ELEVEN

Cold like me

Let me love you, and i will love you until you learn to love yourself.

Sinipa ko patungo kay Kaley ang bola nang makita kong walang nagbabantay sa kaniya, kami ang iiskor ngayon kaya todo ang atensyon ko sa bola, may posibilidad na pwedeng ma-agaw ang bola sa amin at kapag nangyare 'yun ay tatakbo na naman kami pabalik sa pwesto namin.

Kung may pagkakataon ay nagiging striker ako.

“Nice pass, Santine!” Sabi ni Don nang tumakbo siya patungo sa direksyon ko sabay tinapik ako sa balikat, sinipa ko lang naman ang bola sa hangin patungo kay Kaley. Pareho kaming defender kasama si Lex at Hera na nakatuon ang atensyon sa laro, pinunasan ko ang pawis sa noo gamit ang jersey.

Pinanuod ko kung paano gustong agawin ni number 6 ang bola kay Kaley, mga studyante sa Cyrus ang kalaban namin ngayon friendly match lang naman 'to pero pareho namin gustong manalo, mahigpit namin na kalaban ang Cyrus, sa tagal ko ng naglalaro ng soccer ay sila lang talaga ang team na ayaw tumanggap ng pagkatalo.

Marumi sila minsan maglaro, depende sa makakalaban nila.

Pinasa ni Kaley ang bola kay Fin na ititira na sana yun para maka-score kami pero kaagad siyang napigilan ni number 9, kaagad niya yun sinipa sa ka-team niyang midfielder. Kaagad kong sinenyasan si Hera na pumunta sa kanan para pigilan ang isang striker kung sa kaling sa kaniya ipapasa ang bola.

“Sharpen your senses, huwag hayaan makapasok!” Sigaw ni Don. Pilinga-linga ako sa paligid para tignan ang posisyon namin at ng kalaban, kasalukuyang tinatakbo nila ang bola patungo sa amin para maka-score pero hindi ko sila hahayaan.

Nagtama ang tingin namin ni Louisse ng makita kong na sa kaniya ang bola, nakita kong ngumisi ito at nilagpasan si Kaley na nagbabantay sa kaniya. Seryoso ko siyang tinignan dahil alam ko ang susunod niyang gagawin, ako ang punterya nito at kung makakalagpas siya sa depensa ko ay malaking bagay na 'yun sa kaniya. Hindi maganda ang laro namin noong nakaraang taon dahil napahiya ito sa ginawa ko.

Ilang beses niyang sinubukan na lumagpas saakin pero hindi niya magawa, lagi kong na aagaw sa kaniya ang bola.

Naturingan pa naman siyang team captain.

Nasa harap ko na ito ngayon at pinipilit makahanap ng butas para makalusot saakin pero hindi ko siya hahayaan, napansin kong may balak siyang ipasa sa kakampi niya ang bola pero alam kong peke lang 'yun, basang-basa ako ang galaw ni Louisse sa loob ng field. Hindi ako nagpadala sa binabalak nito at madaling na agaw sa kaniya ang bola. Ngumisi ako ng makita kong hindi maipinta ang mukha nito at mabilis na ipinasa ang bola kay Icee.

“Tsk! May araw ka rin saakin Santine!” May diin nitong sabi.

“Come on Lou, lagi mo yang sinasabi pero wala namang nangyayare.” Pang-aasar ko.

“Lou, mo mukha mo! Hindi tayo close!” Singhal niya.

“Doon din naman punta natin,” Dagdag ko pa, sumama ang tingin nito at inirapan ako. Natatawa ako sa loob ko sa ginawa ko at sinundan lang siya ng tingin na tumatakbo ngayon papunta sa kakampi niya.

“What was that?” Mapanuring tanong ni Icee na nasa tabi ko na pala.

“Inaasar ko lang,”

“Marunong ka na pa lang mang-asar ngayon Santine? Ikaw ba talaga 'yan?” I rolled my eyes. “Be careful though,” Dagdag pa nito.

“Bakit?”

“Tingin ka sa kanan mo,” Kaagad ko naman sinunod ang sinabi niya, nagtama ang tingin namin ni Yisen.

