Chapter 129

5:28 PM

"Finally, nakapag-get together rin tayong lahat na kumpleto. Busy man ang schedule pero nakapunta pa rin kayo rito. Salamat sa oras, naappreciate ko kayo lalo." nakangiting sabi ni Danerie sa aming lahat.

"May announcement talaga kami ngayon kaya naisipan namin na magkaroon ng ganitong get-together, hindi lang para makapag-bonding tayo pero malaman niyo ang mga ganaps lalo na sa Blacklist. Most of us, alam niyong member kami nito at kami ang mga players ng team." nakangiting sabi ni Vee sa aming lahat.

"Last season, nagpahinga sina paps at mamsh sa paglalaro. Nagdecide muna silang mag-chill stream, sumama sa mga events or collaborations at magfocus sa mga pinagkakaabalahan nila outside gaming. Noong S9, nagkaroon ng malaking changes sa team. Nahirapan kami at kinakapa ang mga bagong members. Bagong kilalanin na naman at pakikisamahan. Hindi naging madali ang run noong season dahil isang jungler at roamer ang nawala sa amin. Hindi rin maipagkakaila na parang naputol ang mga pakpak namin dahil sa pansamantalang paglipad ng aming captain. Nawala ang reyna at hari sa kanilang palasyo. Ang bilis, S5 pa lang naglalaro na ako. Hndi naging maganda ang resulta noong last season na tipong nais ko na lang sana magpahinga dahil sa tingin ko noon, marami naman na akong napatunayan. Naging MVP na ako noong S7 at champion kami, champion rin kami noong S8 at world champion rin kami noong M3. Marami na rin kaming tournaments na naipanalo nang magkakasama. Kung hindi 1st place ay champion kami. Akala ko doon na matatapos ang journey namin pero hindi pa. Hindi pa ito yung tamang oras para maghiwa-hiwalay kami." mahabang kuwento ni Edward sa aming lahat.

"Honestly, hindi ko alam ang gagawin ko noong sinabi sa amin ni mamsh at paps na magpapahinga sila last season. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung magiging masaya ba ako para sakanila dahil magkakaroon sila ng oras para sa sarili nila at para sa mga pinakamamahal nila o malulungkot ako kasi may isang season na lilipas na hindi sila ang kasama. Gulong-gulo ang isip ko noon pero binigyan kami ng assurance ng management na babalik ang reyna't hari sa kanilang kaharian, babalik sila. Babalik sila sa amin matapos ang isang season na pagpapahinga. Ang dating pakiramdam na parang natapos lahat sa amin ay bumalik sa panibagong simula." dagdag pa ni Kiel.

"Finally, gusto kong i-announce sa lahat na this time ay babalik na kami ni DJ sa pro scene. Maglalaro na kami this season at kabilang kami sa roster na ilalabas ngayon. Namiss ko talaga ang mga bagets! Kahit isang season lang ang ipinagpaliban namin ay iba pa rin talaga kapag kasama mo sila sa practice o kahit saan tapos nasa iisang lugar lang kayo. Dati, sa isang bahay lang kami. Ngayon, may facility na kami. Malapit nang matapos ang pinapagawa kong tahanan, uuwi na rin sina Mama at Ate mula sa Japan. Kaunting kembot na lang. Yung pangako ko kay Mama na makakapagtapos ng kolehiyo, apat na taon na lang. Psychologist na ako. Kasama ko pa rin si DJ, ang team at kayo. Salamat, lagi't lagi." tila'y naluluhang anunsiyo ni Vee sa aming lahat.

Bakas sa aming lahat ang halo-halong emosyon. Masayang-masaya ako para kay Vee at DJ. Matagal ko nang alam na pangarap nilang makapagpatayo ng bahay. Ngayon, may sarili na silang business.

The Veewise Sari-sari Store.

Si Edward, malapit na rin matapos ang pagpapagawa ng bahay nila. Lowkey lang siya pero sa ganitong edad namin ay sobrang nakakaproud ang mga nararating niya sa buhay.

Sa kabilang banda, nag-eestablish naman ngayon ng clothing line business si Kiel. Ang galing niyang mag-invest at sumubok sa mga bagay-bagay para sa ikakaganda ng future niya.

