Chapter 102

8:48 AM

Parehas kaming hindi gumagalaw sa puwesto namin at doon ko lamang muli napagmasdan nang matagal ang kaniyang mukha.

Mukhang wala namang nabago, gwapo ka pa rin sa paningin ko.

Iba pa rin ang datingan mo. 

Kahit sino, walang papantay sayo.

"Ano, tara na?" nakangiting aya niya sa akin sabay lahad ng kaniyang kamay sa akin.

"Ah oo nga pala, sayang ang oras." napakamot na lamang ako sa aking ulo at inabot ang nakalahad niyang kamay para sa akin.

"Alam mo ba nagiging magaan ang lahat sa tuwing kasama kita, sa tuwing hawak ko ang kamay mo." nakangiting sabi niya sa akin habang hawak-hawak niya ang mga kamay ko.

"Pakiramdam ko, kaya kong gawin lahat kung ikaw ang makakasama ko." nakangiting sagot ko sakaniya habang hawak-hawak niya ang mga kamay ko.

"Kahit sino pang dumating, ikaw at ikaw lang ang gugustuhin kong mahalin. Ang babaeng panghabang-buhay ko." nakangiting sabi niya sa akin habang hawak-hawak niya ang mga kamay ko.

"Dapat lang. Hindi naman natin mapipigilan ang mga pagkakamali natin sa buhay pero makakatulong iyon para mahubog tayo upang mas maging mabuting tao." nakangiting sagot ko sakaniya habang hawak-hawak niya ang mga kamay ko.

"Kung nago-overthink ka at  inaatake ka ng mental health problems mo, tell me if you want something okay? I'll always try to give what your desires are and treat you right." malambing niyang sabi sa akin at bigla niyang sinandal ang ulo niya sa aking balikat.

Awwww! Omggggg, cutieeee CJ!

My solace.

Homie.

"Uy thank you ah! I appreciate all your sweet gestures that you do. Swear, it makes my heart melt." nakangiting sabi ko sakaniya pagkatapos ay hinaplos ko ang kaniyang buhok habang nakasandal ang ulo niya sa aking balikat.

"If I offended you in any way or maybe I hurt you, please tell me okay? I can be better, we'll be better." sinuksok pa niya ang ulo niya sa aking leeg na tila'y isang bata na naglalambing sa kaniyang ina na ibili siya ng kaniyang gusto sa tindahan.

Your presence feels easy and simple just like when I breathe.

Your existence feels how to be better or how to treat me right as I deserve.

Czheandrei Jeya, you don't have an idea how much you make me feel loved and heard.

"Always remember that you don't make me feel that I have to worry about you because you don't seem interested with other girls or people who's around you. I trust you, CJ." nakangiting sabi ko sakaniya habang nakasiksik pa rin ang kaniyang ulo sa aking leeg.

Taking the time to understand him/her is going to improve your life. It can lead to having a more open relationship and your communication is going to improve as a result and being able to know that she/he is going to try to understand you no matter what is a great feeling.

Understanding  creates the conditions for love. As love without understanding won't last. It can go so many routes were love is just a good relationship.

"I have you and that's perfectly enough." nakangiting sagot niya sa akin at bigla niyang ini-angat ang kaniyang ulo upang tingnan ako sa mata.

"You always make me feel a love that feels like home, matured and low-key and that's all that matters." nakangiting sabi ko sa kaniya habang nakatingin ako sa mga mata niya habang nakahawak ako sa kaniyang mga pisngi.

"Uy akala ko ba aalis tayo? Pinakikilig mo naman ako masyado!" natatawang biro niya sa akin sabay hampas sa braso ko.

"Sira! Tara na nga!" natatawang aya ko sakaniya.

Natatawa siyang sumunod sa akin at hinawakan ang kamay ko pagkatapos ay naglakad kami sa sakayan upang makarating kami sa book store kung saan kami bibili ng school supplies this school year.

"So anong agenda natin madam today?" natatawa niyang panggagaya sa tono ng isang secretary na laging nakasunod sa kaniyang boss.

"Una, bibili tayo ng school supplies for this school year. Pangalawa, magfi-fitting tayo ng mga bagong damit. Pangatlo, magti-tingin tayo mamaya ng dormitory dahil magiging stay-in ako ngayong College life." nakangiting sabi ko sakaniya at tumango-tango lang siya sa akin.

