CHAPTER 16

France Timothy's POV


Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa window ko. Ngayon ko lang ito naranasan, dahil ngayon lang rin naman ako nagising nang ganito ka-tanghali.


I checked my alarm clock on the bedside table, with one eye open.


9:34 am.


Ipinikit ko ulit nang ilang sandali pa ang aking mga mata bago nagpasyang bumangon. I drank the water in the glass beside me before stretching my whole body sideways.


Napasarap ang tulog ko dala ng pagod sa buong week na dumaan. I miss attending classes, pero sa tuwing makikita kong si Alethea nga pala ang partner ko, nawawala ang isiping 'yon sakin.


Pumasok na ako sa comfort room para maligo. Halos kalahating oras din ang itinagal ko sa loob noon, at nang makalabas ako ay eksaktong tumunog ang phone ko. Dinampot ko 'yon without looking at the name of the caller.


"Hello?" I went straight to my walk-in closet to get something to wear.


"Couz, busy ka ba? Tara gala!" I took a moment to recognize the voice on the line, kahit alam ko na kung sino 'yon. "Hoy! Ano, France? Tara!"


I picked up the first underwear I laid my eyes on. Inipit ko ang cellphone sa tenga ko habang isinusuot 'yon. "With whom?" I heard him chuckle.


"Tayo lang!" I knew better. I didn't say a word and just waited. "Well...kasama si Dan."


I felt my brows furrow from the fact. Hindi naman kami friends, so I don't think it's a great idea. "When?" I asked, slipping on my shorts and shirts.


"Ngayon! Let's meet at SM. Papunta na kami, ah! Bilisan mo, couz!" he laughed again. Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung anong iniisip ng pinsan ko, at hindi ako interesadong malaman.


"Sige. I'll be there at thirty. By--"


"Wait, wait France! Isasama mo ba ang best friend mo?" Naramdaman ko ang pag-ismid ko nang palihim.


Bakit may diin sa best friend? Tsh.


"Bakit?" I asked, not wanting to sound curious.


"Uh, wala naman. Miss na yata nitong si Dan, e. Hahaha! Pwede mo ba siyang isama?" I stared at his name on my screen because of reluctance.


Miss ni Dan? They're not even friends, tsh.


"I can't. Busy daw siya ngayong araw." I heard Josh's sigh on the line. Hindi niya nagustuhan ang isinagot ko, pero wala siyang magawa.


Hindi ko naman maintindihan kung bakit naging interesado sila pareho bigla kay Gianna, na hindi naman niya ginagawa dati. Pakiramdam ko tuloy ay botong-boto siya kay Dan para sa best friend ko.


I don't really care kung may gusto yung lalaking 'yon kay Ian. Ang iniisip ko ay ang mangyayari kapag nagkaroon siya ng chance na manligaw kay Gianna, dahil siguradong hindi siya magugustuhan nina Tito Gilbert para sa anak.


Pinababantayan nila Tito at Tita sakin si Ian, lalo na pagdating sa mga nakakasalamuha nitong lalaki. Ito ang dahilan kung bakit protective ako sa kanya, wala nang iba.


"Yikes, that's very unfortunate. Basta! Kahit ikaw na lang, France! Bye!" He ended the call.


Ibinato ko naman sa kama ang cellphone ko bago nagpatuloy sa pag-aayos ko ng sarili.


I heaved a sigh. Of course, I lied. Hindi pa kami nag-uusap ni Ian ulit. It was Sunday again, but still no call or text from her. Hindi ko na lang 'yon pinansin hanggang sa makarating ako sa mall.


From: Josh Montreal


'Dito kami sa may Starbucks. 2nd floor.'  10:14 am


To: Josh Montreal


'On my way.'    10:17 am


Isinilid ko na ang cellphone ko sa bulsa ko matapos i-send 'yon at nagdiretso sa paglalakad. May ilang mga matang nakamasid sakin habang diretso lang ang tingin ko, at karamihan sa kanila ay mga babae. Hindi ko ugaling pansinin ang mga tao sa paligid ko kaya hinayaan ko na lang.