“Kita mo? Hindi ko alam kung anong meron sainyo pero nakatikom ang bibig ko.” Nakangiting aniya at tumakbo na pabalik sa pwesto niya kanina.

“Anong pinag-uusapan niyo?”

“Mind your own business, Fin.”

“Pareho kayong nakatingin sa direksyon ni Bri,” Hindi ko pinansin ang sinabi nito at nag jog na patungo kay Don.

Natapos ang laro na 1-0, mas lalong sumama ang tingin sa amin ng ka bilang grupo dahil panalo kami. Hindi naging madumi ang laro ngayon ng Cyrus dahil friendly match pa lang naman 'to.

“Satisfied ako sa naging laro niyo pero huwag lalaki ang ulo at mas paghusayan pa ang training!” Seryosong sabi ni Coach sabay kami isa-isang tinignan.

“Yes, Coach!” Sabay nilang sigaw, tinunga ko ang tumbler na hawak habang nakikinig sa iba pang sinasabi ni Coach.

Nagpaalam na sa amin ang Coach ng Cyrus at sila Louisse, kumaway-kaway pa si Helian sa kanila. Kukunin ko na sana ang face towel ko pero hindi ko na 'to mahagilap sa pinaglagyan ko kanina. Impossible naman na may kukuha noon dahil may pangalan ko 'yun.

“Are you looking for this?” Kaagad ko siyang binalingan ng tingin, nakalahad sa harap ko ang puting face towel na hawak niya. Pasimple pa akong napatingin sa paligid baka may masabi sila sa ginawa ni Yisen, luckily lima nalang kaming natitira sa field dahil nasa locker room na ang iba. Mukhang wala namang pakealam sa ginawa ni Yisen.

“Thanks,” Kunot-noo ko 'yung kinuha sa kaniya.

“Ay Jowa ka 'te?” Sabat ni Helian, maloko pa siyang nakatingin kay Yisen.

“Mind your own business!”

“Ay hindi pwede, business ko 'tong partner ko.” Aniya sabay akbay saakin.

“Tsk!” Walang nagawa 'yung isa at inirapan kami bago hindi makapaniwalang tumalikod sa amin.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang kinukuha ang gamit nito sa bench at naglakad na patungo sa loob ng building. Hindi ko na ma-tansya kung anong trip noon sa buhay.

“Don't let her get into you, tandaan mo kung anong ginawa niyan sa'yo Ner.” Hindi na niya kailangan pang sabihin saakin hindi ko nakakalimutan ang ginawa nito.

“Alam ko kung anong ginagawa ko Hel, don't worry.” Panigurado ko.

“Mabuting malaman!” Aniya sabay ngiti ng matamis. She really doesn't like the idea of Yisen, getting close to me.

Nagpaalam na kami ni Helian, sa iba naming teammates na naiwan sa locker room. Tahimik ang campus dahil madilim na, kung may iba pa mang studyante sa loob ay kagaya naming mga athletes at ibang member ng club.

Gulat akong napatingin kay Helian, nang bigla siyang naupo sa sahig sa corridor at maya-maya pa ay walang atubiling nahiga ginawa pang unan ang bag niya. Inilibot ko ang tingin sa paligid there are a few other students who are looking at us strangely.

“Pagod na pagod na ako Ner, pabuhat naman.” Aniya, walang gana ko siyang tinignan magkasing tangkad lang kami pero mas mabigat siya saakin, sa tingin niya talaga magagawa ko siyang buhatin.

“Come on Hel, ang dumi niyang hinihigaan mo.” Bumusangot naman siya sa sinabi ko, inilahad ko sa kaniya ang kanang kamay para makabangon na siya.

“You can rest tomorrow, wala naman tayong pasok at practice.” Sabi ko.

“Ay wala ba?” Gulat niyang tanong.

“Yes, Hel. It's Saturday.” Biglang lumiwanag ang mukha nito at isinukbit ang kaniyang braso saakin.

“Hindi mo sinabi kaagad,”

“It's not my fault that you don't have a calendar, Helianthus.”

