CHAPTER 41


Natapos ang pamamasyal namin.

Dumating ang hapon at agad na kaming pumunta sa mga tent namin.

Agad naman akong humiga boring tuloy wala ang cellphone ko.

"Ang laki naman ng problema mo" kaya naman agad akong tumingin kay Gile.

"Wala kasi akong phone!" simangot na sagot ko nito.

Humiga naman ito sa tabi ko.

Ganon rin ako at mayamaya ay binalot na ako ng antok.

Kinabukasan ay agad na kaming naghanda ng mga gamit namin dahil ngayon na ang araw ng uwi namin.

Ang cellphone ko bulong ko sa hangin.

Napahinto lang ako kakaisip na may nag abot sa akin ng cellphone kaya napaangat naman ako at bumungad ang nakangiting mukha ni Nine sa akin.

"Buti na isipan mo pang ibalik sa akin?" tanong ko nito at agad naman itong lumapit sa akin at umupo dahil hinihintay pa namin ang bus na sasakyan.

"Mukha na kasi kang iiyak!" tawang sabi nito kaya agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"Tst" inas na bulong ko nito.

Kasabay non ang paglapit ni James sa amin.

"Wala pa ba ang bus na sasakyan natin!" tanong nito at umupo sa tabi ko.

"Wala pa" ikli kung sagot nito.

Dahil hindi na ako nakapag paalam kay Kuya Love kaya agad kong tiningnan ang phone ko at nagulat naman ako ng bumungad ang wallpaper ko dahil mukha ni Nine ito.

Kaya napatingin naman ako sa kanya at nakangiti lang to at tumingin naman ako kay James at pareho din kami ng reactions.

"Hindi ako ang nag wallpaper jan!" paliwanag ko nito.

"I know!" ngiting pilit nito.

Mayamaya ay dumating na ang bus na sasakyan namin.

kaya agad ko namang hinila ang maleta ko at buti naman dahil hindi gaano ako nahihirapan at agad naman akong tumabi ng upo kay Lowey.

Napatingin naman ito sa akin at agad umiwas problema nito.

Kumpleto na kami lahat kaya agad na itong nag simulang magmaneho ang driver.

Nasa byahe pa kami at dahil nagugutom naman ako ay agad ko naman kinuha ang jellie ko dahil gusto kong kumain.

Nagsimula na akong kumain ng bumungad ang mukha sa akin ni Ice na naglalaway mukha na tuloy siyang aso.

"Pahingi!" pa cute na sabi nito sa akin.

Akmang ibibigay ko na ito sa kanya na may nagsalita.

"Ito, sayo nayan" sabi ni Lowey nito at laking ngisi naman ang ginawad ni Ice nito at nagsimulang kumain.

"Kumakain ka pala ng jellie!" ngiting tanong ko nito.

"Yeah, Because that's my favorite" sagot nito habang nakatingin sa akin.

"Pareho pala tayo ng gusto" ngiting sabi ko nito.

"Yeah, That' why I like you" mahinang sabi ko nito at napatawa naman ako dahil sa joke nito.

"Ehem" napatingin naman kami sa tumikhim at kita naman sa mukha ni Nine na masama ang tingin sa amin problema nito.

"Kung maglalandian lang naman kayo wag dito because my eyes is getting hurt" sabi nito sa amin at umupo sa likuran namin.

Connect non!

Pagkatapos kung kumain ay agad ko naman itong niligpit at naisipang matulog.

Nagising nalang ako ng naramdaman kong huminto ang sasakyan.

Kinusot ko naman ang mata ko at agad tumingin sa paligid at nandito na pala kami sa harap nang bahay kaya agad naman akong bumaba kasabay non ang pag byahe ng bus.

Hila hila ko naman ang maleta ko at agad pumasok sa gate at bumungad naman si Mama na nakangiting sumalabong sa akin.

"Kamusta naman ang pagpunta mo sa Coron Palawan anak!" ngiting tanong nito sa akin.

"Ok lang naman po" ngiti ko ring sagot nito at pumasok sa bahay at bumungad ang mukha ng kuya kong si Kuya Marco.

Nagkakape naman ito habang nakatingin sa dyaryo.