"...busy ka daw, kaya hindi ka niya maiisama ngayon. Mag-isa ka lang?" Natigilan ako nang makita si Gianna na kausap sa labas ng Daiso Japan si Josh at Dan.


"Huh? Uh, oo. May bibilhin lang," she answered.


Nakangiti si Ian pero parang nagtataka ang hitsura sa kausap. Nahihiya rin siya nang sabay sa kasama ng pinsan ko, na mula pa kanina ay nakatitig lang sa kanya, hanggang makalapit ako.


"Oh, France! Andito ka na pala! Si Gianna, oh! Hahaha!" sabi ni Josh na itinuro pa ako. Alinlangan ko siyang nginitian bago bumaling kay Gianna na naging blanko bigla ang mukha.


"Sinong kasama mo?" I asked, looking around to see if someone's with her. She chortled.


"Wala, mabilis lang naman ako dito, eh," she sarcastically and quietly laughed again. "Anyway, I have to go. Josh, D-Dan."


Ngumiti si Josh sa kanya at tumango, hindi na yata magpupumilit yayain si Gianna na sumama sa amin. Kararating ko lang kaya hindi ko alam kung anong napag-usapan na nila.


"Sasamahan ka daw muna ni Dan, Gianna!" Nakangising saad ni Josh na bahagya pang itinulak ang kasama papunta kay Ian. "Dali, bro!" dagdag pa ng pinsan ko na tuluyan nang humagalpak ng tawa.


Biglang namula si Gianna habang umiiling nang nakangiti. Napapakamot naman ng batok si Dan habang lumalapit sa best friend ko.


"H-Hi, ulit! Hehe," napapahiyang saad ng lalaki habang kumakamot pa sa batok.


Sa kawalan ng masabi, lumingon siya sa gawi ni Josh na parang humihingi ng tulong sa script niya. Sinenyasan lang siya nito habang nakangisi.


"H-Hi. Okay lang, pauwi na rin naman ako, eh. Sila na lang ang samahan mo," tanggi ni Ian na sinulyapan pa ako.


"Uh, eh..." Gusto kong tumawa nang malakas dahil harap-harapan kong nasasaksihan kung paano mahiya ang isang lalaki dahil kay Gianna.


Masyadong bago ito sa'min pareho dahil nga ako lang naman ang lagi niyang kasama. "Sige na, bye guys!" nakangiting pamamaalam ni Ian sa amin bago naglakad palayo.


Pipihit na sana ako pasunod nang magkasabay kami ni Dan, ganoon din ang gagawin. Nagkatinginan kaming dalawa at kumunot ang noo ko.


Isang braso ni Josh ang pumigil sakin. "Pagbigyan mo na couz, haha! Na-love at first sight yata 'yan kay Gianna," tatawa-tawang pigil pa niya sakin bago ako tuluyang bitiwan.


Hindi pa nakakalayo si Ian kaya mabilis pa siyang nahabol ni Dan na sinabayan siyang maglakad. Saglit na huminto si Ian sa paglalakad at lumingon sa gawi ko. "Nagpapaalam yata sa'yo, couz!" bulong pa ng kupido kong pinsan.


Pero bigla niyang inalis ang paningin sakin at bumalik sa paglalakad, this time, kasabay na ni Dan. "Ay fake news pala ako. Haha! Di mo ba susundan?" he looked at me.


"Tsh, no. Let them be," I started walking towards the direction of Starbucks.


Hindi ko na hinintay pa ang pinsan ko at walang atubiling pumasok sa loob noon. Nagbago ang timpla ng mood ko, hindi ko alam kung bakit.


Tsh. Ganyan ang gagawin niya kapag may girlfriend na talaga ako? Kung kani-kanino sasama? Nice, Gianna.


Medyo natagalan pa bago makaupo si Josh sa harap ko, dala na ang in-order niya para sa aming dalawa. Nakangisi siya nang tingnan ko kaya hindi ko napigilang magtanong. "What's with the smirk?"


Kinuha ko ang frappe mula sa tray. Iniabot niya sakin ang straw noon bago sumagot. "Wala. Hindi mo talaga type yung best friend mo, 'no?" I shrugged. "Don't worry, couz. Mabait yung si Dan. May pagkagago pero hindi bastos, hehe."


