MDA-XXXII (Amy@18 Part 2)

Author's Pov

Kasalukuyang nasa library na si amanda at as usual kasama niya si Yssa , kunti pa lamang ang naroon sa may library gayong masyado pa ngang maaga. Nagbabasa basa lang si amanda nang tahimik habang si yssa ay kasalukuyang kausap si jaydee sa g message para iupdate ito kung nasaan sila ngayon.


Nagtapat na din kasi si jaydee sa kanya na may gusto ito sa kanyang kaibigan which is hindi naman na ikinagulat ni yssa sapagkat nahahalata niya naman ito simula pa lang nung una. Kung kaya'y tinutulungan niya din ngayon ang binata para sa gagawing surpresa nito kay amanda mamayang hapon pa naman pagkatapos ng klase nila.


_____________________________________________________

@G message..

Narito na kami sa may library jaydee? Wala pa naman rito si terrence kaya bilisan mo upang makatabi mo sa upuan si amanda - yssa

Sige papunta na kami ni evans dyan yssa? Inilagay lang namin yung mga gagamitin mamaya at nakapag order na rin naman ako ng pagkain - jaydee

Okay sige - yssa

____________________________________________________

"Oum ,  Amanda? Maligayang kaarawan sa iyo! Mamaya ko na lamang ibibigay ang aking mumunting regalo sa iyo" wika ng kanyang kaibigan nanlaki naman ang mga mata ni amanda sapagkat hindi naman siya nag hahangad pa na bigyan siya ng kanyang kaibigan ng regalo.

"Maraming salamat! Nako , nag abala kapa. Okay lang naman sa akin na huwag mo akong bigyan ng regalo. Malaki ang pasasalamat ko na naging kaibigan kita at ayun lang sapat na sa akin." Medyo emosyonal na aniya ni amanda sa kanyang kaibigan pero nginitian lang siya nito.

"Nako walang anuman. Siya nga pala may gagawin ka ba mamayang hapon pagkatapos ng klase? May nais sana akong ipakita sa iyo pagkatapos ng klase" medyo kinakabahang turan ni yssa sapagkat halata iyun sa kanyang boses gayung nangangarag iyun.

"Wala naman yssa , kaya sige!" Aniya ni amanda saka nagpokus nang muli sa kanyang pinag aaralan.

Nagbuklat na din si yssa ng kanyang libro at maya maya naman ay may biglaang ingay silang naririnig kung kaya'y napatingin sila sa may labasan ng library. At nakita nila na si terrence na may hawak hawak ng bouquet of red roses tsaka may chocolates din doon. Papasok siya ngayon sa library at sinita naman siya ng nagbabantay doon sapagkat ipinagbabawal ang pagkain sa library.


Pero may sinabi naman siya roon kung kaya'y pinayagan siya , papalapit na siya sa kinaroroonan nila amanda at yssa at nakatingin lang sa kanya ang dalawang dalaga. Halata naman ang kaba at pagkagulat ni yssa sapagkat alam niya na ang mangyayari.


"Ackk! Asan kana ba master j? Mukhang mauunahan ka pa ni terrence ngayon." mahinang bulong ni yssa saka nagmasid masid sa paligid niya gayung inaantay niya ang pagdating ni jaydee.

"Hi amanda? Balita ko ay iyong kaarawan ngayon kung kaya'y para sayo nga pala at maligayang kaarawan sayo binibini" malawak ang ngiti ng binata na iniabot iyun kay Amanda. Napapahawak pa siya sa kanyang batok dahil na din siguro sa hiya na kanyang nadarama.

"Terrence maraming salamat ngunit sana ay hindi kana gumastos pa para sa bulaklak na ito at tsaka baka mapagkamalan pa tayo ng iba na may namamagitan sa atin" nag aalalang wika ni amanda tsaka hindi niya pa tinatanggap ang inaabot ni terrence ngayon sa kanya.

