Chapter 1

Nakatunganga ako sa sofa sa loob ng Master Teacher's Department. Sa pinakagilid iyon ng paaralan kaya hindi masyadong dinadaanan.

Pagkatapos ng Chemistry namin, ipinatawag ako rito ng isang master teacher. Si Mrs. Amurao ang kasalukuyang nasa klase namin ngayon kaya pinayagan niya ako.

"Ms. Torres, I'm glad you're here."

Kaagad akong tumayo nang makita ang paparating na guro.  "Good morning, Mrs. Marquez."

Ngumiti ang guro. "Good morning, take a seat."

Umupo ako sa dating pwesto kanina, sa harapan niya. Pinanood ko siyang manghalungkat ng mga papel sa likuran ng mesa nito.

"I heard from Mrs. Amurao that you're good at Biology. Ang sabi niya sa akin ay ikaw daw ang may pinakamataas na nakuhang grado sa kaniya."

Ngumiti ako kahit pa nakatalikod siya sa akin. I immediately felt really proud of myself. To have that grade, it wasn't an easy journey. I know, it was evident with the way I'm smiling now.

Hinarap niya ako pagkatapos ng ilang sandali, marahil ay nahalungkat na ang hinahanap. Napaayos ako ng upo.

"Kaya sana ay ikaw ang gusto kong lumaban para sa Science Investigatory Project ngayong taon. This will produce you a quality research that you may use when applying for college."

"Mahilig po ako sa research, Mrs. Marquez. Kaya lang ay hindi ko po napagtutuunan ng pansin dahil abala po ako sa pag-aaral."

Napatawa siya. "Kahit ang research, hija, ay kailangan din ng puspusang pag-aaral. Kaya nga naisip kong ikaw ang nararapat para rito."

I stepped outside the Master Teacher's Department victoriously. I looked at the papers I'm holding. Limang research papers iyon na aaralin ko para makatulong sa akin na makapag-isip ng sisimulang research paper.

It is indeed a busy day for a smart woman like me.

Bago pa ako ipatawag kanina sa Master Teacher's Department, nauna na ako sa School Publication Office namin para sa alok na maging editor in chief ng school paper namin. Kaya lang ay tinanggihan ko iyon. Gustuhin ko man pero kinausap na ako ng isang kasamang senior kahapon dahil gusto niya ang posisyon. Magmula grade 7 pa lang kasi ay miyembro na ito ng school publication, habang ako ay kasasali lang noong nakaraang taon.

"Rams, sumunod ka raw kay Matt sa room ng SSG. May ipinapagawa kasi sa akin si Mrs. Amurao kaya ikaw muna ang sumama."

Hindi pa ako nakakapasok sa room nang salubungin ako ni Kianna, sekretarya ng klase. Katulad ko, may mga hawak din itong papel, habang ang iba ay nasa desk.

"Nasaan si Mrs. Amurao? Hindi niya tinapos ang klase?"

"Pinatawag ni Principal, may meeting yata."

Tumango ako bago dumiretso sa desk para ibaba ang mga hawak na papel.

"Hintayin niyong makabalik kami, ah. Huwag niyong hahawakan 'tong mga papel ko. Baka maisip niyong basahin, hindi niyo rin naman mage-gets."

Nakita ko ang pagngiwi niya. Ang ibang naroon pa ay nagtaas ng kilay sa akin. Hindi ko na siya hinintay sumagot, lumabas na ako ng room. Sa ibaba lang ng building namin ang room SSG kaya mabilis din akong nakarating doon.

Naabutan kong nasa harapan si Matt, na hula ko ay magpapakilala. Tahimik akong pumasok sa room. Nakita niya ako kaya sinenyasang umupo sa upuang nireserba niya.

"A pleasant morning to everyone here, SSG advisers, to my co-presidents, and to their secretaries. Kaya lang VP ko ang kasama ko ngayon, eh."

Nagtawanan ang mga naroon. Inirapan ko siya. Papansin naman 'to.

"I'm Carlson Matteo Y. Rayandayan, from STEM 12 - Galilei. Just like the Scientist our section was named to, I also have an exceptional intelligence when it comes to leadership. Kung hindi niyo naitatanong, well, sasabihin ko pa rin naman, I was a student leader since Grade 1. Lagi kasing ako ang escort ng klase."

Muling nagtawanan ang lahat. I heard some praising his sense of humor. Napataas ako ng kilay.

"Sabi ko no'n sa sarili ko na kapag nagkaroon ako ng pagkakataong makapagsalita sa mga ganito, sisiguraduhin kong tatatak ako sa inyo. Kaya lang nakalimutan ko sa barangay hall namin iyong pang-thumb mark at dry seal ko."

He gained another laugh from them. "Pero seryoso na." Tumikhim siya. "Hindi ko kayo hihikayating iboto ako bilang presidente ng lahat pero ito lang sasabihin ko. Kung gusto niyo ng MATTatag na serbisyo, MATTalinong pamamahala, at higit sa lahat, MATTikas na presidente, Carlson Matteo Y. Rayandayan po, from STEM 12 - Galilei."

The boy even bowed before going back to his seat beside me. Pumalakpak ang lahat, bukod sa akin. Some even shouted. Mukhang crush ang lalaki. I gave him a "really?" look when he asked a high five from me. As if I'll give him that.

The meeting ended after they finish electing all of the class officers. That meeting attended by the presidents of all the sections of seniors, both grade 11 and 12. And out all of the qualified presidents here, they were all lost to the future of Tarlac politics, our section's president.

"Galing ko ba?"

