Prologue

Kaagad akong tumayo nang marinig ang pangalan. Taas-noo, sabay kaming umakyat sa stage ni Mama. Naroon na rin ang mga naunang natawag para masabitan ng medalya.

Ngumiti ako nang makita ang medalyang isasabit sa akin. Agaw-pansin dahil ginto iyon. Dalawa lang ang nakakuha noon ngayong taon.

Sa pinakahuling recognition day na dadaluhan ko, sa pang-limang pagkakataon, ako ulit ang pinakahuling natawag. Tatlong oras din ang hinintay ko para dito.

Sumenyas ang photographer na kukuhanan na kami ng litrato. Dumikit ako kay mama nang unti-unting lumapit sa akin ang iba pang kasama sa stage.

Napatingin ako sa katabi. Unlike me, he's not smiling. Diretso lang ang tingin nito sa harap. I noticed that he's serious the whole program, too. Para bang galit ito habang naghihintay na matawag. Magkadikit lamang ang mga labi nito habang magkasalubong ang mga kilay. Not that I'm intentionally looking at him, katabi ko kasi ang lalaki sa upuan kaya imposibleng hindi ko mapansin.

Napataas ako ng kilay. I heard I'm just 0.3 ahead of him. Agaw-pansin din ang medalyang nasa leeg nito, kapareho ng akin.

"Ngumiti ka naman, hijo. Ipopost iyan sa facebook." I heard his mom whispered. "People might comment you're not happy."

I saw the boy smirked. "Ma, recognition day ito, hindi political campaign. They won't care if I'm happy or smiling. Just tell your staff to put a nice caption."

I scoffed. Not liking the way he answered. But still, I walked near them. Umayos ako ng tayo. Hinawakan ko ang medalya bago ngumiti sa camera.

People say I am selfish.

A type of person who will not compromised, someone who only cares about herself.

I am an only child. If that explains everything.

Having a parents who waited for me for 7 years, everything was given to me. The attention, the support, and the love that everyone was craving for. I'm never up for a competition to anyone. It just always me, and my granted requests.

With that attitude, I never wondered why I didn't have any friends at school. I have one, tho. Malapit na pinsan na kasabayan kong lumaki. Sa isang private school pa napiling mag-aral sa high school dahil sinundan doon ang first love niya.

Wala akong nakasundo sa mga kaklase ko. Kahit pa ilang taon ko silang nakasama. Masama raw kasi ang ugali ko. Iyon ang sabi nila.

Hindi ko alam. Hindi ko kasalanang intimidated sila sa akin. Hindi ko rin kasalanang mas matalino ako sa kanila. O mas lalong hindi ko kasalanang masyadong mataray ang mga tingin ko para sa kanila.

Pero kung nakamamatay nga lang talaga ang mga tingin ko, baka kanina pa pinaglalamayan ang blackboard namin.

I am watching him writing his name. With a title of president beside it.

President: Carlson Matteo Y. Rayandayan

Nang matapos, lumingon siya sa klase. O sa akin lang. Seryoso man ang mukha nito, mapaglaro naman ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Bahagyang kumibot ang pang-ibabang labi nito bago ipinakita sa akin ang chalk.

"Ako na ba ang magsusulat sa pangalan mo?"

Mabilis akong tumayo. Inagaw ko mula rito ang chalk na hawak. Hindi ko siya nilingon pero alam kong nasa akin ang tingin nito. O baka sa blackboard, hinihintay akong magsulat doon.

Vice President: Ramceschel Dwayne G. Torres

I heard him murmur my name. With the right pronunciation.

My brows immediately arched. I looked at him.

Hindi naman ito ang unang beses na tama ang pagkakabigkas sa pangalan ko. Pero may parte sa akin na nairita na tama ito.

Gano'n ba talaga kapag matalino? Kahit sa pagbigkas sa pangalan ng kalaban, hindi dapat magkamali?

Ang mga kaklase ko nga ay nalilito pa rin sa pagbigkas, paano pa kaya siyang ngayon ko lang naging kaklase?

Suddenly, I felt the competition between us. Starting with our names.

Ang sabi nila, nasa lower sections daw ito noong junior high school. Baka nga, dahil hindi ko naman siya kailanman nakasalubong o nabalitaan kahit pa ilang taon ang ginugol ko rito. Though, I heard about him in Grade 11. Dalawa kasi noon ang section ng STEM sa Grade 11, kaming pareho ang nangunguna roon.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko ginustong maging kaklase siya. Heaven knows how hard I prayed for this to happen.

Not because I like him or something, but because I want to beat him.

Maybe, it's true that I'm selfish. Masama bang gustuhin kong ako lang dapat ang pinakamatalino sa klaseng 'to?

I want to see if he's really competitive, or if his grades are really high. Makikita ko rin naman.

