CHAPTER 10

" ARIES POV"

Maaga akong nagising ngiting ngiti ako dahil sa wakas may connection na ang dalawa hindi ko inakalang ganun lang pala kadaling mahulog silang dalawa.

"FLASHBACK"

" Aries tulungan mo nga ako sa susuotin ko" nakakunot noong wika ni master, aba! game ako dyan.

" Master wag kang mag alala ako ang bahala diyan ka lang" masayang sambit ko, tinawagan ko agad si Mona Secretary ni master

" Mona babe!" Bungad ko habang pilyong nakangiti

" Ano ba Aries kung mambubulabog ka ngayong gabi pwede wag ngayon!" Inis na sambit ni Mona at pinatay ang telepono, lintek! Tinawagan ko ulit ito.

" Ano ba !" Inis niyang sagot

" Hoy Mona tigil tigilan mo ako sa ka oahan mo kailangan ko ang tulong mo, bilhan mo si master ng susuotin niya sa date nila ni miss Mildred" nakangiting sambit ko

"Weee? totoo ba ? Akala ko ba hindi gusto ni master yang si miss Mildred, aba teka nga bat ako ang bibili?" Sambit ni mona

" Ano kaba di na ako makabili ngayon may aasikasuhin pa ako" sambit ko

" Pag ako talaga makakabawi sa gagohan mo Aries humanda ka sakin, sige na sige na aalis na ako bibili na " sambit nito at pinatay na ang telepono.

"Mga babae talaga, toyoin kaya ayukong mag kaasawa e!" Iiling iling kung sambit.

" Wala naman pong may gusto sayo" sir aries" gulat naman akong nakatingin sa maid na nasa gilid ko umiinom Ito ng kape.

" Walangya bat sulpot ka ng sulpot kahit saan " inis kung sambit

" Parang ako pa tuloy may kasalanan" malambing nitong sambit, ito yung maid na may kausap sa kwarto ni mich may binabalak tung masama nasesense ko sa kaniya pambihira.

" Sino ba sisihin ko yang kape mo?" Sarkastiko kung sambit

" Corny mo!" Sambit nito habang umiirap akala mo naman kinaganda niya ang pag irap irap niya.

" Ikaw ha,tigil tigilan mo akong babae ka !" Inis kung sabi at dinuro ko pa siya.

" May pangalan ako" walang emosyon niyang sabi

" Wala akong pakealam" walang gana kung sagot sa kaniya

" Vida po pala " habang inaabot ang kamay niya sakin.

Tiningnan ko lang ang kamay niya at umalis pake ko sa babaeng yun di ko naman siya ka ano ano.

Pumunta na ako sa parking lot at tiningnan ang gas ng kotse ni master ay maliit nalang ang gas na natitira sa kotse niya tamang tama swak sa Plano ko para di sila Maka uwi at matutulog sila sa hotel tapos doon na sila kakain at gagawa ng bagong kapatid ni mich,kinuha ko ang telepono ko at may tinawagan.

" Hello, Gio puntahan mo lahat ng mamahaling restaurant at sabihin mo na hindi bigyan ng reservation si Mr. Willows" Masaya kung sambit

" Sige boss, copy" sambit nito pinatay ko na ang telepono tinawagan ko naman Yung flowershop na pinagbilhan ko noong una ng bulaklak, at ilang minuto lang ay nakarating na ang bulaklak na inorder ko at inilagay ko na sa loob ng sasakyan ni master.

" Goods na ang Plano silang dalawa nalang kulang " Sambit ko habang nakangiti, kalalaki kung tao kinikilig ako sa mga imagination ko.

Pumunta na ako sa loob ng mansion at pinuntahan si master.

" Asan na ang damit na susuotin ko malapit na mag 5pm" sambit nito saakin

" Relax ka lang master" sabi ko sa kaniya at umupo sa harapan niya.

" After 5 years hindi ko na alam kung paano mag pakilig ng babae" sambit nito nabigla naman ako ngunit may saya akong naramdaman so... ibig sabihin nito gusto niyang mafall si miss Mildred sa kaniya takte ang tindi naman ni master!

" Easy lang yan master" sambit ko habang nakangiti, inayos naman ni master ang upo niya.

" May binili akong bulaklak inilagay ko na sa kotse mo, pagkadating ni miss mildred syempre papunta sayo yan una mong gagawin ay ngumiti ka tiyaka ibigay mo sa kaniya ang bulaklak, mag paka gentle man ka" sambit ko habang nakangiti tatango tango naman si master.

" Atsaka pagkatapos nun pag nakasakay na kayong dalawa lapitan mo siya para isuot ang seatbelt niya syempre magkalapit ang mga mukha niyo doon mo malalaman kung kinikilig ba siya o hindi dahil mag bablush siya" sambit ko tatango tango lang si master habang seryusong nag iisip.

" Sa palagay mo gagana ba lahat ng yun " sambit nito

" Aba master, si Aries yata to!"

"Si Aries na hindi nag ka girlfriend noon paman " sambit nito, hinawakan ko naman ang dibdib ko at nagkukunwaring nasasaktan.

" Aray ang puso ko ang sakit sakit naman!" Sambit ko habang nakapikit, natauhan lang ako ng batuhin ako ng unan ni master.

"Namumuro kana master ah!" Sambit ko umiiling iling naman ito at tumayo na.

" Tawagin mo nalang ako mamaya pag nandiyan na ang susuotin ko" sambit nito nag salute naman ako sa kaniya.

" Masusunod Master!!" Sigaw ko, tumalikod na ito at umalis umupo naman ako at tinitingnan ang cellphone ko, nakita ko naman ang message ni mona nyeta naka sampung missed call na pala ang tomboy na yun.

