Kabanata 5


Kabanata 5

Sorry

"Anong nangyari?" mahinang bulong ni Tate.

"Hindi ko alam. Nagmamadali 'yan umalis kanina, e. Hindi ko na alam nangyari pagkatapos," si Rock na sinagot si Tate.

"Mahirap pa naman kapag galit 'yan. Ilang linggong badtrip. May practice match pa, gago." si Cole na bumubulong din.

"Ano gagawin natin ngayon?" tanong ni Ralph.

Nagkukumpulan silang apat sa gilid ko. Ang lalakas ng mga sinasabi. Nagbulungan pa kayo, naririnig ko rin naman. I shook my head, trying to calm down myself.

I don't really have the right to be angry just because I'm jealous. Yes, I am jealous. The way Gwen touch Klein made me feel a little bit insecure. Sana pala ay ako na lang ang nasapak. Baka nalapitan niya rin ako ng ganoon at nakausap.

"Oh, shit! May dance practice pala ako. I'm late. Maya na lang ulit. Kayo na bahala sa isang 'yan, ah." sabi ni Cole na ibinilin pa ako sa mga gago kong kaibigan at mabilis na umalis ng room.

Siya lang ang may extra curricular activities sa aming magkakaibigan. Dancer ang isang 'to, magaling, kaya siguro minahal ni Anna kasi maangas gumalaw. Idagdag pa ang mukha niyang maamo na akala mo ay hindi gago.

Hindi na rin ako magtataka kung bakit lapitin siya ng mga babae. Kahit sino naman sa aming magkakaibigan ay nilalapitan. I'm not bragging, I'm just telling the truth.

Dalawang linggo ang lumipas at madalang kaming magkita ni Klein. Hindi na rin ako bumalik sa kabilang building kahit na gustong-gusto kong tignan si Gwen.

Mabuti na rin siguro ang ganoon. I didn't want to associate myself with him anymore. Napagdesisyunan kong ituon ang buong atensyon ko kay Gwen. Kaya naman buong araw kong inisip kung mag-f-first move ba ako at kakausapin ko siya.

"Labas tayo, Raf." si Rock habang nasa tabi ko, kumakain.

Hindi ko siya pinansin dahil malalim ang iniisip ko. Should I talk to her? I know to myself that I know my ways to girls, but something is bothering me. I couldn't name it and it's frustrating.

"Labas tayo. Hoy!" mahinang tinapik ni Rock ang balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ngayon?" tanong ko.

Nasa room kami ngayon. Sina Ralph at Tate lang ang kasama ko rito dahil uwian na, idagdag mo pa si Rock na sobrang ingay at hindi matigil ang bunganga. Kanina pa umalis ang professor namin, pero kami nandito pa rin.

"Tayo lang?" tanong ni Ralph habang nakaupo sa arm rest sa harapan ko.

"Susunduin si Cole malamang. Raf, sunduin mo at hihintayin ka namin dito." ngumiti si Rock sa akin, ngiting alam ko na ang ibig-sabihin.

Tinatamad 'to. I shook my head. Tumayo ako para tawagin si Cole dahil kanina pa rin naman siya wala. Paniguradong patapos na 'yon dahil anong oras na.

Unlike the last time, hindi malayo ang pinuntahan ko dahil katabing building lang ang dance room. Hindi naman off limits ang room na ito kaya pumasok ako roon at malakas na tunog agad ang bumungad sa akin.

The room was kind of dim. I walked to the student lounge and I could clearly see myself sitting because of the mirrors covering the entire wall.

I looked at Cole who's dancing the song he had been playing on repeat for the past few days. I just watched him, boredly. Humikab pa ako at isinandal ang likod ko sa lounge.

Cole immediately saw me so he walked toward me. "Kanina ka pa?" tanong niya at dahan-dahang humina ang music.

"Lagabog 'yon 'di ba? Kabisado mo na?" tanong ko dahil ayon palagi ang nakikita ko sa cellphone niya nitong nakaraang linggo.

He nodded as he glanced at his back. Bumalik din naman ang tingin niya sa akin at nilapag niya ang tumbler niya sa tabi ko.

"Wait last na 'to," sabi niya at tumalikod sa akin. "Klein isa pa!"

My body flinched as I heard Klein's name. I saw Cole positioned himself in front of the mirror, but my gaze was focused on someone who just appeared out of nowhere.