"It's your 18th birthday amanda kung kaya'y nararapat lamang na ikaw ay aking bigyan ng bulaklak! Huwag mo silang intindihin at isa pa ay halos lahat ay alam na magkaibigan tayo. Kung may sabihin man sila ay problema na nila iyun." Nakangiting sabi ni terrence pero parang dismayado pa siya nung sinabi niya magkaibigan lamang sila ni amanda.

"Maraming salamat dito terrence" pilit na ngiti ang ibinigay ni amanda sa binata at sa kabilang dako naman ay nakatingin lamang si jaydee sa may labasan.

Pinagmamasdan niya ang ngiti ni amanda habang tinanggap na nito ang bulaklak galing kay terrence , naupo na sa may tabi ni Amanda si Terrence at mukhang masaya silang dalawa ngayon.

"Jaydee okay ka lang ba?" Hindi na maipinta ang selos na nadarama ni jaydee habang pinagmamasdan ang kanyang sinisinta na mukhang masaya sa piling ng iba.

"Kailanman ay hindi niya ako binigyan ng ngiti na kagaya nang binibigay niya kay terrence" malungkot na turan ni jaydee saka naglakad na papalayo sa Library hinabol naman siya ni evans dahil medyo emotional na siya sa ngayon.

On the other hand ay napansin naman ni amanda si jaydee na nasa may labasan at bigla na lamang naglakad papalayo , hindi niya alam kung bakit pero nag aalala siya gayung nakita niya na parang emotional si jaydee nung umalis sa may labasan ng library.

Nagtataka siya kung bakit ngunit isinawalang bahala niya na lamang ang kanyang iniisip ngayon at inilapag na ang bulaklak sa may gilid ng upuan.
A

yaw niya sanang tanggapin ang mga iyun ngunit parang lalabas naman na hipokrita siya pag nagkataon na tinanggihan niya ang ibinigay ni terrence gayung maraming mga mata ang nakatingin sa kanila.


Amanda's Pov

Kasalukuyang narito na kaming lahat ng mga class A-1 sapagkat oras na ng klase pero wala naman kaming guro kasi nasa faculty room silang lahat , nakakapagtaka lang kasi wala rito ngayon si Jaydee pero narito si evans at tahimik na nagbabasa ng libro.

Wala naman kaming gagawin dito kundi ang tumambay lamang ngunit may attendance pa din ito kay Zabrina.
E

wan ko kung bakit ba ako nag aalala sa kanya or kung bakit ko siya hinahanap sa ngayon , nababaliw na ba ako? Dahil lamang doon sa halik at sa mga sinabi niya nung nakaraan?


Ni hindi niya nga nilinaw sa akin ang lahat , ako ay labis na naguguluhan sa mga ipinapakita niyang aksyon. Gayong alam ko naman na kahit may gusto talaga siya sa akin at masaktuhan na magustuhan ko na din siya ay hindi maaaring maging kami sapagkat langit siya at lupa lamang ako.


"May problema ka ba amanda?" Tanong naman ni terrence na nasa may gilidan ko ngayon , napailing naman ako sa kanya saka nagsalita ng maikli.

"Wala naman" walang ganangbaniya ko sa kanya.

Ibinagsak ko na lamang ang aking ulohan sa may mesa saka inisip ko na lamang ang aking mga pinag aralan kanina na subject. Pero wala akong maisip sa ngayon sapagkat bumabagabag sa aking isipin yung mukha niya kanina.


Napatayo naman ako na ikinapagtaka ni terrence, napatingin siya sa akin at ganun din ang mga kaklase ko. Kanina pa malagkit ang mga tinginan nila sa akin ganuong may dala akong bulaklak at galing pa nga iyun kay terrence na may itsura din at crush ng iba naming mga kaklase rito. Kung pwede ko lang iwasan si terrence ay gagawin ko na kaso nga lang ay siya ang kasa kasama ko sa tuwing may pag aaralan at may ipinag uutos ang aming mga guro gayung siya ang pangalawa sa ranking ng aming klase at ako naman ang nangunguna.


"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin agad naman na akong nagsalita nung akmang tatayo din siya.

"May nais lamang akong puntahan sa ngayon terrence at gusto kong mapag isa" mahinahong sabi ko saka umalis na sa kanyang harapan.

