16

"Sa t'wing puso'y nag-iisa
Mayro'ng himig na kumakatok sa pinto ng aking alaala
'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata
Ngayon, ikaw na lang ang nakikita"


Panimulang pagkanta ni Stell sa kanta nilang 'Hanggang sa Huli'. Napapikit naman ako habang pinapakinggan 'yung pagkanta nila. Dahan dahan kong winawagayway ang kamay ko habang may hawak na lightstick.


"Tanging pag-asa ko'y biglang naglaho
Ngunit pag-ibig ko'y 'di nawala"


Part na ni Ken, nakatingin lang ako sa kaniya habang nakapikit siyang kumakanta. Pagkatapos sa part na 'yon ay nagmulat siya at nagtama ang aming mga mata. Ngumiti lang ako.


Hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa'kin habang sabay sabay silang kumakanta. Lalo sa part 'nung 'mahal kita'. Kahit wala siyang sariling part doon, he mouthed ' mahal kita'.


At s'yempre sobra 'yung kilig ko doon! Hindi ko alam kung ako ba 'yung sinabihan niya noon o sadyang sa harapan lang siya nakatingin. Pero inassume ko nalang na sa'kin niya 'yon sinabi. Oh my god! Mahihimatay yata ako sa sobrang kilig dito!


"Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa 'yo hanggang sa huli"


They ended the song. May iba munang naka-play doon sa live ngayon dahil kailangan nang magpalit ng damit ng SB19, agad naman akong lumapit para ibigay sa kanila 'yung mga damit.


"Ang galing niyo!" Sambit ko. "Last song na, makakapahinga na kayo mamaya."


"Ang sarap sa pakiramdam na makapagperform ulit!" Masiglang sabi Justin.


"Kahit nakakapagod, enjoy lang tayo guys." Sabi naman ni Josh.


"Nag-enjoy ka ba, Athina?" Tanong ni Stell.


"Tinatanong pa ba 'yan? S'yempre naman 'no!" Mabilis kong sagot.


Imagine niyo nalang na nasa harapan niyo 'yung idol niyo at nagpeperform, sino bang hindi mag-eenjoy? Bukod pa sa pag-eenjoy, nakaka-inlove din lalo! Agad akong napatingin kay Ken na tapos nang magbihis, nakaupo siya sa couch at inilalagay 'yung eye patch sa kaliwang mata.


Kakaiba 'yung aura nila ngayon, ano bang klase 'tong sunod nilang kakantahin? Parang fierce gano'n.


Pumwesto na sila ulit do'n sa harap ng camera. 'Yung ilaw ay nakay Stell lang tapos black pa rin sa paligid. Nang magstart ang live ay nagsimula na rin ulit kumanta si Stell.


"Every day, I think the load gets heavy
Throw it away, the world unloads hostility
Is there a way to break the curse and stop this now?"


Sinundan naman kaagad 'yon ni Ken. And oh my god! Kung maririnig niyo lang 'to ngayon, sobrang nakakamangha.


"I'm going home, then I'll cry alone
Don't you worry, soon, I'll be gone"


Sobrang hype 'nung music kaya napapatalon talon ako dito habang pinapanood silang kumakanta at sumasayaw. Ito pala 'yung new song nila, grabe kakaiba! Ang sarap lang din nilang panoorin, kitang kita kong nag-eenjoy sila.


"K.O.

SB19 wins!"


And that's how their last song ended. Like the usual, bago tapusin 'yung live, nagbigay muna sila ng message isa-isa.


"Sana nag-enjoy kayo, A'tin! Thank you so... much." His voice broke, naramdaman ko rin 'yung pagiging emotional niya. "Uhm, I-I want to thank my f-family, the members. Salamat sa patuloy niyong p-pagsuporta."Β 


Nakita kong tumulo 'yung mga luha niya kaya hindi ko na rin napigilan 'yung sarili ko, naramdaman ko ang dahan dahang pagtulo ng luha ko. Nasubaybayan ko 'yung journey nila and I'm really so proud of them. 'Nung mga panahong nagsisimula palang sila, kilala ko na sila at alam kong darating 'tong panahon na 'to.


Sumunod na nagsalita si Sejun. "I want to thank first s'yempre si God, my family, friends, A'tin. Sa lahat ng hirap na pinagdaanan namin ay patuloy kayong nakasuporta. A'tin, kung wala kayo, wala kami dito. Maraming maraming salamat."


Tumango ako habang patuloy pa rin na umiiyak. We will always support you, guys.


