じゅう

Bakit feeling ko sasabog ako? Sasabog sa saya, sa kaba. Nakaawang lang ang nga labi ko matapos niyang maitanong iyon. Parang napipi ako at tila walang lumalabas na maski isang salita mula sa bibig ko. Nakatitig lang ako sa kanya na ngayon ay seryoso paring nakatingin sa akin.


Seryoso ba siya? Manliligaw siya sa akin? Hindi naman mukhang nagbibiro ang boses niya. Hindi naman iyon prank kasi hanggang ngayon wala ang katagang 'joke lang'. Masaya ako, syempre. Hindi ko na nga yata mabilang kung ilang tibok ang ginagawa ng puso ko sa loob ng isang minuto. Ramdam ko pa rin ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. Ramdam ko kung gaano iyon ka lambot.


Wala pa nga akong sinasabi ay nagsalita siyang muli.




"Sorry if I'm too rush....I....I like you, Amythest kaya gusto kung gawin ito. Pero the choice is up to y-"


"Pwede kang manligaw."





Tugon ko na nagpatikom ng bibig niya. Gulat ang ekpresyon niya at ang lapad na rin ng ngiti niya. His eyes were filled with genuine joy. Kumikislap na rin ito na parang mga bituin sa kalangitan.


Parang nalagutan ako ng hininga nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Masyadong malakas ang tibok ng puso ko kaya mabilis na rin ang paghinga na pinapakawala ko. Sobrang saya ko. Hindi ko mawari kung ano ang dahilan. Kung dahil ba liligawan niya ako at alam ko rin na may gusto siya sa akin o di kaya'y alam ko na totoo ang nararamdaman ko sa kanya. Ewan ko na.


Synnex Choi. Siya ang lalaking unang nakakita ng vulnerability ko. Siya ang unang lalaking naglakas ng loob na lapitan ako at sinabihang gusto niyang makipaglapit sa akin. Siya ang unang lalaking nagpangiti sa akin maliban sa mga taong kilala ko na noon pa. Synnex made me open myself up to other people. He's true to his words and I trust him so well.


"Thank you so much, Amythest!" Masaya ang tono ng boses niya. He even stood up at tumalon ng mahina. Akala mo naman sinasagot na.


Ako nga dapat ang magpasalamat sa kanya. Dahil kasi sa kanya mas nabawasan ang lungkot. Kung noon ay si Jaera lang ang tanging kaibigan ko na alam ang mga problema ko, ngayon nandiyan na siya para i-comfort ako. Nandiyan siya para maramdaman ko na I'm safe hanggang nandiyan siya. Pakiramdam ko naging as makulay ang buhay ko dahil sa kanya. My world was once the brightest, pero mukhang naging mahina ang pundasyon ng ilaw ko noon. Naging marupok at mahina kaya my world ended being a mess because there was the absence of light. Pero may isang taong dumating at pinunan ang pundasyon na iyon kaya mas lalong naging makulay.


Nakakatuwa siyang panoorin. Para siyang isang batang nakapulot ng pera sa daan. Ang childish niya tignan pero deep inside, isa siyang tao na kayang patunayan ang sarili niya. Ma-awtoridad at saka strikto, pero dahil naman din iyon sa tungkulin niya.


"Anyare sayo Synnex?" Dumatimg bigla si Nathan na may dalang dalawang milkshakes. Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan kaya napahinto ito sa ginagawa.


Palihim na napairap si Synnex kaya palihim akong napatawa at umiling. Para siyang bakla nun.


"Pake mo naman?" Kalmadong sambit nito at bumalik sa pag-upo. Nang maibaling niya ang titig sa akin ay agad na naman siyang ngumiti ng sobrang lapad. Ako lang ba ito o talagang malakas ang epekto ng mga titig at ngiti niyang iyon?


"Tsk." Sabi naman ni Nathan at saka inilagay ang milkshake sa harapan namin. Nang mapansin niya ako ay ngumiti rin ito.


Sana nakikita ito ni Jaera. Malungkot pa naman ang kaibigan kong 'yon. Pupuntahan ko na lang siguro sa kanila bukas.


"Mamaya nga pala Synnex, hindi makakapunta si Raven, tapos may sore throat daw si Lexir kaya umuwi kanina. Si Jigz naman, nag-outing kasama ang pamilya niya. Kaya hindi ko na alam kung sino ang kakanta."


Pabalik-balik lang ang tingin ko sa dalawa. Wala naman kasi akong masabi kasi hindi ko alam ang topic nila. Pero nakakamangha lang kasi kahit na sa senior year palang kami, may alam na sila sa paghahandle ng isang business.