Walang mapagsidlan ng aking galak at saya sa oras na ito, mabilis kong hinila sina Vee para sa group hug at nagsunuran naman ang lahat sa amin.

"Ipinagmamalaki namin kayong apat, DJ. Noong una pa lang, nakita ko na ang potensiyal sa inyong lahat simula noong sumali kayo sa SSG Family. Masayang-masaya kaming lahat sa nararating niyo at hindi kami nagsisi na naging parte kayo ng Blues Squad." nakangiting sabi ko habang naka-group hug kaming lahat.

"Salamat rin sa walang sawang pagsuporta niyo sa mga pangarap namin. Hinding-hindi namin kayo malilimutan. Lahat ng mga pinagsamahan natin nang magkakasama kahit anong mangyari." nakangiting sabi ni DJ sa aming lahat habang nakagroup-hug.

Nagulat kaming lahat noong pinagtugtog ang 'Ang Huling Sayaw by Kamikazee' doon sa Romantic Baboy.

Tumingin kami sa isa't isa at nakita ang mga repleksyon ng mga alaala naming magkakasama. Bumalik lahat ng mga pinagdaanan namin. Lahat ng saya o lungkot. Mabuti man o masama.

These kind of friendship of mine, we are the best of the best.

The treasures of my life that I want to gate-keep forever.

I love you in all ways, my blue squad.

Hanggang sa matapos ang kanta ay hindi kami umalis sa mga puwesto namin at nanatili sa ganoong posisyon.

Unti-unti na kaming nagsi-alisan noong isine-serve na ang mga meats, chicken, beef, seafood at mga side dishes. Bumalik na kami sa kaniya-kaniyang table at nag-umpisang i-cut muna ang meat, chicken at beef bago ito iluto.

Binuksan na namin iyong butane at naglagay ng oil para makapagsimula na kaming makapagluto habang kumakain kami ng side dishes.

"So, kumusta ka naman Adri? Inactive ka sa social media ah, buti nalaman mong may get-together tayo?" nakangiting tanong ni Nicole sa akin.

"Girl, busy akong tao in real-life. You guys know that. Wala talaga akong time para mag-check ng social media ko. Maraming nagaganap sa present time ko. Nalaman ko lang kay CJ, inaya rin kasi siya nina DJ. Magkakasama kami nina Ysabel kanina, sabay-sabay kaming nag-lunch kasama si Matthew." sagot ko naman kay Nicole.

Kaagad namang tumingin ang dalawa kay Ysabel at pinagkumpulan ito ng tanong. Pinagmasdan ko lang sila at ang sarap sa pakiramdam na magkakasama na ulit kami.

It's been a while, girls.

We're together again, we're finally back to each other's arm.

Bumaling naman sa akin ng tingin si Chezka.

"Kamusta audition niyo Xei? Ayaw mag-spill tea ni Ysabel eh. Ikaw na lang, anong ganap?" mausisang tanong sa akin ni Chezka.

"Naging maganda naman ang audition namin, mage-email na lang raw sa amin once na na-evaluate nila kami at kung sinong makakapasok o hindi sa UP PEP Squad." malumanay kong sagot kay Chezka.

"Ay, sumali kayo sa PEP Squad Adri?" nakangiting tanong ni Yvonne sa akin.

The University of the Philippines Varsity Pep Squad, more popularly known as the UP Pep Squad or simply UP Pep, was formed in 1994. The squad eventually became the official cheerleading and cheer-dance team of the University of the Philippines.

"Yep, feeling ko kasi maganda na magsimula na kami ngayong first year pa lang para maraming experience ang maacquire namin sa team if ever na matatanggap kami ni Ysabel." nakangiting sagot ko kay Yvonne.

"That's good Adri! Wala naman kasing masamang mag-try na mag-audition. Magandang credentials rin yan, dagdag points ba kumbaga." nakangiting singit ni Shai sa usapan namin ni Yvonne.

"Yep, that's why nag-audition na kami. Sayang rin kasi ang opportunities kung papalagpasin pa namin." nakangiting sagot ko kay Shai.