"Saan kang university?" nakangiting tanong niya sa akin.

"University of the Philippines Diliman. Ikaw?" nakangiting tanong ko naman sakaniya pabalik.

"Naks, relationship goals! Nakapasa rin ako sa UPD, bakit ba kasi hindi kita nakita noong enrollment?" reklamo niya sa akin.

"Kasabay ko sina Kuya Adrixennus at Ate Cherry, sa UPD na magtutuloy ang kapatid ko nang pag-aaral niya sa kurso niyang Engineering. Nakasalubong naman namin sa loob ng campus si Ate Cherry kaya sumabay na rin siya sa amin sa pag-eenroll." malumanay kong paliwanag sakaniya.

"Ah! Talaga? Napag-usapan nga namin ng Kuya mo isang beses yan na pangarap niya talagang makapag-aral at maging UP College Graduate. Hindi lang talaga natupad kaagad dahil mas pinili niyang makasama ka at masaksihan niya ang journey ng SHS life mo. Ngayon, unti-unti na siyang mangyayari at parehas niyo nang matutupad ang mga pangarap niyo na magkasama." nakangiting sagot niya sa akin.

"Mabuti na nga lang at nakapag-transfer siya kaagad. Dalawang taon na lang, may kapatid na akong Engineer." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Apat na taon na lang, may girlfriend na akong Flight Attendant." nakangiting sagot niya sa akin.

Saglit akong napahinto at tiningnan ko siya sa mata ngunit bigla naman niya akong nginitian habang pinagmamasdan ang aking mukha.

"Naks, pakilala mo naman siya sa akin ah?" nakangiting biro ko sakaniya.

"My future Flight Attendant girlfriend is here." nakangiting sabi niya sa akin.

"Where?" naguguluhang tanong ko sakaniya.

"In front of me." nakangiting sagot niya sa akin.

Luminga-linga ako sa paligid ngunit kami lang pala ang naririto.

Saan ba?!

Hindi ko naman makita eh!

Napatango-tango lamang ako nang mapagtanto ko ang nais niyang iparating sa akin.

"So ako ang future Flight Attendant na nais mong maging girlfriend?" natatawang tanong ko sakaniya.

"Hindi lang girlfriend, aasawahin pa kita." nakangiting sagot niya sa akin.

Hala, parang baliw naman to!

Enebe!

"Naks two in one! Girlfriend na, asawa pa." natatawang biro ko sakaniya.

"I need you in my life, you're my necessity. You're everything that makes my complete, the only thing that I'll ever see." nakangiting sabi niya sa akin.

"You always ask me what I like about you, now I know. I love it all." nakangiting sagot ko sakaniya.

"When I always think of you, I am become addicted. You're just a drug that no rehab can fix it." nakangiting sabi niya sa akin.

"Bawal yan, pwede kang makulong dahil sa drugs." natatawang pangaasar ko sakaniya.

"Kung makukulong lang rin naman ako, gugustuhin ko nang sa puso mo ako maging preso." natatawang banat naman niya sa akin.

Nakarating na kami sa sakayan habang nag-aasaran at nagku-kuwentuhan sa daan.

"Sumakay ka na muna para mas malaki ang space mo sa jeep. Baka mahirapan ka kapag dumami na ulit ang pasahero." kalmado niyang paalala sa akin.

Sinunod ko ang nais niya at nauna akong sumakay kaysa sakaniya. Sumunod rin naman siya kaagad sa akin pagkatapos ay kaagad namin pinaabot ang bayad.

"Ayos ka lang sa puwesto mo? Hindi naman ikaw nahihirapan?" nagaalalang tanong niya sa akin.

"Hindi naman. Ikaw ba?" malumanay kong tanong sakaniya.

"Basta kasama kita, magiging ayos lang ako." nakangiting sagot niya sa akin.

Maraming bagay ang aming napag-usapan habang nasa byahe kami papuntang book store. Mabilis-bilis rin ang pagtakbo ng jeep kaya hindi rin kami ganoong nainip.

Ilang minuto lang at natanaw na namin ang book store kung saan ako bumibili ng mga school supplies sa tuwing sasapit ang panibagong school year.

