Chapter 20

Ken's POV


"Nak, Kain ka pa.." Sabi ni mom habang lahat kami nag brebreakfast. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.


"Mom, Dad! Pasok na ako bye-"


"Wait baby brother sasabay na ako sayo!" Sabat ni ate Kaya nag paalam na kami pareho at sumakay na ng kotse.. at umalis na..


"Bibisitahin moba Yung sinasabi mong Weirdo?" Tanong niya habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe..


"Tch! Oo pupunta ako mamay-"


"Sama ako!"


"Huh? Diba may klase ka?"


"Maaga pa!"


"Tch! Fine!"


At ayun. Dumiretso kami sa ospital at tinahak namin ang kwarto ni Weirdo! Diko alam pero habang papalapit na kami sa kwarto niya, kinakabahan ako. Hindi parin talaga mawala wala sa isip ko ang nangyari kahapon. Kinakabahan ako sa mangyayari sakanya. Paano pag hindi pa siya gising? Kasalanan ko Naman e. Ako dapat Ang nag ligtas sakanya, ako Yung lalake, pero pinapanood ko lang siyang mabugbog. Nakaramdam ako ng guilt, Hindi sana mangyayari to sakanya kung tinulungan ko siya, pero anong Alam ko sa suntukan? Hindi ako magaling sa bakbakan bully oo pero bakbakan? Hindi ko Yan Kaya, pero si Weirdo? Akalain mo Yun nakaya niya Ang Lima na mag Isa lang siya kaso tumba Naman. Pero kahit ganon, bilib ako sakanya.


Ano Yung sinabi ko? Bilib ako? Tch! Nag mamagaling lang Yun!


Binuksan Kona Ang kwarto at laking gulat ko nang sumalubong sa paningin ko sila Weirdo at Paul.. Hindi gising si Weirdo at si Paul naman hinahawakan niya Ang noo ni Weirdo.. at napatigil siya sa ginagawa niya ng pumasok kami, Kaya napatayo agad siya at binati kami.


"Good morning."ngiti niya saamin.. Hindi ko alam Kung bakit ako naiinis sakanya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pag dating sakanya nakakainis sobra!


"Good morning, kamusta siya?"tanong ni ate habang nakatingin kay Weirdo..


"Ahh.. She's Fine, hinihintay nalang naming magising."sagot namn ni Paul.


Hindi pa siya nagigising?? Diko alam bigla akong kinabahan, nag aalala, at natatakot. Bakit hindi pa siya gising? Nag aalala na ako!


Walang malisya! Nag aalala lang talaga ako.


"Bili lang ako ng pagkain sa labas, pwedeng kayo muna mag bantay?" Tanong ni Paul saamin at tumango kaming dalawa ni ate sakanya at lumabas nadin siya. Tch! Mabuting lumabas ka nalang!


Lumapit si Ate Kay Weirdo at tinitigan niya Ito ng matagal! Tch! Ano namang tinititigan niya sa mukha niya? Hindi naman siya maganda e! Ay, tinitigan Kona pala siya kahapon Tch!


"Brother, She's so Gorgeous!" Namamanghang Sabi ni ate at nagulat Naman ako! Ano daw? Gorgeous? Pwe! Nakakasuka Naman!


"What?? Saang parte siya maganda?"hindi makapani walang tanong ko.


"Brother, look! Ang ganda niya konting ayos lang sakanya maganda na siya! Anong pangalan niya?" Tanong niya habang nakatingin parin Kay Weirdo.


"Jaxcel Ly Del Falco." Sagot ko.


"Eh bakit ang tawag mo sakanya Weirdo?"


"Because she's really weird! Tahimik, seryoso, blangko ang mukha, parang walang Pake alam sa mundo, parang lalake kung kumilos at manamit, laging nakatali ang buhok, at ang pangit niya!" Inis na Sabi ko at sumama Naman Ang tingin niya sakin! Bumaling nalang siya Kay Weirdo at naka ngiting pinagmasdan Ito.


"She's so gorgeous!"


"Tch!"


"Teka! Ba't nandito si Jaxpaul?" Tanong niya.


"Kilala mo siya?"


