya ang bola dahil siya ang mas malapit doon.

Nakakalamang kami sa Xinly na 3-1 nagkatinginan naman kami ni number 9 dahil siya ang nagbabantay saakin.

“Hi, Santine,” Nakangiting bati saakin ni Zara, kilala namin ang isat-isa sa loob ng field.

“Ang ganda mo.” Dagdag niya, walang gana ko siyang tinapunan ng tingin.

“Bakla ka ba Zara?”

“Oo, sa'yo.” Tugon niya sabay kindat, hindi na bago saakin ang mga banat nito kahit noon pa man ay bumabanat na talaga siya kapag magkaharap kami.

“Hoy! Zara, ang landi mo! Bantayan mo 'yan ng mabuti!” Sigaw ng kakampi niyang dumaan sa gilid namin.

Tumakbo ako patungo kay Icee at sinalo ang bolang ipinasa niya saakin, panay pa rin ang sunod saakin ni Zara at sinusubukan niyang agawin ang bola pero hindi ko siya hahayaan. Nginitian ko siya na bigla niyang ikinatigil sa pagtakbo kaya kinuha ko ang pagkakataon na 'yun para sipain ang bola ng may pwersa patungo sa goal.

Rinig ko ang sigaw ni Helian at Icee nang pumasok ang bola, hinihingal akong pinunasan ang pawis ko sa noo at itinukod ang magkabilang kamay sa tuhod.

“That was unfair! Pero dahil malakas ka saakin ay ayos lang na matalo kami, manunuod ako sa next game niyo.” Nilingon ko siya, naka-thumb ups ito saakin.

“Thanks,”

“Animal ka talaga Zara! Lagot na naman tayo kay Coach mamaya!” Sigaw ni number 10, tumakbo siya patungo sa direksyon namin at biglang binatukan si Zara, sila 'yung team na happy go lucky lang. Competitive pero mas pinipili nilang i-enjoy ang laro, nag i-enjoy din naman kami pero iba 'yung sa kanila. Wala silang strategy at naka-base lang sa pakiramdam ang play nila which make them unique.

“Congratulations, sainyo!” Ibinaling naman saakin ni Quin ang tingin, ang naiirita niyong expression kanina ay napalitan ng ngiti, sa totoo lang mas pinipili kong tawagin sila sa jersey number dahil mas madaling matandaan.

Naglakad na ako patungo sa bench pagkatapos namin makipagkamay sa Xinly, kaagad ko naman nakita si Radj na kumakaway sa amin wala ba silang pasok?

“You're amazing!” Nakangiting bungad niya sabay inabot ang tumbler ko, napansin ko ang kamerang hawak nito.

“Kinausap ko si Pau, ako ang kukuha ng pictures ngayon.” That make sense, nasa journalism si Paul.

“Babe, 'yung face towel ko.” Nakasimangot na sabi ni Helian na ikinatawa ni Radj.

“Pawisan ako kaya huwag mo muna akong hawakan babe,” Kontra ni Helian nang hawakan ni Radj ang buhok niya.

“So? Mamaya kapag hindi ka na pawisan ay magpapahawak ka?” Sabat ni Fin sabay tinunga ang tumbler nito.

“Tangina? Ano na naman bang problema mo Galvan!”

“Tsk!”

Tanghali na, ibang team ngayon ang naglalaro at bukas pa ang next game namin. Napagdisyonan namin na kumain muna sa loob ng campus, doon din sa cafeteria kumakain ang ibang manlalaro, ang Vigrasc mismo ang nag offer na walang bayad ang pagkain namin.

Pinagdikit namin ang mesa dahil anim kaming lahat na uupo, hindi na sumabay sa amin ang iba naming kakampi dahil may kasabay na silang kumain sa kabilang table, katulad ni Fin ngayon na kasabay si Yisen na hindi nalalayo sa pwesto namin.

“Ang burara mong kumain Lex, mabuti hindi ka inayawan ng jowa mo 'te!” Komento ni Helian.

Nilunok muna ni Lex ang kinakain bago hinarap si Helian. “Iyang bunganga mo Helian, pasmado minsan!” Itinapon niya kay Helian ang tisyung hawak.

“Kadiri!”

“Mag pinsan kayo nito Santine, hindi ba?” Tanong ni Icee na ikinalingon ko sa kaniya, nakaturo siya kay Kaley. Tumango ako bilang sagot.

“Iisang dugo lang pala ang nananalaytay sainyo pero bakit ang pangit ni Kaley?” Ngumiwi si Kaley sa sinabi ni Icee.

“Wow ha! Maganda ka 'te?” Mataray nitong sabi. Hindi kami close ni Kaley pero kapag may pagkakataon katulad nito ay nakakausap ko siya.

“Tingin ka sa alindog ko Vargas!” She said while flipping her hair.

