MDA- LVII (1st Wave)

Author's Pov

"Maghanda kayong lahat dahil matinding pasabog ang ating ihahanda gayung kaarawan ng isang tao na masasabi nating kaaway!" Wika ng matanda ngayon sa mga kasama niyang nakaitim na nagtitipon tipon sa isang kweba , nakasuot sila ng mahabang kasuotan na kulay itim at may hood.

"Magtitipon tipon silang lahat kung kaya'y mas maganda sapagkat sabay nilang matutunghayan ang isang sumpang akala nila ay napuksa na nila" natatawang dagdag pa ng matanda na may hawak na tungko ngayon.

May mga takip ang mga mata ng mga taong nasa harapan niya at makikita sa paligid ang mga pangalan ng mga biktima nilang namatay na , nakalista na din doon ang angkan ng mga Garcia at isa sa malaking pangalan na naroon ay ang pangalan ni Jaydee. Puno ng dugo ang paligid dahil sa mga nakalatag na mga hayop na pinutulan ng mga leeg kagaya ng mga manok , baboy,  kambing , kalabaw , pusa , baka , aso at iba pang hayop.


Ito ang magsisilbing alay nila sa gagawin nilang ritwal ngayong gabi , naglakad na ang matanda patungong sa gilid ng gitna kung saan may makikita kayong sementado na hugis star (as it shown below)

May nakalatag na mga papel para sa mga sasabihin sa ritwal at nagtungo na nga doon sa gitna ang binata na nakakulay itim din sa ngayon. Makikita niyo ang matangos niyang ilong at medyo may kalaliman ang kanyang mga mata , maputi ang kanyang balat at umiilaw na ang kulay pulang paro paro sa kanyang bandang tyan.


Nagsimula nang magsalita ang limang myembro na nakapalibot sa may bilog at pagkatapos nilang magsalita ay nagsagawa na ng ritwal ang binata at inaalalayan naman siya ng matanda na nasa gilidan niya. Habang sinasabi niya ang mga bawat salita na nakapaloob sa papel ay unti unti namang kinuha nung tatlong katao na nakakulay pula ngayon yung mga hayop na pugot ang nga ulo at tsaka unti unti nilang ginilitan ang mga tyan nito na dahilan upang dumanak muli ang dugo.


Agad na nilang pinatulo ang dugo ng mga hayop sa butas na naghuhugis star upang magsilbing panapos sa ritwal na kanilang sinimulan. Nang magkatagpo tagpo na ang dugo ng Hayop ay kumuha na ang matanda ng kutsilyo at tsaka iniabot na iyun sa binata na nagsasagawa ng ritwal. Napahinto naman ng kaunti ang binata na tila bay nag aalangan na tapusin ang bagay na kanyang sinimulan.


"Tapusin mo na ngayon din!" Iritableng utos ng matanda sa kanya na ikinaalarma niya napatingin naman siya rito at halata ang lungkot sa kanyang mga mata. Dahan dahan niya nang inilapit ang kutsilyong hawak niya upang gilitan ang kanyang kamay na malapit sa kanyang palapulsuhan.


Napapikit siya nang itusok niya na ang pinakadulo ng napakatalim na kutsilyo at kasabay nun ay ang pagtagas ng dugo niya sa kanyang kamay. Nanginginig na inilagay niya ang kanyang nagdurugong kamay sa may butas sa gitna ng star at pagkatapos niyang maisagawa iyun ay biglaang umilaw ang star na iyun na senyales na nagawa na ang ritwal at maghihintay na lamang sila sa magiging resulta.


_____

Villa Aguinaldo

Punong puno ng ilaw ang paligid gayong isa sa napaka espesyal na tao sa kanilang bayan ang mag si celebrate ng kanyang ika 74 na kaarawan. Si Thomas na kilala bilang 'The Man Who has a Good Heart' Dahil sa magkabilaang donasyon na ibinibigay niya sa mga bawat charity.