"As long as Gianna's safe," I mumbled, at nanlami ang mga mata niya.


"You mean, bro? Okay lang na mag-sex sila?!" I almost spilled my frappe.


"What the heck are you saying?!" Tumawa siya nang malakas habang isinusuko ang mga kamay.


"Hahaha, joke lang! Ibang safe pala yun, hehe." Sandali siyang tumahimik pero dumaldal pa rin ulit. "Hindi mo talaga siya type?"


Napangiwi ako habang pinagkrukrus ang mga braso sa dibdib ko. "Pinapunta mo ba 'ko dito para itanong 'yan?" Tumawa siya.


He's such a laugher, tsh.


"No! Gusto ko lang mag-arcade. Pass muna ako sa bar, baka mamatay ako nang maaga dun, hehehe!" I squawked.


"Tsh. Ngayon mo lang talaga naisip 'yan? Gross," he cackled.


"Tara sa arcade, bilisan mo dyan!" I continued sipping on my frappe in silence.


                                          *****


Pinanood ko kung paano kindatan ni Josh ang lady cashier na nagpapalit ng coins sa arcade. Nakangiti siyang nakikipag-usap sa babae na para namang mahihimatay na sa kilig.


I stood by the corner, shaking my head in slight vexation habang nakapamulsa. Humarap si Josh sakin nang nakangiti at itinaas pa nang dalawang beses ang mga kilay, nagyayabang.


"Tara sa tekken. Oh," saad niya na tinapik pa ako sa balikat at iginiya papunta sa may tekken area. "Hehe, ito si Devil Jin ang pick ko. Paborito 'to ni Dan," he said pero hindi ko siya sinagot at namili na lang rin ng fighter ko.


Makalipas ang ilang sandali, pareho na kaming nanggigigil sa isa't isa gamit ang mga controller doon. Nakailang rounds pero sa huli, natalo ko pa rin siya kahit mas bihasa siya sakin.


"May galit ka yata kay Devil Jin, eh, couz! Hindi man lang ako naka-isa, e!" I smirked and sprayed some sanitizer on my hands. Nakihingi naman siya sakin. "Por que sinabi kong best pick 'yon ni D--" he cut himself off.


"Shut up. Bulok ka lang talaga, haha!" I boasted, at nakitawa siya sakin habang umiiling.


Pareho kaming nasa harap na ng racecar at nakaupo doon. Ito yung game sa arcade booth na nakatigil lang ang sasakyan at virtual ang racing mismo.


Naihulog ko na ang dalawang coins doon at nag-start nang mamili ng race na gusto kong salihan nang dumaldal ulit si Josh. "France, ready ka na?" I threw him a glance.


"Saan?"


"To lose," he grimaced, like I did also. "Game!"


Nakailang rounds kami ng racing ni Josh bago namin napagdesisyunang maglaro naman ng basketball.


Naghulog kami pareho ng coins doon at naghintay. "So, if Gianna's really not your type...sino ang gusto mo?" he asked, seriously.


"I'm joining a pageant. She's my partner," I answered, picking the first ball up and aiming for  the ring.


"Talaga? Maganda?" He shot me a glance bago nagpa-shoot rin ng bola sa ring.


"Of course. Siya yung crush ko sa campus eversince Senior High," I casually said.


"Teka, bakit di ko alam 'yan? Ha?" I laughed.


"Because you're always shipping me to Gianna, tsh," I watched as the last ball hit the ring, giving me 187 points in total.


Natapos na rin siya, gaining a total of 191 points. Napailing ako nang makita ang pagyayabang niya sa harap ko, pinapagpagan ang balikat niya habang nakalabi.


"One more round." I gestured my index finger and he instantly agreed. Gaya nga ng nabanggit ko, competitive akong tao, so losing isn't in my vocabulary kahit sa gaano kaliit na bagay.


Everything's a competition, I reckon.


Hindi kami pareho nagsalita sa kalagitnaan ng round, dahil pareho kaming tutok sa paglalaro. Pero dahil madaldal talaga ang pinsan ko, siya ang bumasag noon.