"Kumusta naman ang schedule mo, Adri? Kaya pa ba i-joggle lahat ng mga possible mo pang salihan? Ngayon pa nga lang, parang ang hectic na." mausisang tanong ni Gladys sa akin.

"Kaya pa naman siya ng schedule ko for now, freshman year pa lang naman. Marami pa akong gustong gawin eh, time management lang talaga." malumanay kong sagot kay Gladys.

"Freshman year pa lang, ang dami ng ganaps. What more pa kapag senior days na natin dito sa College?" kumento naman ni Claire sa usapan namin ni Gladys.

"Well, nasa tao talaga kung paano niya iba-balance ang mga gusto at kailangan niyang gawin para sa pang araw-araw. Just like me, third year na ako ngayong College. May business at maraming pinagkakaabalahan sa buhay. Pasasaan ba't makakaraos din tayong lahat." singit naman ni Ate Cherry sa kumento ni Claire.

Napabaling naman ang tingin ko kay Kuya Adrixennus na seryosong makatingin rito kay Ate Cherry habang nagsasalita ito.

"Uy Kuya!" tapik ko sa balikat ni Kuya Adrixennus.

"Bakit? Kakagulat ka naman eh!" nanlalaki nitong matang tanong sa akin.

"Aba kanina ka pa kayang nakatitig kay Ate Cherry, ikaw ha! No wonder, bakit kayo magkasabay kaninang pumunta rito?" panunukso ko sakaniya.

"Hindi! Nakikinig lang ako sa pinaguusapan niyo. Kung ano-ano iniisip mo, issue ka!" pananabla naman niya sa akin.

"Sus dre, kaya mo namang makinig nang hindi titig na titig kay Cherry. Ingat ka dre, napapaghalataan ka diyan." gatong pa ni Vincentius sa pangaasar ko kay Kuya Adrixennus.

"At ano daw yun? Magkasabay papunta rito tapos nalate pa ng dating? Naku, something's fishy talaga." natatawang pangaasar pa ni Yohannes kay Kuya Adrixennus.

"Tumigil nga kayo sa pangaasar samin diyan, kumain na lang kayo! Gutom lang yan." pagiiba ni Kuya Adrixennus ng usapan.

Tumatawa lang si Ate Cherry habang pinapanood kaming asarin si Kuya Adrixennus.

Bumaling naman ang paningin ko kay Kuya Adrixennon. Pinalapit ko siya sa may table namin at nag-usap lang kami tungkol sa buhay-buhay.

"Kumusta training ng aming future CEO?" nakangiting tanong ko kay Kuya Adrixennon.

"Eto, maganda naman ang pagpapatakbo sa mga departments. Madalas lang akong nasa office ni Daddy kapag kailangan niya ako. Minsan naman ay nagpapafacilitate lang ako ng mga employees ng kumpanya. Malaki ang potensiyal nito na maging Top 1 ulit sa business industry. Hindi iyon malabo dahil nakikita ko kung paano magtrabaho ang mga tao rito." nakangiting sagot sa akin ni Kuya Adrixennon.

"Sa bahay ba? Kumusta naman kayo nina Mommy at Daddy?" nakangiting tanong ko kay Kuya Adrixennon.

"Well, wala namang nagbago sa bahay bukod sa nawala kayong dalawa. Si Mommy, nag-start na rin magpa-order ng mga foods dahil nabo-bored daw siya sa bahay gawa lagi namang kaming wala ni Daddy dahil may pasok sa trabaho. Wala rin naman na siya masyadong pagsisilbihan dahil wala na kayo parehas sa bahay. Bale, kami na lang ang iniintay niya sa umaga at gabi. Pinapabaunan niya na rin kami sa tanghali para hindi na kami magpabalik-balik papuntang kumpanya." kuwento ni Kuya Adrixennon sa akin.