At sa kauna-unahang digmaan sa pagitan namin, na sinimulan ko, ako ang talo.

I got lost with his 37 votes. Though, we're only 40 in class, only two voted for me.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Let's open the nomination for Secretary."

Nang makapili na ng sekretarya ng klase, umupo na ako. Habang siya ay nanatili roon. Hinintay ko na lang na matapos. As if your grades are determined by your class position. I mean, I can get the highest honors without being the vice president of this class.

Kaagad akong napatayo nang makitang tapos na sila. Recess time na rin kaya pwede nang lumabas.

"Good morning po, pwede pong magtinda?"

Isang grupo ng estudyante ang humarang sa labasan. Humalukipkip ako. Si Andrei, isa sa mga kaklase ko, ang lumapit sa kanila.

"Ano'ng binebenta niyo?"

Sumungaw si Andrei sa dala nilang box. Hinayaan naman siya ng dalawang babaeng may hawak ng tinda.

"O! May tinda silang graham balls!"

Napatingin kaming lahat. Tumayo si Fred, pinakamayabang at mahangin sa klase. Kusang kumurba ang mga kilay ko nang makitang papalapit ito sa akin. Halos pandirihan ko naman siya nang bigla niya akong inakbayan.

"Bakit pa tayo bibili ng graham balls, e meron naman tayong Rams balls! 'Di ba, Ramceschel?" Hindi nakaligtas sa akin ang pag-emphasize pa nito sa Rams ng pangalan ko.

Malakas iyon, halos pasigaw. Nagtawanan ang buong klase. May iilang nakikiusyuso pa sa labas. Siniko ko siya. Napadaing ito, hawak-hawak ang parte na siniko ko.

"Buti hindi ganiyan kalakas boses mo no'ng tinawag ka sa recitation, at hindi ka nakasagot?"

Ang tawanan ay biglang naglaho. Matagal bago nagsink-in sa kanila ang sinabi ko. Nang makabawi, mabilisang naglabasan ang iilan. Hula ko'y ayaw madamay kung sakaling may masabi pa ako. Nakita kong napakamot ng ulo si Fred habang namumula.

"Saka ano'ng masama sa pangalan ko? Palibhasa, kayo, walang origin mga pangalan niyo."

Ramsces came from my father's name, Ramnesces, and Chel from my mother, Mitchel. My second name, Dwayne, was taken from a well-known Hollywood action star whom my father mentioned to me.

That's one of the perks of being the only child. Your parents will work diligently to give you a meaningful name.

I heard someone gasped. Nilingon ko si Sophia. Sinamaan ko siya ng tingin. Tinaasan niya ako ng kilay kaya hinarap ko siya.

"Girl, bago ka suminghap, make sure you really have the wisdom."

Ang iilang natira sa room ay nagbulungan. Sumusobra na naman daw ako.

Sumabat si Matteo, na nasa gilid ko pala. "Magrecess na nga kayo!" Matapos ay ang grupo ng nagtitinda ang binalingan. "Hindi sila bibili, walang pera 'tong mga 'to."

Hindi na nito hinintay na umalis ang mga nagbebenta, mabilis na lumabas pagkatapos sawayin ang ibang kaklase.

"Matt, si Mrs. Amurao daw ulit ang teacher sa General Biology. Ang sungit no'n. Nagreport ako last year, ang dami niyang tinanong. Buti ka pa, 'diba favorite ka no'n?"

Kaagad na nagpanting ang mga tainga ko sa narinig. Sa pagkakaalala ko, ako ang paborito niya. Ako lang kaya sa mga klase niya ang nakakuha ng 99 na grado sa Gen. Bio 1.

"Ay naku, siguradong may reporting na naman tayo. Kaya kapag nagtanong ng volunteer, magtaas kana ng kamay, Matt!"

Tumawa si Matt. "Baka gusto ni VP na mauna."

Kaagad akong lumingon sa pwesto nito. As if that's my cue to interrupt.

"Why, Pres? Natatakot ka bang mauna?"

Natahimik ang klase. Nakatayo ako ngayon sa harapan habang nakatingin sila sa akin. Napaayos ng upo si Matteo.

"Bakit, payag ka bang ako ang mauna?"

Hindi ako nakasagot nang biglang pumasok ang mga tumatakbong kaklase.

"Nandiyan na si Mrs. Amurao!"

Bumalik sa upuan ang iba. Ang iilan ay nag-ayos ng upuan at nagpulot ng mga kalat. Ako naman ay umupo na paharap bago inilabas ang notebook at ballpen mula sa bag.

I wrote down everything Mrs. Amurao said. From the rules and regulations, up to the grade computation. Halos kapareho lang iyon noong nakaraang taon, ang kaibahan lang ay mas mataas ang porsyento ng reporting ngayon, na kasama sa performance task namin.