Nagsalubong ang kilay ni Synnex sa sinabing iyon ni Nathan. At nakaupo pa rin ako at ginagalaw ng konti ang milkshake ko habang nakikinig sa kanila.




"Eh, bakit hindi nalang ikaw? O di kaya si Nero."


"Si Nero, hindi ko pa nakikita. Pero kung darating man iyon, siguro mag-gigitara lang siya. And alam mong may lakad ako ngayon, p're."


"Si Xyrel ba?"


"Kalokohan lang ang alam nun. Huwag ka na mag-expect."


"How about the others?"


"Si Ivan, may importante daw'ng gagawin. Si Winter mukhang bad trip kaya wala akong planong guluhin. Ashton and Xander, may suggestion sila na pwede huwag daw sila dahil baka pagkaguluhan sila ng mga babae. And the rest ang magpi-play ng instruments."





"Aish, so sino na ang ka- Wait," napatingin naman siya sa gawi ko. Nakataas ang dalawang kilay ko habang sinisimsim ang milkshake.


Nakatingin na rin si Nathan sa akin bago sila nagkatitigan sa isa't isa na para bang may isang plano silang hindi ko alam. Nag-apir pa sila bago ako tiningnan.


"Anong problema niyo?" Hindi ko maiwasang maitanong iyon dahil parang nacoconscious ako sa mga tingin nila. If alam lang nila kung gaano ako kinakabahan sa titig nilang iyon. Lalo na ang titig na iyon ni Synnex.


Baliw na yata ako masyado.


"Amythest, marunong kang kumanta diba? Nasabi sakin ni Jaera 'yon noon." Agad kong naibaba ang shake sa mesa.


Hindi naman ako ganoon kabobo para hindi makuha ang mga sinasabi nila. Gusto nila akong kumanta pero kapag pinag-uusapan palang iyon ay kinakabahan na ako na parang ewan. Hindi ako sanay na marami ang taong manunuod sa akin. Hindi ako sanay na maraming pares ng mata ang nakatuon sa akin. Nahihiya ako at kinakabahan.


Kahit na hindi paman nila ako tinatanong nun ay may kaba na ang dibdib ko. Pero ang tanong, papayag ba ako kung ganon?


"It's alright, Amythest. We won't force you if hindi mo gusto, okay?" Napatingala ako kay Synnex dahil bigla niya nalang nitong guluhin ang buhok ko at ngumiti.


At nariyan na naman ang kakaibang pakiramdam sa puso ko. Lumulundag ito ng napakabilis dahil sa simpleng pagngiti niyang iyon. Nawawala ako sa tamang huwisyo. Nahuhulog ako sa kung saan. At nararamdaman ko ang sobrang saya.


"Sige. Iwan ko muna kayong dalawa dito." Agad namang umalis si Nathan palayo. Sinusundan ko lang ang bulto niya paalis kaya nung nawala na ang pigura niya ay saka ko pa lamang ibinalik ang tingin kay Synnex na ngayo'y nakatitig sa akin. May kakaiba nga lang sa titig niyang iyon.


Hindi ko iyon nakayanan na ipagsawalang-bahala kaya agad ko siyang tinanong kung may problema ba pero sabi naman niya ay wala at saka sumilay'ng muli ang ngiti sa mga labi. Sa minutong iyon ay hindi ko maintindihan ang takbo ng isip niya. Na hindi ko naman talaga kayang intindihin at basahin kahit noon pa man.


Minsan ay biglang magiging iba ang tingin niya, pero kung tatanungin mo naman kung ano ang problema, wala naman daw. Minsan nga eh nagsinungaling pa siya na hindi ko naman alam ang totoong dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Magkasama lang kami ni Nero noon pero bigla siyang dumating at sinita pa talaga kami.


Pero imbis na ibalik ang topic na iyon ay tinanong ko na lang siya nang hindi kami matahimik dito. Ang ironic lang kasi gusto ko talaga ng tahimik, pero kapag kasama ko siya ay gusto kong hindi maging tahimik ang lugar namin.


At kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nililigawan niya ako. Ang lakas pa nga rin ng tibok ng puso ko.


"Synnex, about dun sa pagkanta mamaya..." Ibinaling niyang muli ang tingin sa akin at patanong akong tinignan. Itinuloy ko ang sasabihin kahit pa napupuno ng kaba ang puso ko. "Marami bang tao kapag ganon?"


Napaisip naman siya at saka marahang tumango. At dahil dun ay mas lalo akong kinabahan.