"Kailan pa nag-start yung pagpapa-order ni Mommy ng mga foods? Matagal na naming sina-suggest yan sakaniya. Alam mo naman diba Kuya? Mahilig talaga magluto si Mommy at masasarap naman talaga ang mga putahe na hinahanda niya. Hopefully, magtuloy-tuloy para may business naman na pagkaabalahan si Mommy habang wala pa kami sa bahay ni Kuya. Mabilis lang ang apat na taon, alam kong kayang palaguin ni Mommy yun in time. Naniniwala ako sa kaniya." nakangiting sabi ko kay Kuya Adrixennon.

"Nitong nakaraan lang siya nag-start, bago pa lang talaga ang business niya. Marami na kaagad siyang costumers. Kung tutuusin, if may team talaga si Mommy. Maari silang magtayo ng catering or even restaurant. Doon pa naman sa lugar natin, usong-uso ang mga pa-party na bongga ang handaan o kumain lang sa labas para sa mga sakto lang ang budget. Marami na ring kino-contact si Mommy na maari siyang maging supplier ng mga pagkain. Gagawa na rin siya ng social media accounts para sa business niya. Ine-establish pa lang niya kaya hanggang ngayon, busy pa siya. Kapag walang tao o bisita sa bahay, nasa kwarto lang siya. Inaayos ang mga kailangan niya para sa business." kuwento pa sa akin ni Kuya Adrixennon.

"Ikaw ba? Kumusta ka rito? Ang pagaaral mo, maayos naman ba?" tanong sa akin ni Kuya Adrixennon.

"Ayos lang ako Kuya, busy lang talaga ako sa mga ganaps pero masaya naman ako rito. Kasama ko pa si Ysabel sa dorm at kami lang dalawa kaya hindi ko masyadong nararamdaman ang lungkot na mawalay sainyo. Lahat tayo, naguumpisa na i-establish ang future. Nagkakaroon ng sari-sariling buhay. Sina Mommy at Daddy, kaunting taon pa ay retirement na nila. Hindi na tayo bumabata kaya hangga't maari gawin na natin ang mga bagay na makakapagpaganda sa future natin at mas ikakabetter natin sa present." sagot ko kay Kuya Adrixennon.

"Sabi ko, once na makatapos na kayo ng pag-aaral ni Adrixennus. Ako naman, uunahin ko naman ang pagkuha ng degree ko. Sa panahon ngayon, hindi natin alam ang takbo ng mundo. Maaring ikaw yung nasa taas ngayon, bukas nasa baba ka na. Kailangan mong matutuhan na tulungan ang sarili mo. In the end of the day, ang aasahan mo lang naman ay ang sarili mo. Hindi ibang tao. Ikaw. Ikaw ang may responsibilidad sa sarili mo. You're on your own and you always have been." nakangiting sabi sa akin ni Kuya Adrixennon.

Seems like the future is coming.

Everbody's want to make something.

"Iyon ang totoo. Ito ang reyalidad. Sa isang iglap, magkakaroon tayo kaniya-kaniyang buhay. At ngayon pa lang ang simula ng pagbabago. Ang unang pagpasok ng kolehiyo at ang pagtatapos nito. Ang unang apply sa kumpanya at maestablish ang sarili sa trabaho kung saan ka propesyon nagpakadalubhasa. Matupad lahat ng mga pangarap mo simula pagkabata hanggang sa pagtanda. Matapos lahat ng iyon, maiisip mo na lang talaga na sa paanong paraan ko kaya gusto akong maalala ng mga tao?" nakangiting sagot ko kay Kuya Adrixennon.

"O hindi naman kaya ay naging mabuti o masama ba ako bilang tao? Maraming tanong ang maiisip mo in the long run dahil sa pag-dami ng mga experiences mo sa buhay. Maraming success, failures, achievements, mistakes at kung ano-ano pa. Huhubugin ka ng buhay sa best state ng buhay mo. Sa better version mo. Simula pagkabata hanggang sa pagtanda. Maraming unexpected things o people na darating sa buhay natin. Some of them will pass by or some of them will stay in our lives. All we have to do is enjoy the ride, make it worth a while and treasure life with our loved ones." nakangiting sabi sa akin ni Kuya Adrixennon.

We can't let our values of the past distract us from from the realities of the present.

Blue squad, royalty check!

Reclaim The Crown.

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so I can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiastwp.

Comment