Nilagpasan ko nalang ito at agad umakyat sa kwarto.

Pagbukas ko sa kwarto ko ay agad naman akong tumakbo sa kama ko at humiga.

Nakakapagod palang mag dala ng maleta pakiramdam ko tuloy mababali ang buto ko.

Naisipan ko namang bumangon at mag shower.

Pagkatapos kung maligo at agad ko namang sinuklay ang buhok ko.

May mga buhok ko naman sa suklay ngunit hindi naman ito marami at kinuha ko naman ito at itatapon na sana ng may kakaiba akong napansin nito.

Bakit naging kulay ginto ito? Impossible namang ginto ang buhok ko.

Napahinto lang ako ng agad tumunog ang phone ko hudyat na may nag text.

Unknown Number:

Hello Younger sis

Text nito, kaya napa isip naman ako sino naman ito, at siyaka imposible naman kung si dragon fruit ito.

To Unknown Number:

Sino ka

Unknown Number:

Ang dali mo namang nakalimutan ang step brother mung gwapo

kaya napa awang naman ang bibig ko.

To: Unknown Number:

Ano pala kailangan mo

Unknown Number:

Meet Me tomorrow at 10: Am in the morning in Kim Restaurant.

To: Unknown Number

Ok

Kinabukasan ay naghanda ako dahil mag kikita daw kami ng step brother ko at balak ko din siyang tanungin kung saan si Papa.

Pagkababa ko sumalubong agad si mama.

"May lakad kaba ngayon?" tanong nito sa akin.

"Opo" ikli kung sagot nito.

"Sige mag ingat ka" ngiting sabi nito at mayamaya ay umalis na ako sa bahay.

Dahil malapit lang naman ang Kim Restaurant ay naglakad lang ako.

Lakad lang ako ng lakad ng nag ring ang phone ko at bumungad naman ang number ng Step brother ko at na save ko naman ito.

"Malapit na ako!" sabi ko nito habang naglakad.

[Wehh] sagot naman nito.

"Tst oo nga" inis na sabi ko nito at binilisan ang paglakad.

Dahil sa bilis ng lakad ko ay agad akong nakarating.

Pumasok naman ako sa Kim Restaurant at kita kona agad ang mukha ng step brother ko.

"Sorry natagalan ako naglalakad lang kasi ako eh" sabi ko nito kasabay ang pag upo ko.

"It's okay!" ngiting sabi nito.

"So ano pala ang pag uusapan natin?" tanong ko nito at umayos naman ito ng upo.

"Tungkol ito sayo!" sagot nito ng ikinakunot ng mukha ko.

"Huh pwede pakiulit hindi ko maintindihan" sabi ko nito habang nakatingin sa kanya.

"Ganto kasi yon sabi ng papa natin na babantayan kita" sabi nito sa akin at hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng saya kasi hiling ko na magkaroon ng sariling papa.

"Kung ganon pwede mo akong dalhin kay papa" ngiting sabi ko nito.

"Sorry hindi kasi pwede" kamot sa batok nitong sabi.

"Bakit naman kung ganon" nakaramdam tuloy ako ng lungkot dahil parang hindi ako mahal ng papa ko.

"Wala kasi siya sa pilipinas dahil may meeting siya sa South Korea" diretsong sabi nito sa akin.

Kasabay non na may tumawag sa akin kaya napalingon naman ako at bumungad ang mukha ni Nine napapalapit sa akin.

"Bakit anong kailangan mo!" inis na tanong ko nito.

"Wala naman at sino ang kasama mo!" tanong nito sa akin at balak ko naman sanang ipakilala na wala ng tao pagbaling ko.

San napunta yon?

"Tst I know you're here because you wait for me" ngiting sabi nito at umupo sa upuan ng inupuan ng step brother ko kanina.

"Asa ka naman" inis na sagot ko nito at inirapan ito.

Sa mga nagmamahal ko na readers nagustuhan niyo ba ang chapter 41 na sinulat ko kung ganon maraming salamat at wag niyo sanang kakalimutan na i Follow ako at mag comment at mag vote din sa story na to at enjoy reading.......

Comment