Inaamin ko na gusto kong kumanta pero may parte pa rin sa akin ang nahihiya at kinakabahan. Maraming tao daw kapag ganun, and expected na na maraming paris ng mata ang nakatingin sayo. Wala naman talaga akong pakialam kung husgahan nila ako, pero the fact na iyon siguro ang unang beses kong pagkanta sa harapan ng maraming tao, nanginginig na ang mga tuhod ko.


"Don't think about it too much, Amythest. Kung hindi mo naman gusto, okay lang. At saka alam kong kinakabahan ka kasi di ka naman sanay sa ganun. Pero I must admit na maganda talaga ang boses mo." Sambit niya at ngumiti.


Nang dahil sa sinabi niyang iyon, parang gusto ko na yata na ipakita sa mga tao ang kung anong meron ako.


Mariin kong ipinikit ang mga mata at pagkabukas ko ng mga ito ay nagtagpo agad ang tingin namin na siyang ikinalundag ng puso ko.


"Pwede bang mag-volunteer ako dun?"










"♪You by the light is the greatest find.
In the world full wrong, you're the thing that's right."


Nakapikit ang mga mata ko habang kinakanta ang mga parteng iyon ng kanta. Naririnig ko rin ang hiyawan ng mga tao kaya unti-unting nawawala ang kaba ko. Nasa likuran ko sina Xander, Winter at Nero na nagpapatugtog ng mga instruments.


Pagkatapos kong sabihin iyon kay Synnex ay agad siyang pumayag. Kaya simula kaninang umaga ay hindi na ako umuwi pa sa bahay dahil sinulit ko ang buong araw para mag-practice. Syempre ayaw kong magkamali kahit pa na wala akong pakialam sa mga sinasabi ng iba.


Nakahawak ako ngayon sa microphone at marahang iminulat ang mga mata. All I can see was a place full of people, mapa-babae man o lalaki. Their faces were with smiles at dahil doon ay nawawala nga ang kaba ko. I smile wholeheartedly. Pakiramdam ko ang saya ko, pakiramdam ko malaya akong ipakita kung anong meron ako. I feel so me.






"♪Finally made it through the lonely, to the other side.


You said it again my heart's in motion. Every word feels like a shooting star.




I'm on the edge of my emotion, watching the shadows burning in the dark."


Sumasabay na rin ang mga tao sa pagkanta ko. They're even waving their hands up.





"♪And I'm in love.


And I'm terrfied. For the first time in a long time in my only...life."


I suddenly remembered that day, nung araw na kinanta ko ito kay Synnex. Hindi ko mapigilan ang sarili na mapangiti, lalo na't naalala ko pa na nirecord niya iyon sa phone niya. Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita o naaalala ko lang siya, napapangiti na ako.


Pero gaya nga ng sabi sa kanta, I'm in love (siguro) yet I'm also terrified. Kasi hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag na-involve ka sa laro ng pag-ibig. Masasaktan kaya ako? Sasaya kaya ako? I'm terrified pero I love the feeling of being like this.


Ibubuka ko na sana ang bibig upang kantahin ang second verse nang may boses na naunang kumanta sa likod ko. Kahit na hindi ko na siya harapin ay alam ko kung sino ang nagmamay-ari nun.





"♪And this could be good. It's already better than that.


And nothing's worse than knowing you're holding back.


I could be all you needed if you let me try."





Malalim ang boses niya pero it's so smooth. Ang sarap pakinggan, pati na rin kung paano niyon nagagawang patibukin ng sobrang lakas ang puso ko.


Sa isang kisap-mata ay nakatayo na siya sa gilid ko. Nagkatinginan kami and all I could hear is the loud beating of my heart despite of the crowds screams and chants. Nakangiti siya ng sobrang lapad at biglang hinawakan ang kamay ko. We were so close with each other at feeling ko kami lang yung tao sa buong lugar.


We never parted our gazes. And the smiles never left our faces.




"♪You said it again my hearts in motion. Every word feels like a shooting star.


I'm at the edge of my emotions, watchin the shadows burning in the dark.


And I'm in love. And I'm terrified for the first time and the last time in my only life."




Sabay naming kinanta ang chorus. Nakatingin lang siya sa akin at pakiramdam ko ay sobrang pula na ng pisngi ko.


Nang matapos ang kantang iyon ay bigla niya akong hinigit at niyakap. Mas naging malakas ang hiyawan ng mga tao at puro ito tili. Kahit ako nga rin ay gustong tumili pero it's not the right time yet.


Niyakap ko siya pabalik at sinandal ang ulo sa kanyang dibdib.




"I'm in love with you, Amythest. At hindi ko lubos maisip ang dahilan. Basta kapag nakikita kita, you'd always make my heart beat faster than the usual."

Comment