CHAPTER 65

" ARIES POV"

" Ang galing!" Hirit ni Rade dahil nakita Niya kung anong position ni master sa black world.

"Ang lupet!" Komento din ni victor.

"Boss, paano natin isasagawa Ang lahat kung malaking harang itong master mo?" Tanong nito sakin.

" Di ko din alam naguguluhan ako sa posibleng mangyayari" wika ko habang nakatingin sa kawalan.

" Akalain mong Isa pala siyang utak sa grupo" wika ni sage

" Kaya nga e, ganun ba talaga ka lupet yang master mo?" Sambit ni Sage.

" Marami akong Hindi nalalaman tungkol sakaniya, mas malakas Siya kesa sa Queen ng black world at aaminin ko na Wala akong labanan pag Siya Ang magiging kalaban ko" wika ko habang sinasabunutan Ang sarili.

Agad naman nilang hinawakan ang kamay ko na para bang inaaway nila akong tatlo.

"Ano bang ginagawa mo?" Inis kung sambit sakanila.

" Inaawat ka dahil sinasabunutan mo Kasi ang sarili mo" sambit nila.

" Tsk. Mag si upo nga kayo at tulungan akong mag isip, ewan ko ba kung bakit naging agent kayo Ang tat*nga niyo!" Inis kung sambit sakanila.

" Grabe ka Naman samin bossing, sa gwapo naming to ganun ganun lang ang sasabihin mo sakin di kami papayag na ganyanin!" Asik ni sage.

Sinipa ko ito sa paa niya agad naman siyang umupo at namimilipit sa sakit.

" Kung utak si Gray sa Black world ibig sabihin may face sila" sambit naman ni Victor.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito anong face ba Ang tinutukoy niya?

" Ha?" Ang tanging naisambit ko sakaniya dahil sobrang naguguluhan ako sa sinasabi niya.

" Face, Yung Mukha utak Kasi Siya paano maiilagay Ang utak kung walang ulo !" Sambit Naman ni Sage.

" OO nga sino kaya ang ulo?" Tanong Naman ni victor.

Napasabunot naman ako sa buhok ko dahil sa ginawa nila, anong klaseng team ba meron ako walangya.

" Alam mo bossing una nating hanapin Yung ulo para pasabugin natin sila para Yung utak ay sasabog din" wika naman ni Rade.

" Manahimik kayo! Hindi kayo makakatulong alam niyo ba Yun" sambit ko sakanila.

Nagbubulong bulongan lang Sila na para bang mga bubuyog at naririnig ko pa na nalilito parin Sila kung sino ang tiyan leeg at kung ano pang parts of the body Yan.

" Alam ko na!" Biglang Sabi ko matapos Ang Muni muni ng Ilang Segundo.

" Ibig sabihin niyo controlado lahat ni master, alam niya kaya Ang mission ko?" Tanong ko sasarili.

" Siguro alam niya!" Sambit Naman nitong si sage.

" Hindi kaba nagtataka bossing sa inaasta niya?? " Wika naman ni sage.

" Nagtataka Lalo na Nung umuwi ako lahat ng kilos ko ay alam niya" sambit ko Naman na nakakunot ang noo habang nag kekwento sakanila.

" Paktay Tayo jan mukhang alam niya lahat lahat , paano Tayo magsasagawa ng Plano niyan!" Sambit naman ni Rade.

" Wag kayong mag alala malulusotan natin lahat ng to!" Wika ko Naman sila at sinisigurado na mafufulfill namin ang mission

" Boss mahihirapan ka lalo't alam mo Ang kapasidad ng master mo, mahirap kalabanin Ang isang Gray Willows at alam niyo Yan!" Sambit Naman ni Rade.

Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi nito, Wala akong maisip na mabuting sulosyon sa problemang it ano kaya ang gagawin ko mahihirapan akong galawin si master lalo't malalim ang aming pinagsamaha siguro Hindi ko magagawa Ang lahat ng ito.

" I quit!" Biglang sambit ko.

" Hoy bossing anong sinasabi mo jan!" Sambit Naman ni victor habang hinihila Ang jacket ko at pinapasok upo.

" Ano ba!" Asik ko.

Tumayo Naman Ang kambal at hinawakan din Ang dalawang kamay ko upang di ako makaalis sa kinauupoan ko.

" Walang mag quiquit dito!!" Sambit Naman ni sage.

" Wala!! Wala!!" Sigaw Naman Nung dalawa.

Napapikit naman ako ng dahil sa inis.

" Ano ba tawag ng kalikasan!" Sambit ko sakanila walangyang mga Kasama nato.

Ng pakawalan nila ako ay kumaripas agad ako ng takbo papunta ng c.r at nakalipas ang Ilang oras lumabas na ako nanatili talaga ako ng matagal sa loob para mag isip isip dahil Hindi Naman ako makakapag isip ng mabuti pag tutungo ako sa labas , agad naman akong nagtaka makita kung walang bakas ng mga ulupong dito sa sala.

" Saan Sila nag tungo?" Tanong ko sa isipan ko dahil Hindi ko Sila mahanap.

Agad agad akong nagtungo sa computer at tiningnan ito, napasabunot Ako ng buhok ng marealize ko na sira na itong mga computer

" Walangya!" Tanging naisambit ko at kinuha ang baril Dahan dahan akong nagtungo sa gilid upang hanapin kung sino ang nanloob samin alam kung madami sila.

Maya Maya pa biglang may sumipa Mula sa likuran ko dahilan upang masobsob ako.

Ngunit tumayo ako at agad na lumaban, bigla namang tumalon Ang tatlo pa at sumenyas Ang naka white bonnet na aatakehin na ako, sabay sabay silang nanuntok at nanipa ngunit nakailag agad ako bigla namang may tumalon na dalawa pa.