"Of course! Classmate ko siya!"


"Tch! May gusto kaba sakanya?"


"Wala. Tinatanong ko lang Kung bakit siya nandito."


"Because he's Jaxcel's boyfriend." Napatungo na Saad ko. Hindi ko alam pero parang may kumirot sa puso ko. Ano ba tong nararamdaman ko, parang may iba e tch!


"OMG! I knew it, they're so bagay!" Kinikilig na Saad ni ate at nakaramdam nanaman ako ng inis!


Bagay? Anong bagay? Silang dalawa? Bagay? Tch! Walang taste si Paul, ang pangit ng pinipili.


"Hindi sila bagay Ang pangit ng mukha nang babaeng ya-"


"Shut up Kendric! Wala Kang karapatan na sabihin sakanya Yan!" Sigaw niya sakin.


"Tch! Bakit mo siya kinakampihan? Kaibigan mo ba siya?!"


"Makikipag kaibigan palang, at aayusan ko siya ng bonggang bongga para Makita Ang tunay na kagandahan niya." Nakangiting Sabi pa ni ate.. Hindi na ako sumagot at hinayaan siya.


Nasa ganoon kaming sitwasyon ng pumasok na si Paul na may dala dalang pag kain. Nakaramdam nanaman ako ng inis tch!


Ano kaba Ken! Anong nangyayari sayo?!


"Kain muna tayo." Bungad ni Paul saamin.


"Hindi na Paul, tapos na kame. Aalis narin kami." Sagot ni ate sakanya.


"Sige salamat sa pag dalaw, ingat." Ngiting sabi ni Paul.


At ayun umalis na kami sa kwarto ni Weirdo at hinatid si ate sa LSU college at pinark kona rin yung kotse ko sa parking lot at nag lakad na papunta sa campus. Habang nag lalakad ako ganoon parin yung reaksyon ng mga babae kaya nginitian ko nalang sila..


"Girls! Look nginitian niya ako!"


"Anong ikaw? Ako Kaya!"


"Anong kayo? Ako Yun!"


"Saakin siya naka tingin Kaya ako Ang nginitian niya!"


Sige mag talunan lang kayo diyan Wala akong pake alam!


"Guys Alam niyo naba Yung nangyari kahapon?"


"Oo, kawawa si Ken, Yung kasing weird na girl Ang may kasalanan nito!"


"Yah. Kaya niya siguro pinag tanggol si Ken Kasi nag papapansin siya!"


"No way! Hindi tayo papayag niyan!"


Tch! Kung makasalita kayo parang Alam niyo Ang nangyari a!? Mga tsismosa! Hindi kona sila pinansin at nag patuloy nalang ako sa pag lalakad hanggang sa marating ko ang building namin at nakita ko sila Steve at Melvin na nakatambay sa labas ng room namin at pumunta na ako sa kanila.


"Oh! Nadalaw Mona si Jax?"bungad ni Melvin sakin at tumango lang ako sakanya bilang sagot.


"Gising naba siya?" Tanong naman ni Steve at umiling lang ako habang nakapatong ang dalawang kamay ko sa may railings..


"Hindi pa."seryosong Sabi ko.


"Sana gumising na siya." Si Steve.


"Dadalaw kami mamaya sama ka?" Tanong ni Melvin.


"Dadalaw daw din sila mommy at Daddy e, pero si ate dumalaw na kanina sabay kami." Ako.


"Meron na sila tita? Akala ko ba next month pa Dating nila?" Tanong naman ni Steve kahit kailan Ang daldal niya!


"Tch! Maagang natapos yung project nila kaya umuwi na sila kahapon pa."


"So... Sabay sabay nalang tayo dadalaw Kay Jax?"


"Okay."


"Oh? Ba't parang Wala ka sa mood?" Biglang tanong ni Melvin.


"Si ate pre.. si ate! Nagagandahan Kay Weirdo!" Inis na sabi ko sakanila.


"O anong problema dun?"


"Hindi ba kayo nag tataka Melvin? Ni isa walang maganda sa babaeng yun! Babae ba talaga Yun?"