Naglakad na ako palabas at tsaka tinignan ko nang maigi ang bawat paligid kung naroon ba si jaydee , alam kong dapat kong pigilan ang bugso ng aking damdamin ngayon ngunit hindi ko kayang pigilan. Naglibot libot lang ako ngunit nabigo akong hanapin siya , mahigit thirty minutes na akong naglilibot sa may unibersidad pero aabutan ata ako ng isang araw kung iisa isahin ko ang mga lugar dito ganuong napakalaki nito.


Napataas naman ang aking tingin nung may biglaang nalaglag sa may puno at halos manigas naman ako sa aking kinatatayuan nung makita kong si jaydee ay nasa rooftop at nakaupo sa may edge ng  rooftop. Agad agad na akong nagtungo patungong hagdan upang makapunta kaagad ng rooftop , mahaba haba man ang aking aakyatin ngunit hindi ako nagpatinag ngayon kailangan ko siyang maabutan at ayan lamang ang nasa isip ko ngayon.

Jaydee's Pov

Hindi ko alam kung bakit ako nagiging emotional sa ngayon masyado na ata akong napamahal sa kanya to the point na ang sakit sa part ko na makita siyang masaya sa iba. Hindi pa kami at hindi ko alam kung may tsansa bang maging kami pero nababaliw na ako , sa sobrang inis at selos na aking nadarama kanina ay nagtungo ako sa may basement at unti unting pinagsisipa yung mga lamesa doon sa sobrang galit ko.


Lahat din ng mga pinalobong balloons doon ay pinutok ko gamit ang gunting at tsaka yung mga nakahanda doon na nakalagay sa may lamesa ay itinaob kong lahat. Masyado pang maaga ngunit parang gusto ko na sumuko. Naiinis at nagagalit ako sa part na kakaiba ang pakikitungo niya sa akin kumpara sa kanya.


Siguro nga ay may gusto siya kay terrence? Kung kaya'y ano nga lang ba ako kumpara kay terrence? At isa pa lugi na ako sa part na lalaki siya at ako ay babae na may pusong lalaki.
K

asalukuyang nakaupo ako sa may semento sa may edge ng rooftop at sino sway ko yung paa ko , nakapikit ako ngayon upang damhin ang malakas na hangin habang tumutulo ang aking luha.


Sa pangalawang beses ay nabigo ako , na reject na naman ako ng taong minahal ko , madami ang nagsasabi na madami daw ang magkakagusto sa akin ngunit bakit ni isa sa mga nagugustuhan ko ay hindi ako gusto?
G

anun talaga siguro ang buhay? Hindi pwedeng pilitin mo yung isang tao na magustuhan ka ganuong may gusto ka din sa kanya.


Nabigla naman ako nang biglang bumukas ang pintuan ng rooftop at iniluwa ang pawis na pawis na si amanda.

"Pakiusap wag mong ituloy ang binabalak mo!" Nag aalalang sabi niya sa akin , napatingin nalang ako nang diretso sa kanya. Hingal na hingal siyang nakatingin sa akin at tila bay natutunugan ko ang labis na pag aalala sa kanya.

Sa tingin niya ba ay tatalon ako rito sa building? Nung una ay gusto ko ngunit hindi ko kayang gawin sapagkat madami pa akong dapat gawin sa mundong ito. Siguro matatanggap ko lang ang aking kamatayan kapag nalaman ko na ang totoo sa pagkamatay ng aking mga magulang.


"Nais ko lamang na malaman sa iyo ang kasagutan amanda? Batid kong natutunugan ko na ang sagot sa aking mga katanungan ngunit gusto ko pa din na malaman iyun sa mismong bibig mo" napatayo na ako at halata naman sa kanya ang pagkakaba , humarap ako sa kanya at nakatayo pa din sa semento.

Napaatras ako nang kaunti para mas lalo siyang kabahan , hindi naman na bago sa akin ang ganitong pinaggagagawa ko. Sanay na ako na laging nasa kabilang hukay na ang aking mga paa.


