[chapter nineteen]_still finding_

(Jenna POV)


Nagpasya na akong umuwi dahil narin sa nabalitaan ko tungkol kay ate cara, kahit malakas ang hangin at ulan pinilit kong maka-uwi.


Binuksan ko yung pinto ng bahay namin at bigla agad akong niyakap ni mommy at hindi ako makatingin ng deretsyo sa mga mata ni kuya, galit nanaman yan baka pati kay mike na nasa france naibalita na rin niya.


"Jenna!" Sigaw agad ni kuya.


"Ano ka ba namang bata ka, pinag-alala mo kami" sabi ni mom at pinunasan yung luha niya, napansin kong mugto na rin yung mga mata niya.


"Sorry mommy"tanging naisambit ko.


Sorry kasi ang naisip ko lang yung sarili ko hindi ko naisip yung ibang tao na nasa paligid ko at nag-aalala sa akin, naisip ko lang yung sariling kapakanan ko at yung pwedeng mangyari sa akin, im too selfish for not thingking of them.


L"Nilalagnat ka mabuti pa'y pumasok kana sa loob, manang marie mag handa po kayo ng tubig sa may batsya at bimpo" sabi ni mom at inalalayan akong pumasok.


"Jenna mag-usap tayo mamaya" sabi ni kuya at umupo sa sofa.


Hindi siguro alam ni kuya ang nang yari tungkol kay ate cara pati rin ako nung una nabigla ako, kaya napa-uwi rin ako.


"Anak were did you go, were finding anywere but we didnt find you?" Nilagay ni mommy yung bimpo sa maliit na batsya at nilagay sa noo ko.


"I dont know mom" sagot ko.


Napabuntong hininga si mommy dahil sa sagot kong yun.


"Jenna" sabi ni kuya at kumatok pa.


"Lalabas nalang muna ako anak, sabihin mo nalang kung may kailangan ka" sabi ni mom at tumayo na siya.


"Saan ka pumunta hah?, hindi mo ba alam may nag-aalala sayo" kunot noong sabi ni kuya.


I feel guilty for what did i do.


"Sorry na kuya" niyakap ko pa si kuya "si ate cara"


"O bakit si cara?" Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya.


"Nag crash yung plane na sinakyan niya" nakayuko lang ako kay kuya.


"Youre gonna be kidding" umupk si kuya sa tabi ko.


"Hindi ako nakikipagbiruan kuya, totoo"


"Ehh kayo ni jayvee kamusta?" Agad na change topic ni kuya, kaya kinagat ko nalang.


"Si moris pala yung ipapakasal sa kanya"


"Talaga, nakuuu!" Hindi makapaniwalang sabi niya at inis.


"Nagulat nga rin ako nung una kasi bigla ko nalang nakita si jayvee sa cafe yun pala siya yung ipapakasal, syempre sayang sayang naman yung best friend, pero wala pala siyang ka-alam alam na-" napatigil ako sa susunod kong sasabihin dahil iniisip ko kung ano bang meron sa amin ni jayvee?.


"Na?" Tanong ni kuya.


"Na hindi ko alam, bakit ba ako nag kakaganito?, ka-ano-ano ko ba yung lalaking yun?" Bumaliktad ako kay kuya ng higa at nakatalikod na ako sa kanya.


"Magpahinga ka na bukas nalang tayo mag-usap" ramdam kong tumayo na si kuya at sinarado ang pinto.


*****


(Zhuck POV)


'patuloy paring hinahanap ang mga pasahero sa bumagsak na eroplano-'


"Stupid report" binato ni chard yung remote ng tv at pabagsak na umupo sa single sofa.


"Hanggang ngayon hindi parin alam kung anong nangyari kay cara kung buhay pa ba siya o-" umiyak ulit si tita "patay na"


"Dont say like that" may inis na sabi ni chard sa mommy niya.


"Tanggapin nalang natin because that's a plane crash maybe walang naka ligtas" napatingin si chard ng masama sa mommy niya.


Nitong mga nakaraang araw palagi nalang ang pag-kainis ni chard at panay nalang ang pag-iyak ng mommy niya samantala ako naka-upo lang dito at naghihintay parin ng balita, hindi naman pwedeng pupunta ako dun para hanapin siya na hindi ko alam kung saan maghahanap.


"Bakit ang dali nalang para sa inyo na mawala ang isang tao?, ganyan na ba kayo ka walang kwenta?" Halos pasigaw na sabi ni chard, tumayo na siya at pumunta sa kwarto niya.


Tumayo rin ako para pumunta sa kwarto ni cara, alam kong ayaw niyang may pumupunta sa kwarto niya, but im sorry cara to do this.


Binuksan ko yung pinto at bumungad sa akin yung malaki nilang family picture, at ilang pang picture niya, pumunta pa ako sa loob at isinarado ang pinto.


Isang bagay ang naka-agaw ng pansin ko, ang explosion box na ginawa ko sa kanya ang teddy bear na human size na ibinigay ko sakanya at iba pa, mukhang pinapahalagahan niya yung mga yun, kahit wala na kami, kinuha ko yung isang picture niya sa isang side, tatawa pa akong napatingin duon.


"Anong ginagawa mo dito?" Nabitawan ko kaagad yung picture na hawak ko,shit!


"Hindi ko sinasadya" sabi ko.


'May ibig sabihin kaya ito?'







-----
Ipagpapatuloy....


Keep reading and please vote...

Comment