"Ang totoo... Maganda si Jax. Weird lang siya, pero I'm sure pag naayusan siya mas Lalo siyang gaganda." Sabat ni Steve!


"Tch! Wala kayong taste!" Inis na sigaw ko sakanila at pumasok na sa room. Bakit sila nagagandahan Kay Weirdo? Tch! Tanga ba sila? O sadyang ako talaga yung tanga? Ano ba Yan!


Lutang ang isip ko kaya Hindi ako makapag focus sa teacher namin. Hanggang ngayon iniisip ko parin na bakit sila nagagandahan Kay Weirdo! Tch! Pati sila weird narin! Pero napatigil ako nang maalala ko ang mapupula niyang labi kahapon.. parang inaakit akong halikan yun.


Tch! Ano Ken? Bakit ko siya hahalikan? Yak! Nakaka suka!


Buti nalang at sinuntok niya ako para Hindi matuloy yung paghalik ko sakanya tch! Nakakahiya yung ginawa ko.. bakit koba kasi naisipang gawin Yun? Hayyy!! Badtrip! Hindi mawala wala sa isip ko yung labi niya at ang maamo niyang mukha..


Ha? Maamo na mukha? Pwede kobang bawiin yung sinabi ko? Joke lang talaga Yun.


Lutang talaga ako at hindi ko namalayan na tapos na ang klase.. Naramdaman Kong nag vibrate yung cellphone ko sa bulsa ng pants ko at tinignan Kung Sino Ang tumatawag..


Mommy calling....


"Hello Mom?"


"Baby, Mauna na kayo Nina Steve sa ospital, bibili lang kami ng Daddy mo ng prutas."


"Sige Mom. Si ate sasama?"


"Hindi na daw, nadalaw naman niyo kaninang Umaga, at Alam mo baby, Sabi ni ate mo, she's gorgeous. I can't wait to see Jaxcel!"


Alam niya pangalan ni Weirdo? Tch! Siguro sinabi ni ate!


"Okay Mom, una na kami."


"Okay baby. Kita Kita nalang tayo mamaya bye."


Then I end the call...


"Mga pre una na daw tayo.. bumili pa ng prutas sila Mom, let's go?" Tanong ko sakanila at tumango sila at sumakay sa kanya kanyang kotse..


Nandito na kami sa kwarto ni Weirdo kasama si Aiah.. " Si Paul?" Tanong ni Steve Kay Aiah.


"May project daw sila na hahabulin, Kaya ako nalang Ang nag bantay." Sagot naman niya.


Ilang sandali pa at dumating na sila Mommy and Daddy na may dalang mga napaka raming prutas!!


O_O


Pang isang buwan yata to a!


"Hi Tita, Tito."bungad nila Steve at Melvin sakanila sabay halik sa pisngi.


"Binata na kayo a.. kamusta kayo?" Tanong nila kila Steve at Melvin.


"Gwapo parin po HAHA."tch! Tong dalawang to talaga.


Hindi ko sila pinansin at tahimik lang akong naka upo dito sa sofa ng kwarto ni Weirdo. Bumaling si Mommy Kay Weirdo at ganon nadin si Daddy. Nagulat nalang ako ng biglang napatakip sa bibig si Mommy habang nakatingin sa natutulog na Weirdo.


"O my gosh! She's so Beautiful! Honey look!" Tawag niya Kay daddy.


"You're right she's really pretty." Naka ngiting Saad ni Daddy!


Tch! Bakit sila nagagandahan sakanya? Teka dapat na ba akong magandahan sakanya?!




Jax's POV


Ramdam ko parin ang sakit ng katawan ko. Hinang hina padin ako pero Hindi na gaya ng dati, Hindi ko Alam pero parang pagod ako. Hindi ko magalaw ang katawan ko. Para akong nakatali Tsk!


"O my gosh! She's so beautiful! Honey look!" Isang Hindi pamilyar na Boses Ang narinig ko habang naka pikit padin ako.


"You're right she's really pretty." Isa ulit Hindi pamilyar na Boses Ang narinig ko at nag taka na talaga ako dahan dahang iminulat ang Mata ko at nakita ko agad ang maputing kisame na una kong tinignan.