I sarcastically clapped for him. "Yes, you can even run for office in the next election."

Napatawa ito. "Pass, baka maapakan ko pa 'yang ego mo kapag ako ang naging presidente ng bansa."

"Asa ka namang qualified ka para maging presidente." I rolled my eyes.

"Well, I just did it today. I became the president of all the presidents."

Napaismid ako. "Ang yabang! Nakuha mo nga lang sila sa mga joke mong corny!"

"Paano mo nasabi? Kung isa ka ba sa mga presidente doon, makukuha rin kita sa mga corny jokes ko para iboto mo ako?"

Sabay kaming naglalakad pabalik sa room. Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi ako sumagot.

"O nakuha na kita sa mga jokes kong corny?"

Nilingon ko siya. "Anak ka nga ng Mayor! Para kang garden kung magsalita. Pero, hindi mo ako makukuha diyan!"

Inunahan ko siya sa paglalakad. Narinig ko ang pagtawa niya sa likod ko. Noong recognition day last year, doon ko nalaman na ang mama niya pala ang mayor ng Tarlac City. Katabing bayan namin iyon kaya kilala rin dito sa Capas.

Naabutan kong bakante na ang room. Naroon pa rin naman ang mga papel ko, hindi nagalaw. Ang problema nga lang ay mukhang hindi naglinis ang mga cleaners ngayon.

"Putcha naman! Simple ng trabaho, tatakas pa, eh."

Nagulat ako nang biglang sumigaw si Matt sa likod ko. Nilibot niya pa ang room bago dumiretso sa mga cleaning materials.

Mahirap mang sabihin 'to, but he's been true to his words. Tatlong araw pa lang nang magsimula ang klase, at siya ang maging presidente, maayos niyang ginagawa ang trabaho. He's really strict when it comes to his rules. Walang kaibigan, lahat pantay-pantay.

"Papagalitan ko mga 'yon bukas. Ang tanda-tanda na, wala pa ring sense of responsibility."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Mabilisan kong ipinasok sa bag ang mga papel na nasa desk bago kumuha na rin ng walis.

"Baka kasi mukha kang clown kaya hindi ka sineseryoso," I teased him.

Huminto siya pagwawalis. "Hindi rin. Kilala mo si Julio, 'diba?" Tumango ako. "Mukha bang clown 'yon?"

Napakunot ako ng noo. "Hindi. Ano'ng kinalaman niya dito?"

"Nanligaw iyon, sa kabilang section. Hindi rin naman sineryoso."

Napailing ako. "Noong recognition day, ang seryoso mo. Mapagpanggap ka lang pala."

Umismid siya. "Nakita mo naman, recognition day ko 'yon pero may paparazzi. Gwapo lang ako, pero hindi naman ako artista."

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. "Diyan ka na nga! Pauso mo!"

Iniwan ko siya roon, patawa-tawa. Mas mahirap pa yatang intindihin ang lalaking iyon kaysa sa Krebs Cycle!

"Na-perfect mo, Rams?" Tumango ako. Ipinakita ko sa isang kaklase ang mga papel na hawak.

Sa buong linggong ito, puro pre-test lang ang ginagawa namin. Karamihan kasi sa mga teacher, hindi pa gawa ang mga topic para sa quarter. Hindi pa rin pinapayagan ng principal na mag-discuss sa unang tatlong araw para sa mga late enrollee o kaya ay mga lilipat sa ibang eskwela.

"Ano pa ituturo niyan sa'yo? Perfect mo na pala!"

Pinagpasa-pasahan nila ang mga papel ko. Umabot iyon sa dulo dahil hinablot ng kung sino.

"Ang pabibo mo naman! Pre-test nalang, ipe-perfect mo pa!"

Nagtaas ako ng kilay. "Smart shaming, Denise? Hindi ko kasalanang na-review ko na 'yan last year. Sipagan mo rin kasi mag-aral. Hindi puro make-up tutorials nasa history mo."

"Hindi ka lang kasi maganda!"

Napanganga ako. "Atleast, hindi rin bobo!"

Mukhang nainsulto si Denise sa sinabi ko. Halata sa mukha nito ang inis habang papalapit sa akin.

"Grabe, VP ka, tapos inaaway mo mga constituents mo," sabat ng kapapasok lang na si Matteo.

"VP nga, tapos hindi nirerespeto?"

"Respect is earned, not given kasi, VP."

Napatawa ako. "Well, same goes to them."

Nakita kong umirap si Denise kaya inirapan ko rin siya. Nalipat ang tingin ko kay Matteo nang umupo ito sa teacher's desk saka nagkalkal doon.

"Hindi ka man lang magpatalo, ayaw paawat."

"Paki mo? Saka ano'ng hinahanap mo riyan?"

Sandali niya akong nilingon. "Paki mo rin?"

I glared at him. He laughed. "Naiwan ni Mrs. Balatbat 'yong folder niya. Pinapahatid sa faculty."

Hindi na ako nagsalita. Inilabas ko ang telepono para tingnan ang oras. Vacant namin sa isang subject ngayon kaya wala kaming ginagawa.

"Ready ka na sa report mo bukas?"

"Kailan ba ako hindi naging ready?"

"Baka na-pressure ka sa sinabi ko, ah. Hindi mo naman kailangang patunayan ang sarili mo sa akin."

Umismid ako. "Asa ka! Kahit validation mo man ang kailanganin ko para mabuhay, huwag na lang."

Pinagpag niya ang folder sa mesa. Dahil nasa harapan ako, nakalanghap ako ng kaunting alikabok.

"Ano ba, Matteo!"

Comment