Makikita sa paligid ang mga naglalakihang balloons na kulay Asul dahil iyun ang paborito niyang kulay , marami rami na ang mga bisitang nagsisidatingan ngayon at puro mga mayayaman ang mga naroon sa ngayon. Nakahanda na din ang mga nag gagandahang mga lamesa at mga baso at mga pinggan doon na mala gold. Yung mga pagkain ay nakahain na sa may gilid ng stage na sobrang napakarami , mga sosyaling handa ang nakapaloob doon at tanging mayayaman lamang ang may kayang maka aafford ng ganuong mga pagkain.


Nakapalibot na din ang mga guwardya na kasalukuyang naka asul din na suit na nagbabantay sa paligid , mahigit isang daan sila upang masigurado na walang kababalaghang mangyayari ngayong gabi ng kasiyahan. Kasalukuyang inaayusan na ng mga make up artist si Thomas sa isang kwarto na may nakabantay din na guwardya , sa kabilang kwarto naman ay naroon sila Romeo , Nami at Jaydee.


Nakasuot ng purong itim na suit at trousers si Romeo at bagong gupit ito habang si Nami naman ay nakasuot ng kulay Sky Blue na dress at tsaka napakataas na mamahaling heels. Si jaydee naman ay nakasuot ng Blue suit at black shirt sa loob at kulay black din ang kanyang trouser. Mixed blue and black naman ang kanyang neck tie.


Sa kabilang kwarto naman ay naroon si Pablo kasama ang kanyang asawa na nakasuot ng mamahaling Sky Blue din na dress at naroon din si Manuel kasama ang kanyang asawa na nakasuot ng itim na damit.

"Anong balita? Nasaan na daw si Lolo Lorenzo , Kuya? Akala ko bay mas maaga pa silang darating" Pagputol ng katahimikan ni Pablo sapagkat kanina pa dapat nakarating ang kanilang Lolo sa tuhod na si Lorenzo na kapatid ng kanilang Lolo Tommy/Karding.

"Hindi ko alam ngunit ang huling sabi niya kanina ay malapit na siya kung kaya'y hintayin na lamang natin Pablo sapagkat baka natraffic lamang sila ng kanyang driver" mahabang turan ni Manuel at tsaka kinuha ang kanyang cellphone upang itext muli ang kanyang Lolo sa Tuhod.

Napatango na lamang ang kanyang kapatid dahil doon at tsaka nagpaalam na na lalabas na sila ng silid. Nilibot lang ni Pablo ang kanyang tingin sa paligid at nakita niya naman sa baba ang mga bisita at ang pamilya ng mga Pinlac kung kaya'y dali dali na siyang bumaba para salubungin ang mga ito.


"Magandang Gabi! Nagagalak akong salubungin ka Mayor , Mrs. Pinlac at Binibining Therese. Salamat sa pagpapaunlak ng aking imbitasyon gayung kahit marami kang mga aktibidadis Gistavo" bungad na sabi ni Pablo kay Mayor Pinlac at tsaka sa buong pamilya nito.

"Nababagay sa iyo ang kulay asul na  suot mo pablo. Oum , wala naman ako masyadong ginagawa sa office. Siya nga pala nasaan si Tay Thomas? Gusto ko lamang siya na batiin ng maligayang kaarawan" Tanong naman nito kay Pablo at napaturo naman ito ang lalaki sa may itaas ng mansyon kung saan naroroon si Thomas.

"Nasa itaas sila ngayon gustavo ngunit pababa na din naman sila gayung malapit na makompleto ang mga bisita" masayang wika ni pablo saka tinatanguan at binibigyang galang yung mga bisita din na nadadaanan sila.

"Maupo na muna kayo dyan Gustavo dahil magsisimula na din naman ang kasiyahan" dagdag pa nito at tsaka itinuro ang bakanteng upuan na malapit sa kinaroroonan nila ngayon.

Napatango na lamang sila Mayor Pinlac at inassist niya na ang pag upo ng kanyang asawa at anak sa may upuan.

_____

Jaydee's Pov

Lumabas na sila Nami at Romeo ng silid at tanging ako na lamang ang naiwan dito sa ngayon , malalim ang aking iniisip at hinihintay ko na ang pagdating ni Lolo Lorenzo. Ngayong araw ang dating niya dito sa pilipinas galing sa States , hindi ako makapaniwala na buhay pa pala ito at namumuhay lamang siya ng payapa sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya.