Klein started walking towards Cole. He also positioned himself and he looked at the mirror. I scanned him from head to toe as he slightly disheveled his hair.

He was wearing a fitted jogger that taper at his ankles, dressed in a sleek, all-black that exudes style. A high-top black sneakers and a black sleeveless top that showcases his white toned arms, and it made him look perfectly handsome.

Tss. Even with these simple clothes, you can definitely see that he's stylish and he has fashion.

I smirked as our eyes, once again, found each other in the reflection of the mirror. He licked his lower lip as the music started to play.

Unang galaw, napakaswabe ng sayaw. Ang angas ng pitik ng katawan niya at hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa galaw niya. I watched him move on the wooden floor as it creates a sound whenever he glides and spins to the music.

Like damn? How is he so graceful...

Sa sobrang pagtutuon ko ng atensyon sa kaniya ay nakalimutan kong dalawa pala silang nagsasayaw. Well, don't get me wrong. Cole is a good dancer. But Klein is way more than good; he's quite exceptional. His smooth movements screamed skills.

His cool demeanor only matches the heat radiating from his performance. There are times where we would lock gazes. I watched him, only him, my lips smirking that even when it breaks, it inevitably finds its way back to me again.

I shook my head. I felt like this is the longest minute of my life ever. Natapos ang kanta at bumalik na si Cole sa akin. Hindi maalis ang tingin ko kay Klein habang may ngisi pa rin sa labi.

"Ang galing mo," nakangisi kong sinabi at tinignan si Cole.

He looked at me with his brows furrowed and he unconsciously nodded. Natawa ako.

"Tara na," sabi ko at handa nang umalis pero nilapitan niya si Klein.

"Klein! Tara! Sama ka sa amin. Kain tayo," sabi ni Cole na ikinagulat ko.

Hindi matanggal ang tingin ko kay Klein. Nakatingin siya kay Cole at mukhang gustong tumanggi. He glanced at me so I arched a brow.

He turned his gaze back to Cole and adjusted the duffel bag hanging on his right shoulder.

"Sa susunod na lang-"

"Minsan lang 'to, Klein." si Cole at mukhang mapilit.

I saw how he sighed heavily, defeated. Mabagal siyang tumango kaya naman nauna na akong lumabas doon. Sumunod silang dalawa, nag-uusap. I know his eyes are on me. I can feel it. Hindi ko lang pinansin.

Nang makabalik kami sa room ay nandoon pa rin ang tatlo at parang gusto nang umalis. They looked at the door when we entered the room.

Bahagya pang nanlaki ang mga mata ni Rock nang tumingin siya sa likod ko. Ganoon din ang dalawa ko pang kaibigan at parang hindi makapaniwala na nandito si Klein. I almost let out a laugh, but good thing I stopped myself.

"Meet Klein. Rock, Ralph, and Tate." si Cole at iminuwestra si Klein.

Klein gave them a small smile, didn't know what he was going to do next. That's when I let out a soft chuckle. This man. Ang angas ng datingan pero hindi marunong makisalamuha? Turuan ko kaya?

"Baliw ka na ba?" si Cole at tinaasan ako ng kilay.

Hindi ko na siya pinansin at umalis na kami roon. Our plan was to eat somewhere around Bonifacio, but Cole insisted that we should just stay at my condo. Gusto kong umangal pero hindi ko magawa.

"Wala ka naman sigurong gagawin 'no, Klein? Sabado naman na bukas." si Cole.

Nakasakay kami sa Kotse ni Rock. Mabuti na lang at Ford ang dinala niyang kotse ngayon dahil nagkasya kaming anim. Ako ang nag-d-drive dahil tinatamad raw siya. Hindi na ako nakipagtalo pa.

While we were on our way to my condo, Rock, who was sitting in the passenger seat beside me, looking for something on his phone.

"Patugtog tayo," ngisi niya at nagkibit balikat lang ako.

He clicked something on his phone and the familiar sound filled the car. I smoothly maneuvered Rock's car while my head was vibing with the music. I sang when it hit the chorus.

"Would you believe me if I said I'm in love?" kanta ko at swabeng sinabayan ang music habang humihilig sa sandalan ng upuan.

Nasa pinakalikod sina Ralph at Tate, mukhang may pinagkakaabalahan. Si Klein naman ay nasa likod lang kasama si Cole.

"Baby, I want you to want me," isinandal ko ang isang siko ko sa bintana at hinawakan ang ibabang labi ko.