“Hoy! Ang ingay niyo, may kasama kayong lalaki.” Sabay kaming napatingin sa kaniya, si Paul na may bitbit na upuan at inilagay 'yun sa tabi ko. “Rinig na rinig ko kayo sa kabilang table,” Aniya sabay tingin sa pwesto nila Yisen, doon ba siya nakaupo kanina? Hindi ko siya napansin.

“Mahiya kayo sa pinsan ko girls, ang gwapo niyan tapos gaganyanin niyo lang?” Naupo na siya sa tabi ko.

Kaagad ko iniwas ang tingin kay Yisen. Hindi na ulit kami nag-usap pagkatapos noong nangyare sa kwarto ko dahil bumalik na ito sa kanila noong nakauwi si tito.

“Babe, say ahh.” Si Helian, kaagad naman sinunod ni Radj ang sinabi nito ng makitang isusubo sa kaniya ang taco.

“Ang landi,” Komento ni Paul.

“Anong malandi doon Paulo? Inggit ka lang e, wala ka kasing best friend!”

“Gaga! May best friend ako! Nandito siya oh!” Itinuro ako ni Paul.

Magsasalita pa sana si Helian pero kaagad isinubo ni Radj ang burger sa bunganga niya, sinamaan siya ni Helian ng tingin.

Kung ano-ano pa ang pinag-uusapan ni Helian at Radj, samantalang na sa kanila Icee ang atensyon ni Paul, nagtatanong tungkol sa naging laro namin. Naging mas ma-ingay ang mesa namin dahil na rin sa asaran nila, nakikisali naman ako kapag nagtatanong sila saakin o hinihingi ang opinion ko sa isang bagay. Sanay na silang tahimik ako most of the time at wala naman silang problema doon.

Naka-dalawang laro kami ngayong araw at lahat nang 'yun ay panalo, nag desisyon kami ni Helian at Radj na manuod muna sandali dahil Cyrus at Winsly ang nasa loob ng field. Lamang ang Cyrus ng isang puntos 3-2, depensa ang specialty ng Winsly pagdating sa laro habang ang Cyrus naman ay umatake, kaya maganda ang combination ng dalawang team.

Sino kaya ang mananalo? Hindi nila hinahayaan ang Cyrus na gawin ang planong palabasin ang ace player ng Winsly. Iniinis nila 'to sa loob ng field, sanay na rin sila sa Cyrus.

“Ang ganda sana ni Louisse, kontrabida lang!” Komento ni Helian, naagaw niya ang bola kay number 4.

“She is looking at you Jai,”

“Trip mo ba si Louisse, Ner?” Biglang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

“No, but i enjoy pissing her off.”

“Why?” Tanong ni Radj.

“Out of boredom,” Walang ganang tugon ko sabay humalukipkip.

“After all, i can also do things when I'm bored.” Kibit-balikat na sabi ni Helian.

“That so you,” Nag-usap pa sila habang nasa laro ang atensyon ko, malapit ng matapos ang laro 15 minutes na lang ang natitira at nakakalamang pa rin ang Cyrus.

“Oh! May lamok pala dito,” Boses 'yun ni Fin, ibinaling ko naman sa kaniya ang tingin pero kaagad nagtama ang tingin namin ni Yisen, naka-akbay sa kaniya si Gen.

“Hi, satanas!” May diin na sabi ni Helian.

“Bunganga mo babe,” Sita ni Radj.

“Makinig ka sa boyfriend mo, Gracie!” Inirapan lang siya ni Fin at hindi na sumagot.

“Sorry, i didn't watch your game, kakatapos lang din ng laro namin.” Tumabi siya saakin, ngumiti ako.

“Sorry, hindi ko rin napanuod ang laro niyo.” We're both busy, that's understandable. Kahit hindi ko na itanong kung sino ang panalo ay alam kong sila 'yun.

“Sabay ka na saakin?” Tanong niya sabay tingin kay Yisen, nasa gilid niya lang. Tinapunan ko naman ng tingin si Helian at Radj na nakatingin na rin pala saakin.

“I'm fine, kay Helian na ako sasabay.” Pagtanggi ko. Tumango lang siya, iniwas ko na ang tingin sa kanila. I stared at the field blankly, nawala na sa laro ang isip ko.

Sumabay sa amin sila Gen patungo sa parking lot dahil gusto na rin nilang umuwi, may kaniya-kaniya silang pinag-uusapan habang naglalakad kami at hindi na ako nakinig dahil wala akong interest. Nginuya ko nalang ang ibinigay saakin ni Radj na choco much.

“Santine! Uuwi ka na?” Napatigil ako sa paglalakad at tinignan siya, si Zara, kasama si Quin. “Yeah, why?”

“Come on, let's bond first and make it up to me for what you did earlier.” She said with a smile, nakita ko naman ang pasimpleng pagkurot sa kaniya ni Quin sa tagiliran.

Sandali kong nilingon sila Gen, pasimple kong binalingan si Yisen, wala itong emosyon na nakatingin saakin habang nakalukipkip. Nakuha naman kaagad ni Gen ang gusto kong sabihin at naglakad na siyang muli ayaw pa sanang sumunod ni Yisen pero tinawag siya ni Gen.

