CHAPTER 57


Madalas ko ng napapansin si James at Nine na walang imikan.

"Malapit na birthday mo diba?" kaya napatingin naman ako at bumungad ang nakatingin na mukha ni Ice sa akin.

Oo nga pala December 01, na ngayon at birthday ko na sa 4.

"Bakit bibigyan mo ba ako ng regalo!" ngiti kung ani nito.

"Bakit naman kita bibigyan, dapat nga ikaw tung magbigay eh kasi birthday mo!" aba iba din tong batang to.

Napahinto lang kaming dalawa ng biglang dumating sa harapan namin si George at Davis na humahangos.

"Si Nine at James nag-aaway!" sabi naman ni Davis kaya bigla akong kinabahan.

"Saan?" sabay tanong ng mga mahangin.

"Sumunod nalang kayo sa amin!" sabi naman ni George na una ng tumakbo sa amin kaya dali dali naman kaming sumunod.

Bakit ba sila nag-aaway? may dapat ba akong malaman.

Lumipas ang ilang minutong pagtakbo namin natanaw ko na si James at Nine na nagsusuntukan sa malawak na plaza.

"Anong nangyari?" tanong ng mga mahangin sa mga studyante dito.

"Hindi namin alam, dahil akala namin nag kakatuwaan lang sila kaso nagsusuntukan na pala!" paliwanag naman nung isang studyante halata naman na nagpapa cute.

"Awatin niyo nga!" utos ko sa mga mahangin.

Ngunit agad lang nag iwas ang mga ito.

"Ano bang nangyari sa inyo sabi ko awatin niyo!" may pag kainis na rin na sabi ko nito.

Dahil hindi naman nakinig sa akin ang mga mahangin ay dahan dahan akong lumapit nito natatakot narin ako dahil hindi parin sila tumigil.

Nang nakalapit na ako sa kanila bigla naman itong napatingin sa akin at huminto.

"Ano bang nangyayari sa inyo?" galit na tanong ko nito imbis na magkaibigan nag aaway.

Ngunit tiningnan lang ako ni Nine ng masama at bumalik kay James, ano bang problema nito.

Akmang susuntukin na naman niya sa mukha si James ng sumigaw na ako.

Napahinto naman ang iba sa pagsigaw ko.

"Tama na please!" pagmamakaawa ko nito ngunit hindi ko akalain ang sasabihin ni Nine.

"Gusto mo bang tumigil kami or may sasabihin ako sayo!" nang ikinatigil ko, hindi ko alam parang may masamang mangyayari.

"Nine, Pwede bang wag kang mag biro ng ganyan!" rinig ko namang sabi ni James.

Nagsimula narin pumatak ang mga luha ko.

"Ok, sa birthday mo nalang may sasabihin ako sayo, para naman maging excited ka!", sabay tingin sa akin, may nagawa ba akong kasalanan sa kanya.

Hanggang sa tanaw ko na siya sa malayo at nag si alisan narin ang ibang mga studyante.

"Are you okay?" tanong sa akin ni James ng alalayan niya akong tumayo.

"James anong ibig niyang sabihin?" tanong ko nito.

"Don't mind them, may family problem kasi siya, kaya ganon siya and don't worry!"

Nang naka tayo na ako ay hindi ko alam meron nalang sumabunot sa akin kaya hindi ko mapigilang mapadaing.

"Stop It Jaira!" sigaw naman ni James, bakit ba ang sama ng babae nato.

At ng hindi pa to tumigil ay agad ko rin siyang sinabunutan.

"Napakalandi mo talaga, lahat nalang ng lalaki inaagaw mo! napakalandi mo talaga!" sigaw nito sa akin, ako pa talaga ang malandi ngayon.

"Ikaw ang malandi hindi mo matanggap na hindi ka mahal ng mahal mo!" inis ko na sigaw nito.

"Tumigil na nga kayo!" sigaw narin ng mga mahangin sa amin hanggang sa may naglayo na sa amin.

"Ikaw! Wag mong agawin ang akin, diba gusto mo si Nine bakit hindi nalang si Nine ang landiin mo!"

Kaya napatingin naman ako kay James, so mahal niya pala si James.

"Alam mo ba kung bakit hindi ka niya mahal dahil malandi ka ilusyunada!" inis na sigaw ko nito at sasampalin na sana ako nito ng hinawakan ko ang kamay nito.