I was currently walking towards the back of the mansion when I heard a soft laughter, patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makita ko sila ng tuluyan. It's Gen and Yisen, nasa pool si Gen habang nakaupo si Yisen sa gilid ng pool.

“Paano kung gawin ko 'to?” Natatawang sabi ni Gen nang basain niya si Yisen ng tubig galing sa pool. Natawa naman 'yung isa.

“Stop it Jax, matatapunan 'yung juice!” Ngumisi lang si Gen.

Wala akong balak na magpakita sa kanila dahil iba naman ang sadya ko dito sa likod, nahulog ang bola ko kanina sa balcony habang pinaglalaruan ko 'yun sa kamay at dito bumagsak. I know it seems stupid when it happened but it's true, hindi ko rin naman alam na nandito sila.

Inilibot ko ang tingin sa paligid dahil wala naman 'yung ibang pagbabagsakan kung hindi ay dito lang malapit sa pool. Pero bakit wala akong mahagilap na bola? Hindi naman malawak ang espasyo dito dahil hindi ito ang main na bakuran.

Ibinalik ko ang tingin sa kanilang dalawa mukhang hindi talaga nila ako napansin dahil patuloy lang sila sa kanilang asaran.

Sweet, take note the sarcasm.

Nag desisyon ako na bukas nalang ipagpatuloy ang paghahanap sa bola at naglakad na patungo sa pathway pero kaagad din akong napahinto nang makita kong nandoon ang bola malapit kay Yisen, bakit hindi ko 'yun napansin kanina.

Huminga muna ako nang malalim bago humakbang patungo sa kaniya, kumaway naman si Gen nang mapansin niya ako.

“Nakauwi ka na pala, kumain ka na ba?” Tumango lang ako at diretsyong naglakad kung na saan ang bola ko.

“I'm just here to get this,” Ani ko nang makuha ko na ang balak.

Pansin ko ang tingin ni Yisen sa gilid ng mga mata ko kaya tinapunan ko siya ng tingin. Wala itong emosyon na nakatingin saakin kaya hindi ko mabasa ang gusto niyang sabihin. Kagabi lang ay halos mag makaawa na siya na maging kaibigan ko lang?

May pa-do you hate that much pa 'tong sinabi kagabi e. Tsk.

“Join us,” Ibinalik ko ang tingin kay Gen.

“It's cold, hindi ka ba nilalamig?” Umiling-iling siya.

“Nilalamig ka na ba Hon?” Tanong nito sa girlfriend.

“Yeah, pero mas malamig ang isa diyan.” Mahinang tugon niya pero rinig ko naman.

“Ano 'yun Hon?”

“It's getting cold in here,”

“Santine, is it okay with you if you give her the towel?” Napatingin ako sa tinitignan nito kaya kuha ko na ang gusto niyang sabihin.

I carefully put the towel on her shoulder, para hindi magtama ang balat naming dalawa dahil wala itong ibang suot maliban sa two piece, it would be inappropriate in my own perspective.

“May kailangan pa kayo?” Tanong ko.

“Wala na, thank you!” Tumango lang ako.

“Wait, ayos lang ba sayo kung i-charge mo ang cellphone ko?” Tumaas ang kilay ko nang inabot niya saakin ang cellphone niya. Wala ba siyang kamay? At teka lang hindi naman nila ako katulong at bakit nga ba ako nagtanong kung may kailangan pa sila.

“Sure,” Kinuha ko na ang cellphone niya, wala akong magawa dahil nakatingin si Gen kahit gusto ko na itong supalpalin.

Naupo ako sa kama at isinaksak ang charger sa cellphone nito, kung isaksak ko kaya 'to sa baga niya? Kaagad ko naman nakita ang wallpaper nang umilaw ang screen, she's so young in this picture naka-side view ito pero kahit na ganoon ay kita ang ngiti sa mukha niya.

Sa tingin ko kaka-umpisa pa lang niya dito mag highschool, nakasuot kase ng uniform na medyo familiar saakin. I'll admit she's cute here, now she looks like a demon na kulang ng sungay.

Pinagmamasdan ko pa sandali ang picture bago tumayo at nagpadisyonan na kunin ang laptop sa loob ng bag dahil may kailangan pa akong tapusin sa isang subject namin.

