2:

andito na kami ngayon sa loob ng room, hinihintay ang first subject teacher namin. for sure, magpapakilala na naman ako, i hate self introductions. hindi naman sa ayaw ko, pero feel ko kasi may nanghuhusga sa akin everytime na magsasalita ako sa harap ng klase.




“andiyan na si mam bio!” sigaw ng isa kong kaklase bago sila nagtakbuhan pabalik sa kani-kaniyang upuan, natawa naman ako bakit yung subject ni mam ang ipinangalan niya.




since, general biology nga ang first subject namin medyo masakit siya sa ulo, char. nakaka antok lang kasi ang boring magturo ni mam, kaya buong klase ay nakatunganga lang talaga ako.





“where's KD, president?” tanong ni mam, napataas naman ang tingin ko kay mam.




who is KD?






“he's excuse mam, may training po sila sa baba.” sabi ni kirsten, tumango naman si mam. paglingon ko may bakante sa tabi ko baka dito nakaupo 'yong KD.




“mhie, dito ba nakaupo yung KD?” tanong ko kay asher, dahil siya rin ang katabi ko sa kabilang side.





“ah oo,” tapos bigla siyang tumawa na ikinataka ko, luh. baliw na ba tong kaibigan ko.




nagdaan ang ilang subjects, sakit ng ulo ko. sino bang nag ayos ng sched namin? bakit nilagay sunod sunod ang mga majors, specially yung gen math at pre cal namin. nako, nawa'y makapasa ako.




after ng morning class namin, lunch break na! pumunta na kami ni asher sa canteen at umorder ng kakainin namin. actually may isa pa akong close friend bukod kay asher, si jax, kababata ko rin kaso nasa ibang bansa sila, dun kami lumaking magkasama sa canada. bumalik lang kami dito sa pilipinas for a while dahil dito halos naka focus ang business ng parents ko, para hindi daw ako maiwan mag isa doon.





habang kumakain kami ni asher ay biglang nagkaingay dito sa canteen, pag lingon ko naman ay nakita ko yung mga varsity players kasama na yung jae nasa crush ni asher. tapos na siguro 'yung training nila, sa kabilang table lang namin ni asher sila umupo. tumingin ako sa side nila, nakita ko naman 'yung lalaki kaninang medyo familiar na nakatingin sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko.




si asher, ayun nakatingin sa jae na 'yon. saktong si jae ay lumingon din sa side namin— ah no, kay asher lang pala saka ngumiti ng matamis. nakaramdam naman ako na parang may sumisipa sa paa ko sa ilalim ng table, si asher. kinikilig ampotek, pangit mong kiligin bff.




i took a glance again dun sa lalaking familiar sakin, nakatingin pa rin siya sakin or assuming lang ako? hindi ko alam kung nanghuhusga ba or what, pero nailang ako kaya ibinaling ko sa iba ang sarili ko.




tumayo ako para sana bumili ng tubig, kaso bigla akong nahilo at na out of balance. “kielle! ayos ka lang?” humawak sa braso ko si asher para maalalayan, umayos ako ng tayo kahit medyo nagdidilim ang paningin ko.





nakabili na ko ng tubig at hinihintay nalang matapos si asher para makapasok na kami para sa afternoon classes namin, isang major lang at puro minor subjects nalang naman yon.





“huy, okay ka lang ba talaga?” tanong ni asher sa akin, tumango lang ako kahit bigla na naman kasi akong nahilo at medyo nandidilim na naman ang paningin ko.




habang naglalakad papuntang building ay nakaramdam na ko ng matinding hilo. “hoy kielle! gago, tulong!” narinig kong sigaw ni asher, bago ako nawalan ng malay.



Comment