"A-ano i-iyun?" Nauutal na sabi niya saka unti unting naglalakad papalapit sa akin.

"May gusto ka ba kay terrence kaya hindi mo sinagot yung tanong ko sayo nung nakaraan?" Tanong ko sa kanya nang diretso nagulat naman siya sa dahil doon.

Natahimik siya kung kaya'y napatalikod ako at pinagmasdan ang buong unibersidad , mahangin ngayon sobra at napapikit na lamang ako bilang pagtanggap ng aking pagkatalo.

Tama nga ako , may gusto siya kay terrence....

Sobrang kirot ng puso ko kung kaya'y patuloy na lang sa pagpatak ang mga luha ko sa aking mga mata. Nabigla naman ako nang biglaang may yumakap sa akin habang ako ay nakatalikod , pagtingin ko ay si amanda iyun.


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung kaya'y pumaharap ako sa kanya saka dinala siya sa may baba sapagkat delikado.

"Tungkol sa sinabi mo nakaraan? Hindi ko alam , sobrang naguguluhan ako! Pati ngayon? Sa inaakto mo ay hindi ko na alam kung bakit ako nagiging apektado" garalgal na wika niya at napayuko na lamang pagkatapos. Tila bay nanlalaki naman ang aking mga mata dahil medyo nagkakaroon ako ng pag asa sa mga binitawan niyang salita.

Gulong gulo na din ako at hindi ko naiintindihan ang nais niyang sabihin sa akin.

"Anong ibig mong sabihin amanda?" Nagtatakang tanong ko sa kanya , napaangat naman siya ng kanyang ulohan saka tinignan ako sa aking mga mata.

Nabigla ako nang biglang lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa may bandang leegan tsaka unti unti niyang inilapit ang kanyang mukha at isiniil ako ng halik.

"Wala akong gusto kay terrence , hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang aking sarili ngunit sa tingin ko ay nagugustuhan na din kita" seryosong saad niya nung kumalas siya sa paghalik sa akin ,  nanatiling nakaestatwa naman ako sa sobrang pagkagulat dahil sa kanyang ginawa.

Si amanda? Hinalikan ako? Paulit ulit na komento sa aking isipan , hindi ko alam ang gagawin ko sa sobrang pagkabigla.

"Anong ibig sabihin nito amanda?" Tanong ko sa kanya binigyan niya lamang ako ng ngiti tsaka naglakad na palayo sa akin.

"Hulaan mo!" Sigaw niya saka tumakbo na pababa ng hagdan , ako naman ay napangiti at hinawakan ang malambot kong labi.

Nananaginip ba ako? O totoo ang lahat ng naganap? Mga tanong sa aking isipan , sinampal ko naman ang aking mukha nang sa gayun ay matauhan ako at nakaramdam ako ng sakit sa aking pisnge.

"Shit totoo nga!" Di makapaniwalang sabi ko saka bumaba na upang habulin siya.



_

___________________________________________________

Larry's Pov

Sa dalawang araw na aming pag aayos ay sa wakas ay naisagawa namin yung binabalak naming tree house , maliit lamang iyun ngunit kasya naman kaming Lima na magkakaibigan roon.
S

a may baba ay inayos na namin yung mga kawayang mga upuan at tsaka pati lamesa , doon na din nakalagay ngayon ang mga inihanda namin para sa kaarawan ni amanda.


May niluto si inay na pansit bihon , may cake kaming binili , may puto at kutsinta saka nag ambag naman si myrna ng mga bangus na presko pa at kasalukuyang iniihaw niya sa ngayon.
N

aiayos na din namin ang mga de bateryang ilaw sa may tree house at sobrang ganda nga nitong pagmasdan , dati ay gasera lamang ang aming gamit sa tuwing tatambay kami ng gabi ngunit ngayon ay mas lumevel up na.


Napakalaking tulong din sa amin ng allowance na ibinibigay ni mayor sapagkat nagkakaroon kami ng ipon. Abot langit ang saya ko gayung naging maayos ang lahat nang plinano namin.