“Parang mini-murder na ako ng girlfriend ng kakambal mo kanina sa isip niya kung makatingin saakin.” Natatawang sabi ni Zara, may ibinulong sa kaniya si Quin na ikina-tikhim nito.

“Anyways, free ka next week?” Namumulang tanong niya.

“Zara, may binalak ka ba sa partner ko?” Singit ni Helian.

“She's straight,” Si Radj.

“Hoy! Ang assuming niyo! Balak kasi namin ayain si Santine sa school namin.” Depensa nito.

“Yeah, napanuod namin noong kumanta siya kasama si Paulo, and as a celebrity we want her to be a guest at the event that we organized.” Paliwanag ni Quin.

“Celebrity ka pala Ner?” Nag-kibit balikat ako.

“She is, libo-libong likes kaya meron ang fan page niya.” Nagkatinginan kami ni Helian at Radj, meron ako noon? “Ay, hindi niyo alam? Dito nga naka-post 'yung cover niyo ni Paulo na kanta.” Lumapit saakin si Quin at kinulikot ang hawak niyang cellphone. Hindi ako mahilig sa social media pero meron akong Instagram ni wala ni isang post pero madaming followers.

“See? Puro nga stolen shots mo e,”

“Sa tingin ko kilala may hawak niyan.” Sabi ni Helian na nakatingin na rin ngayon sa cellphone ni Quin.

“Sige, pag-isipan ko muna.”

“Ibigay ko number ko para i-text mo na lang kami, of course everything has a price, right? Just say what you want Santine, kung kailan mo kailangan.” Ngumiti siya saakin.

“I am ready to serve you for life,” Zara said mischievously with a wink.

“Manahimik ka Zar, baka mamaya hindi pa tanggapin ni Santine dahil sa kalandian mo!”

“Dadaan ka muna sa amin Reyes,” Sabat ni Helian.

“Sige daanan ko lang kayo total kay Santine din naman ang punta ko.” Kumunot ang noo ni Helian na ikina-ngisi ni Zara.

“Aba't!”

“I can't blame her, you're gorgeous.” Tinapunan ko siya ng tingin. I almost forgot, he has feelings for me even though i tried to avoid hurting him, i can't control everything.

Nagpaalam si Radj na may pupuntahan pa siya kaya humiwalay na kami ni Helian sa kaniya para tumungo sa parking lot.

“What the fuck?” Bigla niyang bulalas kaagad ko naman sinundan ng tingin ang tinitignan nito.

It's Yisen, nakahalukipkip na nakasandal sa kotse niya. Ano pang ginagawa niya dito? Akala ko ihinatid na 'to ni Gen sa kanila. Nakatingin na 'to sa amin nang mapansin kaming naglalakad patungo sa kotse ni Helian na nasa harap niya lang.

Iniwas ko na ang tingin sa kaniya at akmang bubuksan na ang pinto ng passenger seat nang bigla siyang magsasalita.

“Can we talk?”

“Hindi ka niya gustong maka-usap!” Si Helian na ang sumagot.

“Sure,” Aniya, bigla naman siyang naglakad papalapit sa pwesto ko. I was a little surprised when she suddenly grabbed my arm.

“Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Alam ba 'to ni Gen?” Kontra ni Helian nang pumagitna siya sa amin ni Yisen sabay pilit na inalis ang kamay nitong nakahawak saakin.

“I just want to talk to her,” Pabulong nitong sabi.

“About what?!” Tila natigilan ito sa tanong ni Helian, siya na ang kusang bumitaw sa pagkakahawak saakin. Napansin ko ang pag bagsak ng balikat nito sabay humakbang siya paatras.

Tama 'yan, humakbang ka lang.

She's acting out of her character right now, hindi ko siya matansiya she's like playing push and pull with me. One moment, she's nice tapos itutulak na naman ako palayo kapag nagiging mabait ako sa kaniya.

“Wala kang maisagot hindi ba? Make up your mind!” Helian said full of disappointment, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa ginawa niya. Hinanap ko ang tamang emosyon sa loob ko na dapat ipakita sa kaniya, na dapat maramdaman.

Compassion, is that even the right word? Why should i feel sorry for him? Dapat ko bang kausapin to?

Bakit nga niya ba ako gustong maka-usap!

“Hel,” I gave Helian an apologetic look, nakuha naman kaagad nito ang gusto kong sabihin.

“Anong gusto mong pag-usapan natin?” Nag angat siya ng tingin. Her eyes have a hint of sadness na hindi ko alam kung saan nag mula.

“Mag-usap tayo pagkatapos ng tournament niyo, just the two of us? About us.” The two of us? Parang may nakakalimutan yata siya sa parte na about us.

“You almost forgot, there's no us, Brisse.” Ang umaasang tingin nito kanina ay biglang nawala.

Comment