Kasama niyang uuwi ngayon ang nag iisa niyang anak na si Lolo Louie na nag iisang pinsan ni Lolo Thomas. Hindi ko maiwasang hindi kabahan gayung mukhang ngayon masasagot ang matagal ko nang katanungan. Nabanggit niya din sa akin na may mahalaga siyang nalaman at iyun ay sasabihin niya na lamang kapag dumating siya rito ngayong gabi.


Isang katok naman ang nagpabalik sa aking wisyo ngayon napatingin na lamang ako doon at tsaka dahan dahang binuksan iyun. Bumungad naman ang taong hindi ko inaasahang makita ngayon at diretsong nakatingin lamang sa akin , napalunok na lamang ako ng laway sapagkat hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin gayung kaharap ko siya.


"Uhm Hi Jaydee?" Paunang sabi niya saka itinaas pa ang kanyang kamay at suminyas ng hi sa akin.

"Anong ginagawa mo d-dito.. Uhm I mean bakit wala ka sa baba?" Parang nautal na sabi ko hindi ko kasi inakalang magtutungo pa siya sa taas ganuong nasa baba naman ginaganap ang celebrasyon ng kaarawan ni Lolo Thomas.

"Ah eh kasi ipinatawag ka sa akin ni Nami , Magsisimula na daw ang event at hindi kompleto iyun kung wala ka roon sa baba" hindi maitatangi na tila bay naiilang siya sa akin ngayong paiba iba ang direksyon ng kanyang mga mata at halata din dito ang lungkot at parang mugto ang kanyang mata.

"Okay ka lang ba therese? Namumutla ka kasi ngayon binibini. May kakaiba ka bang nararamdaman?" hindi ko maiwasang hindi mag alala sa kanya dahil sa aking nakikita , pinagpapawisan siya ng malamig at parang may dinaramdam siya.

"Okay lang ako jaydee. Huwag kang mag alala siguro pagod lang ako. Oum , tara na sa baba" mahinang tugon niya sa akin saka tumalikod na at akmang maglalakad na nang hawakan ko ang bandang palapulsuhan niya.

"Saglit lang therese.." natigilan naman ako sa paghawak sa kanya ng umaray siya dahil sa paghawak ko sa kanyang palapulsuhan which means may sugat siya? Kung hindi ako nagkakamali.

"Therese? Anong meron dyan sa mga kamay mo. May sugat ka ba ah? Bakit at paano mo nakuha iyan?" Nag aalalang tanong ko sa kanya , nakadress siya na blueish at parang long sleeves ito kung kaya'y natatakpan ang bandang palapulsuhan niya.

"Wala ito. Huwag kang mag alala ayos lang ako" tilay nanghihinang wika niya sa akin kung kaya'y mas lalo akong nakaramdam ng kakaiba.

Hindi siya okay at nararamdaman ko yun , kilala ko siya kaya hindi siya makakapagsinungaling sa akin.

"Halatang hindi ka okay therese kaya sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari at nang sa ganun ay matulungan kita" tugon ko naman sa kanya saka unti unti siyang nilapitan at hinawakan ang kanyang balikat.

"Stop this act jaydee , mas lalo mo lamang ako pinapahirapang mag move on sayo. Stop giving me a false hope , stop acting na you love me kung hanggang kaibigan lamang iyun" dahil sa madiing sinabi niya ay napa estatwa na lamang ako at pinagmasdan na lamang siya na maglakad papalayo sa akin , hindi ko alam ngunit parang nakaramdam din ako ng kirot nung sinabi niya iyun sa akin.

Ramdam ko na nasasaktan siya at alam kong dahil iyun sa akin , Ayokong nasasaktan siya ngunit pagod na din naman ako na masaktan. Ngayon ko lamang naramdaman ang saya dahil sa pinili ako ng taong mahal ko ngunit nakakasakit pa din ako ng ibang tao dahil sa kagustuhan kong sumaya.




Comment