"At Kung hindi ka rin mahal ng mahal mo, palayain mo hindi yung ipipilit mo ang sarili mo, hindi ka rin naman siguro aso!"

"How dare you! at siya ka bakit ko naman gagawin yon, hindi naman ako tanga no, at higit sa lahat hindi ako aso!" sigaw din nito.

"Hindi ka titigil!" galit na ani ko nito kapag hindi ito tumigil kakasigaw ay baka may magawa ako nitong hindi niya magugustuhan.

"Anong gagawin mo?" tanong nito.

Ngunit hindi ko na ito pinansin at tinalukuran siya ng hinablot ako at tinulak kaya napaupo ako.

Rinig kung tumawa ang mga tao sa paligid at ng may biglang humawak sa akin ay agad ko itong tinapik.

Nag iinit na rin ang ulo ko at natatabunan parin ang mukha ng buhok ko.

"Akala ko ba matibay ka, at ano ka ngayon ha!"

Rinig kong bulungan ng mga tao sa paligid.

Kaya dahan dahan naman akong tumayo habang hindi parin pinapakita ang mukha ko.

Hanggang sa naramdaman ko nalang na may nag sibatuhan sa akin ng mga putik at iba iba pa may pintura at iba pa.

Akala ko ililigtas ako ni Nine ngunit nasan na siya.

"Tama na ngayan!" rinig ko ring sigaw ng mga mahangin kaya agad ko naman inalis ang nakaharang kong buhok.

At nag iinit ang ulo ko sa nakita ko dahil may maraming monster na nakapalibot sa akin.

Kaya agad ko naman itong hinawakan sa leeg at may iba naman na nagsigtakbuhan.

George POV

Napakawalang hiya talaga ni Jaira napakasama talaga.

"Tama na ngayan!" sigaw namin nito, nasan ba si Nine bakit wala siya dito.

Napatingin naman kami ni Steph ng agad niyang inalis ang nakaharang niyang buhok at nagulat naman ako ng biglang naging pula ang mata niya.

"George anong nangyari sa mata ni Ate Steph!" tanong ni Ice ngunit hindi ko nalang ito pinansin at nagsitakbuhan narin ang mga tao.

Hindi ako makagalaw sa nakita ko ng agad niyang hinawakan ang leeg ni James.

"James!" sabay naming sigaw at kasabay non ang pagdating ni Nine.

Agad naman akong lumapit nito at hindi ko alam ng bigla niyang kinalas ang pagkakahawak niya sa leeg ni James at ang akin naman leeg ang hinawakan niya.

"Steph!" tawag ko nito ngunit agad lang niyang hinigpitan pakiramdam ko hindi na ako makahinga.

"Please maawa ka sa akin bitawan mo na ako!" paki usap ko nito bago siya binuhusan ng tubig ni Dave.

"Are you okay!" tanong ni James sa akin at ibang mga kaklase ko.

"Hindi ko alam parang hindi ako makahinga!" bago mawalan ako ng malay.

End of POV

Nagising na ako sa isang silid at dahan dahan naman akong umupo.

Kasabay non ang pagbukas ng pintuan at iniluwa si Dave na may dalang pagkain.

"Anong nangyari?" tanong ko nito ngunit hindi lang niya ako pinansin at may inabot siya sa akin na pagkain.

"Eat that first!"

"Dave nasan ako?" tanong ko ulit nito.

"Nandito ka sa ospital!"

"Bakit may nangyari ba sa akin!, Dave naman sagutin mo naman ako!" pagmamakaawa ko nito.

"Yeah, may nangyari at bukod pa don nasaktan mo si James at muntik mo ng mapatay si George!" kaya hindi ko mapigilang maiyak!.

"Nasan sila? nandito rin ba sila sa ospital!"

Kasabay non ang pagpasok ng dalawang nurse at bago may tinurok sa akin at kasabay non nakaramdam ako ng antok.

AUTHOR:
Ito na po ang hinhintay niyong chapter, at sa lahat po ng naghihintay at nagbabasa, maraming marami pong salamat at sa lahat po ng nag follow sa akin marami maraming salamat din.

Sa mga nagmamahal ko na readers nagustuhan niyo ba ang chapter 57 na sinulat ko kung ganon maraming salamat at wag niyo sanang kakalimutan na i Follow ako at mag comment at mag vote din sa story na to at enjoy reading.......

Comment