From Mona:

"Hoy unggoy asan kana ba! yung susuotin ni master andito na pakibilisan...asap!!"

Pagkabasa ko sa mensahe ni Mona agad agad naman akong tumakbo patungo sa labas ng mansion para akong si flash kung tumakbo.
Nakarating na ako sa gate at binuksan ko na ito dahil natutulog yung gwardiya.

" Buti naman at naisipan mo pang lumabas" bungad nito sakin

" Babe naman wag kanang mag tam-" sinampal niya naman ako, napaka sadista talaga ng tomboy na ito.

" Ikaw!! pag sinuntok Kita wag kang iiyak iyak!" sambit ko habang pinandilatan siya ng mata

" Aba tinatakot mo ba ako ?" Sabi nito habang pinandilatan din ako ng mata pambihira ayaw mag patalo .

" Bakit natakot kaba?" sambit ko

" Hoy! Unggoy na kulang sa aruga gusto mong ipakain ko sa iyo itong sapatos ko!" Sambit nito, ito ang mga gusto ko yung nagtatapang tapangan.

" Tsk di mo nga ako abot ipapakain mo pa yang sapatos mo sakin" nakangiti kung sambit namula naman ito sa Galit.

" Punyeta ka talaga kahit kailan!! alam mo sana hindi nalang Kita tinulungan!" Sambit nito habang galit na galit.

" Tapos na e na tulungan muna ako pano na yan?, sige na thumbelinang tomboy umalis kana baka kasi mapagkamalan kang grade 3 na naghahamon ng suntukan" sambit ko habang nakangiti ng nakakaloko.

" Talagang ginagalit mo ako unggoy!!" Wika nito, mabilis niyang sinuntok ang mukha ko ngunit mas mabilis akong nakailag  aba! Ako yata to si poging Aries.

" Better luck next time !" Sambit ko sabay halik sa pisngi niya at tumakbo papunta sa mansion, lintek na puso to parang may mga nag mamarcha sa loob at may mga sumasayaw na mga bituin at mga orchestra.

" master!!" Tawag ko sa kaniya, kunot noo naman itong bumaba

" What!" Naiirita nitong sambit

"Ito na po ang mga susuotin mo" Masaya kung sambit

" What happened to your face namumula ka yata?" Nagtatakang tanong nito, agad naman akong tumakbo papunta sa loob ng bahay ni master at tiningnan ang mukha ko nyeta! sobrang blush naman yata to.

" Ah wag muna intindihin to master ayus lang to medyo naiinitan lang Kasi ako, alam muna mestiso" sambit ko habang nakangiti at maangas na tiningnan si master, di naman niya ako pinansin at bumalik na sa taas.

"FAST-FORWARD"

Gabing-gabi na at sa mga oras na ito alam kung di na makakauwi sila master galing sa date nila nasa sofa lang ako kumakain ng mani habang nag aantay ng text ni Mona.

From Mona:

"Hoy Unggoy!! Kapal ng Mukha mong halikan ako pano pag nabuntis ako nito"

Natawa naman ako sa ka inosentehan ng babaeng ito ang alam ko kasi walang nanligaw sa tomboy na ito e kaya naiintindahan ko ang babaeng tomboy na ito.

To Mona:

" obob mo talaga kahit kailan mag research ka muna bago ka mag paka oa jan, pasalamat ka nga Isang Aries ang humalik sayo"

*Message Sent*

Tumayo na ako para ligpitin ang mga kalat ko Maya-maya pa ay bumalik ako sa sofa at kinuha ulit ang cellphone ko tiningnan ko naman ang cellphone kung may text message naba si mona ngunit wala kaya napagpasiyahan ko namang umakyat nalang, tumayo na ako ngunit nabigla naman ako ng biglang pumasok si Master at si miss Mildred.

" Welcome! Mr and Mrs Willows!!" sigaw ko, nabigla kasi ako kaya napasigaw nalang ako bigla ng ganun, binigyan naman ako ng nakakamatay na tingin ni master.

Aba parang may nasesense akong kakaiba ah! nyeta parang iba talaga ang simoy ng hangin ngayon naku naku salamat naman lord at mukhang may magkakainlaban ngayon ah hindi na matutuloy ang pagpusta ko ng sahud ko.

Sinundan ko na si master at si miss Mildred patungo sa taas nakinig lang ako sa usapan nila nagtago ako dito sa hagdan.

" Thank you for this night I enjoyed it" nakangiting sambit ni master, s-si master nakangiti ng hindi pilit habang nagpapasalamat aba matindeng pagbabago to pananginip yata ito, kinurot ko ang sarili ko napa aray naman ako sa sakit totoo nga pala ito hindi  ito joke.

" Welcome as always, we can do it again next time if you have time"  sambit ni miss Mildred kahit lalaki ako ay kinikilig ako sa mga naririnig ko pambihira hindi na Magiging lonely people si bossing.

" Then hindi ako makakatanggi" sambit ni boss, natawa nalang si miss Mildred at pumasok na ito sa loob, talaga namang naiinlove na si bossing denial lang.

" Alam kung nakikinig ka matulog kana !" Sambit ni boss, aba matinde ang mata ni boss nakita pa ako dito

" Inlove na si boss!!" sambit ko, gusto kung dugtongan na denial ka lang e pero wag na dahil binigyan niya na naman ako ng  nakakamatay na tingin tsk.

Pumasok na ito sa loob, masaya naman akong nag martsa papunta sa loob ng kwarto at kinuha agad ang credit card ko at hinahalik halikan ko ito.

" Save kana mahal kung credit card!!" wika ko at masayang humiga.

"END OF FLASHBACK "

kahit inalala ko ngayon napapangite parin ako tinde talaga ni bossing e.

Comment