Kinakabahan ako dahil Ang isip ko ay nasa team ko.

" Wala kayong panama sakin kahit Isang dosena pa kayo!" Sambit ko sakanila habang nakangisi.

Di Naman sila nagsalita at tningnan lang ako na para bang wala silang pakealam sa sinasabi ko.

" Ano bang gusto niyo!! Ibalik niyo Yung mga team ko!" Sambit ko at this time ako na Ang unang umatake sakanila Isa isa kos Ilang sinipa ngunit mabilis silang gumalaw at nag sitalunan.

" Sino ba kayong mga ninja turtle kayo Ang papangit niyo!" Inis kung sambit sakanila at umatake na Naman.

Paulit ulit lang ang atake ko ngunit nailagan lang nila Hanggang sa napagod na ako.

" Time first!!" Sigaw ko at hingl na hingal.

Ngunit di Sila nakinig sakin agad agad silang nanuntok at nanadyak dahilan upang mapaluhod nila ako,    ng makita nilang nanghihina na ako agad naman nila akong tinurokan ng pampatulog.

Bago ko pa naipikit Ang mga mata ko ay narinig ko pa ang boses ng nakawhite na bonnet.

"Master nakuha na namin"

Yan nalang Ang narinig ko Bago pa naging maitim lahat ng paligid ko.

Halos mag sisigaw ako ng unti unti kung minulat ang mga mata ko  at hindi parin naging puti ang paningin ko.

Bulag naba ako?  Yan Ang nasa isipan ko dahil Wala akong makita.

" Walanghiya!!" Sigaw ko

" Bossing?? Are you in the Bock?" Sambit ni victor.

" Anong Bock?? Back b*bo mo talaga!!" Sigaw ko sakaniya.

" Hoy nasa peligrong sitwasyon Tayo!" Inis kung sambit sakaniya.

" Nandito ba si Rade at si Sage?" Wika ko

" Present!" Sigaw Naman nilang dalawa.

Napanatag naman agad ang loob ko dahil sa sigaw Ng dalawang ulupong.

" Asan ba Tayo para tayong umaalog ah?" Wika naman ni victor.

" Hindi ko alam e , baka Naman inaalog along lang nila Tayo" sambit Naman ni Rade.

" Gutom na ako?" Wika naman ni sage.

Walangya nasa peligro na nga kami  pagkain parin Ang iniisip ng mga Kasama ko na to.

" Hoy San niyo kami dadalhin!" Sambit ko .

" In Outside the country" sambit Naman ng Isang malamig na boses.

" Are you ano?" Wika naman ni sage

" Ano nga Ang English Nung meron kayong pagkain?" Tanong ni sage Hindi ko alam kung Kay sage Siya nagtanong o mismo sa taong kumidnap samin.

" Sage di kaba natatakot malason?" Wika ko Naman sakaniya.

" Wala akong kinatatakutan , sa gwapo kung ito " sambit Naman ni sage.

" And why you're panicking when you see the gun" wika naman ng lalaking malamig Ang boses.

" Wag mo nga ako iniengles, alam kung minumura mo ako anong tingin mo sa akin no education?" Sambit Naman ni sage.

" Galing mo sage!" Suportado na sambit Naman ni victor Kay sage talagang umaapaw na Ang kab*bohan ng mga ito.

" Alam niyo bang college graduate Ang lolo ko sa Harvard?" Sambit ni sage.

" Don't care" wika naman ng lalaki.

" Hey, you looked stress" sambit Naman ng babae.

" This st*pid people make me stress" wika naman ng lalaki.

" Oyy cupid daw Tayo " sambit Naman ni victor.

Kahit naka pikit ako ipinikit ko parin Ang mga mata ko ng dahil sa inis na naramdaman ko sa kabobohan nitong mga Kasama ko Wala ng tatalo sa kabob*hang taglay nila.

" St*pid Yun Hindi cupid!" Sambit ko Naman sakanila

" Ganun na din Yan !" Wika naman ni sage.

" Walang tatalo sa kabob*hang taglay niyo!" Inis kung sambit sakanila.

Narinig ko anmang tumawa ang babae.

" What's laughing?" Sambit Naman ni Victor.

Di na napigilan ng babae ang kaniyang tawa at humalakhak na ito.

" How you manage to handle this Id*ots" tatawa tawa nitong sambit.

" Nakakatawa?" Sambit ko sa malamig na boses.

" Tsk" sambit niya dinig ko naman ang kunting tawa Ng lalaki.

Maya Maya pa naging tahimik na Ang paligid Wala ng ingay at walang balak mag salita itong nga Kasama ko, Buti Rin Naman at nanahimik na sila naging katawa tawa itong mga ito e.

Maya Maya pa bigla ko namang narinig Ang yapak ng lalaki at pinatayo kami.

" Wag mo akong hahawakan!" Inis kung sambit sakaniya.

" Tsk. Edi manigas ka dito, nakarating na Tayo!" Sambit Naman Niya.

Ako na Ang kusnag tumayo, at inalalay Niya naman ako palabas ng eroplano, kanina ko nasesense na eroplano ito ngunit di lang ako umimik dahil baka mamatyagan nila ang kilos ko.

Maya Maya pa naramdaman kung isinakay na kami sa loob ng van di paman ako nakasakay ay agad kung sinipa ang Isa ginamit ko nalang ang senses of smelling ko at ganun din Ang Isa pa ngunit di paman ako naka suntok ay bigla naman akong nahilo.

Walangya!! Lagi nalang akong natuturokan!

Bigla nalang naging madilim ulit ang paligid ko.

Comment