I wish I was strong enough to lift not one but both of us

Some day I will be strong enough to lift not one but both of us

Tahimik akong nagtitipa sa laptop habang nakikinig ng kanta nang bigla bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si Yisen, napatigil ako sa ginagawa at pinagmamasdan siya nasa balikat pa rin ang tuwalyang inilagay ko kanina.

Walang emosyon 'tong nakatingin saakin at makalipas ang ilang sandali ay inilibot ang tingin sa kabuoan ng kwarto.

“I like it here, i will sleep here later.” I frowned at what she said.

“What are you-” Pinutol niya kaagad ang sasabihin ko. Bastos talaga.

“Sira ang shower sa guest room, and i can't be in Jax's room either.” Paliwanag niya. Tumaas ang isang kilay ko, tuluyan na siyang pumasok sa kwarto at isinara ang pinto.

Paanong hindi siya pwede sa kwarto ni Gen, boyfriend naman niya 'yun at isa pa- bigla akong natigilan sa sariling iniisip, huwag mo na 'yun isipin Santine.

Mas nakaka-stress ang babaeng 'to kaysa sa research namin, gusto ko siyang sabunutan.

“It's not my problem, get out.” Mahinahon kong sabi at itinuro ang pinto pero parang wala naman siyang narinig at naglakad lang patungo sa banyo sa kwarto ko.

Like a boss lang?

“Thanks,” Bago ko pa masabi na doon nalang siya sa baba maligo ay tuluyan na 'tong pumasok sa loob ng banyo. Napa-iling nalang ako bakit wala man lang siyang dalang pamalit? Goddamnit!

Uh, because we won't be near yet, both of us
But we still stand tall with our shoulders up

And even though we always against the odds

Paaano ako makakapag-isip nang maayos kung alam kong may naliligo sa banyo ko, take note naririnig ko pa ang tubig na umaagos mula sa shower. Pinilit kong huwag isipin at nagpatuloy na sa pag-tipa.

Nang matapos ko na ang ginagawa ay tumayo na ako at nag unat-unat. Nagtungo ako sa balcony para diligan ang succulents ko doon. One of the things i do to lighten my heart, ang ganda nilang tignan, tahimik lang.

Minsan nakikita ko nalang ang sarili ko na nakaupo lang at nakatingin sa kanila.

“You're healthy as always Gorge, keep it up.” Of course they have a name, lima lang silang inaalagaan ko. Mahilig sa halaman si Dad, sa kaniya ko 'to nakuha.

“Mas maayos pa kayong kausap kaysa sa kaniya.” Tukoy ko kay Yisen. “Ignore her presence.” Nag spray ako ng tubig sa kanila isa-isa.

Nawili ako sa ginagawa ko at nakalimutan na may kasama pala ako sa kwarto kaya medyo nagulat ako nang mag salita siya.

“If only i had known earlier that you have something like this here, it's beautiful.” Walang gana ko siyang tinapunan ng tingin, nakabalot lang 'to sa tuwalya na parang wala lang sa kaniya, ganito din ba siya sa harap ni Gen? This woman, seriously, saan niya kinukuha ang kakapalan ng mukha niya.

“Tapos ka na hindi ba? Ngayon lumabas ka na sa kwarto ko. And please, don't expose your body in front of others.” Naningkit ang mga mata niya sa narinig, nagpatuloy na ulit ako sa pag spray.

“Hey, you are the only one who saw me like this!” May halong inis niyang sabi.

Uh, i don't care.

“And don't do it again,” Sandali ko siyang pinasadahan ng tingin.

“What?”

“Exposing yourself to me, don't do it again.” Humalukipkip siya at dahan-dahan na lumapit saakin, hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba sa ginawa niya.

“Or what? You're gonna kiss me?” Nakangising aniya. Nang wala siyang makuhang tugon kaagad mula saakin ay mas lumapit pa kulang nalang magtama ang katawan namin dahil sa sobrang lapit nito, hindi ako komportable sa ginagawa niya.

She's not good for my heart.

“Keep dreaming, Brisse.” She smiled confidently.

What a flirt.

Comment