"Just like last year, you'll have your reporting in my class. But, don't worry, mas madali ang mga topic natin ngayon. So, I'm hoping you'll report better this year, since this is 40% of your grade."

Naglabas ng index card si Mrs. Amurao. Hinati niya ang mga iyon bago ipinamigay sa amin. Nakagat ko ang labi, nagpipigil mapangiti, nang makita ang pamumutla ng ibang kaklase.

Though, I can't blame them. Strikta nga naman sa reporting si Mrs. Amurao. Tiyak na gigisahin ka niya kapag nakitang hindi ka ready sa report mo.

"I'll be showing the topics you will report on this quarter, so write your name on your index card and the topic you'll be assigned to."

Nilingon ko si Matteo na nasa likod. Eksaktong nasa akin din ang tingin nito, marahil ay napatingin sa akin nang lumingon ako. Pareho kaming nagtaas ng kilay.

"Who wants to volunteer for the first topic? This will be reported on Friday."

I immediately raised my hand, not wanting to give Matteo a chance to beat me. Lumingon ako sa likod, nakitang walang ibang kamay ang nakataas.

"Alright, Ms. Torres, you're the first reporter. Get your copy here."

Tumayo ako, kunot ang noo. Hindi ko tiningnan si Matteo na hula ko ay nakangisi ngayon dahil pakiramdam niya ay pinagbigyan niya ako.

And to add fuel to the fire, he volunteered for the second topic. Na katulad ko ay mabilis ding nagtaas ng kamay matapos magtanong si Mrs. Amurao.

Hindi ko na nabigyang pansin ang iba pang sumunod dahil nawalan na ako ng gana. Nang nabigyan na ang lahat, ipinasa na namin ang index card bago lumabas ang guro sa classroom. Huling klase na namin ito dahil half day lang kami.

"Matteo!" Kaagad ko siyang nilapitan nang nakita siyang mag-isa na. Nagtaas siya ng tingin sa akin kahit pa nag-aayos ng gamit.

"Oh?"

"Feeling mo niyan pinagbigyan mo ako. Bakit hindi ka nagtaas ng kamay no'ng unang magtawag si Mrs. Amurao?" May mga nagwawalis sa room na kasama namin pero hindi ko iyon alintana. "Sa tingin mo ba ay hindi kita matatalo kung sakaling nagtaas ka ng kamay kanina?" Hindi siya sumagot. Napasinghap ako. "O baka naman iniisip mong ikaw ang pipiliin niya kung tayong dalawa ang nakataas?"

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Nagkamot siya ng kilay, habang sa tingin ko ay nag-iisip ng isasagot sa akin. Bumuntong-hininga ito bago itinuloy ang pag-aayos ng gamit.

"None of the above, hindi ko lang talaga gusto ang naunang topic."

Umiling ako, hindi kumbinsido. "Baka hindi mo lang alam.."

Napatigil ako nang iharang niya sa mukha ko ang kamay niya.

"'Diba, gusto mong mauna?" Nagtaas ako ng kilay pero tumango pa rin.

"See? Saka sa tingin mo ba, mataas na ang grade mo kaysa sa amin dahil ikaw ang unang nagvolunteer?" Hindi pa rin ako sumagot. "Well, let me tell you this, VP. Your grades still depend on how you report. Still, performance matters."

"And do you really think  I will fail on that?"

"Well, I don't know. I haven't watched you report. Maybe I'll decide on Friday.."

Napanganga ako. Did he really think I cared about what he thought of me?

Hindi pa ako nakakasagot nang lagpasan niya ako. Tapos na pala nitong ayusin ang mga gamit.

Ang akala ko ay tuluyan na itong lalabas pero muli niya akong hinarap.

"And just to satisfy your competitive nature, VP, ikaw lang ang mauunang magreport. A piece of advice from me, start browsing about your topic already, because in case you forget, I'll be the second reporter, so make sure to raise the standards so high that I can't beat you."

Bahagya niyang tinapik ang balikat ko bago nilingon ang ibang kaklase na naroon.

"Maglinis kayo, ichecheck ko bukas ng umaga iyan. Huwag niyo ring kakalimutang bunutin sa saksakan ang mga electric fan. Baka masunugan tayo, bago pa ako matalo ni VP."

I was about to fire back when he immediately went outside. Naroon pala ang ibang lalaking kaklase na hinihintay siya.

Pinaypayan ko ang sarili bago mabilisang inayos na rin ang mga gamit. Napatigil ako nang may maisip.

Napatutop ako ng bibig. I can feel the tension in me building up. Intensifying every second as I realized it, that boy boldly declared a war between us.

And suddenly, I'm liking this feeling.

Comment