"Malapit na tayo madam. Gusto mo parahin na natin?" kalmadong tanong niya sa akin.

"PARA PO!" malakas naming pagpara sa jeep driver upang mabilis niyang maihinto ang sasakyan.

Mabilis naman inihinto ng jeep driver nang marinig niya ang malakas naming sigaw ni Czheandrei.

Bumaba na kami ng jeep at naglakad kami papuntang book store.

"Wala ka bang bibilhin rito sa book store? Pwede ka naman sumabay sa akin bumili kagaya ng dati." malumanay kong sabi sakaniya.

"Nakapamili na ako ng mga gamit sa school simula noong nalaman kong nakapasa ako sa UPD." kalmadong sagot niya sa akin.

"Sigurado ka? Baka mabored ka sa kakaikot ko sa book store." pagsisigurado ko pa sakaniya.

Noong naglalakad kami papasok ng book store ay bigla kaming napalingon nang may tumawag kay Czheandrei.

"Kap!" malakas na tawag kay Czheandrei.

Nakita ko sina Danerie, Kiel and Edward na magkakasamang naglalakad papunta sa direksyon namin.

"Uy kamusta? Balita ko, sa DLSU raw kayo papasok ngayong College?" nakangiting sabi ni Czheandrei sa tatlo.

"Kap, ayaw ba namang mapahiwalay ng dalawa ito sa akin!" natatawang sagot ni Danerie kay Czheandrei.

"Mahirap na, wala kang bantay. Wala si Vee sa tabi mo."  natatawang biro ko kay Danerie.

"Totoo Pres! Bantay-sarado samin yan ngayon lalo ni Edward HAHAHAHA!" natatawang sagot sa akin ni Kiel.

"Pres naman! Wala talaga akong magagawa kasi sa UST talaga ang dream school ni Vee. Kailangan talaga namin mag-separate for 4 years para makagraduate." malungkot na sagot sa akin ni Danerie.

"Sus clingy ka lang talaga kay Mamsh Vee kaya ayaw mong mag-separate kayo ng school." natatawang biro ni Edward kay Danerie.

Napatingin naman ako sa tatlong babae na pamilyar ang mukha sa akin. Noong lumabas sila ay saka ko lamang sila nakilala.

Ang tatlong bestfriends ko. Sina Chezka, Nicole at Ysabel.

"Uy girl kaloka ka ha! Inaaya ka namin sa book store, hindi ka sumasama." natatawang bungad ni Nicole sa akin.

"Siguro nagde-date kayo ngayon ni CJ no? Pinagpapalit mo na ba kami sakaniya?" pagdra-drama ni Ysabel sa akin.

"Sakit mo naman sa puso girl, akala ko ba bestfriends tayong apat?" panggagatong pa ni Chezka.

"Kumalma nga kayo, sasamahan lang ako ni CJ sa mga agenda ko today. Late na rin kasi kayo nag-aya kaya naka-oo na ako sakaniya. Tumutupad lang ako sa napag-usapan."  natatawang sabi ko sakanilang tatlo.

"Uy nag-aaya raw sina Claire na malapit sa mall dito sa book store." nakangiting anunsyo ni Ysabel sa amin.

"Mauna na kayo, susunod kami ni Adrixeinna mamaya. Bibili pa siya ng mga school supplies. Sasamahan ko lang siya." kalmadong sagot ni Czheandrei kay Ysabel.

"Sige, iintayin na lang namin kayo sa Chowking doon sa katapat ng Goldilocks okay?" malumanay na sabi sa akin ni Nicole.

"Got it!" nakangiting sagot ko kay Nicole.

Naglakad na silang anim papunta sa malapit na mall dito sa book store.

Pumasok na kami ni Czheandrei sa loob ng booksore at  Kumuha ako ng isang basket para magtingin-tingin ng mga school supplies.

Tumingin ako kay Czheandrei na kanina pang sunod lang ng sunod sa akin.

"Pwede bang paabot noong reference books doon sa may pinakataas? Hindi ko maabot eh, mas matangkad ka sa akin." malumanay kong pakiusap ko sakaniya.

Sinunod lamang niya ang aking nais at itinuro ko ang mga kailangan kong reference books para sa 1st semester ko ngayong College.

Kumuha na kaagad ako ng binders, papers, folders, pens, pencils, highlighters, tape, stapler and paper clips.