I glanced at the mirror and I found Klein. Napatingin din siya sa reflection ko kaya naman inalis ko ang tingin ko sa kaniya.

"Would you believe me if I said I'm in love? Baby, I want you to want me," kanta namin ni Rock habang natatawa.

Naka stop ang traffic lights kaya naman nakahinto rin ang kotse. Ilang minuto pa ay nagsalita si Rock.

"Kamusta, Raf? Pinormahan mo na ba si Gwen?" tanong niya na bahagyang ikinagulat ko.

I subconsciously looked at the rear mirror and saw Klein's gaze looking at me. Hindi ko alam kung bakit may bumabagabag sa akin ngayong normal na tanong lang naman iyon.

"Hindi pa." I looked away and cleared my throat.

"Huh? Ang bagal mo naman. Mag-iisang buwan mo na yang gusto, ah?" si Cole naman na sumawsaw sa usapan.

Pakiramdam ko ay lalagnatin ako at parang uminit bigla sa loob ng sasakyan. I don't know why I'm feeling like this. Naghahalo ang mga salita sa utak ko at hindi ko ito maintindihan.

"Naghihintay ako ng tamang oras." simple kong sagot at tumingin ulit sa rear mirror.

Hindi ko na nakitang tumingin ulit si Klein doon. He made himself busy with his phone. I just shrugged it off. Mabuti na lang at nag green na ang traffic lights kaya nakaalis na kami roon.

Ilang minuto lang ay nakarating kami sa building ng condo ko. Pero kaming dalawa lang ni Klein ang papunta ngayon doon dahil bibili raw ang mga kaibigan ko ng pagkain at inumin.

It was awkward, at least for me, and it became even more awkward when we both entered the elevator, just the two of us, alone in that enclosed space. Nakatayo ako roon sa likod niya, hinihiling na bumukas na agad ang pinto sa floor ng condo ko kahit na alam kong imposibleng mangyari 'yon dahil mataas ang floor ko.

Dapat pala ay hindi na ako nagpumilit sa gusto kong magandang view. Huminga ako nang malalim, sapat para marinig niya 'yon. He didn't mind it, though.

He doesn't seem like he wants to talk to me. Galit pa kaya siya dahil doon sa sinapak ko siya? Kasalanan niya naman 'yon, ah? Kung hindi lang siya gago...

But I knew he deserved an apology. Napilitan nga lang siguro ang isang 'to ngayon tapos ganito pa ang itratrato ko sa kaniya?

Tumikhim ako.

"Kamusta?" sinabi ko ang unang lumabas sa bibig ko.

Tang ina. Anong klase 'yan. Napakawalang kwenta mo, Raf! Halos pagsisihan kong nagsalita pa ako. Ngayon, hindi niya ako pinapansin at umaakto siyang hindi niya ako naririnig.

"I know you're mad. Sorry about that. You brought that upon yourself," I said while scoffing.

Nilingon niya ako saglit pagtapos ay ibinalik na ulit ang paningin niya sa harap. Puta? Ang hirap naman suyuin ng isang 'to.

Natigilan ako. Suyuin? Bakit ko naman siya susuyuin? Ah! Kasi nasapak ko siya ganoon? That's it!

"Punch me. If doing that will make you feel better, then go ahead," I said confidently.

But he still didn't respond. Damn this man. He's putting me on the spot in that direct way of his.

"Klein," tawag ko dahilan para lingunin niya ako.

He arched his brow. I blew out a heavy breath. Fine!

"I'm sorry, okay. I didn't mean to punch you. I just don't want other people getting the wrong idea. Sorry, alright? Forgive me," I said quietly, my voice barely more than a whisper.

"You sure do know how to apologize properly. Yet, you still insist and boost that ego of yours," he chuckled softly.

Nagsalubong ang kilay ko. Eh, kung sapakin kaya kita ulit? Gusto kong sabihin sa kaniya 'yon pero parang kinain ko na rin ang sarili kong salita pag ganoon.

"Anyway, your punch isn't even strong enough for you to say sorry." he said and he smirked at me.

Bumukas ang elevator kaya naman lumabas na siya habang ako nanatili, tila ba napako ang paa ko sa kinatatayuan ko.

He was acting cold earlier and now, he has become arrogant again. Not strong enough, huh? Come to bed with me, Klein. Let's see who's stronger. I smirked as I walked out of the elevator, too.

Comment