"Gising na siya!" Malakas ang pag kakasabi nung babae na hindi pamilyar ang Boses kaya Naman dahan dahan ko siyang nilingon at nag tama ang paningin namin.. Isang may edad na pero mukhang Bata parin ang itsura niya at nakita ko naman ang isang hindi pamilyar na lalaki, siguro Asawa niya. May itsura at medyo matangkad siya.


"Jax, okay ka lang? May masakit ba sayo?" Biglang sumulpot si Aiah sa kabilang side ng Kama ko.. Kaya dahan ko siyang nilingon at dahan dahan akong bumangon pero Hindi ko pa Kaya. Napapikit nalang ako sa sakit ng katawan ko.. nakita Kong may mga sugat ang kamay ko at hinawakan Ang mukha ko may mga band-aid sa mukha ko at Alam Kong may mga konting sugat din Ang mukha ko.. "Huwag ka munang gumalaw Kung Hindi mo pa Kaya Jax."


Hindi ako nakinig sakanya at pinilit Kong bumangon at umupo sa Kama ko..


"Dahan lang iha." Sabi nung babae. Kaya tinitigan ko siya na nag tataka. Sino ba to? Hindi ko to kilala at Ang kasama niya.


"Sino po kayo?"


"A-Ah parents ni Ken, Jax." Sagot agad ni Aiah.


O_O



Ano daw? Parents ni payatot?!


"Ano pong ginagawa niyo dito?" Nag tataka paring tanong ko.


"Nabalitaan namin Yung nangyari sayo at Kay Ken iha, binisita ka namin ngayon." Sagot naman nung daddy ni payatot.


Tinitigan ko lang sila at..


"Kamusta Jax?" Napalingon ako sa pinanggalingan nung Boses nayun Ang nag Tama Ang paningin namin ni Melvin! At ngayon kolang napansin na nandon pala sila sa gilid habang naka upo sa sofa kasama si Steve at payatot.


"Medyo okay na." Walang ganang sagot ko. At bumaling ako kay payatot."Kamusta ka?" Tanong ko sakanya at bahagya naman nanlaki ang mga mata niya at nahihiyang maka tingin sakin ng diretso.


"U-Uhm.. okay na ako.. ikaw K-Kamusta ka?" Utal na Tanong niya pero hindi parin maka tingin sakin.


"Ayos na ako mamaya.." malumanay na sagot ko..


"S-Salamat nga pala." Naka tungong Saad niya.


Hindi ko siya sinagot at binaling ko Kay Aiah ang tingin ko. "Nagugutom na ako Aiah."


"Ahh.. Here Jax. Kainin Moto apple para lumakas ka." Sabat naman nung mama ni Payatot.


"Salamat po." Sabay kuha ko sa apple na ibinigay niya.


Ilang sandali lang ay umuwi na sila. At ang natira lang dito sa kwarto ko ay si Aiah, Steve, Melvin at payatot. Nag katitigan kami ni payatot pero lagi niyang iniiwas ang tingin niya sakin! Tsk! Akala mo hindi ko maaalala yung ginawa mo noon na lumalapit yung mukha niya sa mukha ko habang tulog ako?! Hindi nakakatuwa! Pero hindi parin mawala sa isip ko na pinagtanggol ko siya! Tsk! Pambihira! Dahil sakanya nangyari ito eh! Kung hindi sana siya sumigaw non hindi mangyayari sakin to! Nadagdagan tuloy ang atraso ko Kay Mark nayun! Tsk!


"Bakit Hindi ka makatingin sakin?" Tanong ko Kay payatot. "Akala mo nakalimutan kona Yung ginawa mo?!" Seryosong Sabi ko sakanya at napalingon na siya saakin na parang nagugulat! Tsk!


"W-Wait ano bang ginawa niya?" Takang tanong nila Steve, Melvin at Aiah.


Tsk! Hindi niya siguro kwinento tsk! Tsk! Tsk! Nahihiya siguro.


"Hindi mo kwinento sa kanila? Bakit? Nahihiya ka?" Inis na tanong ko sakanya. "Dahil sayo, nangyari sakin to!"