"Thank you, God, sa family namin, members, sy'empre mga fans namin. Salamat sa inyo." Maiksi lang na message ni Ken. Hindi niya nalang din siguro pa hinabaan kasi baka maiyak pa siya.


Sumunod si Stell. Alam kong kahit hindi pa siya nagsasalita ay sobrang emotional niya na. Nagpipigil lang 'yan para hindi siya maiyak.


"Ah. Sa'kin naman s'yempre, uhm." Natigil siya sa pagsasalita at napangiti, halatang pinipigilang umiyak. "Ano ah, salamat sa suporta at kahit muntikan nang ano, magkawatak watak ang grupo na ito ay naisalba pa rin."


Tuluyan na siyang naiyak. "S-salamat sa members, sa patuloy na p-pagtulong sa'kin. Na palaging nagsasabi na 'wag susuko. Ah ayon. Sa A'tin, salamat din sa inyo."


Si Justin ang huling nagsalita. "Ayan napasalamatan na nila lahat. Gusto ko rin palang pasalamatan ang manager namin, s'yempre isa rin siya sa dahilan kung bakit nandito kami ngayon, ayon salamat po sa suporta ninyong lahat."


Nang matapos ang live concert ay dali dali ko silang nilapitan at niyakap sila. Patuloy pa ring tumutulo ang luha ko. Hindi ko alam kung tears of joy lang ba 'to o ano.


"C-congratulations guys! You all did great. S-sobrang proud kaming A'tin sa inyo."


They hugged me back. Magkakayakap kaming anim dito ngayon.


"Tama na nga ang iyakan, hahaha!" Sabi ni Josh at saka pinunasan ang mga luha niya.


"Ikukuha ko kayo ng maiinom," sabi ko bago lumabas sa studio.Β 


Bumalik din naman ako kaagad na may dalang tubig at pagkain. Alam kong gutom na sila, magdadalawang oras din ang itinagal 'nung concert.


"Thank you, Athina!" Sabi ni Justin.


Nakaupo kami sa couch, magkakatabi kaming anim habang nakasandal. Halatang pagod na pagod sila. Ikaw ba naman kumanta tapos nagsayaw pa.


Sejun suddenly laugh. "This day was fun."


"Yeah, salamat sa suggestion mo na 'to, Athina." Josh smiled at me.


"Kung hindi mo 'to na-suggest, ewan ko nalang din, hahaha." Sabi naman ni Stell.


Tumayo na si Justin, masigla na naman. "Tumayo na kaya kayo, ano mga sir. Mag-aayos pa tayo ng bonfire at ng kakainin natin."


"Magpahinga na muna kayo, hahaha." Hinila ko siya paupo.Β 


Maaga pa naman at makakahintay naman 'yung bonfire kaya mas okay na magpahinga na muna sila.


"Tama, gayahin natin si Ken, tingnan niyo oh tulog na." Natatawang sambit ni Josh kaya napatingin ako kay Ken.


Kaya pala ang tahimik ng katabi ko kasi tulog na!


Napaka-peaceful ng mukha niya. Inabutan ako ni Sejun ng panyo, ipunas ko daw sa mukha ni Ken na pawisan.


"Bakit ako? Baka magising 'to," pabulong kong sabi sa kaniya. "Baka magalit pa sa'kin."


"Kaya nga sa'yo ko ipapagawa para pag nagising siya, hindi magagalit," bulong niya pabalik.


Ayaw lang nilang mapagalitan sila ni Ken kaya sa akin nalang ipapagawa. Mga 'to talaga! Napailing iling nalang ako at hindi na muling nagreklamo.


Dahan dahan kong pinupunasan 'yung mukha ni Ken. Grabe, ang pawis! Bigay na bigay kasi sa concert, e. Habang pinupunasan ko 'yung bandang ilong niya ay gumalaw siya ng kaunti. Akala ko pa nga ay magigising siya kaya kinabahan ako, buti nalang at hindi nagising.


Kaming dalawa nalang ni Ken ang naiwan dito sa studio, isang oras na rin ang nakalipas mula 'nung makatulog siya. Lumabas na 'yung apat kasi magbibihis na daw sila at sisimulan nang mag-ayos para sa bonfire mamaya. Nagpaiwan lang ako dito para may kasama si Ken.


At para masolo ko siya.


Charot lang! HAHAHAHA Landi, hmp.

__________


πŸ’™πŸ’™πŸ’™πŸ’™πŸ’™

Comment