"Last question. Bakit hindi mo type si Gianna? I mean, close kayo at hindi malabong magustuhan mo siya." I shot him an exasperated look in return.


I heaved a sigh before shooting one ball. "I like her around, because she's perfect being my best friend," I started, determined to end his curiosity regarding my platonic love for Ian.


"You mean, bro? Kahit once, hindi mo naisip yung possibility na maging kayo?" I pressed my lips tight before shrugging. "Kahit obvious na gusto ka niya?" I was a bit shocked with what he said.


Ganoon siya ka-obvious? Tsk, tsk.


"Hindi ko siya type. Hindi ko type ang best friend ko. Masyadong convenient ang lahat kapag siya ang kasama, and I don't want that."


I threw the ball up in the air and it hit the ring.


On point.


"Oh, tapos na kayo?" I slowly traced the hand of Josh na nakaturo sa mga tao sa likod namin.


I know they heard what I said, dahil 'yon ang naging tugon ni Josh sa pangre-reject ko ng idea ng relationship with Gianna.


"Oo, haha! Pumunta lang kami sa guitar shop. Naputol daw ang string ng gitara ni Ianie," nakangiting sagot ni Dan habang tumatango pa.


Ianie (yanie)? What the hell?!


Napansin ko ang hawak na parehong milk tea ng dalawa, kaya kunot ang noo kong tinapunan ng tingin si Gianna.


Pero mas nangunot ang noo ko nang makita ang malungkot na ekspresyon ng mga mata niya.


Narinig niya.


"Marunong pala siyang maggitara, I didn't know!" Naagaw ng masayang pagkwekwento ni Dan ang atensyon ko.


"Ugok!" Binatukan ni Josh ang kaibigan at tumawa. "Paano mo malalaman, e di naman kayo close? Abnormal!" he added.


Hindi ko maintindihan kung bakit kelangan tumawa nang mahina ni Gianna. "Close na kaya kami, nilibre nga ako ni Ianie, e!"


Itinaas ng lalaki ang cup ng milk tea na hawak niya, ipinagmamalaki 'yon sa aming lahat. Hindi ko nagustuhan ang narinig.


Bakit siya nanlilibre ng ibang tao? Tsh.


"Ah, hehe. H-Hindi ako sanay na ako ang inililibre, e." Ngumiti si Ian kay Dan. "Sige na, I really have to go." Tumalikod na si Gianna para umalis pero pinigilan siya ni Dan...sa kamay.


WTF?


"W-Wait! I want to make it up to you, Ianie. May I get you a bear dun sa Claw machine?" Napangiwi ako.


Pa-cute, tsh.


"Tol, bakit nagiging conyo ka bigla? That's not you, Danny Boy!"


Tinapik-tapik pa ni Josh ang likod ng kaibigan habang tumataltak. "Ianie, pwede ba?" pamimilit pa niya, nakangiti nang matamis sa kausap.


"Sige, sige! Pero kayong dalawa ni France ang maglaban, ah? Kanina pa ako tinatalo nitong bwisit na 'to!" Umiwas ako sa tangkang pambabatok niya sakin, tumatawa.


"Game ako, bro! Ikaw ba?" I shrugged.


Mukhang tangang nagchi-cheer si Josh sa aming dalawa ni Dan, habang pareho kaming nasa tapat ng claw machine, kumukuha ng stuffed toy para kay Gianna.


Ginagawa ko lang 'to dahil ayokong isipin nitong Dan na 'to na duwag ako kung di ako lalaban. This is just another competition I'm gonna win.


Pasimple kong sinulyapan si Ian, pero nakasimangot siya habang papalit-palit ang tingin sa amin ni Dan. Alam ko ang nasa isip niya, na napipilitan lang akong gawin 'to.


Hindi siya mali sa isiping 'yon. "Damn! Bakit hindi ako makakuha?!" reklamo pa ng kalaban ko sa tabi ko habang masama ang tingin sa claw machine na 'yon. It was both our fifth round, pero bakante pa rin kami pareho.