"B-Bakit sinabi ko bang tulungan moko?!" Inis naring tanong niya.


"Kawawa ka naman pag Hindi Kita tinulungan." Malumanay na Sabi ko.


"Kaya nga ako nag thank you kanina diba?"


Hindi ko muna siya pinansin at uminom ng Gatorade..


"Bakit mo ginawa Yun?" Seryosong tanong ko sakanya at lahat sila nag palipat lipat ang tingin saming dalawa..


"Ano ba kasi yun?!" Iritang tanong ni Aiah.


"Correct me if I'm wrong. Tinangka mo akong halikan habang natutulog ako sa park no?!" Inis na tanong ko at lahat sila nanlaki ang mga mata maliban samin ni payatot..


"WHAT?!" silang lahat..


"Sumagot ka Payatot!" Sigaw ko sakanya!


"Oo! Totoo Yun!" Sigaw niya bigla.


O_O


"H-HAHAHAHA!" Silang lahat maliban samin ni payatot. Anong nakakatawa?


"A-Anong Sabi mo Jax?" Natatawang tanong ni Steve."P-Payatot? WHAHAHAHA!" Tawa nilang lahat.


"Bakit mo Yun ginawa?" Malumanay na tanong ko.


"P-Pinag mamasdan Kasi kitang matulog."


"Yun lang?"


"Oo. Yun lang." Malumanay na sagot niya.


Hindi na ako nakaramdam ng inis at least sinagot niya yung tanong ko. Wala namang masama sa ginawa niya. Ang ayaw kolang yung malapit nang mag kadikit ang labi namin..


"Hay naku Ken!" Singhal ni Steve Kay payatot.


"T-Tumahimik nga kayo!" Inis na sigaw ni payatot Kay Steve.


Biglang bumukas Ang pintuan at laking gulat ko nalang nang Makita ko si teacher Fred!


"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya na sakin lang nakatingin!


"O-Okay lang po." Uatal na sagot ko.


"Dapat binali mona ang mga buto nila para hindi kana nila labana-" pinutol kona agad ang sasabihin niya dahil may ibang tao dito sa loob ng kwarto na nakakarinig sakanya.. sila payatot!


"May ibang tao dito." Bulong ko sakanya at bahagya niya namang nilingon ang itinuro kong pwesto nila payatot at napatahimik nalang si teacher Fred..


Buti namab at hindi na siya nag salita pa. Kinabahan ako. Baka narinig nila payatot yung sinabi niya! Wag Naman Sana.


Ilang sandali lang ay nag paalam na sila dahil mag gagabi na.. Hindi parin maka tingin sakin si payatot. Tsk! Dapat ka lang mahiya engot!


Ganon narin si Teacher Fred..


"Hay! Seryoso ginawa niya talaga Yun?" Hindi maka paniwalang tanong ni Aiah.


"Narinig mo na nga e!"


"Nako! Sana hindi nila narinig yung sinabi ni teacher Fred kanina." Nag aalalang Sabi ni Aiah.


"Sana nga."


Nasa ganoon kaming sitwasyon ng pumasok si Paul na may dala dalang...


O_O


Kamatis?!!!!


Nilingon niya ako at laking gulat niya ng mag Tama ang paningin namin... Dali Dali siyang lumapit sakin at niyakap ako!!!


"Mabuti naman at gising kana." Nag aalalang tanong niya.."okay kana?" Tinignan niya ako.


"O-Oo okay na ako." Sagot ki sakanya."A-Akin na yang kamatis." Sabay hila ko sa supot na dala niya.. at inulam kona Yun... Hmmm... Sarap talaga ng kamatisss.!!!


At ayun kahit papano gumaan ang pakiramdam ko dahil binisita ako ni Kuya..


Dalawa sila ni Aiah na nakabantay sakin ngayon. Si Aiah nasa sofa na at natutulog si Paul naman naka upo sa tabi ng Kama ko at sandali lang kaming nag kwentuhan at natulog narin siya na ipinatong ang ulo at kamay niya sa gilid ng kama ko. Napangiti nalang ako, at natulog nadin.

Comment