"O siya larry? Nakaayos na ang lahat? Maaari mo nang puntahan si amanda sa kanilang tahanan at dalhin siya rito" utos naman ni coleen saka pinupokpok ngayon yung kawayan na ginawa naming parang maliit na gate.

"Oo nga nang sa ganun ay masimulan na natin ang party! Wohooo!!" Nananabik na sabi ni jem na hawak hawak ang mga softdrinks na ilalapag niya sa may lamesa.

Napatango na lamang ako saka kinuha ang aking flashlight upang maglakad na patungong bahay ni amanda  medyo kinakabahan ako na ewan habang hinahawak hawakan ang regalo kong kwintas at bracelet sa kanya na nasa may bulsa ko.

Fast forward...

Nakita ko na may ilaw sa bahay nila kung kaya'y kumatok na ako , binuksan naman niya ang pintuan saka bumungad sa akin ang abot langit na ngiti ni amanda.

"M-magandang Gabi Amanda? Nais kong batiin ka nang maligayang kaarawan!" Medyo nautal na sabi ko ewan ko ba , ackk ang ganda ni amanda mas lalo ata siyang naging attractive ngayong araw.

"Oh larry? Maraming salamat sa iyong pagbati!" Sabi niya sa akin hindi pa din nawawala ang mga ngiti niya sa kanyang labi ngayon.

"Oum hindi na ako magpapaligoy ligoy pa amanda? May nais akong ipakita sa iyo ngayon kung kaya'y hayaan mo sana na lagyan kita ng piring sa iyong mga mata" diretsahang litanya ko sa kanya saka linapitan na siya. Nagtataka man ay mukhang wala na din naman siyang magagawa kundi ang sumunod na lamang sa nais ko.

"Anong meron larry?" Nagtatakang sabi niya hinawakan ko naman ang balikat niya at tsaka nagsalita.

"Ako'y iyong pagkatiwalaan amanda. Hindi kita papabayaan" nakangiting sabi ko saka inilagay na yung piring sa mata niya , hindi naman na siya umangal kung kaya'y hinawakan ko na nang mahigpit ang kanyang kamay saka naglakad na patungong tambayan.

Maya maya ay natanaw ko na ang tambayan at naroon na ang lahat , nakasindi na din ang cake dahil sinenyasan ko na sila na gawin na iyun.
S

uccessful akong nadala siya at sinabihan ko na siya na tanggalin ang piring nung nakapasok na kami sa may mini gate.


"Maligayang Kaarawan sa iyo amanda!"  Sabay sabay naming sigaw , si yzabelle naman yung nasa itaas at nagsasaboy ngayon ng mga bulaklak na pinitas niya kanina sa tabi tabi.

"Maraming salamat sa inyo! Hindi ko akalaing ako ay inyong susurpresahin , napakaganda na ng ating tambayan! Kelan niyo ito isinagawa" manghang mangha na sabi niya saka inililibot ang kanyang tingin sa paligid.

"Nung isang araw lang namin sinimulan amanda para nang sa ganun ay may bago na talaga tayong tatambayan" sabi naman ni jem , bumaba na din si yzabelle at binigyan ng yakap si amanda.

"O siya at natutunaw na ang kandila sa iyong cake amanda? Maaari ka nang mag wish at nang sa ganun ay makakakain na tayo at magtungo sa loob ng tree house" sabi naman ni coleen napangiti na lamang si amanda saka tumango , lumapit siya sa may cake niya at tsaka unti unting ipinikit ang kanyang mga mata.

"Maligayang kaarawan Amanda! Maligayang kaarawan Amanda! Maligayang maligaya , maligayang kaarawan amanda!" Pakantang sabi naming lahat saka napapa palakpak.

Diretsong nakatingin lamang ako kay amanda, hindi ko alam kung ito ba ang tamang panahon para mag confess sa kanya pero aking susubukan. Pagmulat ng kanyang mata ay hinipan niya na yung cake at tsaka sabay sabay naman kaming nagpalakpakang muli ng parang mga baliw.



Comment