It was of course until I successfully clawed a brown dog little stuffed toy. I cast a triumphant smile while watching the machine dispose the toy.


I grabbed the toy dog and turned to give it to Gianna, pero ang atensyon niya ay nasa cellphone niya. "Pinapauwi na ako, guys. I'm heading first."


Wala sa aming tatlo ang nakapag-react sa ginawa niyang pagtalikod at paglayo sa amin. Kahit nang tawagin siya ni Dan ay hindi na siya lumingon pa sa gawi namin.


I felt the questioning stare of Josh beside me, kaya hinarap ko siya. "Ihahatid ko na siya. Next time na lang ulit." I glanced over Dan who's busy watching Gianna leave.


Nakanguso siya at puno ng pagtataka ang ekspresyon, pero binalewala ko na 'yon. Nang tanguan ako ni Josh ay tumakbo na ako nang pasimple para masundan si Gianna.


Mabilis siyang naglalakad papunta sa isa sa mga exit ng mall, at sinabayan ko siya nang makahabol.


Pero hindi niya agad ako napansin, kaya natigilan ako ng marinig ang mahina niyang singhot, umiiyak. I tapped her shoulder.


"I-Ian," I mumbled, puzzled.


Hindi siya tumingin sakin at tinabig niya lang ang braso ko bago nagmabilis sa paglalakad.


"Ian, ano ba? Talk to me!" I tried keeping up to her pace habang mahinang sinasabi 'yon.


Inilabas niya lang ang cellphone niya nang matunton ang parking sa 2nd floor, without looking at me. "Kuya Jhone, andito na 'ko. Asan ka ba?"


Pinahiran niya ang ilong habang nasa tainga ang cellphone. "Sige kuya, pakibilis, ah? Please," she added before hanging up.


"Gianna, why are you crying?" she was tight-lipped. "Gianna! What's your problem?!"


Hindi ko na napigilan ang inis ko. "Bakit ba antagal ni Kuya Jhon--" hindi niya na natapos ang sasabihin nang hilahin ko ang braso niya at iharap siya sakin.


Her eyes didn't lock with mine. Nasa sahig ang paningin niya habang nilalaro ang isang paa niya doon. "Gianna, why are you like th--" she cut me off with a menacing glare.


"Ano na naman ba? Brat o selosa?!" she yelled, totally irate.


Natigilan ako dahil basa pa ang pisngi niya dahil sa luha pero ganoon na lamang ang galit ng mga mata niya.  "That's not what I mean."


She howled, holding a smirk. "Eh, ano? France, will you please? Pleaaase leave me alone?!"


"I don't like what you're turning into, Gianna Lexeen. Hindi nakakatuwa," I angrily said, looking into her eyes. Pero hindi man lang siya natakot o nabigla.


"Me too. I'm starting to dislike myself. Quits lang," she commented, faking a smile.


Ako ang nagulat sa sinabi niya. Bakit ganito siya magsalita? I don't understand. "W-What?"


She simpered. "Galit ako sa'yo, France. Galit na galit. Kaya pwede ba? Back off!" sigaw pa niya sa mukha ko.


"Why are you crying, then?" I calmly asked.


"You don't wanna know, trust me." Umirap pa siya sakin at inilinga ang mata sa buong parking lot.


"Is it about me?" I saw her startled expression before meeting my eyes again. "Narinig mo kami ni Josh kanina?" I added, making her more stunned at the same time.


Hindi siya sumagot at tinanaw lang ang papalapit na sasakyan nila. "Are you crying because of me, Gianna Lexeen?" I queried quietly, staring at her back.


She opened the door at the back before facing me again. "It's always been about you, what do you expect?" she shot back, eyeing me with mixed emotions.


"Gianna," I muttered, hindi alam kung pananaway ba 'yon o kawalan ng maisagot.


She shook her head, wiping her tears once again.


"You don't have to worry. We're not even in a relationship, right?" she said bitterly before turning her back at me. I stood there.


Hell yeah, we aren't. Kung kaya ko lang piliting ikaw ang mahalin...ginawa ko na, Gianna.
                                                                          

Comment