Matapos kong mailagay lahat iyon sa basket ko ay nagpunta na ako sa counter upang bayaran lahat ng items na kinuha ko.

"Hindi ka ba bibili ng libro ngayon?" kalmadong tanong niya sa akin habang hinihintay kong matapos ang resibo ng mga napamili ko.

"Hindi ko pa natatapos ang mga binili mo para sa akin. Ito na lang munang mga kailangan ngayong 1st semester ang bibilhin ko." nakangiting sagot ko sakaniya.

"Ah ganoon ba? Mabuti naman. Sana nasiyahan ka sa mga librong binili ko para sayo." nakangiting sabi niya sa akin.

Natapos na ang resibo sa mga napamili ko sa book store kaya kaagad ko na itong binayaran pagkatapos ay ibinigay ng counter ang sukli ko na kaagad ko namang tinanggap.

"Akin na yang mga pinamili mo, ako na ang magbubuhat." nakangiting alok niya sa akin.

"Huwag na, nakakahiya!" namumulang sabi ko sakaniya.

"Ako na, mabigat yan oh." nakangiting sagot niya sa akin at kinuha sa aking mga bisig ang lahat ng aking mga napamili rito sa book store.

"Ayos lang ba talaga sayo? Hindi ka mahihirapan?" nagaalalang tanong ko sakaniya.

"Basta para sayo, walang bagay ang hindi ko kakayanin." nakangiting sagot niya sa akin.

Nagpunta kami ni Czheandrei sa mall na malapit rito sa book store upang kitain sina Claire sa Chowking.

Ilang kilometro lang ang nilakad namin ni Czheandrei at natanaw naman kaagad namin sina Danerie na nakakakaway sa amin.

"Uy ang bilis naman ng alone time niyo Kap!" natatawang biro ni Danerie kay Czheandrei.

"Magtigil ka nga Del Rosario, nasaan ba ang mga kasama natin?" mausisang tanong ni Czheandrei kay Danerie.

"Nasa loob sila, ako na lang ang sumalubong sainyo dahil kumukuha na sila ng mga order nating lahat." kalmadong sagot ni Danerie.

Naglakad kami nina Czheandrei papunta sa table kung nasaan sina Claire sa Chowking.

11:58 AM

Napangiti ako na kumpleto kaming lahat ngayon sa table na magkakaroon ulit ng panibagong gathering sa squad.

"Uy naka-order na kami para sainyo ni Czheandrei. Mag-wait na lang tayo diyan." nakangiting sabi ni Claire sa amin.

"Salamat ha?" nakangiting sagot ko kay Claire.

"You're always welcome, Pres. Deserve natin ito lahat." nakangiting sabi ni Claire sa amin.

"Sinong mga taga-UP rito?" nakangiting tanong ni Ysabel sa aming lahat na naririto.

"Kami nina Adrixeinna." nakangiting sagot ni Czheandrei kay Ysabel.

"Sino-sino?" nakangiting tanong ni Ysabel kay Czheandrei.

"Si Adrixeinna, Ate Cherry, Kuya Adrixennus at ako. Yun pa lang ang alam ko." kalmadong sagot ni Czheandrei kay Ysabel.

"Sa UST sino?" nakangiting tanong ni Gladys sa aming lahat na naririto.

"Si Shai and Vee yata sa UST sila." nakangiting sagot ni Nicole kay Gladys.

"Sa DLSU?" nakangiting tanong ni Chezka sa aming lahat na naririto.

"Si Danerie, Kiel, Edward at Nicole." nakangiting sagot ni Claire kay Chezka.

"Uy kasabay ko rin yata si Claire sa ATENEO ngayon." nakangiting sabi ni Yvonne sa aming lahat.

"Saka si Torres, kasama rin yata natin sa ATENEO." nakangiting sagot ni Claire kay Yvonne.

"Grabe, mga College na tayo. Ang bilis ng panahon. Hindi ko inakala na aabot tayo sa ganitong punto na magkakasama at kahit magkakahiwalay man tayo ng mga school ngayon. Sana walang magbago sa atin. Ito pa rin tayo, hanggang sa huli." nakangiting sabi ko sakanilang lahat.

Friendship Who Have God Together, Blessed Together!

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so I can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiastwp.

Comment